HINDI napigilan ang SPARKADA na si Vince Maristela na ipakita ang six-pack abs niya sa mediacon ng bagong GMA primetime series na ‘Luv Is: Caught In His Arms.’
Si Vince nga ang tinatawag na hunk ng SPARKADA dahil sa alagang-alaga ang katawan nito sa workout at diet.
Binuking nga ng ka-partner niya sa Luv Is na si Cheska Fausto na baon ni Vince sa lock-in taping nila sa Baguio City ang mga gym equipments nito.
Dagdag pa ni Cheska: “At si Vince, may sariling baon yan na pagkain, chicken breast. Di sya kumakain ng iba kundi yung lang. Kaya hanga ako sa pagiging maalaga niya sa katawan niya at naiimpluwensyahan niya kaming lahat to eat healthy.”
Kuwento ni Vince na 18 years old pa lang daw siya noong magsimula siyang maging health conscious at mag-workout. Kaya at age 22, batak na batak ang katawan niya as seen sa mga pino-post niya sa Instagram.
In the future daw ay okey sa kanyang tumanggap ng sexy roles.
“Pinapakita ko naman yung katawan ko sa IG, siguro okey lang sa ibang projects basta approved ng Sparkle at ni Mr. M (Johnny Manahan),” sey pa ni Vince.
***
KAHIT na hindi napanalunan ng Filipina international actress na si Dolly de Leon ang best supporting actress award sa nakaraang 80th Golden Globe Awards, nagawa naman niyang makarampa sa red carpet ng naturang event kasabay ang mga A-list Hollywood stars.
Ang local designer na si Norman de Vera ang napili ni Dolly para damitan siya for the awards nights. Nirampa ni Dolly ang black corset gown with matching opera gloves.
Inupuan daw ng aktres at ng kanyang stylist na si LJ Perez ang kanyang isusuot para sa red carpet. Kilala ang New York-based na si Perez sa pag-assist nito sa pag-create ng red carpet looks ng mga celebrities na sina Doja Cat, Lizzo, Shawn Mendez, and Barbie Ferreira.
Pinili ni Dolly ang fellow Pinoy and designer na si Norman de Vera na gumawa ng kanyang red carpet gown. Si De Vera ay kasalukuyang designer and image director ng AZ Factory by Alber Elbaz.
Dinamitan na niya ang mga international celebrities tulad nila Heidi Klum and Jennifer Lopez. Nagtrabaho rin siya sa fashion houses ng Céline, Lanvin, Nicolas Ghesquière’s Louis Vuitton, Calvin Klein, and Versace.
Super proud si De Vera na nakatrabaho niya si Dolly: “For me, she represents all the dreams, hard work, and dedication of every artist… This is a global Filipino moment. Our stories belong to the world stage.
“We are now being seen for what we have always been able to do! I always say there is space at the table. Kain na tayo!”
(RUEL J. MENDOZA)
NAGSIMULA nang mamahagi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidies sa mga tricycle drivers mula sa Metro Manila, Central Luzon at Ilocos Region.
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang contractor matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa live-in partner ng kanyang anak sa Navotas City, ng madaling araw.
Nasa Pilipinas ngayon si dating NBA player Nick “Swaggy P” Young.
Maagang nabigo sa tennis tournament si Alex Eala sa kanyang pro grand slam debut sa Australia Open.
IGINIIT ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na no way sa kanila at hindi uubra ang padrino system sa harap ng 1 libong mga bakanteng posisyon na kanilang bubuksan ngayong taon.
TRENDING ang husay ni Aiko Melendez sa isang eksena sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ Lunes ng gabi, January 9.
HINDI nagpahuli ang Cebuana actress na si Chai Fonacier kay French actress na si Eva Green British actor na si Mark Strong sa psychological thriller movie na Nocebo (Latin word for “I shall harm”) na hatid ng TBA Studios at EPIC Media na ipalalabas na sa mga sinehan sa Enero 18.
IN celebration of its 25th anniversary, a remastered version of James Cameron’s multi-Academy Award®-winning “Titanic” will be re-released to theaters in a remastered 3D version.
Tinapik ng F2 Logistics si Regine Diego para maging full-time na head coach ng Cargo Movers para sa 2023 Premier Volleyball League season.