MAGTATAYO ang Department of Agriculture (DA) ng anim na cold storage facilities sa apat na onion-producing regions simula ngayong taon.
Layon nito na suportahan ang mga lokal na magsasaka.
Ang bawat pasilidad ay mayroong 20,000 bags na nagkakahalaga ng P40 million at itatayo sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa regions.
“Tayuan po ng mga storage facility nang sa gayon during peak season ng harvest, malagyan na. Hindi po sagot ang importation. Napakalaking potensyal po ng lugar namin,” ayon kay San Jose, Occidental Mindoro agriculturist Romel Calingasan sa Senate hearing.
Dalawang cold storage facilities naman ang itatayo sa Occidental Mindoro subalit ang inaalala ni Calisangan ay ang lokasyon.
“For instance, a planned facility in Rizal town is about 16 to 20 kilometers away from San Jose, the largest onion-producing area in the province. The other planned site in Sablayan is farther at 97 kilometers,” ayon sa ulat.
Sa kabilang dako, muling inulit ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na suportahan ang mga magsasaka, Iginiit na ang importasyon ay hindi dapat “long-term response” para protektahan ang mga magsasaka at makinabang ang mga consumers sa mababang commodity prices.
“We have to go back to the onion growers and help them so that we can have production, we don’t need to import. We became so used to importation… When we take supplies from abroad, its inflationary forces are also being brought to the Philippines,” ang wika ng Pangulo.
Samantala, nanindigan naman si Pangulong Marcos na kailangan pang umangkat ng sibuyas ng gobyerno dahil na rin sa kakulangan ng suplay nito.
“May nagsasabing onion, hindi kailangan mag-import. Papaano naman hindi kailangang mag-import? Tignan mo ‘yung production ng Pilipinas, tignan mo ‘yung demand, malayo talaga,” pahayag ni Marcos sa mga mamamahayag na naka-base sa Malacañang habang patungo sila sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland nitong Linggo.
Hindi rin aniya nagamit ang mga smuggled na sibuyas dahil kulang pa rin ito sa target na suplay nito kaya napipilitang umangkat na lang ang pamahalaan.
Kamakailan, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na aangkat ng sibuyas ang pamahalaan sa kabila ng nalalapit na anihan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga nakalipas na linggo.
Gayunman, nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo ng magsasaka dahil sa posibilidad na maapektuhan sila ng naturang hakbang. (Daris Jose)
DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Compendio Drug Group” na listed bilang high-value individual (HVI) ang nalambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
ISA sa mga lumapit sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para magpatulong ay may kakaibang karanasan sa pagbili ng sasakyan.
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na kahit pa magretiro na ay hindi pa rin makakatakas sa imbestigasyon at prosekusyon ang mga tinaguriang narco-cops o yaong mga pulis na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade sa bansa.
ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela.
NAG-POST si Suzette Doctolero, creative writer ng “Maria Clara at Ibarra,” ng listahan ng mga nagsipagwagi sa 7th GEMS Awards.
BAGSAK sa kulungan ang isang teenager na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
PATULOY na susulong ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng bagong hinirang na chairman na si Richard Bachmann.
LAST Sunday, nag-viral din pala ang tweet ni Janine Gutierrez na, “As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s event.”
Nagpahayag ng kasabikan si Filipino-American NBA player Jordan Clarkson para sa paglalaro niya sa 2023 FIBA World Cup sa buwan ng Agosto.