• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2022

OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang  confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal.

 

 

Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac  na ang  P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance,  “Libreng Sakay” project, at livelihood programs.

 

 

Habang ang  P500-million “confidential expenses” ay gagamitin naman sa  mga programang may kinalaman sa  peace and order, at national security.

 

 

“The confidential fund was requested and will be utilized using the parameters set by the DBM (Department of Budget and Management) and the COA (Commission on Audit) in their joint circular,” ayon kay Munsayac.

 

 

“The position and mandate of the Vice President allows her to utilize those kinds of funds regarding peace and order and national security, especially [since] we have livelihood projects that will be implemented in conflict areas,” dagdag na pahayag nito.

 

 

At nang hingan ng komento sa usapin na mas  mataas ang budget na hiningi ni Duterte kumpara sa budget ni dating  Vice President Leni Robredo, sinabi ni Munsayac na may sariling “priority projects” ang bawat ahensiya ng pamahalaan.

 

 

“Bawat po head of agency, executive man yan o kung anong ahensya hawak niya, mayroon po silang priority projects at kami po, ang request namin na budget, iyan iyong sa tingin namin kailangan namin para i-implement namin iyong mga priority projects namin,” anito.

 

 

“Siguro iyong nakaraang administrasyon, mayroon silang certain projects at iyong budget nila ay sufficient na para doon,” ayon pa rin kay Munsayac.

 

 

Tiniyak ni Munsayac  na magiging  transparent  ang OVP sa paghawak ng pondo.  (Daris Jose)

First time gumawa ang Superstar ng anti-hero role: ‘Kontrabida’ ni NORA, nakatakdang mag-compete sa isang prestigious film festival

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG ganda naman ng balita na ang movie ni Superstar Nora Aunor titled ‘Kontrabida’ ay in competition this November sa isang prestigious film festival.

 

 

Hindi pa raw pwedeng i-reveal kung saan festival nakatakdang mag-compete ang ‘Kontrabida’ pero ngayon pa lang ay marami na ang excited dahil muling matatampok ang husay ni Ate Guy sa international scene.

 

 

Directed by Adolf Alix, Jr., kakaibang project for Ate Guy ito dahil first time niyang gumawa ng anti-hero role.

 

 

Produced by Joed Serrano, matagal na rin naman tapos ang pelikula pero naghihintay pa raw ang production ng magandang playdate kaya hindi pa ito ipinapalabas.

 

 

Kaya magandang balita na napili ang ‘Kontrabida’ para mag-compete sa isang festival. Kung mananalo ang movie ay magandang come on ito para ma-curious na mga tao na panoorin ito.

 

 

Kabilang sa movies ni Ate Guy na nag-compete abroad ay ‘The Flor Contemplacion Story’ for which she won Best Actress sa Cairo International Film Festival at ‘Thy Womb’ kung saan umani rin siya ng parangal hindi lang locally kundi internationally.

 

 

Matagal na rin naman since a movie of Ate Guy competed in an international film festival kaya nakaka-excite ang balitang ito.

 

***

 

MARAMI ang nagulat nang ianunsiyo ng Cannes Best Actress awardee na si Ms. Jaclyn Jose ang kanyang retirement.

 

 

“Masakit pero I have to go,” pahayag ng aktres sa kanyang post in her Instagram account.

 

 

May kinalaman ang kanyang mga anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guch sa kanyang desisyon to retire

 

 

Kung desidido na si Jaclyn na talikuran ang showbiz, ang ‘Bolera’ na ang magiging huling serye niya sa TV.

 

 

Tiyak na mami-miss ng kanyang mga fans ang mahusay na aktres, ang una artistang Pinoy na nagwagi sa Cannes.

(RICKY CALDERON)

Marcos nangako ng pantay na sahod sa government, private nurses

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkakaroon ng pantay na sahod ang mga nurse sa pampubliko at pribadong ospital.

 

 

“As part of our goal to raise the profile and improve the working condition of nurses, we seek to address the disparity in salaries between nurses in government hospitals with those in the private sector,” pahayag ng Pangulo sa 65th Nurses Week at 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association (PNA) na ginanap sa Manila Hotel.

 

 

Nabatid na ang mga nurse sa gobyerno ay kumikita ng P30,000 hanggang P40,000 kada buwan habang P8,000 hanggang P20,000 lang umano ang sahod ng mga nurse sa private.

 

 

Kinilala rin ng Pangulo ang naging ambag ng mga Pinoy nurse na pinaganda ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo dahil sa kanilang serbisyo at pag-asikaso sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID noong panahon ng pandemya.

 

 

Muling binanggit ni Marcos na noong tinamaan siya ng COVID-19 noong 2020 ay gumaling siya at iba pang pasyente na dinapuan din ng virus dahil sa mahusay na pangangalaga ng mga nurse.

 

 

Bukas din ang Pangulo na dagdagan ang quota sa deployment ng mga Pinoy nurses na nais magtrabaho sa ibang bansa.

 

 

Sa ngayon ay 7,500 ang limitasyon sa bilang ng Pilipino nurses na maaaring lumabas ng bansa kada taon upang doon magtrabaho.

 

 

Aminado si Marcos na kulang pa ang P25.82 bilyon halaga ng benefits na ibinigay ng gobyerno sa mga nurses.

 

 

Dapat aniya ay isama sa kasalukuyang benepisyo ang hazard duty pay, COVID-19 sickness at death compensation, meals, accommodation at transportation allowances, life insurance, Special Risk Allowance (SRA) at COVID-19 allowance. (Daris Jose)

TNT Tropang Giga tatapusin na ang SMB

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG pagsasara sa isang serye ang pinakamahirap gawin, ayon kay nine-time PBA champion coach Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga.

 

 

“I’ve always said it. The hardest game to win is the fourth game. So we have no illusions about it,” sabi ni Reyes sa pagsagupa ng Tropang Giga sa San Miguel Beermen sa krusyal na Game Six ng 2022 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Hawak ang 3-2 lead, sisikapin ng TNT na tapusin ang kanilang best-of-seven championship series ng SMB ngayong alas-5:45 ng hapon.

 

 

Puntirya ng PLDT franchise ang kanilang pang-pitong All-Filipino title at ika-siyam sa kabuuan.

 

 

“We know that it’s gonna be a battle, a difficult war. So we have to be prepared. All we can do is prepare ourselves — control the things that we can control and just be ready for Friday,” ani Reyes.

 

 

Kinuha ng Tropang Giga ang bentahe sa serye matapos agawin ang 102-93 panalo sa Game Five tampok ang pagkolekta ni one-time PBA MVP Kelly Williams ng 21 markers, 9 rebounds, 3 assists at 2 steals.

 

 

Bukod pa ito sa kanyang matibay na depensa kay six-time PBA MVP June Mar Fajardo na humahataw ng mga ave­rages na 20 points at 17.5 rebounds per game.

 

 

“My job is to just try to give him some resistance. Not make it easy for him and trusting that the guys are gonna be there to help pull the weight,” wika ng 40-anyos na si Williams.

 

 

Inangkin ng SMC franchise, hangad ang kanilang ika-28 PBA crown, ang 2-1 bentahe matapos kunin ang Games Two at Three bago nakatabla at nakalamang ang TNT sa pagbabalik ni Reyes.

Para sa horror-drama short film na ‘Umbra’: Newbie Pinoy film maker na si Direk MIAH, nag-uwi ng two international filmfest award

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKASUNGKIT agad ang baguhang Pinoy film director ang dalawang major film award sa dalawang international film festival sa India. 

 

 

Ito ay si Jeremiah P. Palma na nagdirek ng low-budget short film na ‘Umbra.’

 

 

Libo-libong pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban ng up-and-coming indie filmmaker, pero siya ang nakakuha ng Best Director award para sa horror-drama, na kung saan first time niyang mag-submit sa international film fests.

 

 

Siya ang itinanghal na Best Director sa  Roshani International Film Festival na pinangunahan ng Film Education and Welfare Foundation sa Aurangabad, India at sa Venus International  Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

 

 

Ginagamit ng festival ang media platform bilang instrumento para kumonek sa mga manonood sa iba’t ibang siyudad, bansa, at kontinente.

 

 

Ito ang ikatlong taong isinasagawa ang festival, na nilahukan ni direk Palma na siyang director-in-charge sa Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) Film Division, na nasungkit ang pangaral noong Hulyo 24, 2022 ng pelikulang UMBRA.

 

 

Bago sa FEWF, itinanghal muna siyang Best Director sa parehong  pelikula sa Venus International  Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

 

 

Si Palma ay kilala rin sa tawag na Direk Miah na nagsimulang magdirek ng music video at short films noong 2020.

 

 

Ang kanyang film outfit, ang MAYA Film kasama ang KSMBPI Film Division ay nag-collaborate para sa produksiyon ng ‘Umbra’, isang indie film na ipinakita sa  international film forum.

 

 

Ang dalawang international film awards na nakamit ni Palma ay malaking tulong upang lalong tumaas ang antas at kalidad ng pelikulang Filipino at magbubukas ng dagdag na oportunidad para sa industriya ng film industry.

 

 

Mapapanood din ang pelikula sa Pilipinas matapos maipalabas globally.

(ROHN ROMULO)

Ads September 3, 2022

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Highlights ng intimate ceremony ibinahagi ni Marco: JASON, ikinasal na kay VICKIE after mag-propose last year

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINASAL na sina Jason Abalos at Vickie Rushton noong September 1.

 

 

Si Jason, na kasalukuyang umuupong provincial board member in Nueva Ecija ay nag-propose kay Vickie noong September 2021.

 

 

Ang kaibigan ni Jason na si Marco Alcaraz ay nag-share ng ilang highlights sa intimate ceremony ng newly-weds sa kanyang Instagram account.

 

 

Kasama sa pinost ni Marco ay ang kiss nila Jason at Vickie sa kanyang IG Stories.

 

 

***

 

 

FIRST teleserye sa GMA ni Dominic Ochoa ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’.

 

 

Higit na 20 years na talent ng ABS-CBN 2 si Dom pero nagka-interes siyang tumanggap ng project sa Kapuso network.

 

 

Ang ganda raw ng experience ni Dom sa first lock-in taping niya sa GMA.

 

 

“Masaya, steady lang tayo rito, palaging nakangiti ang mga tao. ‘Yung pag-welcome ramdam na ramdam ko agad. From the staff, crew, the artists as well…

 

 

“So, nakakaengganyo magtrabaho. Siyempre, noong una… panibagong bakod to, e, but I felt really welcomed. Na-welcome talaga ako ng maigi, lalo nung unang araw ko pa lang.”

 

 

“One big happy set, happy family. Malaking bagay kasi ‘yun diba, kapag magaan ang set, magaan ang trabaho.”

 

 

Gaganap si Dominic sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ bilang si Michael Lobrin, ang matulungin at may mabuting puso na boss ni Lyneth (Carmina Villarroel).

 

 

***

 

 

BACHELOR na ulit ang Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio dahil balitang hiwalay na sila ng girlfriend niya of four years na si Camila Morrone.

 

 

Ayon sa The Sun UK, nagtapos na raw ang relasyon ng 47-year old Oscar winner sa 25-year old American model-actress noong nakaraang summer: “Leo and Camila ended their relationship over the summer. There are no bad feelings between them. It just came to a natural conclusion.”

 

 

Noong nakaraang Fourth of July weekedn ay nakita pa ang dalawa na nagbabakasyon sa Malibu.

 

 

Nagsimula ang relasyon nila Leo at Camila noong 2017. Ilang beses silang nagbakasyon sa Colorado at minsan ay nakikitang sila sa bahay ni Leo sa Los Angeles.

 

 

Hindi naman daw naging issue kay Camila ang age difference nila ng aktor: “There’s so many relationships in Hollywood — and in the history of the world — where people have large age gaps. I just think anyone should be able to date who they want to date. I feel like there should always be an identity besides who you’re dating… I understand the association, but I’m confident that will continue to slip away and be less of a conversation.”

 

 

May reputasyon si Leo na ang dine-date lang ay mga supermodels. Mga nakarelasyon niyang mga supermodels in the past ay sina Gisele Bündchen, Bar Refaeli, Erin Heatherton, Toni Garrn, Kelly Rohrbach, and Nina Agdal. Si Blake Lively lang ang movie actress na nai-date ni Leo.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

PBBM, nakukulangan sa mga benepisyo ng mga nars sa bansa

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKUKULANGAN  si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nurses o nars sa bansa lalo pa’t iba ang ibinibigay na serbisyo at sakripisyo ng mga ito matiyak lamang ang kaligtasan ng publiko.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association, sinabi ni Pangulong Marcos na “as of August 19, 2022,”  nakapagbigay na ang pamahalaan ng P25.82 bilyong halaga ng benepisyo para sa mga nars.

 

 

“Sa palagay ko kulang pa ‘yan eh. Medyo hirap tayo sa pondo ngayon kaya’t sa ngayon ganyan lang muna. Pero palagay ko binubuhay niyo ‘yung may sakit eh. Ibang usapan ‘yan, mahirap lagyan ng dolyar, ng piso, ‘yung trabahong ginagawa ninyo,” ayon sa Pangulo.

 

 

Kabilang aniya sa mga kasalukuyang benepisyo para sa mga nars ay hazard duty pay, COVID-19 sickness at death compensation, meals, accommodation at transportation allowances, life insurance, Special Risk Allowance (SRA) at COVID-19 allowance.

 

 

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga nars sa kanilang sakripisyo sa panahon ng kasagsagan ng  COVID-19 pandemic.

 

 

“Hindi lang kayo nag-aalaga ng pasyente kundi noong panahon ng kabigatan ng COVID, noong 2020, 2021, eh kayo’y pumapasok pa rin kahit alam ninyong high risk ang inyong trabaho, sige pa rin… marami sa inyo ay talagang tinamaan, marami sa healthcare workers ay nawala dahil nga hindi na nga umuuwi sa bahay para hindi madala ‘yung sakit sa kanilang mga pamilya,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Matatandaang, makailang ulit ng nagreklamo ang mga health workers mula sa gobyerno at private hospitals at health institutions  ukol sa  non-release ng kanilang  SRAs at pag-alis sa kanilang benepisyo gaya ng “meal at transportation allowances” sa kabila ng ginagawa nilang patuloy na pagiging frontliners laban sa COVID-19.

 

 

Samanatala, ginarantiya naman ni Pangulong Marcos, na kinikilala ng gobyerno ang “hard work at sacrifices” ng mga nars.

 

 

Bukas aniya ang Office of the President para sa dayalogo para pag-usapan ang mga concerns ng mga nars  at iba pang healthcare workers.

 

 

“As your President, you may rest assured that my office is always open for meaningful dialogue to address the issues concerning our nurses and allied healthcare professionals,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“In fact, I have taken special note of the clamor to address issues in the nursing profession by the passage of the new Philippine Nursing Practice Act,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, maliban sa pagdiriwang ng 100th foundation anniversary ng Philippine Nurses Association, ang nasabing okasyon, idinaos sa  Manila Hotel, ay paggunita rin sa  65th Nurses Week.  (Daris Jose)

South Korean’s 5th Highest Grosssing Films of 2022 ‘Emergency Declaration’, Hits PH Cinemas

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“Emergency Declaration”, which now sits comfortably at the number 5 spot in the Highest Grossing South Korean films of 2022, hits Philippine cinemas.

 

 

Written and directed by the multi-awarded writer-director Han Jae-Rim (The King, The Face Reader, The Show Must Go On), this aviation disaster action thriller brings together some of the biggest actors that reign in Korean moviedom.

 

 

Song Kang-Ho (Parasite, The Drug King, Broker) portrays a veteran cop named In-ho who cancels a trip to Hawaii because of work. His wife, however, pushes through with the planned vacation. Alas, the flight that’s supposed to lead to a Hawaiian escapade suddenly becomes a flight of terror as a fellow passenger starts coughing up blood and then meets a gruesome death, the reason unknown. Unable to escape from a plane that has already taken off, not only the passengers but also the flight crew are unable to avoid the slowly impending disaster.

 

 

On the ground, In-ho receives a tip about a man threatening a terrorist attack against a plane. Realizing that the man and his wife boarded the same flight, and becoming aware that the plane is being refused to land anywhere, In-ho devotes everything he has to solving the crisis.

 

 

Lee Byung-Hun (The Man Standing Next, Ashfall, Keys to the Heart) plays Jae-hyuk, a man who has aerophobia, but flies anyway for the sake of his daughter who needs medical treatment. And now that their lives are all in danger, Jae-hyuk’s courage will be put to the test.

 

 

Jeon Do-yeon (Beasts Clawing at Straws, Ashfall, A Man and A Woman) is Sook-hee, the Transport Minister who has the overwhelming responsibility of ensuring the safety of Flight KI501 that is currently travelling between countries.

 

 

Kim Nam-gil (The Closet, The Odd Family: Zombie on Sale, Memoire of a Murderer) plays Hyun-soo, the co-pilot who must land the plane safely at all cost. Keeping in close contact with the crisis management center on the ground, he tries his best to keep the plane aloft, but with no solution in sight he finds himself having to make an ‘emergency declaration’.

 

 

Park Hae-joon (The 8th Night, Bring Me Home, Believer) plays Tae-Su, the head of the presidential crisis management center who is expected to make the most realistic decisions to protect the nation during this unprecedented disaster. As the news about the bioterrorism on the plane leaves the general public in shock, Tae-su is forced to choose between the safety of the passengers and the crew or the safety of the people on the ground. So many lives depend on him.

 

 

Director Han Jae-Rim wrote the screenplay back in 2019, before the Corona virus pandemic. In a statement that he released, he said, “I couldn’t help but be shocked to see the events which I had imagined in my mind become reality. Disasters always strike when we least expect them. Those of us living in this era are already accustomed to the way in which people easily lose strength and become self-centered in the midst of a disaster or crisis. But despite the turmoil faced by humanity during this pandemic, the situation is slowly improving. I hope that this film can provide a small measure of comfort and hope to those who suffered in this tragedy, to those who bravely fought against it, and to all of us who at this moment are exhausted from dealing with the pandemic.”

 

 

“Emergency Declaration” premiered at the 74th Cannes Film Festival in 2021 in the non-competing section of the event.

 

 

Catch it in PH cinemas nationwide. From Viva International Pictures and MVP Entertainment.

 

(ROHN ROMULO)

NCAP pinahinto ng Supreme Court (SC)

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

EN BANC ang pagpapatupad ng no-contact apprehension   policy   (NCAP)   na   ginagawa   ng   Metropolitan   Manila   Development  Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

 

Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na inihain ng magkakahiwalay laban sa pagpapatupad ng NCAP.

 

 

“It issued the TROs without yet giving due course to the petitions,” wika ng SC sakanyang pahayag.

 

 

Ang   mga   respondents   sa   isang   TRO   ay   ang   siyudad   ng   Manila,   Quezon,Valenzuela, Paranaque, Muntinlupa at Land Transportation Office (LTO). May isa (1) pana TRO ang inilabas kung saan ang respondents ay ang Sangguniang Panglungsod ng Manila at Mayor Honey Lacuna.

 

 

Sa unang TRO, sinabi ng SC na kahit na anong apprehensions sa pamamagitan ng NCAP program at ordinances na may kaugnayan dito ay hindi pinapayagan gawinhanggang walang further orders ang Korte. Samantala,   sa   ikawalang   TRO,   ang   SC   ay   pinagbabawalan   ang   LTO   na magbigay  ng  kung  ano  man  information sa   mga  local   government   units  (LGUs)  sa pagpapatupad ng NCAP.

 

 

Pinaliwanag naman ni SC spokesman Brian Keith Hosaka na kasama pa rin ang MMDA kahit na hindi covered ng TRO bilang isang responsdent.

 

 

“Upon verification with the Clerk of Court, I was informed that the MMDA is covered by the TRO in theNCAP case. MMDA is covered because of its Resolution No. 16-10, Series of 2016which was the basis of the local ordinances of LGU respondents,” wika ni Hosaka.

 

 

Ayon naman sa MMDA ay hindi na muna nila ipapatupad ang NCAP dahil sa sinabi ni Hosaka na ang ahensya ay covered ng SC’s TRO sa pagpapatupad ng NCAP.Ang   unang   petisyon   na   inihain   laban   sa   NCAP   ay   ginawa   ng   Kilusan   saPagbabago ng Industriya ng Transportasyon Inc., Pasang Masda, Alliance ng Transport Operators and Drivers Association of the Philippines at Alliance of Concerned Transport Organization.

 

 

Sa ikalawang petisyon ay inihain naman ni Atty. Juman Paa kung saan niya nagbabala   na   ang   Manila   Traffic   and   Parking   Bureau   (MTPB)   ay   may   access   sa database ng LTO tungkol sa mga registradong sasakyan kasama na ang address at pangalan ng may-ari nito.

 

 

Nilinaw naman pa rin ni Hosaka na ang mga LGUs na nakalagay sa TRO ay siya lamang mga magiging respondents. Nang tinanong si Hosaka kung covered pa rin ang mga motorista na nabigyan ng  apprehension bago pa ilabas ang TRO at kung magbabayad pa rin sila ng mga multa ay wala  siyang masabi kung hindi ang  maghintay na lamang ang publiko ng actual pronouncement ng SC para sa main petitions.

 

 

Sa Jan. 24, 2023 pa ang gagawing oral arguments sa nasabing mga petisyon. “Ido   not   know   the   reason   why   the   case   was   set   for   hearing   in   January   next   year. However, in the meantime, the TRO will be in effect,” dagdag ni Hosaka.

 

 

Ayon sa SC Public Information Office na kanilang ilalagay sa kanilang website ang   mga   importanteng   resolusyon   kapag   nakuha   na   nila   ang   official  copy   mula   saOffice of the Clerk of Court En Banc.

 

 

“Likewise,   the   SC   PIO   will   be   creating   a   microsite   in   the   SC   website   inconnection   with   the   case   and   where   the   public   may  access   and   view   all   pertinent pleadings,” saad ni Hosaka.

 

 

Samantala, nalugod naman si LTO assistant secretary Teofilo Guadiz sa TROs na   binigay   ng   SC   sapagkat   mabibigyan   na   ng   pagkakataon   ang   mga   transport stakeholders at LGUs na magkaroon ng pag-uusap tungkol sa mga issues at problems sa masalimuot ng polisiya.

 

 

Dahil   naman   sa   TRO   na   inilabas   ng   SC,   ang   MMDA   ay   nagdagdag   pa   ngmaraming   traffic   enforcers   sa   mga   pangunahing   lansangan   sa   Metro   Manila.

 

 

Maglalagay sila ng mga madaming traffic enforcers sa mga lugar kung saan dati pa napinatutupad ang NCAP upang mahuli ang mga traffic violators. Ganon din ang ginawang  mga  LGUs   kung  saan  sila   ay  nagdagdag  na  rin   ng   madaming   traffic   enforcers. LASACMAR