• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 9th, 2022

Pacquiao nagpaparamdam na!

Posted on: September 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA pang exhibition fight ang niluluto ng kampo ni eight-division world champion Manny Pacquiao na target ganapin sa Enero sa susunod na taon sa Saudi Arabia.

 

 

Ito ang inihayag ni Pacquiao sa isang ulat kung saan makakaharap nito si dating sparring partner Jaber Zayani sa Riyadh, Saudi Arabia.

 

 

Ngunit nilinaw ni Pacquiao na nagsisimula pa lamang ang usapan tungkol dito at wala pang pinal na napagkakasunduan para sa naturang exhibition match,

 

 

“We will just start discussions,” wika ni Pacquiao.

 

 

Dahil dito, usap-usapan na ang posibleng pagbabalik ni Pacquiao sa boksing matapos opisyal na mag­retiro dahil sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa National Elections noong Mayo.

 

 

Natalo si Pacquiao sa Presidential race na napagwagian ng kasalukuyang presidente na si Pangulong Bongbong Marcos.

 

 

Matapos ang eleksiyon, inihayag ni Pacquiao na sasabak ito sa isang exhibition laban kay South Korean YouTuber DK Yoo sa Disyembre 10 sa Seoul, South Korea.

 

 

Walang balak maliitin ni Pacquiao si Yoo dahil paghahandaan nito ang laban gaya ng kanyang mga regular na professional fights.

 

 

Abala si Pacquiao sa kanyang personal na buhay sa ngayon kasabay ng ilang workout at training sessions para mapanatili ang magandang kundisyon ng kanyang katawan.

 

 

“I will prepare in the same way I train for a real fight,” ani Pacquiao.

 

 

Ang exhibition match ay isang six-round bout.

 

 

Walang nakalaan na weight limit.

 

 

Aminado si Yoo na hindi biro kalaban ang isang world champion na gaya ni Pacquiao.

 

 

Kaya naman ilalabas nito ang lahat ng kanyang nalalaman sa martial arts para gulantangin ang Pinoy champion.

 

 

“I know I will not win against him but I will try my best to surprise Manny Pacquiao,” ani Yoo.

 

 

Huling nasilayan sa aksyon si Pacquiao noong Agosto ng nakaraang taon kung saan natalo ito kay Cuban fighter Yordenis Ugas via unanimous decision sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Back-to-back na magluluto sa newest vlog: Sen. IMEE, babalikan ang 80s Moroccan experience nila ni BORGY

Posted on: September 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA na namang mega gastronomic weekend treat ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang bagong vlog entry.

Makakasama niya sa foodie bonding ang anak na si Borgy Manotoc na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy food lovers.

 

Mula nang bumalik siya sa pagba-vlog ngayong taon, libu-libong sa mga loyal fans ni Imee ang nagre-request ng isang espesyal na cooking episode. Kaya naman pinagbigyan na ng walang kapaguran na Senadora ang kanilang request dahil ngayong Biyernes, Setyembre 9, magluluto sila ni Borgy nang back-to-back.

Para sa episode na ito, babalikan nina Imee at Borgy ang kanilang 80s Moroccan experience sa pagluluto ng mga natutunan nilang mga Arab dishes, sa kanilang pamamalagi sa magnificent African kingdom na ito.

 

Mula sa masasarap na dips at hearty salads gaya ng Hummus, Baba Ganoush, at Tabbouleh. Ipakikita rin nina Imee at Borgy sa kanilang mga followers kung paano lutuin ang ilang mga Arabic favorites na pwedeng gawin sa bahay at pagsaluhan ng buong pamilya.

Sa Sabado naman, Setyembre 10, eksklusibong ipasisilip ni Sen. Imee ang kanyang official day sa Senado habang binibigyan niya ang mga viewers ng all-access pass sa karaniwan niyang workday.

Tiyak na maaaliw ang mga manonood habang ililibot sila ng Senadora sa iba’t-ibang lugar sa Senado. Ipasisilip din niya ang pagpupulong kasama ang kanyang kapwa mga Senador.

Pati na ang mga bisita nila mula sa Japan na kasama ang Japanese Ambassador to the Philippines, His Excellency Koshikawa Kazuhiko.

Tunghayan ang culinary skills nina Imee at Borgy at silipin ang Philippine Senate sa mga mata ng Senadora. Mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads September 9, 2022

Posted on: September 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

‘State visit, nagbunga ng $14.36 billion investment pledges’ – Pangulong Marcos

Posted on: September 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakalikom sila ng $14.36 billion investment pledges sa kanyang state visit sa Indonesia at Singapore.

 

 

Katumbas ito ng halos P800,000,000,000, batay sa kasalukuyang palitan ng piso at dolyar.

 

 

Kabilang sa mga deal na ito ang nasa sector ng renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, startups, government housing at agriculture.

 

 

Gayunman, maaari pa itong magbago alinsunod sa implimentasyon ng naturang mga kasunduan.

 

 

“We look forward to doing the detailed work that is necessary to bring all of these proposals to fruition and that is what we are all now going to bend ourselves to this work. We will not stop until we can come back and say that these MOUs and letters of intent would bear results,” wika ng pangulo.

 

 

Sa simpleng kataga, maisasalarawan umano ng presidente ang kanyang biyahe bilang “fruitful and engaging.”

 

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang naging mainit na pagtanggap sa kaniya nina Indonesian President Jokowi Widodo, Singaporean President Halimah Yacob at Prime Minister Lee Hsien Loong para sa kanyang inaugural state visit. (Daris Jose)

DOH, DOT kailangan na makahanap ng middle ground ukol sa face mask policy- Malakanyang

Posted on: September 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SERYOSONG kinokonsidera ng Pilipinas ang panukalang pagaanin at luwagan  ang mandatory face mask policy sa bansa.

 

 

Ito’y kasunod ng data na nagpapakita na ang pagpapagaan sa requirement  ay makapagpapalakas sa turismo.

 

 

Sa press briefing, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles  na nagkaroon ng kompromiso ang Departments of Health (DOH) at Tourism (DOT) ukol sa  pagpapagaan at pagpapaluwag sa mask requirement.

 

 

Tinukoy ang  data mula sa DOT, sinabi ni Cruz-Angeles na may ilang bahagi sa mundo ang nagluwag na ng  face mask rules dahilan upang makita ang pagtaas ng tourist arrivals.

 

 

“Nagprisinta ang DOT na in certain states na nagluwag na tungkol sa face mask, tumataas ang tourism nila,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

“Gawa nga ng front and center ang ating turismo sa pagbangon ng ekonomiya , this matter is being taken seriously,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Iyon nga lamang,  sinabi ni  Cruz-Angeles na may “major say” pa rin ang DOH sa kapalaran ng  mandatory face mask policy.

 

 

“Kailangan magkatugma ‘yung ating DOH at ang ating DOT and other agencies bago tayo mag-revise ng ating mask policy,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)