• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2022

Pope Francis tiniyak na hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng mga pari

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pope Francis na hindi niya kukunsintihin ang mga pang-aabusong sekswal ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika.

 

 

Sinabi nito na hindi maaring ituloy ng isang pari ang pagiging pari kung siya ay nang-aabuso.

 

 

Itinuturing niya ito na “isang halimaw” ang mga pari na nag-aabuso sa mga kabataan.

 

 

Hindi naman aniya itinanggi ng Santo Papa na may mga nagaganap na pang-aabuso sa mga pari.

 

 

Isa sa pinakahuling sexual abuse ng mga pari na nai-report ay sa Portugal kung saan nasa 400 katao ang nagtestigo.

“THE WOMAN KING” TO WORLD PREMIERE AT THE 47TH TORONTO FILM FESTIVAL

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

September 5, 2022 — TIFF (Toronto International Film Festival) is excited to announce that TriStar Pictures’ The Woman King starring Viola Davis will have its World Premiere at the 47th edition of the Festival this week.

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E]

 

 

The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit of warriors who protected the African Kingdom of Dahomey in the 1800s with skills and a fierceness unlike anything the world has ever seen. Inspired by true events, The Woman King follows the emotionally epic journey of General Nanisca (Oscar®-winner Viola Davis) as she trains the next generation of recruits and readies them for battle against an enemy determined to destroy their way of life. Some things are worth fighting for…

 

 

Directed by Gina Prince-Bythewood, the story is by Maria Bello and Dana Stevens and the screenplay by Dana Stevens. Produced by Cathy Schulman, Viola Davis, Julius Tennon and Maria Bello, Peter McAleese serves as executive producer. The film stars Viola Davis, Thuso Mbedu, Lashana Lynch, Sheila Atim, Hero Fiennes Tiffin and John Boyega. The action drama is co-financed by Entertainment One (eOne).

 

 

TIFF is also delighted to announce that Viola Davis and director Gina Prince-Bythewood will be participating in the festival’s audience-pleasing “In Conversation With…” series which features in-depth conversations with film artists, writers and cultural figures about their creative process.

 

 

The Woman King marks a new high point in both Davis and Prince-Bythewood’s remarkable careers. While Davis wowed fans in her role as whip-smart and charismatic defence lawyer Annalise Keating in the hit TV series How to Get Away With Murder (2014–2020), the Oscar, Emmy, and Tony Award winner has also built an impressive resume leading ensemble films such as Fences (2016), Widows (TIFF ’18), and, most recently, Ma Rainey’s Black Bottom (2020).

 

 

Prince-Bythewood shot onto the film scene with her beloved feature directorial debut, Love & Basketball (2000), for which she also wrote the screenplay. Since her debut, she has proven her storytelling, writing, and directing prowess again and again, focusing on stories about Black women in particular with such influential films as The Secret Life of Bees (2008), Beyond the Lights (TIFF ’14), and the wildly inventive blockbuster action thriller The Old Guard (2020).

 

 

As TIFF hosts the World Premiere of The Woman King at this year’s Festival, Davis and Prince-Bythewood will sit down for an in-depth conversation about the journey of making this stunning, paradigm-shifting film, their creative collaboration, and their respective artistic paths in Hollywood.

 

In cinemas across the Philippines starting October 5, The Woman King is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #TheWomanKing

 

 

(ROHN ROMULO)

Beermen nagkampeon sa PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT 119-97

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA  ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2022 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT Tropang Giga 119-97.

 

 

Tinanghal bilang PBA Press Corps Finals Most Valuable Player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa harap ng 15,915 audience.

 

 

Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 25 points habang si June Mar Fajardo ay nagtala ng 19 points at 18 rebounds.

 

 

Ito ang muling pagkampeon ng Beermen matapos ang tatlong taon mula noong 2019 ng limang magkasunod na taon ng sila ay itanghal sa kampeonato.

 

 

Naging malaking hamon para sa TNT ang laro dahil sa hindi nila nakasama ang kanilang coach na si Chot Reyes matapos magpositibo sa COVID-19.

 

 

Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Jayson Castro habang mayroong 22 points naman si MIkey Williams para sa TNT.

PBBM, nakipagpulong sa Indonesia para sa security, trade at culture

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMALIS biyaheng Indonesia si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., araw ng Linggo, Setyembre 4, 2022.

 

 

Ito ang kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo siya bilang halal na Pangulo noong Hunyo.

 

 

Inaasahan naman na makikipagkita ang Pangulo sa  Filipino community sa kanyang pagdating sa  Indonesian capital.

 

 

“This is to once again put the Philippines in a position where we have strong alliances and strong partnerships which are necessary for us to come out of the post-pandemic economy,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo bago ang kanyang pag-alis.

 

 

“So I leave to undertake my first state visit to our immediate neighbors, Indonesia and Singapore. In other words, ako’y mangangapit-bahay para sa ating bansa at para sa ating ekonomiya,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Magsisimula ang aktibidad ng Pangulo sa  Indonesia ngayong araw, Setyembre 4 hanggang 6, bilang tugon na rin sa naging imbitasyon sa kanya ni Indonesian President Joko Widodo.

 

 

Inaasahan na pag-uusapan ng dalawang lider ang “active and multifaceted cooperation in defense, maritime border security, economic development, and people-to-people exchanges.”

 

 

“We’ll be discussing the current state and the future as we see it of the bilateral relationship between the Philippines and Indonesia and the changing geopolitical environment,” ayon sa Pangulo.

 

 

Para naman sa  Department of Foreign Affairs (DFA), masasaksihan din nina Marcos at Widodo ang paglagda ng ilang mahahalagang kasunduan sa larangan ng depensa at kultura at ang komprehensibong plano ng aksyon, na magtatala ng mga bilateral na prayoridad ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.

 

 

Inaasahan ding babanggitin ni Pangulong Marcos ang kaso ni Mary Jane Veloso sa mga opisyal ng Indonesia.

 

 

Wika ng DFA, habang hinimok ng pamilya Veloso ang Pangulo na umapela para sa executive clemency.

 

 

Samantala, kabilang sa delegasyon ni Pang. Marcos sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, and Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.

 

 

“My state visits to our ASEAN neighbors will seek to harness the potential of our vibrant trade and investment relations. As such, an economic briefing, business forums, and meetings have been organized to proactively create and attract more investments and buyers for our exports in order to accelerate the post-pandemic growth of our economy,”ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Pinas, kailangan na maging maingat sa kaso ni Mary Jane Veloso – Malakanyang

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISUSULONG ng gobyerno ng Pilipinas ang deliberasyon sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang Filipino worker na nasa  death row  ng 12 taon sa Indonesia dahil sa kasong illegal na droga.

 

 

Tugon ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nang tanungin kung bibisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Veloso na nananatiling nakakulong sa Yogyakarta.

 

 

Dumating sin Pangulong Marcos sa Indonesia, araw ng Linggo para sa  three-day state visit  dahil na rin sa imbitasyon ni President Joko Widodo.

 

 

“For matters of this sensitive nature, the President will have to…We cannot say more than that. We cannot even guess as to why. Because it is of a such sensitive nature, then we proceed with deliberation, if we proceed at all,” ayon kay Cruz-Angeles sa press briefing sa Jakarta.

 

 

“I am not saying that we’re proceeding with anything. But the President is aware of the issue. Beyond that, we cannot discuss,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni Cruz-Angeles  na maaaring talakayin ang kaso ni Veloso sa pulong sa pagitan ng  Filipino at Indonesian officials  subalit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye.

 

 

“We can’t say officially. It’s always an issue. Perhaps it will be broached by one or both countries. We’ll have to see. Well, since a pending issue, it may be inescapable. But we will announce if it is taken up,” ayon kay  Cruz-Angeles.

 

 

Tiniyak din nito na batid ni Pangulong Marcos ang apela na ginawa ng mga magulang ni  Veloso para sa negosasyon kay Widodo para sa “clemency” ng kanyang anak.

 

 

Araw ng Biyernes, bumiyahe ang ama ni Veloso, si tatay  mula sa kanilang lalawigan sa  Nueva Ecija  patungong  Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City para peersonal na dalhin ang kanyang letter of appeal na naka- addressed kay Pangulong Marcos.

 

 

“We have no information on whether or not it [the letter] has reached the President, but the President is aware of the issue,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Kumpiyansa naman si Cruz-Angeles na patuloy na isusulong ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang pagsisikap na mapalakas ang karapatan at proteksyon ng mga migrant workers.

 

 

“I have no doubt in my heart that he will do everything that is possible to discuss this case and also to look at other opportunities for collaboration in strengthening migrant workers’ rights and protection not only here in Indonesia but also in Singapore and throughout ASEAN,” dagdag na pahayag nito.  (Daris Jose)

Metro Manila mayors, tutulong sa 6.5 milyong housing backlog sa Pinas

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang ilang alkalde sa Metro Manila para sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong matugunan ang hou­sing backlog sa bansa na aabot sa mahigit 6.5 milyon.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nakatanggap sila ng positibong tugon para sa housing programs kasunod nang ginawa nilang pakiki­pagpulong sa mga lokal na opisyal sa Kalakhang Maynila.

 

 

Nabatid na nakipagpulong si DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kina Marikina City ­Mayor Marcelino Teodoro, Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, Pasig City Mayor Vico Sotto, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, Caloocan City Mayor Dale Malapitan, San Juan City Mayor Francis Zamora, at Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano hinggil dito.

 

 

Binigyang-diin ni Acuzar ang kahalagahan na makuha ang suporta ng mga Metro Manila local government units (LGUs) para sa ikatatagumpay ng programa sa pabahay.

 

 

Ito’y dahil karamihan sa 3.7 milyong informal settler families (ISFs) sa bansa ay matatagpuan sa National Capital Region (NCR).

 

 

Base sa kasaluku­yang datos ng DHSUD, nasa 500,000 ISFs ang nasa NCR, na pawang naninirahan sa mga riles, daanang tubig, estero at iba pang high-risk areas.

 

 

“We see the role of LGUs as one of the key components to gradually address or even put an end to the challenges we are facing in the housing sector. They are our allies in development,” ani Acuzar.

 

 

Sa naturang pulong, ibinahagi rin naman ni Acuzar sa mga lokal na opisyal kung paano ita-tap ang mga pribadong developers at financial institutions para sa mas mabilis na pagtatayo ng mga bahay.

 

 

Inaasahan namang sa mga susunod na araw ay makikipagpulong si Acuzar sa iba pang opisyal ng capital region upang matiyak ang maayos na implementasyon ng housing programs ng pamahalaan.

SAAN NAPUPUNTA ang MULTANG IBINABAYAD sa mga NCAP VIOLATIONS ng LGUs?

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na “now that the Supreme Court has issued a TRO against the policy, the concerned agencies and LGUs should reimburse the alleged violators the fines collected from them”.

 

 

Marahil ay ang Korte Suprema ang makasasagot nyan kapag naglabas na ito ng hatol.  Sa ngayon ay malaking pasalamat ng public transport, motorista at mga iba pa sa Korte Suprema na naglabas ng TRO laban sa NCAP.

 

 

Pero posible bang ma-refund ang ibinayad na multa sakaling ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang NCAP ng mga LGUs? O kaya ay excessive ito at dapat bawasan?

 

 

Diba’t pag nagbayad ka ng multa sa traffic ito ay napupunta sa general funds? Kaya mahihirapan ng i-refund sa tao?

 

 

Dapat ngayon pa lang ay paghandaan ng mga LGU yan.

 

 

Saan nga ba napupunta ang ibinayad na multa sa NCAP ng LGU?

 

 

Suriin natin ang ordinansa No. 3052 series of 2021 ng Quezon City at nandun ang kasagutan.   At dahil isa lang naman ang private contractor ng ibang LGU ay maaring ganito rin ang tema:

 

Section 4 : NCAP TRUST FUND – the fines, and applicable surcharges and interest, collected by the City government for violations identified and captured through the NCAP shall be placed in a NO-CONTACT APPREHENSION PROGRAM TRUST FUND which shall be SEPARATE AND DISTINCT FROM THE TRAFFIC DEVELOPMENT TRUST FUND, THE CITY GENERAL FUND, and all other trust funds made for other purposes.

 

 

THE NCAP TRUST FUND SHALL HAVE ITS OWN BANK ACCOUNT TO WHICH THE CITY GOVERNMENT HAS ACCESS FOR THE IMPLEMENTATION OF THE NCAP BY THE CITY GOVERNMENT, ON ITS OWN, OR THROUGH A JOINT VENTURE, SERVICE AGREEMENT, OR OTHER APPLICABLE MODE.

 

 

Ibig sabihin ang multa na nakolekta mula sa NCAP ay hindi napupunta sa general fund ng LGU kung hindi sa isang trust fund na hindi lamang ang LGU ang may access KUNDI PWEDE ANG JOINT VENTURE (Kasama ang private contractor?) Service Agreement or other mode.

 

 

So pag enforcer ang nakahuli sayo, ang multa na binayaran mo ay sa general fund PERO pag sa NCAP pasok ito sa NCAP TRUST FUND.

 

 

Sino naman ang nangangasiwa sa NCAP trust fund kundi ito kabahagi ng general fund.

 

 

Ang TRUST FUND COMMITTEE.

 

 

Sec 5. TRUST FUND COMMITTEE – The City Mayor SHALL CREATE AN NCAP TRUST FUND REVIEW AND APPROVAL COMMITTEE which shall be responsible for the documentations AND LIQUIDATION of the proceeds of the NCAP TRUST FUND, subject to the applicable rules and regulations of the Commission on Audit and other applicable laws.

 

 

Sino ang uupo sa Committee na ito at may sweldo ba sila?

 

 

Sec 5 pa rin ang sagot:

 

MONTHLY HONORARIA MAY BE GIVEN TO THE MEMBERS AND SECRETARIAT OF THE NCAP TRUST FUND REVIEW AND APPROVAL COMMITTEE, as may be determined by the City Mayor.

 

 

Kung ganun mas magiging madali ang refund dahil sa wala sa general fund ang mga binayad na multa. Pero bakit sa Trust Fund nilagay at hindi sa general fund? Ok ba sa COA ito?

 

 

Marahil kailangan din malaman ng publiko kung sino ang mga tao na inappoint para pangasiwaan ang NCAP TRUST FUND.

 

 

Nagalaw na ba ito? Dito ba mangagaling ang parte ng private contractor?

 

 

Marahil sa panawagan ng refund NCAP payments malalaman natin ang sagot sa mga tanong na ito para maproteksyonan natin ang perang ibinayad sa mga multa ng NCAP kahit ang mga violations ay tinututulan.

 

 

Wala na lang talagang magawa ang mga ibang motorista at operator dahil sa inalarma ng LTO ang rehistro ng mga sasakyan nila. (Atty. Ariel Inton)

Mataas na palitan ng piso vs dolyar, naramdaman na ng mga OFW

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NARARAMDAMAN  na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.

 

 

Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso at dolyar sa loob ng halos dalawang dekada.

 

 

Inihayag ng mga OFWs na pinagkakasya nalang nila ang kanilang padala dahil mahal rin umano ang transaction fee sa mga remittances.

 

 

Sa pahayag naman ng mga tumatanggap ng padala mula sa kanilang pamilya sa ibang bansa, bukod sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, nagkukulang narin ang kanilang budget dahil sa dami ng kanilang gastusin ngayong pandemiya kung saan, hinahati nalang nila ang budget para sa maintenance, pambayad ng bahay, tubig at ilaw.

 

 

Batay sa pinakabagong Monetary Policy Report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posible pang magpatuloy ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa hanggang sa susunod na taon. (Daris Jose)

“Dredging, pansamantala ngunit epektibong solusyon sa pagbaha” – Fernando

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Bagaman batid niya na hindi permanenteng solusyon ang paghuhukay ng mga ilog sa pagbaha sa lalawigan, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na mahalagang sangkap ito sa pagpigil ng malawakang pagbaha sa Bulacan.

 

 

“Paglalagay talaga ng dike ang permanenteng solusyon sa pagbaha. Pero pansamantala, habang hindi pa ito nasisimulan, ito muna ang ating ginagawa para maibsan ang paghihirap ng mga tao,” anang gobernador.

 

 

Sa kabila ng pag-ulan, ininspeksyon ng gobernador, kasama sina Bise Gob. Alexis C. Castro at Kinatawan Danilo Domingo, ang mga dredging project sa Balite Creek sa Balite, Lungsod ng Malolos; Apulid Creek sa Longos, Lungsod ng Malolos; Sapang Bangkal sa San Isidro, Hagonoy; at Ilog Hagonoy sa San Agustin, Hagonoy kahapon.

 

 

Maliban dito, mayroon ring kasalukuyang dredging project ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pakikipagtulungan ni Cong. Domingo sa Bulihan, Barihan, Santissima, at Mojon, lahat sa Lungsod ng Malolos. Ang walong lokasyon na ito ay may target volume na 35,000 cubic meters sa kabuuan.

 

 

Binanggit din ni Fernando na nakipag-usap na siya sa mga lokal na opisyal ng Department of Public Works and Highways at nangako sila na magtatayo ng dike, pumping stations, at flood gates, at tataasan ang river wall sa lalawigan.

 

 

Bibili rin aniya ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Engineer’s Office sa pamumuno ni Inh. Glenn Reyes ng kahit na apat na karagdagang backhoe dredgers sa katapusan ng taon.

 

 

Humihingi rin ng tulong si Fernando mula sa Department of Environment and Natural Resources at DPWH; at sa mga lokal na pamahalaan na magdagdag ng backhoe upang makatulog sa sitwasyon.

 

 

Bukod pa rito, kumakalap rin ng suporta ang gobernador sa pamamagitan ng karagdagang kagamitan mula sa mga pribadong kumpanya upang masolusyunan ang mahabang panahong pakikipaglaban ng lalawigan sa baha.

 

 

Bilang panghuli, nanawagan si Fernando sa mga Bulakenyo na gawin ang kanilang bahagi sa pagprotekta ng kalikasan sa pamamagitan nang hindi pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig na maaaring magdulot nang pagkasira sa lalawigan.

 

 

“Itong lahat ng ginagawa natin ngayon ay mawawalan ng saysay kung patuloy pa rin po nating sisirain ang ating kapaligiran. Tayo po sa pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng pamamaraan upang matulungan ang ating kababayan. Kayo naman pong ating mga kalalawigan, gawin rin po natin ang ating parte upang mapigil ang lubos na pagkasira ng ating kalikasan,” ani Fernando. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ads September 6, 2022

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments