• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 11th, 2023

Kelot na problemado sa relasyon sa ka-live-in, may arrest warrants, nagbigti, todas

Posted on: January 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang dalawang araw na pagkaka-comatose sa pagamutan, binawian ng buhay ang isang lalaking akusado sa pagnanakaw at problemado sa relasyon sa kanyang live-in partner makaraang magbigti sa Navotas City.

 

 

Alas-3:28 kamakalawa ng hapon nang ideklarang patay ng mga doktor sa Navotas City Hospital ang 29-anyos na biktima na naunang nadiskubre ng kanyang 20-anyos na live-in partner na nakabitin sa terrace ng kanilang tirahan sa Raja Matanda St. Brgy. Daang Hari dakong alas-8:30 ng gabi noong Biyernes.

 

 

Sa imbestigasyon ni Navotas homicide investigator P/Cpl. Florencio Nalus, alas-7 ng gabi noong Biyernes nang ipabatid ng biktima sa kanyang live-in partner na magpapahinga lamang siya sa terrace ng kanilang tirahan subalit nang hindi pa bumaba para maghapunan, pinuntahan ng ginang ang kinakasama at dito niya nakitang nakabitin ang kinakasama gamit ang lambat na duyan.

 

 

Humingi ng tulong sa kanyang mga kaanak ang ginang upang mapatid ang taling nakapulupot sa leeg ng biktima at kaagad nila itong isinugod sa naturang pagamutan kung saan dalawang araw siyang na-comatose bago tuluyang binawian ng buhay.

 

 

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na may problema umano sa pakikipag-relasyon ang biktima sa kanyang live-in partner, batay na rin sa naging pahayag ng kanyang kaanak, bukod pa sa may nakabimbing mga kaso sa sala nina Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano ng Branch 55 at Judge Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto ng Branch 120 ng Malabon City sa salang pagnanakaw. (Richard Mesa)

Kasunduan sa pagitan ng Pinas at China, makalilikha ng mas maraming IT-based jobs para sa mga Pinoy

Posted on: January 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang  top diplomat ng Pilipinas sa  China na ang kamakailan lamang na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ay makalilikha ng mas maraming job opportunities para sa mga  Filipino customer service providers.

 

 

Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan na naglalayong payagan ang mga Filipino na makakuha ng  “technology at technological knowledge” mula sa  China, inaasahan ni Ambassador Jaime FlorCruz na ang mga Chinese companies ay magsisimulang mag-hire o tumanggap ng mga Filipino bilang kanilang backbone para sa customer support.

 

 

“Call center po halimbawa. Marami pong Chinese companies, IT companies na nagre-rely, na kailangan ng customer service,” ayon kay  FlorCruz sa Laging Handa public briefing.

 

 

“Pero mahina po ang kanilang English staff, halimbawa. So, pwede po tayo doong makapasok, na magkaroon ng agreement with Chinese IT companies para Pilipino ang magiging backbone nila ng call center,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang IT industry ay nag-iisang industriya na pinalakas sa  three-day state visit ni Pangulong Marcos sa  China.  Kabilang sa iba pang industriya ay ang agrikultura at imprastraktura, kung saan mas maraming oportunidad ang inaasahan na malilikha  para sa mga Filipino.

 

 

Samantala, sinabi ni FlorCruz na isusulong naman ng   Philippine Embassy  sa China ang  people-to-people exchanges sa pagitan ng dalawang bansa ngayong taon.

 

 

Sisimulan ng embahada ang mga  programa na makapanghihikayat sa mga  Filipino na matutunan ang Chinese science, arts, at language, “considering that the Asian neighbor has had many breakthroughs in such fields.” (Daris Jose)

MAHIGIT 1 MILYON NAKIISA SA KAPISTAHAN NG NAZARENO

Posted on: January 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit isang milyong deboto ang nakiisa at nagtungo sa limang araw na aktibidad ng Quiapo church para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

 

 

Sa inilabas na crowd estimate ng Quiapo Church Operation Center kung saan kabuuang 1,268,435 ang mga nagtungo para dumalo sa mga aktibidad.

 

 

Sa Quiapo church lamang ay umabot sa 925,782 mula Biyernes,Enero 6 Hanggang ngayong Martes, Enero 10.

 

 

Sa Quirino Grandstand naman ay 254,653 katao o deboto ang nagtungo roon para sa Pagpupugay o ang dating ‘pahalik’ sa imahe .

 

 

Habang sa Walk of Faith noong madaling araw ng Linggo, Enero 8 ay nakiisa naman ang 88,000 deboto.

 

 

“We have indeed gotten to our target crowd of 2 million (far from the five million total projected  during the pre-pandemic Traslacion , but double the number during the pandemic Traslacion 2021)”, sabi ni Fr. Earl Valdez, ang attached priest ng Quiapo Church.

 

 

Sa kabuuang pagdiriwang , maituturing ng Simbahan at kapulisan na naging matagumpay ang ilang araw na aktibidad at walang anumang iniulat o naitalang anumang hindi kanais-nais na pangyayari. (GENE ADSUARA )