REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady.
Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017.
Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw ang non-showbiz girlfriend ni Rocco na misis na niya ngayon na si Melissa Gohing.
Sa First Lady, gaganap si Rocco bilang si Mayor Moises Valentin. Guest role lang daw ang paglabas ng aktor sa First Lady.
Sa lumabas na photos ng dalawa, may kilig pa rin sa netizens ang tandem nila kaya nabuo noon ang DanQuil at RocSan fandom.
***
BUKAS na ang Miss Universe Philippines sa pagtanggap ng mga bagong magiging contestants para sa taong 2022.
Ang anunsyo ay inihayag sa social media noong nakaraang Martes kasama ang listahan ng mga kinakailangang katangiang ng aspiring beauties.
Dapat ay nasa edad 18 hanggang 28 ang applicant sa pagsapit ng Miss Universe Philippines coronation night sa April 30. Dapat ay isang Filipino citizen at may pasaporte, wala pang asawa at walang anak.
Isang ikinatuwa ng marami ay walang height requirement na hinihingi.
“Follow the footsteps of your favorite Miss Universe Philippines queens and start a queendom of your own,” ayon pa sa caption ng MUP.
Maaaring makuha ang application form sa Instagram bio ng Miss Universe Philippines at ipadala sa contact@missuniverseph.com.
Tatanggapin ang application hanggang 11:59 pm ng Feb. 15.
Si Beatrice Luigi Gomez ang reigning Miss Universe Philippines, na nakapasok sa Top 5 ng international pageant noong nakaraang December sa Israel.
***
ISANG major college course na si Taylor Swift sa New York University or NYU.
Sa Clive Davis Institute ng NYU puwedeng i-take up ang naturang kurso na ayon sa syllabus ng class ay “students will develop an understanding and appreciation for Taylor Swift as a creative music entrepreneur.”
Kasama rin sa syllabus ang “legacy of pop and country songwriters that have influenced the pop star, plus a study of the way her creativity and songwriting have made her a durable presence in a quickly evolving music industry.”
Ayon pa sa music writer and musician na si Jason King na siya ring umuupong chair ng kurso: “Students gets to understand how to contextualize her culturally, and get students to think more deeply about her and her music through the lens of gender, feminism, race, and class, and other categories related to identity, and that deeper thinking is what this program is all about.”
Naimbitahan din si Taylor na maging guest sa isang lecture ng kanyang course.
Nagsimula ang class noong Jan. 26 at tatagal hanggang March 9 sa NYU.
(RUEL J. MENDOZA)
MANILA, Philippines — Sasabak si national pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang kauna-unahang international tournament ngayong taon.
SA KASALUKUYAN ay mahirap gawin ang isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na gawin na ding requirement ang pagkakaroon ng booster card sa NCR.
NAKATAKDANG magsama sa iisang koponan ang mga tennis star na sina Roger Federer at Rafael Nadal.
IPINAGMALAKI ni US President Joe Biden na napatay ng mga sundalo ng America ang lider ng Islamic State sa Syria.
HINIMOK ni Education Secretary Leonor Briones ang ilan pang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o mas mababa pa na patuloy na paghandaan ang pagpapatupad ng limited in-person classes sa kanilang mga lugar.
HINDI maitago ni Alyssa Valdez ang saya nito matapos malamang bahagi ito ng national pool na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.
MAY nakahalungkat ng Facebook post dati ng komedyante na si Juliana Parizcova Segovia na gumawa ng parody video ni Angelica Panganiban, with Darryl Yap as director.
MARRIED na ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang non-showbiz girlfriend na si AC Banzon.