TUWANG-TUWA at napasigaw si Ysabel Ortega nang sorpresahin ni Miguel Tanfelix sa kanyang kaarawan habang nasa taping ng ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’
Sa Facebook, ibinahagi ni Ysabel ang video nang dalhan siya ng cake at flowers ni Miguel habang nasa taping at seryosong nakikipag-eksena bilang Hara Armea kay Gabbi Garcia, na gumaganap naman bilang Sang’gre Alena.
Hindi rin napigilan ni Ysabel na mapaluha sa tuwa sa natanggap na sorpresa, at niyakap si Miguel.
“At may pahabol pa nga na nag-surprise habang nag-eeksena. Thank you, Miguelito kooo,” sulat ni Ysabel na may kasamang heart emojis.
Ipinagdiwang ni Ysabel ang kanyang 27th birthday noong Linggo, January 25.
Bukod kay Miguel, nakatanggap din siya nang pagbati mula sa Sang’gre co-stars na sina Jon Lucas at Jenzel Angeles, at celebrities na sina Matt Lozano at Rayver Cruz.
***
NATUPAD ang wish ng ex-PBB 2.0 housemate at Sparkle teen na si Lee Victor na magkaroon ng sarili niyang single under GMA Playlist titled “Nagkakahiyaan.”
First love daw kasi niya ay music at singing.
“Honestly, what a dream come true. Simula pa lang nu’ng elementary ako and high school nangangarap na ako magkaroon ng sariling single. Like kung makikita ako ng younger self ko ngayon I think he will be super proud,” sey niya.
Ngayon ay ready na raw siya for more challenging roles sa TV. Lumabas na si Victor noon sa ‘Royal Blood’ at ‘Widows’ War.’
“I’m really open to explore new roles. Gusto ko rin po ng mga challenging roles, tipo ng roles na kailangan mong paghandaan. Willing to take that challenge.
“Siguro comedy, drama. Hindi ako marunong ‘yung mga action like kicks and punches pero kung turuan ako, dumaan ako sa workshops, why not? Baka maging sidekick ako ni Kuya Ruru Madrid,” tawa pa niya.
***
TAYLOR Swift becomes the youngest female artist inducted into the Songwriters Hall of Fame at age 36.
Sinundan niya si Stevie Wonder na naging youngest inductee noon sa edad na 32.
Proud ang ‘Opalite’ singer dahil makakasama niya sa pagpasok ay ang ilan sa most influential songwriters in music history na sina Gene Simmons and Paul Stanley of KISS, Alanis Morissette, Kenny Loggins, Christopher “Tricky” Stewart, Terry Britten and Graham Lyle, and Walter Afanasieff.
They will be formally welcomed as part of the 2026 class in New York City on June 11.
(RUEL J. MENDOZA)