TIWALA ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP)na kakayanin ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na mabigyan ng unang gold medal ang mga Pinoy sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemya.
Ito ang walang takot na pinahayag nitong Biyernes ni GAP president Cynthia Carrion-Norton, bagong halal ding treasurer ng Philippine Olympic Committee (PIC).
Ayon sa opisyal na pinatunayan na ng 20-anyos, may taas na 4-11 at tubong Maynila ang de-kalibe niyang karakas o isang astig na atleta nang makamedalyang ginto sa men’s floor exercise ng 49th World Artistics Gymnastics Championships 2019 sa Stuttgart, Germany.
“Caloy (Yulo) is really training hard for the Olympics and we are hoping that he could finally end our hunger for the first Olympic gold medal,” sambit ng opisyal sa kanyang manlalaro, na nagwagi ng dalawang gold at limang silver medal sa Philippines 30th Southeast Asian Games 2019.
Mahigit isang taon na ring si Yulo na nagti-training camp sa lugar na pagdarausan ng 2021 quadrennial sportsfest sa Tokyo sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) at pribadong sektor.
Wala pang nakakamit na gold ang ‘Pinas sa Olympics – mapa-Summer o Winter man sapul noong 1924 sa Paris, France. (REC)
SINALUDUHAN ng Games and Amusements Board (GAB) ang una sa dalawang torneo ng Philippine Golf Tour (PGT) sa restart mula sa eight-month stop dahil sa Covid-19 at hinimok ang mas maraming kompetisyon ng sport sa taong 2021.
Umapaw ang emosyon ni Kim Chiu nang mapanood niya ang trailer para sa original series na Bawal Lumabas kaya naman hindi niya napigilang maiyak nang maisapubliko ito. “Nag-flashback sa akin lahat simula nag-start ang Bawal Lumabas. One mistake won’t define you as a person,” ang nakasulat na caption ni Kim sa kanyang Instagram video kung saan nagpupunas siya ng luha habang pinapanood ang trailer. “When you make a mistake, don’t look back at it long… ‘Mistakes’ are lessons of wisdom. The past cannot be changed. The future is yet in your power.”
Kaisa si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na gawing krimen ang red-tagging.
AABOT sa halagang P7,510,840,985 na halaga ng iba’t ibang uri ng droga at mga sangkap nito ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Integrated Waste Management system sa may Trece Martirez sa Cavite.
Hindi akalain ni Katrina Legaspi o nakilala noon bilang si “Hopia,” na maiisip ng kanyang longtime boyfriend na alukin na siya ng kasal.
Nadagdagan pa ng 1,061 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Mas maikling oras na curfew ang nais ng mga alkalde ng Metro Manila upang bigyang-daan ang nalalapit na tradisyunal na Simbang Gabi .
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang mga pagsubok na naranasan ng lalawigan sa mga nakaraang buwan, opisyal nang iilawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando ang 35 na talampakang Christmas tree sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa Biyernes, Disyembre 4, 2020, ika-5:00 ng hapon upang ikintal sa mga Bulakenyo na mayroong pag-asa sa kabila ng lahat.
Nakapagtala ng panibagong record ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy.