MAKATUTULONG na muling buhayin ang steel industry ng bansa ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.
“Kung titingnan po natin iyong 14 agreements, nakikita po naman natin na mukhang solid naman ang mga proyekto na nasa table ngayon. Halimbawa po, iyong agreement ng Baowu Steel at SteelAsia,” ayon kay Philippine Ambassador to Beijing Jaime FlorCruz sa isang media forum sa Quezon City.
“Ang ini-expect po natin ay magpapasok ng 1.5 to 2 billion dollar investment para magtayo ng unang-unang liquid steel plant,” dagdag na pahayag nito.
“So ang plano pong ito ay mag-uumpisa iyong ating steel industry. Kasi kung wala tayong steel industry na sarili, iyong manufacturing natin, lalo lagi tayong reliant on imports,” ang wika ni FlorCruz.
Sa ulat, tinatayang may 14 na bilateral deals ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa state visit nito sa China mula Enero 3 hanggang 5, kabilang na ang investment pledges na nagkakahalaga ng $22 billion.
Ang kasunduan na ito ay nasa sektor ng agrikultura, imprastraktura, development cooperation, maritime security, at turismo.
Sinabi ni FlorCruz na ang bilateral deals ay umaayon sa layunin at pangangailangan ng pamahalaan.
“Makikita po aligned ito sa ating pangangailangan dito. Hindi lang po ito dahil gustong magbenta ang China kung hindi dahil po kailangan natin at magbe-benefit tayo sa mga ganitong agreement,” ayon sa ambassador.
Aniya, ang kasunduan na nahamig ng Pangulo ay makapagde- deliver ng ” tangible benefits at concrete projects.”
“Paano po natin ma-assure na mangyayari ‘yung pinapangako? Hindi po madali. Kasi kailangan ng follow through at ‘yun ang importante. ‘Yung mga pledges po, una, ay ang tingin ko nanggagaling sa taas. Hindi lamang ng mga kumpanya, mga Chinese companies na nag-sign,” ani FlorCruz. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
CONGRATULATIONS to “Maria Clara at Ibarra!
TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Senior Usec. Jose Faustino Jr.
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Cheloy Garafil bilang Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
MAY GO SIGNAL na ang Department of Agriculture (DA) para sa importasyon o pag-angkat ng 21,060 metriko tonelada ng sibuyas para punan ang supply gap at pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng kalakal sa pamilihan.
Horror-comedy “Renfield” spurts non-stop action and thrills in its latest trailer reveal featuring Nicholas Hoult taking on the titular role as Dracula’s loyal and highly-stressed servant.
MARAMI ang natuwa sa cute na baby girl nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan Jayde na unang lumabas ang photo noong November 2022.
NANINIWALA ang isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon.
UMABOT sa P500 milyon ang kabuuang ticket sales ng Metro Manila Film Festival 2022, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Romando Artes noong Lunes.