• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2022

GINANG HULI SA PABAHAY SCAM

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO sa isang entrapment operation ang isang 52-anyos na ginang matapos nangikil ng pera sa kanyang biktima kapalit ng isang unit ng bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite Lunes ng hapon sa Naic, Cavite.

 

 

Kasong Estafa thru fraud ang kinakaharap ng suspek na si Jesusa Austral y Queyquet, may-asawa ng Igahara Resort, Brgy., Calubcob, Naic, Cavite dahil sa reklamo ni Cristal Jane Lacsa y Libres, 21, dalaga  at stay in sa  Barracks, Sitio Walong Butas, Brgy., Calubcob, Naic, Cavite.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, dakong alas-3:16 kamakalawa ng hapon nang inaresto ang suspek sa aktong tinatanggap nito ang bayad para umano sa “prioritization” sa kanyang aplikasyon sa pabahay sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic, Cavite.

 

 

Nauna dito, December 28, 2021 nang binigyan ng biktima ang suspek ng P10,000 kapalit ng pangakong magkakaroon siya ng isang unit na bahay ng National Housing Authority (NHA) sa Brgy Calubcob, Naic, Cavite.

 

 

Gayunman, noong January 20 ng kasalukuyang taon nang napadaan ito sa LGU, Naic Cavite at tinanong hinggil sa kanyang aplikasyon ng pabahay at dito niya natuklasan na walang awtorisasyon ang suspek para mag-process nito.

 

 

Nitong February 13, nakipagkita ulit ang suspek sa biktima at humihingi ulit ng karagdagan P6,000 para umano sa prioritization ng kanyang aplikasyon sa NHA. Sinabi ng biktima na tatawagan ito kung magkakaroon siya ng pera.

 

 

Dito na nakipag-ugnayan ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic Cavite kung saan naaresto ang suspek sa aktong tinatanggap nito ang boodle money. (GENE  ADSUARA)

Robert Pattinson Admits ‘The Batman’ Is The Hardest Thing He’s Ever Done

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ROBERT Pattinson, has admitted that taking on the role of the Caped Crusader in The Batman is the hardest thing he has ever done.

 

 

Initially being conceived as a spinoff outing of Ben Affleck‘s Batman after Batman V Superman, the actor later left the film after giving up the DC role completely, leading director Matt Reeves to take over the project.

 

 

Pattinson was later officially cast in May 2019 and, after several delays, the film finally landed on a release date of March 4, 2022.

 

 

The Batman is set to follow a more inexperienced Bruce Wayne during his early years as the caped crusader of Gotham City when he first comes into contact with a mysterious serial killer known as The Riddler. Furthermore, the vigilante is also set to team up with many of his allies in this iteration, including Jim Gordon, Catwoman, and loyal butler, Alfred Pennyworth.

 

 

Joining Pattinson in the star-studded cast of this new chapter of Batman is Zoë Kravitz, Paul Dano, Jeffrey Wright, John Turturro, Peter Sarsgaard, Andy Serkis, and Colin Farrell.

 

 

In a tell-all interview with GQ, Pattinson talked all about his experience in taking on the mantel of Batman and the effect that it had on him, not only as

 

 

The actor detailed the immense pressure of playing Batman, both in popularity and mentality, and how that pressure of staying so constantly busy within the role affected him.

 

 

DC’s newest actor says, “I just always had this anchor of Batman. Rather than thinking you’re flotsam to the news, you could feel engaged without being paralyzed by it. Everyone I know, if you had a little momentum going in your career or your life, then stopping, you had to have a reckoning with yourself.

 

 

Whereas I was so incredibly busy the whole time, doing something that was also super high pressure, by far the hardest thing I’ve ever done…. I was still playing Batman at the end of the day, even though the world might end.

 

 

In the many years that the Caped Crusader has spent on the big screen, Pattinson is not the first of the actors to take on the role that has expressed extreme difficulty. Even with the most recent predecessor, Affleck, the star had previously admitted that the many different aspects of walking into the character’s shoes could be incredibly difficult, from the extreme workout regimen and diet to capturing his damaged mental state.

 

 

Christian Bale‘s intense commitment was also apparent, with the actor putting on a crazy amount of muscle for the role, further highlighting how difficult the role can be.

 

 

With this revelation of Pattinson’s difficulties within the role, it is apparent that he put plenty of hard work into perfectly ripping the characters from the pages of DC Comics, surely giving justice to the performance audiences have been waiting for. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

TULAK NALAMBAT SA P1.1 MILYON SHABU SA DAGAT SA NAVOTAS

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NALAMBAT ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa karagatan na sakop ng Navotas City ang isa umanong drug dealer na gumagamit ng bangka sa paglalako niya ng illegal na droga, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rudy Las Piñas, 40, ng 554 B. Cruz St. Brgy. Tangos North.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Navotas police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa mga mangingisda sa lugar na nakatuklas hinggil sa umano’y illegal drug trade ni Las Piñas.

 

 

Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr. ang buy bust operation sa karagatan na sakop ng Pulo, Brgy. Tanza 1 dakong alas-4:36 ng hapon kung saan nagawang makipagtransaksyon ni P/Cpl. Glenn Ocampo na umakto bilang poseur-buyer ng P1,000 halaga ng shabu sa suspek na sakay ng maliit na bangka.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Narekober ng mga operatiba sa suspek ang tinatayang nasa 174 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 1,183,200.00, isang caliber .32 pistol na may magazine at kargado ng anim na bala, digital weighing scale, mobile phone, maliit na notebook, itim na timba, buy bust money, P1,500 cash at ang maliit na bangka na gamit umano niya sa pagbebenta ng illegal droga.

 

 

Si Las Piñas ay iprinisinta sa inquest proceedings sa Navotas City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A.10592 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act in relation to Omnibus Election Code. (Richard Mesa)

Mahigit 9 milyong kabataang menor de edad , bakunado na laban sa Covid-19

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 9 milyong kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang naka-kumpleto na ng kanilang Covid-19 doses habang 91,000 na may edad 5 hanggang 11 ang nakakuha naman ng kanilang initial shots “as of Monday.”

 

 

“There have been no reported serious adverse events following vaccination in the country,” ayon kay National Task Force Against Covid-19 chief Secretary Carlito Galvez Jr.

 

 

“Wala po kayong dapat ikabahala,” dagdag na pahayag ni Galvez sa vaccination activity para sa may edad na 5 hanggang 11 sa Theatre at Solaire sa Parañaque City.

 

 

Ang pagbabakuna sa pinakabatang age bracket ay nagsimula noong Pebrero 7 gamit ang lower-dosed ng Pfizer jab.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagbabakuna sa mga kabataan ay naglalayong payagan ang mga ito na lumabas ng kanilang bahay at makadalo sa mga physical classes at maibalik ang social skills development at cognitive function na apektado ng pandemiya.

 

 

“Ako po ay nananawagan sa lahat ng mga magulang sa buong Pilipinas na sige na po, samantalahin na po natin ang pagkakataong ito. Libre, ligtas, epektibo, dekalidad, ang lahat po ng ating mga bakuna,” ayon sa Kalihim.

 

 

Aniya, wala ni isa mang kasama sa 8.7 milyong fully vaccinated na kabataan sa ibang bansa ang napaulat na nagkaroon ng seryosong side effects.

 

 

Sa Pilipinas, “less than 1 percent” ng bakunadong kabataan ang nakaranas ng mild fever, headache, itchiness, at pananakit ng katawan sa nabakunahang braso.

 

 

Sa ngayon, 482 hospital at non-hospital sites para sa pediatric vaccination ang nakabukas sa buong bansa, 82 mula sa nasabing bilang ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila.

 

 

“Hindi po kumpleto ang proteksyon ng pamilya kung si bunso ay hindi bakunado. Ngayon, pwede na tayong mag-staycation at bumisita sa ibang areas dahil bakunado na sina lolo, lola, tatay at nanay, kuya at ate, at si bunso,”ang pahayag ni Galvez. (Daris Jose)

Hipon Girl, ire-repackage ni Wilbert para gawing ‘beauty queen’

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD kay Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, pasok na rin si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol sa lumalaking pamilya ng businessman/vlogger/internet personality na si KaFreshness Wilbert Tolentino.

 

 

Pumirma na si Hipon Girl, kaya si Wilbert na ang kanyang official business manager, following the footsteps of the popular online seller and PBB housemate Madam Inutz na talagang ginagastusan at binibigyan ng todo-effort ni KaFreshness.

 

 

Nakatanggap pa si Madam Inutz ng house and lot na worth P5M. Naging certified singer din ito dahil nagkasunod-sunod ang release ng kanyang singles na ‘Inutil’ (na naging most requested song sa leading FM stations), ‘Sangkap ng Pasko’, ‘Marites’ at ang latest na ‘Madam’.

 

 

Sa naging tagumpay ni Madam Inutz, malamang ito rin ang mangyayari kay Hipon Girl sa pangangalaga ni Wilbert, na sa totoo lang marami ang gustong magpa-manage lalo na ng mga internet personalities.

 

 

Kaya naman excited na rin si Hipon Girl sa mga mangyayari sa kanyang career dahil marami ng nakaplanong proyekto.

 

 

Ire-repackage din ang TV host/comedian ng bagong manager para maging isang beauty queen.

 

 

Kaya naman approve sa netizens dahil alam nilang nasa mabuti itong mga kamay.

 

 

May panawagan si KaFreshness Wilbert sa mga talent coordinators at agents na since never naman siya kumukuha ng commission sa talents niya tulad ng ibang managers.

 

 

Kaya pwedeng-pwede silang mag-book at magbigay ng product endorsements kina Madam Inutz at Hipon Girl, dahil 10 to 20% comission ang pwedeng makuha.

 

 

Kaya sa mga agents and talent coordinators na gusto ng additional income, pwedeng mag-text sa 09175468845 para mabigyan ng email address kung saan sila pwede mag-send ng proposal.

(ROHN ROMULO)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 32) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS isuko ang sarili kay Jeff ay naisip ni Andrea na tawagan si Angela.

Dahil sa tanong ng dalaga ay naalala ni Angela ang nakaraan nila ni Bernard. Yung mga panahon na nakagawa sila ni Lola Corazon ng maling desisyon. Yung desisyon na naging daan para kamuhian siya ng kanyang amo na lihim niyang minamahal. Yung mga panahon na tinanggap at niyakap niya ang pait na dulot ng labis niyang pagmamahal dito.

 

Napangiti si Angela sa isiping iyon, dahil sa kabila ng lahat, ay narito sila ni Bernard ngayon sa isang pagsasamang puno ng pagmamahalan.

 

“Ahm, Ma’am Angela, sorry po sa tanong ko ha. Pasensya na po kayo sa’kin.”

 

“Hindi. Ayos lang. May naalala lang ako.”

 

“Ma’am, naalala ko rin po yung kinwento sa’kin ni Janine, yung mala-fairytale ninyong love story ni Sir Bernard. Pero ayoko naman pong umasa na gano’n din ang mangyayari sa amin ni Sir Jeff.”

 

“Andrea, hindi naman masama ang magmahal eh. Napakasarap umibig. Ibigay mo lang yung kaya mo. Magtira ka pa rin para sa sarili mo. At kung sakali man na hindi niya masuklian ang pagmamahal mo, huwag kang manghinayang, huwag kang mangamba, huwag kang mawalan ng pag-asa. Basta ang mahalaga, naipakita mo ang pagmamahal mo sa paraan na hindi nawala ang respeto mo sa sarili mo.”

 

Huminga ng malalim si Andrea bago sumagot.

 

“P-paano po kung masyado ng masakit pero hindi mo pa rin siya kayang iwasan?”

 

“Magtiwala ka lang sa dinidikta ng puso mo at samahan mo ng dasal. Kung masyado ng masakit, subukan mong tanggapin. Kung minsan, iyon lang naman ang solusyon , ang pagtanggap gaano man ito kahirap. Darating din ang panahon na lilingunin mo na lang at ngingitian ang mga pangyayari sa buhay mo na naging daan para higit kang maging matatag.”

 

“Salamat po Ma’am Angela. Nabawasan po ang bigat sa dibdib ko.”

 

Pagkababa ni Andrea ng cellphone ay narinig niyang dumating na ang kotse ni Jeff. Hindi siya lumabas ng kuwarto. Nahihiya siyang magpakita sa binata pero sinilip niya ito sa bintana.

Maya-maya lang ay kumatok ito sa pinto niya.

 

“Andrea…” tawag ni Jeff na may kasabay na pagkatok sa pinto.

 

Hindi siya sumagot. Sa halip ay dali-dali siyang humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

 

“Andrea…” ulit na tawag ni Jeff .

 

Hindi pa rin sumagot ang dalaga. Nagtulugtulugan ito.

 

“Andrea, alam kong gising ka pa, pwede ba buksan mo itong pinto!”

 

Nanatili itong nakatalukbong at nakikiramdam. Hanggang sa tuluyan na talagang makatulog.

 

Inis namang ibinalibag ni Jeff sa sahig ang pasalubong niya sanang milk tea.

 

Kinabukasan. Paggising ng dalaga ay naabutan pa niya sa harap ng kuwarto niya ang natapong milk tea. Ang sabi ni Manang Sonya ay ayaw daw iyong ipalinis ni Jeff. Hayaan daw na siya ang maglinis.

Napaisip tuloy si Andrea kung para sa kanya ba ang milk tea na ‘yon o binigyan lang siya ng lilinisin?

 

Dahil kay Andrea kahit papa’no ay naiibsan ang pangungulila ni Angela kina Bela at Janine. Palagi na silang nag-uusap nito sa phone. Minsan malungkot na kuwentuhan pero kadalasan ay masasayang usapan ang namamagitan sa kanila. Habang si Regine naman ay patuloy na ini-improve ang sarili para kay Bernard. Nakikiusap siya rito na ipasok siya sa kumpanyang pinapasukan ng lalaki para makabayad sa mga pinagkakautangan niya. Nagdadalawang isip pa si Bernard dahil ayaw niyang maging mitsa iyon ng problema nila ni Angela kung saka-sakali.

 

Habang nagkakape si Angela sa hardin ni Lola Corazon ay kausap niya si Andrea at naalala niya si Jared.

 

“Sa tingin ko ikaw ang Andrea na tinutukoy niya. Pwede ko bang sabihin sa kanya na kilala kita?”

 

“Ahm…mabait po ba siya?”

 

“Mula nung maitayo ang Bela’s Restaurant namin, staff ko na siya. Wala naman siyang ipinakitang hindi maganda sa’kin. Pero nasa sa’yo pa rin kung gusto mo siyang maging kaibigan.”

 

“Sige po Ma’am Angela, okay lang po. Nagtitiwala naman po ako sa inyo eh.”

 

“Sige, siguradong matutuwa ‘yon. Teka, bakit hindi ka pumasyal dito sa bahay o kaya sa restaurant?”

 

Hindi agad nakasagot si Andrea.

 

“Ahm…bihira po kasi akong magkaroon ng day off. Dalawa lang po kasi kaming kasambahay dito. Ako at si Manang Sonya. Ang mga magulang po ni Sir Jeff, halos hindi na umuuwi. Kung wala sa kumpanya nila, nasa ibang bansa naman po. Gusto po ng mag-asawa na all eyes kami sa anak nila. Nag-iisang anak po kasi si Sir Jeff.”

 

“Gano’n ba?”

 

“Sweetheart.” Si Bernard na kadarating lang.

 

Napalingon sa kanya si Angela.

 

“Sige Andrea, ibababa ko na ang phone, nandito na ang asawa ko. Kami naman ang magkukuwentuhan.”

 

“Sige po Ma’am Angela, salamat po ulit sa time.”

 

Hinagkan ni Bernard sa pisngi ang asawa at saka naupo sa kaharap na upuan nito.

 

“Kumusta naman sa office nyo?”

 

“Ayos lang. By the way…tumawag na naman sa akin si Regine. Nakikiusap na baka maipasok ko siya sa kumpanya. Lubog kasi sa utang. Binitawan na raw niya yung business niyang lalo lang nagbabaon sa kanya sa pagkakautang. Kaya ang gusto niya ay makakuha ng maayos na trabaho. Yung mga dati naman niyang kakilala, umiiwas na yata sa kanya dahil alam yung mga utang niya kaya naisip na sa atin lumapit.”

 

Saglit na katahimikan bago umimik si Angela.

 

“Ano ang desisyon mo?”

 

Hinawakan ni Bernard ang kamay ni Angela na nakahawak sa mug sa ibabaw ng mesang nakapagitan sa kanila.

 

“No sweetheart…I want you to decide.” ani Bernard.

 

Napahugot ng malalim na hininga si Angela bago muling sumagot.

 

“Sweetheart…honestly wala akong tiwala kay Regine, but I trust you so much. Kaya sige, kung sa ganoong paraan natin siya matutulungan…pumapayag na’ko.”

 

“Thank you for trusting me sweetheart. I love you.” sabay masuyong pisil ni Bernard sa kamay nito.

 

“I love you too.”

 

Kinabukasan.

Sabay na umalis ang mag-asawa. Inihahatid ni Bernard si Angela bago pumasok sa opisina. Habang sakay ng kotse ay may naisip si Bernard.

 

“What if, puntahan natin si Andrea, para makilala naman natin siya ng personal?”

 

Nangislap ang mga mata ni Angela.

 

“T-talaga sweetheart?”

 

“Why not, diba?”

 

“Sige, sorpresahin natin siya!”

 

(ITUTULOY)

Pinagawang bahay, marami pang gustong baguhin: PIA, tututukan ang master bedroom na mala-penthouse suite ang aura

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Winwyn Marquez sa pagsayaw sa TikTok.

 

Pinatunayan ni Winwyn na anak nga si Alma Moreno at namana niya rito ang husay sa pagsayaw, kesehodang may malaking tiyan siya.    Pinost niya ang TikTok video kunsaan sumayaw siya sa song na “23 Ape Drums x Ram Pam Pam” at nilagyan niya ito ng caption na: “Giling din onti si buntis! Good morning!”

 

Umani ng higit sa 2.5 million views, 215,400 likes, and 750 comments ang dance video ni Winwyn. Pinuri ng kanyang followers ang dance moves niya na kahit buntis ay puwedeng magawa.

 

Na-miss daw kasi ni Winwyn ang pagsayaw simula noong mabuntis siya. Thankful siya na nakakagalaw pa rin daw siya at hindi niya ini-expect na aabot ng million ang pinost niya dance video. Pero minsan lang daw niya ito gagawin.

 


      “I got tired after this so I won’t be doing it again soon, but it’s good that I was able to move a bit. I miss dancing,” caption pa niya sa kanyang Instagram Stories.

 

Baby girl pala ang pinagbubuntis ni Winwyn.

 

***

 

KAHIT na move-in ready na ang pinagawang bahay ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, hindi pa rin daw niya ito matitirhan dahil marami pa raw siyang ipapabago.

 

      “Mukhang matatagalan pa siya kaya hindi ako nagpo-post ng mga updates. May babaguhin pa ako sa construction niya. May mga i-improve pa ako.

 

 

Hindi naman ako nagmamadali pero I will keep you guys updated sa mga social media accounts ko, kung ano ‘yung magiging process, kung paano ko siya gagawin,” sey ni Queen Pia.

 

Sa katapusan ng taong ito nakaplano na ang paglipat ni Pia sa kanyang bagong bahay. Gusto niya ay handang-handa na ang bahay niya.

 

      “Gusto ko kasi talaga siyang pagandahin dahil first house ko ‘yon na pinaghirapan ko. Big check siya on my list na magkaroon ng sariling bahay,” diin pa niya.

 

Nais ni Pia na siya ang mamili ng mga ilalagay na furnitures at appliances. Pati mga isasabit na paintings at ang ilan pang mga dekorasyon na magpapaganda ng bahay niya.

 

Tututukan din daw ni Pia ang kanyang master bedroom dahil gusto niya na mala-penthouse suite ang aura ng kanyang bedroom. Kailangan nga naman na fit for a queen ang tinutulugan ni Queen Pia.

 

***

 

NANAWAGAN ang Hollywood actress na si Angelina Jolie sa US Congress na magpasa ng bagong bersyon ng Violence Against Women Act.

 

Nagsalita sa US Capitol si Jolie at kinondena niya ang pananahimik ng Kongreso sa karahasan sa mga kababaihan.
Under the Violence Against Women Act, dapat ay mabigyan ng medical at legal assistance ang mga kababaihan at batang biktima ng pang-aabuso. Nag-expire ang batas noong 2019.

 

Kaya ang panawagan ni Jolie na repasuhin o baguhin ang batas, pero matagal nang pending ito dahil sa pagtalakay ng Kongreso sa ibang issue.

 

Nai-share last year ng aktres na minsan na siyang naging biktima ng domestic violence at ayaw niyang mangyari iyon sa kapwa niya babae, lalo na kung may mga anak ito na nakakasaksi sa naturang bayolenteng pangyayari sa bahay.

Naganap ang intimate wedding ceremony sa Northern Ireland: GLAIZA, nanggulat dahil ikinasal na rin pala kay DAVID noong October

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASORPRESA ang netizens na sumusubaybay sa Valentine’s Day celebration ng Kapuso Mo Jessica Soho, last Sunday, nang aminin ni Kapuso actress Glaiza de Castro na married na siya sa Irish businessman na si David Rainey. 

 

 

Kinasal sila last October, 2021 nang bumalik sa Ireland si Glaiza, na sabi niya ay for a vacation dahil katatapos lamang niyang mag-lock-in taping ng last seryeng ginawa niya sa GMA Network, ang Nagbabagang Luha.

 

 

Walang ipinakita si Glaiza habang nasa Ireland siya, na magpapakasal na sila ni David, dahil nag-tour pa sila ng iba’t ibang lugar sa Europe.

 

 

First time nag-meet sina Glaiza at David sa Siargao, in 2018, at parang love at first sight ang nangyari sa kanila at sabi nga, naging sila agad, dahil sabi ni David, “Sobrang ganda niya, I was just blown away!”

 

 

At nang minsang bumalik sa bansa si David, inabutan na siya ng lockdown dahil sa Covid-19.  At matapos makabalik na si David sa Ireland, sumunod sa kanya si Glaiza, at doon na sila nag-desisyon na magkaroon na sila ng intimate wedding ceremony in Northern Ireland.       Held beside a castle that was once the location site of the hit series na Game of Thrones. Sinunod nina Glaiza at David ang Irish tradition of handfasting which means “really tying the knot.”

 

 

Ayon pa kay Glaiza, hindi pa sila nag-exchange rings dahil gusto nilang i-save ito sa church wedding nila na dito gagawin sa Pilipinas, tulad nang napagkasunduan nila noon.

 

 

Sa ngayon, nakatapos na ng bagong serye si Glaiza sa GMA, ang False Positive na first time nilang pagtatambalan ni Xian Lim.

 

 

***

 

 

SA world premiere ng romantic-comedy series na First Lady na tampok sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, last Monday, halos ang buong cast ay lumabas na.

 

 

Nakita na rin sina Isabel Rivas, Francine Prieto at Samantha Lopez, na gumaganap na mga former first ladies na kinuha ni Blesilda (Pilar Pilapil), ina ni President Glenn Acosta, para turuan daw si Sanya na maging good first lady, pero ang totoo ay gusto nilang ipahiya si Melody.

 

 

      “Ang hirap i-bully ni Sanya, kasi ang bait-bait niya in real life,” pare-parehong sagot ng tatlo.

 

 

“Napakadali niyang pakisamahan, kaya mahirap apihin.  Pero she’s a very good actress.  Ang dali niyang maapektuhan kapag inaapi namin at madaling mapaiyak.”

 

 

Thankful naman ang tatlong first ladies sa GMA na binigyan sila ng stylist na naghahanda ng mga isusuot nila sa show sa kanilang role.

 

 

Sa ngayon ay nasa second lock-down taping na ang serye na tatagal hanggang sa March 30, 2022.

 

 

Napapanood gabi-gabi ang First Lady after ng 24 Oras.

 

 

***

 

 

NAMI-MISS na ng mga fans nina Ruru Madrid at Bianca Umali ang dalawa dahil matagal na raw hindi sila napapanood mag-perform sa All-Out Sundays.

 

 

Si Bianca lamang ang regular nilang napapanood sa show.  Hindi dapat mag-worry ang mga fans nila, kasalukuyan na kasing naka-lock-in taping ang actor sa kabundukan ng Quezon Province, para sa matagal nang inaabangang action-fantasy series na Lolong.

 

 

Natuwa si Ruru nang finally ay natuloy na rin ang lock-in taping nila, na mahirap daw i-shoot dahil more on exterior shots ang kinukunan nila, kaya kalaban nila kung umuulan at bumabagyo.

 

 

      “Hindi po kasi biro na gumawa ka ng show tungkol sa isang giant crocodile,” kuwento ni Ruru.

 

 

“We’re using an animatronic model na sampung tao ang bumubuhat sa kanya sa set.  Happy po ako na kasama ko rito ang mga mahuhusay na artista, si Mr. Christopher de Leon, si Ms. Jean Garcia at marami pang iba.  Dalawa po ang leading ladies ko rito, sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.”

 

 

Kasama rin ni Ruru ang lumipat na rin sa GMA na si Vin Abrenica, kaya magkasama na sila ngayon ng  wife niyang si Sophie Albert.

(NORA V. CALDERON)

US Embassy sa Ukraine pansamantalang isasara

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni US Secretary of State Antony Blinken na kanila ng isasara ang US Embassy sa Kyiv, Ukraine dahil sa patuloy na pagdami ng puwersa ng Russian forces sa border ng nasabing bansa.

 

 

Dagdag pa nito na pansamantalang ililipat naman ang maliit na bilang ng mga diplomatic personnel sa Lviv City sa nasabing bansa.

 

 

Ang hakbang aniya ay para na rin sa kaligtasan ng kanilang staff.

 

 

Patuloy din aniya ang pakiusap niya sa mga mamamyan nilag na sa Ukraine na agad na lisanin ang bansa.

 

 

Patuloy din aniyang bukas ang diplomasya kung seryoso at tapat ang Russia sa nasabing usapin.

 

 

Magugunitang makailang beses ng itinanggi ng Russia na kanilang lulusubin ang Ukraine.

Gerald Anderson, nabiktima ng ‘Basag-Kotse’ Gang

Posted on: February 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABIKTIMA ang aktor na si Gerald Anderson ng mga notor­yus na miyembro ng ‘Basag-Kotse gang’ matapos na atakihin ang kanyang sports utility vehicle (SUV) at tangayin ang kanyang mga bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang gamit, habang nakaparada sa tapat ng isang gym sa Quezon City, kamakalawa.

 

 

Batay sa report ng National Bureau of Investigation (NBI), sa inilabas na footage ng closed-circuit television ca­mera sa lugar, kitang-kitang ang pagdating ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, malapit sa nakaparadang sasakyan ng aktor.

 

 

Kaagad na bu­maba ang angkas ng motorsiklo, sinilip ang loob ng sasakyan, at binasag ang bintana ng itim na SUV at tinangay ang isang bag na malapit sa pintuan.

 

 

Paalis na sana ang dalawa, gayunman, nang walang taong lumabas mula sa gym ay bumalik pa ang suspek at kinuha pa ang isang bag na nasa driver’s seat naman.

 

 

Kaagad na tumakas ang dalawang suspek, na sinusundan ng isa ring lalaking lulan ng motorsiklo, na nagsilbing lookout.

 

 

Ayon ay NBI-Special Action Unit (SAU) executive officer Kristine Dela Cruz, ­unang naaresto ang isa sa mga suspek  na nakilalang si John Allen Dancel, alyas Elong, matapos siyang matunton ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up investigation at operations.

 

 

Inamin umano ni Dancel na siya mismo ang bumasag sa salamin ng sasakyan ni Anderson at tumangay sa mga gamit nito.

 

 

Binuksan din umano niya ang email account ni Anderson mula sa nanakaw nitong laptop at in-accessed ang crypto wallet ng aktor at saka nag-transfer ng P50,000 sa kanyang GCash account.

 

 

Nilinaw naman niya na hindi nila tinarget ang sasakyan ng aktor at natukoy na lamang na sasakyan pala niya ang kanyang nabasag nang makita ang kanyang pitaka sa kanyang bag. Narekober din ng mga awtoridad ang mga motorsiklong ginamit sa pagnanakaw ng mga suspek sa Tondo kung saan naka-base ang grupo.

 

 

Nabawi rin umano nila ang isang bag, dalawang relo at mga gadget ng aktor.

 

 

Gayunman, hindi pa rin narerekober ng mga awtoridad ang pitaka, mga identification (ID) card at passport nito.

 

 

Sa pagkakahuli naman kay Dancel, sumuko rin sa NBI at PNP ang dalawa pang suspek sa krimen, ngunit hindi kaagad natukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

 

 

Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga nadakip na suspect. (Daris Jose)