HINIKAYAT ng isang mambabatas ang gobyerno at Department of Health (DoH) na seryosong ikunsidera ang posibilidad na pagsama ng mga batang idad 3 hanggang 5 anyos sa vaccination program laban sa coronavirus disease-19 (COVID-19).
Ayon kay House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor (Iloilo), sa kabila na mas mababa ang Covid infection rates sa nasabing age group ng mga bata kumpara sa nakakatanda ay mas madali silang kapitan ng infection at may mas mataas na tiyansang mahawa lalo na ngayong medyo maluwag na health protocols sa bansa.
“And with Malacañang’s recent order to allow voluntary wearing of face masks in non-crowded outdoor areas, our children need more protection from COVID-19. And I believe that their inclusion in the government’s vaccination program will better protect them against the disease,” pahayag ni Defensor.
Una nang nanawagan ang mambabatas kasabay nang paghahain niya ng House Resolution 270 nitong Agosto na nanghihikayat sa pamahalaan at DOH na isama ang mga batang 3-5 taon gulang sa vaccination program nito.
Sa panahon na iyon, nakapagtala ang gobyerno ng mahigit sa 3,900 bagong kaso ng covid19 kada araw na mas mataas ng 13% kumpara sa nakalipas na buwan.
Ngayong 2022 lamang, mayroong tatlong bagong COVID-19 sub-variants na naitala sa bansa na mas medaling makahawa kumpara sa unang COVID-19 variants, tulad ng Omicron, BA.5, BA 2.12.1 at BA.4.
Nitong Pebrero aniya ay sinimulan ng DOH ang “Resbakuna Kids” campaign, para sa pagpapatupad ng bakunahan sa mga batang idad 5 hanggang 11 anyos, na aprubado naman ng Food and Drug Administration.
Ngunit, ibinunyag nito na iniulat ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines na may 1,300 kaso ng COVID-19 infections sa mga batang 5 anyos pababa noong Marso.
“According to the World Health Organization, children under the age of 5 have a higher risk of other diseases with clinical presentations that overlap with COVID-19, such as pneumonia and other viral upper respiratory tract infections, which may lead to misclassification,” nakasaad sa resolution.
Sinabi ni Defensor na sa US ay pinayagan na ng FDA nila ang emergency use ng COVID vaccines tulad ng Moderna at Pfizer-BioNTech para sa mga indibidwal na 6 buwan hangang 17 taon gulang.
Bukod sa panawagan na isama ang mga bata sa COVID-19 vaccination, hinikayat din ni Defensor ang DOH na siguruhin na may sapat na suplay ng bakuna para sa lahat ng age groups.
“Be it finally resolved, to encourage the DOH to continue to secure stable supply of COVID-19 vaccines to ensure continuous implementation of vaccination programs to various age groups and vulnerable sectors nationwide and achieve its goal of reaching herd immunity in the country,” nakasaad pa sa resolusyon. (Daris Jose)
Tumimbang ng 167.8 pounds o bahagyang mabigat si Gennady “GGG” Golovkin habang mayroong 167.4 lbs. naman si Saul “Canelo” Alvarez para sa kanilang trilogy fight sa Las Vegas bukas, Setyembre 18.
NAKATANGGAP ng tig-P1,500 na cash incentives mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang nasa 505 na mga mag-aaral ng Navotas Polytechnic College (NPC) na nagtapos ngayon taon.
Todo pasalamat pa rin ang teenage tennis sensation na si Alex Eala sa kanyang mga fans na nagpaabot ng papuri sa kanyang matapos ang makasaysayang panalo sa US Open junior crown.
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon sa taas-pasahe sa Traditional Public Utility Jeepneys (TPUJs) at Modern Public Utility Jeepneys (MPUJs) gayundin sa Public Utility Buses (PUBs), Taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS) .
KINONDENA ng isang human rights group ang kontrobersyal na P150 milyong confidential funds na mungkahing ibigay ng Department of Education — bagay na posibleng magamit pa raw sa katiwalian at paniniktik sa kabataan.
MAS mature ang roles na ginagampanan nina Kim Chiu at Xian Lim sa comeback movie nila titled ‘Always’ directed by Dado Lumibao.
MAY kutob kaming ang comeback movie ng real-life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim ay maghi-hit kapag nagsimula na itong ipalabas sa mga sinehan simula sa September 28.
SINABI ng Malacanang na wala pang eksaktong bilang ng mga heads of state na makakadaupang palad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagtungo sa Estados Unidos.
KUNG meron palang isa sa kinagigiliwang panoorin ang mga netizens sa reality game show na “Running Man Philippines” kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar, si Buboy iyon.