• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 17th, 2026

DATING NTF-ELCAC SPOX BADOY NAGBAYAD NG P30K

Posted on: January 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBAYAD ng halagang P30 libo si dating National Task Force to end Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy bilang multa sa kasong indirect contempt.
Nahatulan guilty si Badoy noong Agosto 2023 dahil sa pag-atake nito online laban kay Judge Marlo Magdoza-Malagar ng Manila Regional Trial Court Branch 19.
Matatandaang nag-isyu ng resolusyon noong September 21, 2022 si Malagar na nagbasura sa petisyon ng Department of Justice para isama ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang terrorist group sa ilalim ng Human Security Act.
Nag-post naman si Badoy sa kanyang Facebook ng mga insulto laban sa hukom na tinawag nitong kaibigan ng CPP-NPA-NDF.
Nagbanta rin si Badoy na papatayin si Judge Malagar at nagsabi pa na bobombahin ang mga opisina ng mga hukom na maituturing na kaibigan ng mga terorista.
Ito ang naging ugat ng paghahain ng petisyon ng ilang grupo ng mga abogado para ipa-cite dahil sa indirect contempt.
Ayon sa Korte Suprema, kailangan mabalanse ang kalayaan sa pagpapahayag at proteksiyon ng judicial independence . (Gene Adsuara)

Natatawa na lang na sinabi na parang may mali… KIM, walang nagawa nang tawagin siyang ‘lakambini’ ni JACKIE

Posted on: January 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA opening ng “It’s Showtime” last January 14, wala ngang nagawa si Kim Chiu nang mabanggit ng isa pang host na si Jackie Gonzaga ang salitang “lakambini” na tawag sa kagalang-galang na babae noon.
Sa naturang episode, si Kim na naka-yellow Filipiniana dress ang nagbasa ng opening spiel tungkol sa pagpapalit ng branding ng “It’s Showtime” ngayong 2026.
“Tuloy ang ligaya dahil simula pa lang ng taon. Ito na, what if ayusin natin ang branding natin for this year?” say Kim at sabay tanong sa mga co-host ng, “Kayo ba, ano ba ang branding niyo?”
Tanong ni Darren kay Kim, “Branding mo ba ay pinya?”
Sagot naman ng aktres at TV host, “Hindi, ang branding ko, a-attend ako ng SONA.”
Reaction ni Amy Perez, napakaganda raw ni Kim sa OOTD, sabay napansin ng Kapamilya actress bakit daw pang-Linggo ng Wika ang tugtog.
Sambit naman ni Darren, “Ah, kasi nga bestie, kagalang-galang.”
At bigla ngang humirit si Jackie ng, “Isa kang lakambini.”
“Oh, thank you,” tugon ni Kim.
Pero natigilan siya na pangalan nga ng kapatid niya ang nasabi ni Jackie.
Natatawang sey ni Kim, “Teka, parang mali yon!”
Hagalpakan din ang mga taong nasa studio kabilang na ang mga co-hosts na sina Darren at Amy Perez. Kita naman sa camera ang pagkabigla ni Jackie na huli na nang ma-realize niya ang kanyang nasabi.
Sa kabila nito, tuloy pa rin si Kim sa pagbasa ng kanyang spiel, “All right, eto na, guys! Ang branding ba ninyo ay yung tipong strong-independent-woman na wellness era ang atake, o gusto niyo ba yung unbothered era?”
“Puwede rin yung moisturize era, puwede rin yung I’m-in-my-happy-lane era, o I’m-in-focus-and-flourishing era,” dagdag pa niya.
Singit uli ni Jackie, “Ah, kaya pala mabulaklak,” sabay turo sa mga bulaklak sa dress ni Kim.
Pabirong hirit naman ni Kim sa kanyang co-host, “Huwag ka na lang magsalita.”
Anyway, matatandaan na last December 2, 2025, nang sampahan ni Kim ng kasong qualified theft ang nakatatandang kapatid na si Lakambini ‘Lakam’ Chiu sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Hindi na nga napigilan ni Kim na ituloy ang matapos na ma-discover ang significant and serious financial discrepancies sa kanyang negosyo na naging dahilan ng pagkawala ng malaking halaga mula sa kanyang mga negosyo.

Pasabog ang rebelasyon sa ‘I-listen With Kara David’… CHARIZ, biktima ng physical, verbal, at sexual abuse noong bata pa

Posted on: January 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PASABOG ang rebelasyon ni Chariz Solomon tungkol sa dinanas niyang physical, verbal, at sexual abuse noong bata pa siya.
Nangyari ito sa programang ‘I-listen With Kara David.’
Six years old pa lamang si Chariz nang nagtrabaho sa Japan ang ina niya matapos mahiwalay sa ama ni Chariz.
Apat silang magkakapatid na naiwan sa kanilang kasambahay pero later on ay umalis din.
Dahil dito ay napunta ang magkakapatid sa kanilang mga kamag-anak.
“Gaano kahirap na lumaki na, technically, wala sa tabi mo yung nanay at tatay mo,” ang tanong ni Kara ay Chariz.
Sinagot ito ni Chariz ng, “Natatandaan ko lang is malungkot ako. Tapos sa school, lagi kong sine-share na wala akong parents.
“Tapos, parang napatawag pa yung guardians ko kasi bakit daw ganoon yung sinasabi ko.
“Alam kong malungkot lang ako. Tapos, sa bahay, alam kong hindi ako masaya.”
At ibinahagi na ni Chariz ang mga pang-aabuso sa kanya ng mga pinagkakatiwalaang kamag-anak.
Grade III raw siya nang mangyari ang lahat.
“Hindi ako lumaki sa masayang environment.
“Meron kasing verbal abuse, merong physical abuse.
“Tapos, hindi nila alam na naiintindihan ko yung ginagawa nila sa akin.
“Mayroon ding time na naranasan ko rin yung sexual abuse.
“Hindi ko alam kung alam ng iba kong relatives.”
Humingi rin ng tawad kay Chariz ang relative niyang nang-abuso sa kanya.
Lahad pa ni Chariz, “Alam mo yung, ‘Totoo bang nangyari ito?’
“May ganoong coping mechanism. Hindi mo alam kung talagang nangyari yon.
“Grade III ako noon. Tapos nag-sorry sa akin, thirteen na yata ako.
“Doon ko na-realize, ‘Ay, totoo siyang nangyari.’”
Malaki raw ang naging epekto nito sa emotional at mental health ni Chariz at umabot sa puntong sinasaktan niya ang sarili upang pansamantalang mamanhid mula sa mga sakit na dinanas niya.
“Hindi talaga ako proud dito, pero nag-self-harm ako noong bata ako.
“Parang eleven ako noon nang nag-self harm ako.
“Hindi ko naman gustong mamatay. Yung feeling na, ‘Hindi puwedeng may masamang mangyari sa akin kasi kailangan ako ng mga mahal ko, hindi muna.’ Yung ganun.
“Paglaki ko, inisip ko kung bakit ko yun ginawa. “Tapos naisip ko, ‘Ah, gusto kong lumabas siya as physical pain.
“Yung nararamdaman ko inside na hindi ko malabas, masigaw,” pagbabahagi pa ng Sparkle artist.
Naging bayolente rin daw siya sa ibang tao.
“Naging violent ako, may phase akong ganun. Naging angry ako, naging bully ako, at hindi ako proud dun.
“Yung parang naging defensive ka, konting ano lang sa iyo nung classmate mo e, galit ka na agad, gulpihan na agad, yung ganun.
“Hindi ako proud dun. Pero noong ina-access ko na yung sarili ko, parang nagkaroon din ako ng time na isiping baka kasalanan ko.
“Tapos may time na, ‘Bakit mo ginawa yun, e alam mo namang masama yon?’
“Noong nagkaroon ako ng forgiveness sa sarili ko, sabi ko, ‘Kasi siguro bata pa ako noon. Siguro kasi hindi ako nagkaroon ng maayos na environment sa bahay.
Nagsilbing hugutan ng lakas ang mga sinapit niya para kay Chariz.
“Ang natutunan ko, marami talagang bagay na hindi natin makokontrol. But you can work your way around it.
“Totoo yung, ‘When life gives you lemons, you make it sweet.’
“Mayroon kang power. I have the power to change my life, my future, my present.
“Don’t let it, like, have control over your life the bad things. Because bad things will happen. There is no light if there’s no darkness.
“Doon pumapasok si Lord. Trust your God.
“Bad things will happen, it will.
“Pero you have to be strong and know and acknowledge your strengths, and you choose happiness as much as possible.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Napares din sa isang aktor na ayaw din sa kanya… SNOOKY, inaming may naka-loveteam noon na hindi talaga niya feel

Posted on: January 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Snooky Serna na may mga pagkakataon noon na hindi niya ramdam ang ilang niyang naging ka-love team sa showbiz.
“‘Yung mga loveteam noon, may mga guys ako na kasama noon na hindi ko naman feel. Hindi ko naman crush. I mean, parang hindi ako inspired to be love-teamed with,” sey ni Snooky.
Pero dahil sa trabaho, kinailangan daw itong gawin ni Snooky.
“Pero we would have to… how do you say that? Parang make sinungaling, pretend that we were in love with each other,” patuloy niya.
Katunayan, may mga pagkakataon pang napares umano si Snooky sa aktor na pareho nilang ayaw sa isa’t isa.
“Meron pa talagang, we did not like each other at all. May ganu’n. But I had to do it because it was part of my job. Pero ang hirap. Bordering on hate mo na nga. Inis na inis akong kasama,” sey ng aktres, pero hindi na nagbigay pa ng pangalan.
Kasama si Snooky sa upcoming series na “House of Lies” na mapanonood na sa Enero 19 sa GMA Afternoon Prime.

***

PARA kay Mike Tan, desisyon nila ng kanyang non-showbiz wife na maging pribado o hindi mag-post sa social media ng tungkol sa kanilang pamilya.
“It’s our choice. It’s my choice and also choice ng asawa ko,” diin ni Mike Tan.
Sa kabila ng pagiging nasa showbiz, sinabi ni Mike na “very private” ang buhay niya dahil non-showbiz naman ang kanyang kabiyak.
“Pinag-usapan, even before the wedding, even nung kami palang dalawa, kasi hindi rin naman public figure ‘yung asawa ko. So sa amin, huwag na lang,” sabi niya.
Kinasal ang “House of Lies” actor sa non-showbiz girlfriend noong 2018, at mayroon na silang dalawang anak ngayon.

***

NA-FINALIZE na ang divorce nila Nicole Kidman at Keith Urban noong nakaraang Jan. 6.
According to court records, “a parenting plan has been set in place, and both parties have agreed to waive their right to spousal support. Both have agreed that there won’t be any child support, either.”
Si Nicole ang magiging primary parent ng two daughters nila ni Keith na sina Sunday Rose, 17, and Faith Margaret, 14.
Keith gets “parenting time” every other weekend.
Noong September 2025, nag-file si Nicole ng divorce after 19 years of marriage kay Keith.
According to TMZ: “They had been living apart since the beginning of summer and it seemed their joint appearances and social media posts dried up around that time, too.”
The Oscar-winning actress was “holding the family together through this difficult time since Keith has been gone.”
According to TMZ, the Australian-American country singer moved out of their family home and was living in a different residence in Nashville.

(RUEL J. MENDOZA)

Malabon LGU, IAMS naghandog ng libreng eye care at surgical services sa 1,000 Malabueños

Posted on: January 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGLUNSAD ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pakikipagtulungan ng International Academy of Medical Specialists (IAMS) ng Humanitarian Surgical and Medical Outreach Program mula Enero 15 hanggang 17, na nagbibigay ng libreng konsultasyon sa mata at operasyon, at mga piling serbisyo ng minor surgery para sa Malabueños na nangangailangan.

Tinaguriang “SEE – Malabon City: Operation Klaro” ang inisyatiba na naglalayon na mag-alok ng libreng surgical screening at eye-related surgical procedures sa mga kwalipikadong pasyente, bawasan ang morbidity na nauugnay sa hindi ginagamot na kondisyong medikal at surgical, pahusayin ang mga klinikal na kasanayan ng local healthcare personnel sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa IAMS, at isulong ang edukasyon at kamalayan sa kalusugan ng mga benepisyaryo.

Target ng tatlong araw na programa na ipinatupad ng magkasanib na pagsisikap ng City Health Department, Ospital ng Malabon, Partnerships Office at IAMS, na makapagsilbi sa 500 hanggang 1,000 Malabueños.

Binigyang-diin ni Mayor Jeannie Sandoval ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa paghahatid ng mga de-kalidad na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga residente.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at IAMS, mas mailalapit natin ang mga serbisyong medikal na kadalasan ay hindi agad nakukuha ng mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng outreach program na ito, hindi lamang natin sinisiguro ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga kababayan, kundi binibigyan din natin sila ng ngiti at kapanatagan para sa mas magandang kinabukasan ng kanilang mga pamilya,” ani alkalde.

Kabilang sa mga inaalok ng programa ang mga operasyon sa katarata at pterygium, glaucoma at iba pang mga problema sa mata, gayundin ang pag-aalis ng mga cyst, tumor, at iba pang mga bukol.

Noong Enero 15, pinangunahan ni Mayor Sandoval ang opening ceremony ng outreach program sa Malabon Sports Complex kung saan sumailalim sa medical consultations at surgical screening ang mga prospective na pasyente.

Binigyang-diin naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete ang pangmatagalang epekto ng inisyatiba, na nananatili aniyang pangunahing priyoridad ng pamahalaang lungsod ang accessible na pangangalagang pangkalusugan.

“Ang ganitong mga programa ay patunay ng malinaw na direksyon ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na institusyon, mas nagiging inklusibo at epektibo ang ating mga serbisyong medikal,” sabi ni Rosete. (Richard Mesa)

LTO INIMPOUND ANG VOLKSWAGEN JETTA NA NAKA-BLINKER AT NAGPANGGAP NA DIPLOMAT

Posted on: January 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIMPOUND ng Land Transportation Office (LTO) sa pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang Volkswagen Jetta na dating inisyuhan ng Show Cause Order ng LTO dahil ang sangkot na sasakyan ay naka-blinker sa gitna ng trapik at nagpapanggap na diplomat car.

Ang nasabing sasakyan ay inimpound at ang driver’s license ng sangkot na driver ay kinumpiska dahil sa mga paglabag sa pagmamaneho nang walang updated na rehistro ng sasakyan, kawalan ng tamang plaka at paggamit ng hindi awtorisadong motor vehicle accessories.

Binigyang-diin ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, :
“Walang sinumang mas mataas sa batas ng daanan. Hindi po tayo maaaring gumamit ng mga palusot tulad ng pagpapanggap na diplomat para makalusot sa mga regulasyon ng LTO. Ang mga patakaran natin ay inilaan para sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada at para tiyakin na lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas. Ang paglilitis na ito ay patunay na seryoso ang LTO sa pagpapatupad ng mga batas trapiko, at hindi tayo titigil hanggang sa makamit natin ang ligtas at maayos na daanan para sa lahat.”

Ang may-ari ng sasakyan at ang driver ay kailangang tumupad sa mga kinakailangang proseso ng LTO para mabayaran ang mga multa at matugunan ang mga paglabag bago maibalik ang kanilang sasakyan. Patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang LTO laban sa mga labag sa batas trapiko para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada ng bansa. (PAUL JOHN REYES)

Interpol red notice vs Atong ihihirit ng PNP

Posted on: January 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HUMILING na ng red notice mula sa Interpol ang Philippine National Police (PNP) sakaling lumabas ng bansa ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Robert Morico II, ang kanilang aksiyon ay paniniguro lamang na agad na madadakip si Ang.
Sinabi naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, na kahit ang pagdaan sa backdoor ay mahihirapang gawin ni Ang dahil may mga asset din ang PNP na maa­aring makapagbigay ng impormasyon.
Hihilingin na rin ng DILG sa Department of Justice na maglabas ng Hold Departure Order kay Ang para sa katiyakang hindi siya makalalabas ng bansa.
Muli ay umapela si Remulla kay Ang na kusa nang isuko ang sarili sa mga otoridad.

Fear brought to life, the cast of “PRIMATE” on their characters in the horror-mystery

Posted on: January 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Johnny Sequoyah (Lucy) and Ben in #PrimateMovie

In the down-and-dirty process of making his new horror movie Primate, director Johannes Roberts brought together an ensemble of dedicated performers who immersed themselves. “Our cast is amazing,” he says. “They went through so much and were so committed to their roles, which were physically and emotionally exhausting. They helped ground this world with beautifully nuanced performances, so when the horror kicks in, it feels real.”

Primate tells the story of the Pinborough family and their pet chimpanzee Ben, who goes from a gentle pet to a deadly stalker. When Lucy Pinborough (Johnny Sequoyah) returns home to Hawaii after her freshman year in college, she is looking forward to a carefree holiday with pals Hannah (Jessica Alexander), Kate (Victoria Wyant) and Nick (Benjamin Cheng), her sister Erin (Gia Hunter), and the family’s beloved pet chimp, Ben. With her father Adam (Academy Award winner Troy Kotsur) called away on business, Lucy and the girls are looking forward to decompressing by the pool at the family home, a luxury hideaway tucked into a secluded cliffside. But their tropical vacation soon turns into a terrifying, primal tale of horror and survival.

Watch the trailer: https://youtu.be/Toiqr_T1y3w

(From left) Johnny Sequoyah, Troy Kotsur and Gia Hunter play the Pinboroughs in #PrimateMove

Lucy’s late mom was a linguistics professor trying to discover language connections between chimpanzees and humans. “She brought Ben home as a baby and trained him to communicate using sign language and a special keyboard,” Johnny Sequoyah shares how Ben came to be a member of their family. “There was an instant connection between Ben and Lucy and Erin. They have never considered Ben a pet. He is more like a little brother. When Lucy notices signs that something isn’t right with Ben, she’s concerned about him, but it would never cross her mind to be afraid of him. She is a loyal person in an impossible situation. She loves everyone in her life with all of her being, but she has to find the fierceness to protect herself and the others from Ben.”

Oscar winner Troy Kotsur (who won the Best Supporting Actor Academy Award in 2022 for his role in CODA) plays Lucy’s dad Adam. “Adam may be deaf, but he is no victim,” says Kotsur of his efforts to save his family. (Check out the “Silence is Deadly” featurette, showing a terrifying scene without sound, to show Adam’s perspective.)

British actress Gia Hunter rounds out the Pinborough family as younger sister Erin. Erin has been lost since her mother died and her sister went to the mainland for college. “Her dad has withdrawn into his grief,” Hunter says. “She’s very lonely. Ben is her lifeline, the only remnant of her mother. She was three when they met, so they grew up together. The film is scary but it’s also quite emotional. At one point she tries to sign with him and he snaps. Imagine what it feels like when a pet you’ve loved and trusted all your life turns on you.”

(From left) Victoria Wyant, Jessica Alexander, Gia Hunter and Johnny Sequoyah in #PrimateMovie

Victoria Wyant plays Lucy’s best friend Kate. “Kate and Lucy have grown apart a bit, which has been influenced by people like Hannah, a shiny new friend who Kate thinks is really cool,” says Wyant. “She has a nice arc of rediscovering her priorities, which is an unusual thing to find in a horror film.”

Jessica Alexander, who plays Kate’s new friend Hannah, describes her character as a bit materialistic and an attention-driven girl. “I guess you could see her as a stereotypical mean girl, but she’s a little bit more than that,” says the actress. “A part of her is a little bit annoyed that Lucy has such a cool house, because she doesn’t want to be the least cool one there. But she thinks she kind of is.”

(From left) Benjamin Cheng, Victoria Wyant, Jessica Alexander, Johnny Sequoyah and Ben in #PrimateMovie

Kate’s brother Nick, played by Benjamin Cheng, joins the girls for a party. “Nick is a 20-year-old chilled-out guy who likes a good time,” says Cheng. “He knows that Lucy has had a crush on him forever, but he clearly has something going on with Hannah. I really liked how there was some level of romance in there. It plays on the audience’s heartstrings when they get ripped into the chaos. You want to see these people have a happy ending.”

#PrimateMovie

Get ready to go bananas for PRIMATE when it opens in Philippine cinemas January 21, 2026. #PrimateMovie

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

(ROHN ROMULO)

Ads January 17, 2026

Posted on: January 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments