• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 14th, 2026

Sexy and beautiful pa rin kahit galing sa break-up BEAUTY, happy sa peace of mind ng kaibigang na si ELLEN

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAUNLAK ng pahayag si Beauty Gonzalez tungkol sa isyu ng hiwalayan ng matalik niyang kaibigang si Ellen Adarna at dati nitong karelasyong si Derek Ramsay.“Ellen is doing fine. She’s f_ck_ng sexy and beautiful. Nakakainis!“Which is good kasi, ‘di ba, you have to look beautiful and move forward.“So I’m really happy for her. I’m happy for her peace of mind.“And that’s all I can say ’cause I don’t like talking about my friends so much ’cause I really don’t know what’s happening with their lives, e.“Basta if people don’t get your… if people don’t get your vibe, change the people, not your vibe.” Sa tanong kung sinuportahan niya si Ellen…“She doesn’t need support, e. It’s not her new… it’s not her new thing, di ba?“It happened na before with… with many relationships. So I think she knows how to handle herself.“And iba talaga when you’re a woman, when you have a choice. So she’s very lucky.“Yeah. Proud ako sa kanya.“And I don’t really wanna talk so much kasi mahilig siya mag-announce sa Instagram kaya…”Bida si Beauty at si Kris Bernal sa bagong GMA Afternoon Prime drama series House of Lies.“I am playing Marjorie Castillo in my new show House of Lies, isang bahay na itinayo ng kasinungalingan at gigibain ng katotohanan.“At ako lang ang yung walang alam sa katotohanan dito.“Yeah, it’s a story about, like, a bunch of nice people behaving badly, except me.”Mabait siya dito?“Yeah, yeah, yeah. Yeah, mabait, sobra.“Like, natatawa nga ako kay direk [Jerry Lopez Sineneng], yung iba-ibang hugot ng mga iyak ko, kasi talagang andaming pinagdadaanan ng character ko dito.“So, alam mo yun, minsan yung iyak mo hindi naman isang tono. Talagang iba’t iba talaga. Di ko ma-explain.”Araw-araw daw siyang umiiyak sa serye.“Yeah, ganung level. But you know what? I mean, like, I love what I’m doing. I’m not complaining naman.“Just so hard pag may sipon ka. Sh_t. Parang may migraine ka.”“I mean, this is where I started. Sa Kadenang Ginto, ganun din naman ako. Iyak ako every day.“Pero di naman ako yung sobrang umiiyak na hindi ako… walang palaban. Lumalaban din ako.”Sa istorya raw humuhugot si Beauty sa pag-arte.“Anong hugot ko? Hugot ko is basically the story.“Di ako humuhugot sa sarili kong buhay kasi wala, I mean, like, I have past challenges pero di ko siya ma-apply sa buhay ko.“Parang iba tuloy lumalabas na emotion ko.“And actually, every time I have a new project, I always get surprised with the personality of the character that I’m portraying.“Kasi slowly by slowly, maki-create mo yung sariling personality nung character based on anong istorya nung writer na ginawa.”Bukod kina Beauty at Kris ay nasa serye sina Mike Tan at Martin del Rosario, at sina Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Snooky Serna at ang mga Sparkle artists na sina Kayla Davies, Angel Cadao, Geo Mhanna, at Kokoy de Santos.Kasama rin sa cast sina Tanya Gomez, Patricia Tumulak, at Gee Canlas.Mapapanood ang House of Lies simula Lunes, sa January 19, 2026, 3:20 pm.(ROMMEL L. GONZALES)

Top Team na Thunder, tinalo sa unang pagkakataon ang Spurs

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA UNANG pagkakataon ngayong season, nagawa ng top NBA team na Oklahoma City Thunder na talunin ang karibal na San Antonio Spurs.

Matatandaang nakuha ng Spurs ang panalo sa unang tatlong laban kontra OKC, ngunit sa ikaapat na pagkikita nila ng defending champion ay nanaig ang Thunder, 119-98.

NBA Finals MVP Shai Gilgeous-Alexander ang nanguna sa panalo matapos makapagtala ng 11 field goals. Sa kabuuan, umabot siya sa 34 points, kabilang ang 11 free throws.

Nag-ambag naman ng 20 points at dalawang steal ang ikalawang scorer ng koponan na si Jalen Williams.

Sa panig ng Spurs, nalimitahan lamang sa 17 points ang bigman na si Victor Wembanyama at hindi naipakita ang kanyang karaniwang two-way play.

Nasayang din ang impresibong performance ng guard na si Stephon Castle na kumamada ng 20 points, pitong rebounds, walong assists, at isang steal.

Ang dalawang magkaribal na koponan ang nangunguna ngayon sa Western Conference, kung saan hawak ng Thunder ang 34 na panalo habang umabot na sa 27 wins ang Spurs.

Alex Eala, panalo vs Paris Olympics silver medalist Donna Vekic

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DINOMINA ng Pinay tennis star na si Alex Eala ang laban kontra Paris Olympics silver medalist Donna Vekic sa nagpapatuloy na Kooyong Classic sa Melbourne, Australia.

Ang naturang torneo ay isang exclusive, by-invite exhibition tournament na nilalahukan ng mga kilalang tennis star bago ang nakatakdang Australian Open.

Nauna nang tinalo ni Eala si Vekic sa katatapos na ASB Classic sa Auckland sa score na 4-6, 6-4, 6-4. Sa pinakahuling laban, hindi na umabot sa deciding set matapos ang dominanteng performance ni Eala, 6-3, 6-4.
Sa taong ito, nagawa na ni Eala na manalo sa apat sa kanyang limang singles match bago ang inaabangang pagsabak niya sa Australian Open.
Samantala, parehong nakatakdang lumahok sina Eala at Vekic sa WTA125 Philippine Women’s Open ngayong buwan.

Gayunpaman, hindi pa tiyak kung muling magtatagpo ang dalawa sa nasabing torneo.

AFP, PNP tiniyak ang mahigpit na seguridad, walang banta bago pa ang ASEAN SUMMIT

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng mga awtoridad na maayos na ginagawa ang ‘security preparations’ para sa nalalapit na pagho-host ng Pilipinas para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong taon.
Sa katunayan, ganap na ang kahandaan ng lahat ng ahensiya ng gobyerno para ipatupad ang komprehensibo at ‘coordinated’ na safety measures.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa press briefing sa Malakanyang na kasalukuyang walang namo-monitor na pagbabanta sa pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN-related activities, kasunod ng ekstensibong koordinasyon sa ibang law enforcement agencies.
WInika pa ni Nartatez na ang PNP, kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at local government units, ay patuloy na ina-assess ang posibleng security risks.
“Ang ating kinokonsidera ay ang different threats that will affect the activities. As of now, upon our coordination, hindi lang ang PNP, other law enforcement units, even the AFP, PCG, and our communities, wala tayong nakukuhang or nakalap na threats with regards to the conduct of ASEAN,” ayon kay Nartatez.
Sinabi pa ni Nartatez na naghanda na rin ang mga awtoridad noong nakaraang taon upang masiguro na ligtas ang ASEAN-related activities sa bansa.
“So, in coordination with other law enforcement agencies, the AFP, and of course nandiyan din ang ating local government units, we are ready now to implement or go with our security operations for ASEAN,” aniya pa rin.
Samantala, ang 48th ASEAN Leaders’ Summit ay magaganap sa May 8 hanggang 9 sa Cebu, magsasama-sama rito ang mga lider mula sa 11 ASEAN member-states: Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Timor-Leste, at Vietnam.
Bago matapos ang taon, ang 49th ASEAN Leaders’ Summit ay nakatakda naman sa November 10 hanggang 12 sa Maynila, sa bagong renovated na Philippine International Convention Center (PICC).
Sa kabilang dako, sinabi naman ni AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Rommel Roldan na magbibigay ang military ng buong suporta sa PNP, na mangunguna sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng pagho-host ng bansa sa ASEAN-related activities.
Tinuran ni Roldan na binigyan na ng marching orders ang mga tropa na palawigin ang lahat ng kinakailangang tulong sa PNP para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kaganapan, idagdag pa na nakaayos na rin ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng dalawang puwersa.
“Nabigyan na ng marching orders ang inyong kasundaluhan na ibigay ang kailangang suporta ng ating kapulisan, as far as the security aspect of the ASEAN related activities for this year na tayo ang host. So mayroon na iyang koordinasyon with the PNP,” ayon kay Roldan.
Samantala, sinabi ni Nartatez na ang special “ASEAN lanes” ay ipatutupad para sa magiging galaw ng VIPs sa panahon ng ASEAN-related activities sa Maynila, kahalintulad ng kaayusan na ginawa sa mga nakalipas na summits.
Ang paliwanag pa ni Nartatez na ang dedicated lanes ay bahagi ng pagsisikap para mas paghusayin pa ang security operations at tiyakin ang ligtas, maayos at episyenteng pagbibyahe ng mga delegado at mga opisyal. (Daris Jose)

PBBM, balik Pinas na matapos ang working visit sa Abu Dhabi

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Miyerkules ng umaga matapos ang kanyang working visit sa Abu Dhabi.
Ang eroplanong may dala sa Pangulo ay lumapag sa Maynila ng alas-11:28 ng umaga.
Sa kanyang arrival statement, sinabi ng Pangulo na nakiisa at sumali siya sa talakayan ukol sa “future-ready world” kasama ang ibang heads of state at gobyerno.
“I had productive dialogues focusing on key sectors such as energy, water, finance, food, and the environment—matters that affect every Filipino, both here and abroad,” ayon kay Pangulong Marcos.
“I assured them that the Philippines is committed to finding solutions and implementing the policies needed for a sustainable future for the people,” dagdag na wika nito. ( DARIS JOSE)

Pangisdaan Festival 2026, bahagi ng pagdiriwang ng ika-120th anibersaryo Ng Navotas

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASIKLABAN sa kanilang talento sa street dancing compitetion ang mga estudyanting kalahok mula sa Tangos National High School, San Roque National High School, San Jose Academy, Navotas National High School, San Rafael Technological and Vocational High School, Filemon T. Lizan Senior High School, at Tanza National High School suot ang makulay at mayamang kultura ng pangisdaan na natatangi sa Lungsod ng Navotas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120th anibersaryo nito. (Richard Mesa)

PBBM, IGINIIT NA BIGYAN NA NG HUSTISYA ANG MGA NAWAWALANG SABUNGERO – PALASYO

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pulisya at iba pang law enforcement agencies na ipatupad na ang batas sa kaso ng mga nawawalang sabungero, kabilang ang pag-aresto sa mga sangkot, upang matiyak na maipagkakaloob ang hustisya, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.
“Iyan naman lagi ang mandato nila, ng mga PNP at ating law enforcement agencies, alam nila iyan. Ang utos ng Pangulo, kung ano ang nasa batas ipatupad,” sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang nitong Miyerkules.
“Kung nandiyan na ang warrant of arrest mas pabilisan ang pagtatrabaho para po mapanagot ang dapat na mapanagot,” dagdag pa ni Castro.
Sinabi ito ni Castro matapos naglabas ng arrest orders ang Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court laban sa mga indibidwal na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa nasabing pagkawala ng mga sabungero.
Kabuuang 34 na sabungero ang naiulat na nawala mula 2021 hanggang 2022, at sinasabing may kaugnayan ang mga pagdukot sa match-fixing o pandaraya sa sabong.
Ilang indibidwal, kabilang ang mga pulis, ang una nang kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) sa iba’t ibang korte noong nakaraang Disyembre.
Isa sa mga suspek sa kaso ang nag-ugnay sa ilang kilalang personalidad sa pagdukot at pagpatay, at iginiit na itinapon ang mga bangkay ng mga biktima sa Taal Lake. ( Daris Jose)

AFP, PNP PINAGTIBAY ANG DEDIKASYON SA SEGURIDAD NG BANSA, PINASALAMATAN SI PBBM SA PAGTAAS NG BUDGET SA 2026

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa karagdagang pondo sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA), kasunod ng pag-apruba ng Pangulo sa PhP6.793 trilyon na pambansang budget.
Nagpasalamat din ang dalawang institusyon sa Department of Budget and Management (DBM) gayundin sa Senado at Kamara sa kanilang papel sa pagbalangkas ng nasabing batas sa budget.’
Sa isang press briefing sa Malacañang nitong Miyerkoles, tiniyak ni AFP Deputy Chief of Staff Lt. General Rommel P. Roldan sa publiko na patuloy ang serbisyo at sakripisyo ng mga men at women in uniform upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bansa.
“Mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sa pangkalahatan partikular sa aming Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr., nais kong ipahatid on behalf of your Filipino soldiers ang amin pasasalamat sa pamahalaan sa pamumuno ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,” ani Roldan.
Kinikilala rin ni Roldan ang ginawang pagpapasa ng pambansang budget ng mga mambabatas, kung saan mataas ang inaprub na alokasyon sa mga ahensya ng gobyerno, partikular na para sa AFP basic pay at subsistence allowance.
“Nais ko pong ibigay ang assurance na patuloy ang inyong Sandatahang Lakas na magbibigay, magsasakripisyo para sa ating bayan,”dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Roldan na ang pagtaas ng budget ay pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalo at kanilang pamilya, at magsisilbing inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang kanilang tungkulin bilang kasundaluhan.
“Ito rin ay pagkilala sa sakripisyo namin at ng aming pamilya. Dahil rito, alam po ninyo naman na patuloy na propesyunal ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. At ito ay patuloy na magbibigay inspirasyon sa amin upang gawin nang mas mabuti, patuloy na ang amin pong role bilang inyong kasundaluhan,” ani Roldan.
Si PNP Acting Chief Lt. General Jose Melencio C. Nartatez Jr. naman ay nagpahayag ng pasasalamat sa Pangulo sa pag-apruba ng budget, sa Kongreso sa pagpasa nito, at kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla sa kanyang paggabay sa pagpapatibay ng mga programa ng PNP para sa kapayapaan, kaligtasan ng publiko, at mabuting pamamahala.
Sinabi ni Nartatez na tumaas ng 10 porsyento ang budget ng PNP, mula PhP205 bilyon noong nakaraang taon tungo sa PhP226 bilyon ngayong taon.
“Rest assured that this budget that corresponds to the various programs, activities and projects of the PNP will be geared towards building a safer community and a better police service for all Filipinos,” ani Nartatez.
Binigyang-diin niya na nananatiling nakatuon ang PNP sa kanilang adyenda ng reporma sa ilalim ng panawagan na, “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas. Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.” ( Daris Jose)

Sa kasong kidnapping with homicide… Arrest warrant laban kay Atong Ang at 17 iba pa, inilabas

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ang Regional Trial Court sa Sta. Cruz, Laguna ng warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at 17 iba pa dahil sa kasong kidnapping with homicide.
Ang naturang kaso ay itinuturing na non-bailable offense, kaya’t walang piyansa na itinakda ng korte.
Ayon sa kautusan, may sapat na probable cause upang ipag-utos ang pag-aresto sa mga akusado.
Inatasan din ng korte ang mga pulisya na gumamit ng body-worn cameras at recording devices sa pagsisilbi ng warrant upang matiyak ang transparency.
Ang kaso ay kaugnay ng pagkawala at pagkamatay ng ilang sabungero na naging malaking isyu sa bansa.
Dahil dito, inaasahang magiging masusing binabantayan ang proseso ng pag-aresto at paglilitis sa mga akusado.
Wala pa namang pahayag ang kampo ni Ang sa bagong development na ito.
( Daris Jose)

Matapos matuloy ang kanyang minor operation… KRIS, ni-reveal na dalawang minuto na huminto ang paghinga

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NITONG Martes, Enero 13, natuloy na nga ang minor operation ni Queen of All Media

Kris Aquino, matapos na ma-delay dahil sa kanyang sobrang taas na blood pressure.

Pinost ito ni Kris sa kanyang social media page at nagbigay ng health update kasama ang isang photo kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimb.
“This surgery was delayed from yesterday to very soon because my BP was sky high the whole of Sunday- the culprit, my migraine,” pahayag niya.
“Thank you to my pain management doctor Henry Lu and his entire team for finding the right formula although Sunday night and yesterday i was given a pharmacy. Entering the pre-OP area.”
Dagdag pa ni Kris, “Kuya was shaking and automatically grabbed Bimb’s hand. I did something right in making sure Bimb grew up knowing he’ll be responsible for his Kuya. And kuya feels secure with Bimb. Going in. #family.”
Kinabukasan, January 14, muling nag-post si Kris sa kanyang Instagram na may simulang, “This is for me a short post.”
Pagpapatuloy pa niya, “THANK YOU for continuing to pray for me to get better, for having FAITH that God will make all things possible. I haven’t fully processed what happened, it was supposed to be a minor PICC LINE procedure BUT there was a span of time totaling almost 2 minutes when my lung stopped functioning-i stopped breathing.
“I credit my anesthesiologist, my 2 surgeons, and as soon as i awakened- the reassuring face of my rheumatologist whose concern & love i felt. In my post-op recovery room, it was future pediatrician/neurologist/or anesthesiologist Bimb’s kiss that made me realize we owe all of you my life-utang namin na buhay pa rin ako, the Holy Spirit guided my doctors and everyone in the OR…
as the song lyrics say:
“And when the night is cloudy there is still a light that shines on me Shinin’ until tomorrow, let it be I wake up to the sound of music, Mother Mary comes to me
“Speaking words of wisdom, let it be…”
Marami namang celebrities at netizens na nag-comment ng kanilang patuloy na pagdarasal para sa fast recovery at paggaling ni Kris.

***

‘2026 Bataan Freedom March’, pagpaparangal sa ika-84 Anibersaryo ng Kagitingan

KASUNOD ng tagumpay na 2025 run, ipinagmamalaki ng Philippine Veterans Bank, sa pakikipagtulungan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) at ng Department of National Defense (DND), ang pagbabalik ng Freedom March na nakatakda sa Pebrero 28 hanggang Marso 1, 2026.

Ito ay higit pa sa isang paglalakad; ito ay isang malalim na paglalakbay ng pag-alaala. Sa loob ng dalawang araw, ang mga nagmamartsa kabilang ang mga sibilyan, descendants ng mga beterano, at mga miyembro ng AFPm babalikan nila ang makasaysayang mahigit 100 kilometrong ruta na tiniis ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong bantog na Bataan Death March noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

“The Freedom March is an inclusive tribute open to everyone who wishes to honor the legacy of our heroes,” pahayag ng First Vice President ng PVB na si Miguel Angelo C. Villa-Real.

Makalipas ng ang walumpu’t apat na taon, dala-dala ang kanilang sulo upang matiyak na ang mga sakripisyo ay hindi malilimutan.

Ang martsa ay hinati sa 10-kilometrong mga bahagi, na nagpapahintulot sa mga kalahok na sumali sa isang bahagi o maglaan ng oras sa buong makasaysayang landas:

Sa unang araw, Pebrero 28, ang pagpupugay ay magsisimula sa pagsapit ng hatinggabi (12:01 AM) sa Kilometer Zero sa Mariveles, Bataan, na magtatapos sa unang pangunahing bahagi sa Dinalupihan ng 7:00 PM.

Sa ikalawang araw, Marso 1, ang martsa ay magpapatuloy ng 1:00 AM. Ang mga nagmamartsa ay patungo sa San Fernando, Pampanga. Ang paglalakbay ay magtatapos sa isang seremonya ng pagtatapos ng 6:00 PM sa Capas National Shrine—ang banal na lugar ng dating Camp O’Donnell.

Sa buong paglalakbay, ipapasa ng mga kalahok ang Freedom March Guidon at sulo, na sumisimbolo sa patuloy na ningas ng katapangan na ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Bilang pagpupugay sa ating mga beterano, ang pakikilahok sa Freedom March ay libre. Gayunpaman, upang matiyak ang kaligtasan at koordinasyon sa tatlong probinsyang kasangkot, mahigpit na kinakailangan ang maagang pagpaparehistro.

Kung ikaw man ay isang mahilig sa fitness na naghahanap ng challenge, mahilig sa kasaysayan, o isang makabayang nagnanais magbigay-pugay, ang iyong presensya ay nakakatulong upang mapanatili ang apoy ng kagitingan.

Inaanyayahan din ng mga organizer ang mga lider ng korporasyon na sumali bilang mga co-Presenter. Maaaring i-maximize ng mga sponsor ang visibility ng brand sa mga pangunahing hintuan bawat 10 kilometro at sa panahon ng mga programa ng pagbubukas at pagsasara na kinikilala sa buong bansa.

Samahan kami habang naglalakad kami para sa mga hindi nakapagparehistro. Magrehistro ngayon at maging bahagi ng taos-puso at makasaysayang pagpupugay na ito.
Para magparehistro, bisitahin ang https://www.facebook.com/veteransbankmarch, mag-email sa pvbcares@veteransbank.com.ph o tumawag sa Hotline ng Bangko (02) 7902-1782, Tollfree number: 1800-8902-1782 (Globe, Globelines, TM) o 1800-10-857-3888 (PLDT, Smart).

(ROHN ROMULO)