• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2024

Nag-sign off na bilang sa Mokang sa ‘Batang Quiapo’: LOVI, nagpapasalamat kay COCO at sinabihang magpahinga rin

Posted on: January 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SIGN off na si Lovi Poe bilang Mokang sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’. Umere ang kanyang last episode sa serye noong Huwebes ng gabi.

 

Matapos umere ang episode ay nag-post si Lovi ng pasasalamat at mensahe kay Coco Martin at sa buong team kalakip ang video ng kanyang mga eksena sa serye.

 

“I am truly blessed to have been part of a project that represents my father’s name. It was a first and it will always mean the world to me. My deepest appreciation to Sir Deo, Tita Cory and ABS-CBN for this opportunity. You have given me a missing piece to my puzzle. For that, I will always be grateful.

 

“A big part of my 2023 was breathing life into a character I have grown to love — what a privilege it was to play Mokang. She was a fighter and she taught me how it is to truly be free. It really was a tough decision for me to make but I have decided to turn the page.

 

“To my Batang Quiapo team, the depth of your creativity and imagination knows no bounds and I know you will continue to soar high. I will always be cheering for all of you from afar. Mami-miss ko kayo ng malala,” sey niya.

 

Kasunod nito ay nagbigay siya ng mensahe kay Tanggol at kay Coco bilang direktor at bilang aktor.

 

Bilang direktor ay nagpasalamat siya kay Coco sa pagpapatuloy nito sa legacy ng kanyang ama.

 

“To my dearest tagapagTANGGOL, maybe in another life? Direk Coco, my dad’s legacy is in great hands. Salamat at pinagpapatuloy mo,” sey ni Lovi kay Coco.

 

Pero sabi rin niya, magpahinga rin daw ito.

 

“Coco, I will always be one of your biggest fans. Please try to get some sleep.”

 

Sa huli, sinabi niya na, “At sa mga nagmamahal kay Mokang, sobrang mahal ko din kayo. Maraming maraming salamat poe,”

 

“Inyong tropa, Mokang…now signing off,” ang pagtatapos ni Lovi.

 

***

 

TAGUMPAY ang ’49th Metro Manila Film Festival’ base sa naging post ng MMFF spokesperson na si Noel Ferrer na sa loob ng sampung araw, sumampa na ng 700 million mark.

 

Kumpara sa kinita talaga ng MMFF noong isang taon, talagang napakalaki ng difference at ‘di malayong sumampa ito ng bilyon habang ongoing.

 

May bali-balita rin ang posibilidad na ma-extend pa ang 2 weeks showing nito sa mga sinehan.

 

Ang pelikulang ‘Rewind’ na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinaka-top grosser sa lahat ay napapanood na rin ngayon sa Guam, USA.

(ROSE GARCIA)

Maraming kinilig sa short but sweet birthday message: LIZA, nagpasalamat at ‘forever grateful’ kay ENRIQUE

Posted on: January 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG ni Liza Soberano ang kanyang 26th birthday last January 4 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng amazing concept photos.

 

Sa kanyang IG post, makikita ang series of photos na kinunan ng celebrity photographer na si Shaira Luna noong nakaraang taon, na kung saan in-enjoy ni Liza ang isang rainbow cake.

 

Caption ng aktres, “They say “You can’t have your cake and eat it too” but life is short so watch me try. Here’s to 26!!

 

 

“Been holding on to these amazing concept photos I shot with the incredible @shairaluna a year ago. We were even joking about using them for my 26th birthday post. Jokes on you team, I can finally put these to good use!!! Haha.

 

“Thank you everyone for the loving messages. Grateful for everyone who makes me feel special by showing their love and support today and everyday!”

 

(Please don’t take the [middle finger emoji[ too seriously. Just channeling the Tumblr girl angst we all have inside us [face with tears of joy emoji]).”

 

Samantala, marami naman ang nagulat sa short but sweet message ni Enrique Gil sa kanyang ex-girlfriend na si Liza.

 

 

Mismong kaarawan nitong Huwebes, nag-upload ang Kapamilya actor sa Instagram story niya ng photo nila ni Liza at may caption na,

 

 

“Happy Birthday our dear hopie!!! I’ll always have your back no matter what. Wish i was there to celebrate your special day [white heart emoji].”

 

 

Matagal na ngang napapabalitang tapos na ang mahigit limang taon na relasyon ng LizQuen, kahit wala pa silang inaamin sa publiko.

 

 

Noong December 1, 2023, may nasulat na sa isang unreleased interview ni Liza ay inamin daw ng aktres naghiwalay na sila ni Enrique noong October 2022 pa.

 

 

Nakiusap daw si Liza na huwag ilabas ang naturang interview sa kanya kaya hindi ito napanood ng publiko.

 

 

Anyway, nag-react naman si Liza sa birthday greeting ni Enrique sa Instagram.

 

 

“Thank you! Forever grateful for you.,” pahayag ni Liza, na kinakiligan ng netizens.

 

(ROHN ROMULO)

Forever grateful dahil maraming magagandang nangyari: KIM, pinupuri ng netizens dahil sinama pa rin si XIAN sa ‘2023 recap’

Posted on: January 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA pagsisimula ng bagong taon, nag-post si Kim Chiu sa kanyang Instagram account ng positibong mensahe.

 

Kalakip nito ang series of photos, at kasama rin ang mga close friends na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban, na naka-tag din sa naturang post.

 

May caption ito ng, “DAY 1 of 2024!

 

“Start of a new year, new chapter to open, new beginnings and new new. Kung ano man yun. Lets go! Special shout out to my momsys for giving me the best core memory ever! Love you both so much! Momsy bely shots at 12nn be like @bela @iamangelicap
“Cheers to #2024! #Chiurista #ootdksyc.”

 

Kasunod nito ang pinag-uusapang video post niya noong January 4.

 

Simula ng caption, “My 2023 recap!⏪ (kasama ang fast reverse button emoji)

 

“So many things can happen in a year, and 2023 was an example for me. 365 days of emotions, up, side, down. It was an intense year of personal growth. It tested my faith and a lot of learnings, wins and losses,” pagpapatuloy niya.

 

“I couldn’t gather all my emotions, which felt overwhelming—so many sentimental moments, breakdowns, and breakthroughs. I am thankful for all the amazing people I worked with, the perfectly amazing people surrounding me as well and met/gained new friends. I am grateful for all the trust and opportunities given to me. I am thankful for the highs and also grateful for the lows.

 

“Life comes by surprise, and it’s up to you how you walk through it. Life is a test, and all I know is you have to keep walking and moving forward. Stop for a while, cherish every moment, and think about what was. To everyone who supported me along the way, please know that I am deeply thankful, and I appreciate each one of you.

 

“Plus, I am thankful that in 2023, I was a noona (DreamMaker) to my dream chaser babies, getting you into the colorful existence of Melanie Dela Cruz (FitCheck) and entering the dark world of Juliana Lualhati (Linlang) plus a glimpse of the charming life of Secretary KIM (What’s Wrong with Secretary Kim).

 

“I am forever grateful. #2023 , you are differently amazing. #2024 , please be more amazing!”

 

Marami naman ang nag-react na netizens at karamihan sa kanila ay pinupuri nila si Kim, dahil sinama pa rin niya ang dating boyfriend na si Xian Lim.

 

“Awww buti pa si Kimmy sinama pa rin si Xian sa recap nya. Samantalang si Xian feeling di na naging part sa buhay nya si Kim. Happy New Year Kimmy keep looking forward.”

 

“I’m proud of you Kim. Hala salamat dahil part nga si Xian ng 2023 mo may picture kayo together kilig naman ako dun. sana sa 2024 at many years pa maging parte pa din sya ng buhay mo baka sakali.”

 

“Such a beautiful strong woman! You should be proud of yourself! Because we are all your fans.”

 

“Ma it was a great year! Thank you for making me part of that ride! Cheers for more memories to cherish! Love you ma!”

 

“Looking forward for more #worryfree moments with the honeybears this 2024 with you @chinitaprincess.”

 

“Kim has long moved on kaya sinama pa niya si X. I love her maturity. Past is past na. 2024 na tayo wala na yan sa next recap.”

 

Ibang klase Rin talaga Ang nag iisang Kim chiu very mature na huhu proud of you to the point na pwede naman niyang Hindi na isali si Xian pero Sinali niya parin Kasi talaga in-acknowledged parin niya na she’s still part of past na kanyang chinecherish, love you ate Kim chiu sana this 2024 mahanap mo yung happiness na deserve mo.”

 

“Love this Kim. I admire how you’re handling your heartbreak. Acceptance is the ultimate sign of strength and you’re lucky to be surrounded by people who love you.”

 

“Good luck Kim !!!! always keep your feet on the ground .. stay beautiful inside and out…”

(ROHN ROMULO)

Naputukan nitong New Year 585 na; nasapol ng ligaw na bala dumami

Posted on: January 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUMAMPA na sa halos 600 katao ang bilang ng nadidisgrasya ng paputok atbp. paingay sa pagpasok ng 2024 habang nadagdagan naman ng dalawa pa ang bagong kaso ng stray bullet injuries, ayon sa Department of Health.

 

 

Ayon sa DOH ngayong Huwebes, nadagdagan pa kasi ng 28 fireworks-related injuries mula ika-3 hanggang kaninang madaling araw.

 

 

“May dalawa pang kumpirmadong stray bullet injuries (SBIs). Isang kaso ng SBI ay 28/M mula sa NCR na nabalian ng pangalawang daliri sa kaliwang paa dahil sa ligaw na bala,” wika ng DOH.

 

 

“Ang isa pang kaso ng SBI ay isang 60-taong-gulang na lalaki mula sa CAR na nabalian kanyang kaliwang collar bone. Nagpapatuloy ang koordinasyon sa pagitan ng DOH at PNP para sa lahat ng ulat ng mga SBI.”

 

 

Kabilang sa mga bagong talang nadisgrasya ang mga sumusunod:

 

lalaki: 23

babae: 5

pinakabata: 6-anyos

pinakamatanda: 62-anyos

dahil sa ligal na paputok: 13

dahil sa iligal na paputok: 15

naospital: 9

 

 

Halos lahat sa mga naputukan o 25 sa mga kaso ay nangyari sa kani-kanilang bahay at mga lansangan.

 

 

“Tandaan na ang mga pinsala at pagkamatay mula sa ligaw na bala at ‘aksidente’ dahil sa kalasingan ay maiiwasan. Hindi dapat maghalo ang baril, paputok, at alak,” dagdag pa ng DOH.

 

 

“Ang mga pulis, mga lokal na pinuno, at mga komunidad ay dapat magtulungan upang lumikha ng isang mas ligtas at malusog na komunidad, lalo na sa mga panahong ito ng pagdiriwang.”

 

 

Aabot naman na sa 585 ang napinsala sa kabuuan kaugnay ng pagdiriwang ng holiday season. 581 dito ay dahil sa paputok, isa dulot ng watusi habang tatlo naman ang nadali ng ligaw na bala.

 

 

Mahigit kalahati ng mga survivors ay sinasabing nagmula sa Metro Manila, bagay na pumapatak na sa 311.

 

 

Pinakamarami sa mga nadisgrasya ay nanggaling sa mga sumusunod na rehiyon:

 

National Capital Region: 54%

Ilocos Region: 10

CALABARZON: 8%

Central Luzon: 7%

 

 

Sinasabing 96% ng mga nadisgrasya ay nangyari sa mga bahay at lansangan. Karamihhan din ay lalaking may aktibong pakikilahok sa paputok.

 

 

Karamihan naman sa lahat ng mga FWRIs ay dulot ng mga sumusunod na paputok, ang mga iligal ay minarkahan ng asterisk: Kwitis, 5-star, Whistle Bomb, Pla-pla, Boga, Luces at Fountain.

 

 

Matagal nang hinihikayat ng DOH ang publikong umiwas sa paputok tuwing papasok ang Kapaskuhan at New Year at sa halip lumipat sa mas ligtas na paingay. (Gene Adsuara)

Mahigit 27,000 barangay, nalinis na mula sa illegal na droga- Malakanyang

Posted on: January 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 27,968 barangay ang nalinis na mula sa illegal na droga.

 

 

Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos tukuyin ang report mula sa Philippine National Police (PNP).

 

 

Ayon sa PCO, tinatayang P10.41 billion na halaga ng narcotics ang nasabat o nakumpiska mula Enero hang gang Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

“That’s on top of 50 provinces, 1,160 municipalities, and 30 cities already have functional Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) already implementing anti-drug priorities at the local level,” ayon sa Malakanyang.

 

 

Idagdag pa rito, mayroong 74 established in-patient treatment at rehabilitation facilities ang nakatulong para tugunan ng drug menace.

 

 

Sinasabi pa rin na may 23 lalawigan, 447 munisipalidad, at 43 lungsod ang nagtatag ng kani-kanilang community-based drug rehabilitation programs (CBDRPs) para mas lalo pang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

 

 

Matatandaang, matagal nang itinutulak ni Pangulong Marcos ang ‘whole-of-nation approach’ sa pagharap sa drug abuse, nagpapahiwatig na maaaring itong mauwi sa chronic illness at social issues kung maiiwan na hindi natutugunan at naaalis.

 

 

Aniya, ang approach ay dapat na kinabibilangan ng “prevention, treatment, rehabilitation, at law enforcement” upang matiyak na maipatutupad ang Philippine Anti-Illegal Drug Strategy.

 

 

Matatandaang sinabi ng Punong Ehekutibo na itutuon ng administrasyon ang pansin nito sa rehabilitasyon para masawata ang drug menace, ibang atake ito mula sa ‘bloody war’ ng kanyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paglaban sa illegal na droga.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang paglansag sa drug syndicates ay kailangan para matugunan ang problema.

 

 

“Under the Marcos administration, the Dangerous Drugs Board would continue to implement the Barangay Drug Clearing Program (BDCP), with the goal of attaining 100 percent drug-free or drug-cleared barangays by 2028,” ayon sa PCO. (Daris Jose)

Laurel, binalasa ang liderato ng DA

Posted on: January 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malawakang balasahan ang ikinasa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa liderato ng Department of Agriculture (DA).

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng DA na ang reshuffling o pagbalasa sa mga ‘key management positions’ sa loob ng departamento ay “meant to more efficiently carry out President Ferdinand Marcos Jr.’s marching orders to modernize the farm sector and ensure the country’s food security.”

 

 

Tinuran ng Agriculture Department na nauna nang nagpalabas si Laurel ng serye ng special orders na muling nagtatalaga sa ilang pangunahing opisyal ng DA “to better harness their talents and vast experience.”

 

 

Sa katunayan, kailangan nang isuko ni Senior Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang kanyang “multiple roles” matapos na italaga siya bilang adviser ng DA chief sa ilalim ng Technical Advisory Group ng Kalihim, gamitin ang malalim nitong pang-unawa sa farm sector, partikular na sa rice production.

 

 

Si Sebastian ay nauna nang itinalaga bilang Undersecretary para sa Rice Industry Development Program.

 

 

Pinalitan ni U-Nichols Manalo si Sebastian sa DA rice unit. si Manalo, pinangalanan bilang director ng National Rice Program —kung saan hahawakan ni Manalo ang nasabing posisyon kasabay ng kanyang posisyon bilang director IV at officer-in-charge-director ng field operations service, at director ng national corn program.

 

 

Samantala, itinalaga naman si Secretary Arnel de Mesa bilang full-time spokesperson ng DA.

 

 

Dagdag pa rito, aakto naman si officer-in-charge (OIC) Undersecretary for Operations Roger Navarro bilang OIC-Undersecretary for Rice Industry Development, OIC-national project director of the Philippine Rural Development Project, at OIC-Assistant Secretary for Operations.

 

 

Si Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate ay itinalaga bilang Undersecretary for Policy, Planning and Regulations “in a concurrent capacity.”

 

 

Itinalaga naman si Undersecretary Mercedita Sombilla para pangasiwaan ang operasyon at makikpag-ugnayan sa mga programa ng DA Bureaus.

 

 

Itinalaga naman si Chief Administrative Officer at OIC director for financial and management service Thelma Tolentino bilang Undersecretary-designate for Finance.

 

 

Inatasan naman si Undersecretary Agnes Catherine Miranda na pangasiwaan, mamahala sa mga operasyon at I-coordinate ang mga programa ng DA Attached Agencies at Corporations.

 

 

Tinuran pa ng DA na lumikha si Laurel ng isang team na tutugon sa mga “concerns, requests and facilitate submissions” ng DA sa Office of the President-Presidential Management Staff.

 

 

“Further changes in the DA leadership are likely given the temporary nature of certain appointments and the additional work load placed on the shoulder of certain officials,” ayon sa DA. (Daris Jose)

Kaabang-abang ang pagsasama nila Coco: ALDEN, napagod na sa isyung pinagdududahan ang kanyang pagkalalaki

Posted on: January 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA recent vlog ni Toni Gonzaga na may titulonh “What Alden Is Tired Hearing About,” hinahayaan na lang ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung ano ang gustong isipin ng mga tao tungkol sa kanya.

 

 

Ayaw na ngang pansinin ng Kapuso actor ang isyu na patuloy na pinagdududahan ang kanyang gender identity dahil sa hanggang ngayon loveless pa rin siya.

 

 

“Kung sa tingin niyo bading, fine,” pahayag ni Alden.

 

 

“Ang iniisip ko nga minsan, kapag may ganu’ng mga rumors, wala na bang iba?” sabi pa niya.

 

 

“‘Yung judgment call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin, ang dali because of that fact (na wala siyang girlfriend).

 

 

“But, ako, parang, pupunta ba ako sa route na ‘yon dahil gusto ko lang mang-please?” dagdag pa niya.

 

 

Ayaw na ngang pansinin ni Alden ang naturang isyu dahil kontento na siya sa kanyang buhay, kahit wala pa siyang girlfriend.

 

 

“I’m happy, perfectly happy with what I have, what I’m able to do at the moment, I seize every opportunity, sayang eh, there’s time for that,” pahayag pa niya.

 

 

Sa naturang interview ni Toni, muling sinagot ni Alden na wala silang anak o love child ni Maine Mendoza na kanilang itinatago sa publiko. Hindi rin totoo na ikinasal sila.

 

 

Nagkaroon daw sila ng heart to heart conversation ni Maine bago ito nagpakasal kay Cong. Arjo Atayde noong July 28, 2023 sa Baguio City. At nasabi naman niya ang gustong sabihin.

 

 

At makikita naman ngayon na masaya na nga ang dating ka-loveteam sa buhay may asawa.

 

 

Pag-amin pa ni Alden tungkol naman sa phenomenal tandem na AlDub, “you know going back, sometimes before I go to sleep. I still, sinisilip ko pa rin ‘yun clips ng Kalyeserye.

 

 

“Nakatutuwa kasi, malaking blessings kasi ‘yun para sa amin. Grateful talaga kami, sobra.”

 

 

Parang napagod daw siya sa pag-a-address sa bashing. Kaya wala raw sinagot sa mga namba-bash, lalo na post at kung meron man sa 13 years niya sa showbiz at mabibilang sa kanyang kamay.

 

 

Inamin din ni Alden na, “I’m a pleaser. Sobra, by all means. Sa work, how I handle my people?

 

 

“Kaya minsan ‘pag may mga events or public gatherings, minsan sincerity and authenticity ko naku-question. Na parang ang plastic ko raw.”

 

 

Na-burnout din si Alden sa noong 2016 hanggang 2017, na umabot pa raw ng 2018.

 

 

“For three months straight, tumutuhog po ako ng commercials. Yes, you grateful, for sure you have that feeling sometimes na, ‘Is this the price I have to pay?’ Na papatayin ko ang sarili ko sa trabaho, dahil tanggap ako ng tanggap.”

 

 

Hindi rin niya malilimutan ang sinabi ni Mr. Tony Tuviera na, “ang labanan sa showbiz industry, hindi pasikatan, kundi pahabaan. At hindi rin paramihan ng trabaho, kundi hanggang kailan ka nandyan.”

 

 

Samantala, nitong January 2, ipinagdiwang ng Kapuso star ang kanyang 32nd birthday.

 

 

Last year, nakadalawang pelikula si Alden nitong 2023 ang pelikulang pinagbidahan nila ni Julia Montes na “Five Breakups and A Romance,” at ang Metro Manila Film Festival entry na “Family of Two” na kasama si Sharon Cuneta, na naging instant mommy niya at ganun nga sila ka-close ngayon.

 

 

Ngayong 2024, dapat abangan si Alden sa upcoming historical drama ng GMA Network na “Pulang Araw,” kasama sina Sanya Lopez, Barbie Forteza, at David Licauco.

 

 

First time ding magdi-direk si Alden, sa pelikulang pagsasamahan nila ni Heaven Peralejo na may working title na “Out of Order.”

 

 

At bago nga natapos ang taon, lumabas na posible silang magsama ni Coco Martin sa isang dramatic film collaboration.

 

 

At dahil nga sa pagtatambal nila ni Julia sa movie, ay naging close din siya kay Coco, at ito ang aabangan natin sa kung magkakatotoo at makakapasok ang movie nila sa 50th Metro Manila Film Festival.

 

(ROHN ROMULO)

Dating asawa, puwedeng makulong sa kasong isinampa: CLAUDINE, nagkaroon ng ‘battered wife syndrome’ at ‘post traumatic disorder’ dahil kay RAYMART

Posted on: January 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKIUSAP ang isang kaibigang Sharonian na sana raw tigilan na raw ng mga pamba-bash kay Megastar Sharon Cuneta.

 

After kasi ng mga kung anik-anik na emote ni Ate Shawie sa kanyang instagram account ay sunod sunod na binatikos ang megastar.

 

Pero aware naman ang kausap namin na hindi raw naman apektado ang isang Sharon Cuneta.

 

“Siya si Sharon Cuneta, kahit anong gagawin niya may masasabi sila. Kaya sa totoo lang mahirap maging isang Sharon Cuneta,” sey pa ng kausap namin.

 

Kamakailan lamang ay nag-post si Ate Shawie ng mga larawan nila ni dating senador Francis “Kiko” Pangilinan kasama ang tatlong anak nilang mag asawa na sina Frankie, Miel at Miguel.

 

May mga nam-bash naman agad sa nabanggit na post ni Ate Shawie but kahit may mga gumawa ng intricacies, still higit na mas marami ang natutuwa na nakikitang happy family ang mag-asawang Sen. Kiko at Ate Shawie with their three kids, huh!

 

***

 

NAPANOOD namin ang latest vlog ng TV host na si Luis Manzano last January 2, 2004 kung saan ang guest niya ay si Claudine Barretto.

 

Inilabas ni Claudine ang ilang taon na raw niyang ikinikimkim ng sama ng loob sa dating asawang si Raymart Santiago.

 

Kahit may nakatakdang may paghaharap sa korte sina Claudine at Raymart, still walang preno at tuloy ang pagsisiwalat ng una laban sa huli, huh!

 

Nagsampa raw ng kaso si Claudine na kung mapapatunayan ay pasok sa violence against women and children or VAWC ang reklamo against sa dating asawa.

 

Ayon pa sa aktres ay nagkaroon daw siya ng ‘battered wife syndrome’ at ‘post traumatic disorder’ dahil kay Raymart.

 

Kung mapapatunayan ay siguradong makukulong si Raymart, huh!

 

Pero napailing si Claudine dahil baka siya raw ay mahihirapan kung makikita niya sa kulangan ang ama ng mga anak niya dahil anytime at pwede na raw mag-isyu ng “warrant of arrest” ang korte once na maisampa ng kasong VAWC sa dating asawa.

(JIMI C. ESCALA)

Listahan inilabas ng Malakanyang: PBBM sa publiko, planuhin ng maayos ang 2024 long weekends

Posted on: January 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa publiko na planuhin mabuti at maagang ayusin ang inilabas ng Malakanyang na ‘long weekends’ para ngayong taon ng 2024.

 

 

“Lubusin natin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay!” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang post sa Instagram.

 

 

“Paghandaan din nating mabuti ang ating mga transaksyon at bakasyon para sa isang produktibo at masaganang taon,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Ang mga long weekends ay:

 

March 28 (Maundy Thursday), 29 (Good Friday), 30 (Black Saturday) at 31 (Easter Sunday)

 

August 24 (Sabado), 25 (Linggo) at 26 (National Heroes Day)

 

November 1 (All Saints’ Day), 2 (All Souls’ Day) at 3 (Linggo)

 

December 28 (Sabado), 29 (Linggo), 30 (Rizal Day) at 31 (Huling araw ng Taon, isang special non-working day)

 

 

Matatandaang, Oktubre ng nakaraang taon, ipinalabas ng Malakanyang ang listahan ng regular at special non-working holidays para sa taong 2024.

 

 

Ang listahan ng regular holidays ay nakasaad sa ilalim ng Proclamation 368, may petsang Oktubre 11, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, dineklara ni Pangulong Marcos ang mga sumusunod:

 

January 1 – New Year’s Day

March 28 – Maundy Thursday

March 29 – Good Friday

April 9  – Araw ng Kagitingan

May 1 – Labor Day

June 12 – Independence Day

August 26 – National Heroes Day (Huling Lunes ng Agosto )

November 30 – Bonifacio Day

December 25 – Christmas Day

December 30 – Rizal Day

 

 

Gayunman, hindi naman kasama sa listahan ang Pebrero 25, tanda ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ang nasabing event ang tumuldok sa tinatawag na ‘decades-long rule’ ng ama ni Pangulong Marcos Jr. na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

 

Ang paliwanag ng Malakanyang, hindi isinama sa listahan ang pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution dahil ang Pebrero 25, 2024 ay pumatak sa araw ng Linggo.

 

 

Samantala, idineklara rin ng Malakanyang na holidays sa bilang lalawigan para gunitain ang kanilang founding anniversaries o pagdiriwang ng iba’t ibang kapistahan.

 

 

“Proclamation No. 424 declared February 3 a holiday in Cabanatuan City, Nueva Ecija, as this marks its 74th founding anniversary. On the other hand, through Proclamation No. 423, Palace also declared January 26 a special non-working day in Cadiz City, Negros Occidental for the celebration of the Dinagsa Festival,” ayon sa Malakanyang.

 

 

Sa Lipa City, Batangas, idineklarang holiday ang Pebrero 20 sa ilalim ng Proclamation No. 422 para ipagdiwang ang Coffee Festival.

 

 

Sa bisa naman ng Proclamation No. 417, idineklara ang Enero 29 bilang special non-working day sa Tantangan, South Cotabato para gunitain ang ika-63 taong anibersaryo at maging ang Kulitangtang Festival. (Daris Jose)

MIC Board nagsagawa ng 1st meeting, tinalakay ang fund capitalization

Posted on: January 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG MIC ay nagsisilbi bilang governing body ng Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office(PCO), tinalakay ng MIC Board ang fund capitalization at potensiyal na mga sektor na gagamitin para makamit ang multigenerational commercial, economic, at social development value creation.

 

 

“It likewise nominated Chairpersons for Board Committees, created additional Committees, and tackled other administrative matters,” ayon sa kalatas.

 

 

Dumalo naman sa pulong si Finance Secretary Benjamin Diokno, kasalukuyan ding nakaupo bilang MIC Board chairperson sa isang ex officio capacity, kasama sina MIC president at chief executive officer (PCEO) Rafael Consing Jr. umaakto naman bilang MIC Board vice chairperson.

 

 

Ang iba pang board members na dumalo sa miting ay sina Land Bank of the Philippines PCEO Ma. Lynette Ortiz, Development Bank of the Philippines PCEO Michael de Jesus, at mga director na sina Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco II, at Roman Felipe Reyes.

 

 

Present din sa miting ang Fund’s Advisory Body, binubuo ng Kalihim ng Department of Budget and Management kung saan ang tumayong kinatawan ay si Undersecretary Leo Angelo Larcia at Bureau of the Treasury Treasurer Sharon Almanza.

 

 

Ang MIC ay nilikha sa bisa ng Republic Act 11954, nagsisilbi bilang “primary vehicle for mobilizing and utilizing the MIF—the Philippines’ first sovereign wealth fund—for investments in transactions aimed at generating optimal returns on investments.”

 

 

“The MIF is the country’s first-ever sovereign wealth fund that will optimize national funds by generating returns to support the administration’s economic goal. It is in line with the Marcos administration’s 8-Point Socioeconomic Agenda for poverty reduction and Philippine Development Plan 2023 to 2028 for deep economic and social transformation,” ayon sa Malakanyang.

 

 

“The Fund is designed to catalyze economic development and accelerate the country’s growth by optimizing the use of government financial assets and promoting intergenerational management,” ayon pa rin sa Malakanyang sabay sabing “It will be invested in a wide range of assets, including foreign currencies, fixed-income instruments, domestic and foreign corporate bonds, joint ventures, mergers and acquisitions, real estate and high-impact infrastructure projects, and projects that contribute to the attainment of sustainable development.” (Daris Jose)