PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagdaraos ng workshops, trainings, seminars, congresses, conferences, board meetings, colloquia, conclaves, symposia, at consumer trade shows.
Ang mga nasabing events ay kailangan na idaos sa mga venues sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at papayagan lamang ng hanggang 30% venue capacity.
Batay sa naging pasya ng IATF, maaaring isagawa ang mga nabanggit na event sa hotel, restaurant, ballroom and function halls sa luob ng hotel o hotel premises at mall atria.
Kaugnay nito ay inaatasan ang Department of Tourism at Department of Trade and Industry na maglabas nang kaukulang guidelines tungkol dito.
Samantala, in- adopt din sa isinagawang 87th IATF Meeting ang rekOmendasyon ng Office of the Cabinet Secretariat na magpatupad ng Safety Seal Certification Program bilang karagdagan sa StaySafe.ph.
Ang lahat ng establisimyento gaya ng government offices, private companies, hotels at business establishments at public transportation units ay required na i- adopt ang Safety Seal.
Bukod ditto ay inaatasan din ng IATF ang DOH, DOLE, DILG, DOT at DOTr na magisyu ng memorandum circular para idetalye ang requirement sa pagkakaroon ng Safety Seal na dito ay inoobliga ang pagkakaroon ng Stay Safe application at QR Code na ilalagay sa entrances ng mga kinauukukang establisyemento. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
Naitala ng San Miguel Corporation (SMC) na may 1.7 million na RFID stickers ang nakabit na sa mga sasakyan subalit humihing pa rin na palawigin pa ang deadline ng paglalagay ng cashless transaction policy sa lahat ng expressways.