• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 13th, 2026

PBBM, kumpiyansa sa suporta ng Kongreso sa gitna ng usapin ng impeachment

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at nakatuon sa pamamahala sa gitna ng usapin ng impeachment complaint na posibleng isampa laban sa kanya sa oras na magpatuloy na ang sesyon sa Jan. 26.
Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay matapos na sabihin ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na maaaring may magsampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
Muli namang inulit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang napaulat na hakbang na pag- impeach ay nananatiling ‘unsubstantiated’ o walang katibayan at lumalabas na dahil sa political maneuvering kaysa sa konkretong alegasyon.
“‘Diumano may lumapit sa isang mambabatas na mga supporters ng isang politician, mukhang sila ay mga miyembro ng DDS [Diehard Duterte Supporters],” ang sinabi ni Castro.
Winika pa ni Castro na ang impeachment ay isang seryosong constitutional mechanism at hindi dapat na ginagamit para sa publisidad o pamamahala.
“Ang impeachment complaint ay hindi ito pang-media lamang. Hindi ito panakot lamang,” aniya pa rin.
Idinagdag pa ni Castro na ang mga usapin na na napag-usapan sa pampublikong diskurso ay dapat na direktang sagutin at hindi pinalihis sa pamamagitan ng political actions.
“Mas maganda po na masagot ang mga issue,” ayon kay Castro, tinukoy ang pahayag ng mga kritiko na ang impeachment talk ay maaaring gamitin para i-divert ang atensyon mula sa alegasyon na nagsasangkot kay Vice President Sara Z. Duterte.
Sa kabila ng development na ito, sinabi ni Castro na handa si Pangulong Marcos para sa anumang political scenario at patuloy na igagalang ang constitutional processes.
“Ang Pangulo naman handa naman sa lahat ng pagkakataon dahil siya po ay gumagalang sa Konstitusyon, gumagalang po siya sa proseso,” ayon kay Castro.
Itinanggi naman ni Castro ang pahayag na “betrayal of public trust,” partikular na sa alegasyon na nag-uugnay sa paglagda sa General Appropriations Act (GAA), binigyang diin ang ipinag-utos na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects at naglagay ng mga safeguards o pananggalang sa 2025 national budget para protektahan ang public funds.
“Sa ngayon tiwala pa rin po ang Pangulo na mayroong pagtitiwala rin sa kanya ang mga mambabatas dahil hindi naman gumagawa ng kamalian ang pangulo,” ang sinabi ni Castro. ( DARIS JOSE)

Contractors, political dynasties i-ban, inihain ni Senator Rosa Hontiveros

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN sina Senador Risa Hontiveros at Akbayan Party ng panukalang mag-aamyenda sa Party-List System Act.
Layon ng mga ito na bantayan ang pang- aabuso ng political dynasties at contractors.
Sa Senate Bill No. 1656, isinusulong ni Hontiveros na pagbawalan ang political dynasties sa pagsali sa party-list system maging mga party-list nominees at representatives na may interes sa government contracts.
Isang counterpart bill (House Bill No. 7074) ang inihain nina Akbayan Party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña at Dadah Ismula, kasama si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.
“Kung gusto nilang rumaket, huwag nilang gamitin ang partylist system. This bill aims to reclaim the voice of ordinary Filipinos who’ve been shut out of power because of abusive personalities who are using the partylist system as a backdoor to power. Tama na ang pangha-hijack nila. If they’re not genuinely fighting for the Filipino people, they don’t belong in this system,” ani Hontiveros.
Sinabi ni Diokno na nais ng panukala na maibalik ang tunay na isinusulong ng batas at hindi masamantala ang party-list system.
Ginagarantiya rin na ang marginalized sectors ay may tunay na boses sa Kamara.
Hindi lang isinusulong ng panukala ang pag-ban sa dynasties at contractors kundi ipinagbabawal ang registration ng party-list organizations na naka-pattern sa television o radio programs, government assistance programs, o pangalan ng public officials, celebrities, at iba pang public figures, upang masiguro na nakatuon sa tunay sectoral representation ang sistema.
Isinusulong din sa panukala ang pagtanggal sa 3-seat limit para sa pagkakaroon ng buo, demokratiko, at proportional na representation.
“The limit contradicts the Constitution’s intent to achieve proportionality,” ani Diokno.
Ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, nasa 66% ng party-lists sa 19th Congress ay may isang nominee mula sa established political dynasty.
Lumitaw din aniya sa ilang ginawang congressional inquiries sa anomalya sa flood control projects na ilang bilang ng party-list representatives ang direktang nakinabang sa government projects bilang contractors.
“Someone who votes on infrastructure budgets while their company bids on those same projects is a scammer. This blatant conflict of interest has no place in a democracy. After decades of abuse and loopholes, the sweeping reforms proposed in these bills hope to hand the reins back to everyday Filipinos,” dagdag ni Hontiveros.
(Vina de Guzman)

PAGHAHANDA PARA SA KAPISTAHAN NG STO NINO, KASADO NA

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KASADO na ang pamunuan ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo at Sto. Nin̈o de Pandacan Parish para sa kapistahan ng Señor Santo Niño sa Enero 18.
Sa nasabing kapistahan isasagawa rin ang 33 misa at gaganapin ang Lakbayaw Festival 2026 sa Tondo, Maynila sa Sabado ganap na alas 7 ng umaga na inaasahang dadaluhan ng libo-libong mga deboto .

Kahapon ay sinimulan na ang prusisyon ng replica ng Sen̈or Sto. Nin̈o sa Maynila na may iba’t ibang laki at liit habang bitbit ng mga nakiisa at ang iba naman ay nakasakay sa carosa .
Sa kasaysayan napag-alaman na ikalawang pinakamatandang imahen ng Santo Niño sa Pilipinas ang imahen ng Señor Santo Niño de Tondo na dinala ng mga paring Agustino noong 1572 habang ang imahe ng Señor Santo Niño de Cebu ang pinakamatandang imahen ng Santo Niño sa bansa.
Katulad sa pagdiriwang ng katatapos lamang na kapistahan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno , ang Manila Police District (MPD) ay nagsagawa rin ng paghahanda lalo na ang security plan para sa naturang kapistahan (Gene Adsuara)

PUGANTENG SOUTH KOREAN, INARESTO SA NAIA

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng South Korean national na pinaghahanap ng Interpol sa Ninoy Aquino Nternational Airport (NAIA).

Ang suspek, si Yun Daeyoung, 50, ay inaresto noong Enero 11 habang tinatangkang umalis sakay ng isang Vietnam Airlines flight patungong Hanoi.

Sa isinagawang primary inspection, lumitaw ang isang Interpol hit sa sistema ng BI, dahilan upang agad siyang i-refer ng mga opisyal para sa secondary inspection.

Kinumpirma ng BI-Interpol unit na si Yun ay may aktibong Interpol Red Notice. Agad siyang inaresto ng mga tauhan ng BI.

Ayon kay BI Interpol Chief Peter de Guzman, si Yun ay sasampahan ng kaso bilang isang “undesirable alien” alinsunod sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas.

Sa rekord ng Interpol, sangkot umano si Yun sa mga gawaing money laundering na may kaugnayan sa isang goods purchase fraud syndicate sa South Korea. Nilinlang umano niya ang isang biktima sa pamamagitan ng maling pangakong pagbabahagi sa kikitain ng isang online shopping mall, at sa gayon ay nakakuha ng 22,550,204 Korean won o mahigit 900 libong piso.

Dagdag pa rito, umano’y nadaya niya ang parehong biktima ng kabuuang 140,748,319 Korean won o humigit-kumulang 5.7 milyong piso sa pamamagitan ng 24 na magkakahiwalay na transaksiyon. Ang krimen ay saklaw ng Criminal Act ng South Korea at may katapat na parusang hanggang 10 taong pagkakakulong. Isang warrant of arrest kaugnay ng kasong ito ang inilabas ng Daegu District Court ng Korea noong Hulyo 2025.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang pag-aresto ay patunay ng matatag na paninindigan ng ahensya laban sa transnational crime at sa mga puganteng nagtatangkang umiwas sa hustisya.

“Malinaw ang direktiba ng Pangulo: hindi magiging ligtas na daanan o taguan ang Pilipinas para sa mga dayuhang pinaghahanap dahil sa mabibigat na krimen sa ibang bansa,” ani Viado.
“Sa sandaling lumitaw ang Interpol alert, agad kaming kumikilos. Ipinapakita ng pag-arestong ito ang aming zero-tolerance policy laban sa mga puganteng inaabuso ang ating sistema ng imigrasyon upang takasan ang pananagutan.”
Dagdag pa ni Viado, nananatiling mahigpit ang pagbabantay ng BI sa lahat ng pantalan at paliparan ng pagpasok at paglabas ng bansa.
“Ipinakikita ng kasong ito kung gaano kahalaga ang aming koordinasyon sa Interpol at sa mga dayuhang katuwang na ahensya. Patuloy naming paiigtingin ang mga ugnayang ito upang matiyak na ang mga indibidwal na nahaharap sa kasong kriminal sa ibang bansa ay nahaharang at napapailalim sa tamang proseso ng batas,” aniya.
Si Yun ay kasalukuyang nasa kustodiya ng BI habang isinasagawa ang mga deportation proceedings at patuloy ang koordinasyon sa mga kaugnay na dayuhang awtoridad sa pagpapatupad ng batas. (Gene Adsuara)

Bagong flavor ng beer, inilabas ng SMB

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL New Year, New Beer. Kaya naman naglabas ang pamunuan ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) na isang refreshing drink ngayong 2026 sa pamamagitan ng pagbuo ng San Miguel Mango Yuzu.
Taglay ng San Miguel Mango Yuzu ang 5% alcohol na humahalo sa wheat beer at nagbibigay ng lasa at sarap ang manga at juicy zest ng yuzu na lasang natural na fruit juice in Belgian-style wheat beer.
Tiyak na pasok sa panlasa ng mga Pinoy ang tropical fruit juice na manga na hinaluan ng wheat beer at tiyak na magugustuhan ang bagong alcohol- beverage products ng SMB.
Ito ay limited time offer only sa mga piling bars, restaurants, supermarkets, at ilang convenience stores o maaaring umorder sa SMB Delivers via 8632-BEER (2337).
(Richard Mesa)

Cinemalaya 2026 Calls for Short Film Entries

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Cinemalaya 2026 Calls for Short Film Entries
Building on over two decades of nurturing independent Filipino cinema, the Cultural Center of the Philippines and the Cinemalaya Foundation Inc. open the screens for submission to the Short Film Category of the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2026.

The deadline for submissions is on or before 6pm of February 27, 2026.

The country’s biggest independent film competition is open to all Filipino filmmakers. Interested participants may submit a maximum of three (3) entries but only one (1) entry per proponent may be considered as a finalist.

Submitted entries must have been produced from May 16, 2025 to February 27, 2026. Short film entries that participated in other local and international festivals and competitions are qualified to join Cinemalaya.

Entries may be submitted ONLINE or OFFLINE. For online application, submit all requirements through: https://bit.ly/CM2026_ShortFilm_EntryForm. Requirements include a duly completed entry form, synopsis in English, a brief resume with 2×2 photo/s of the filmmaker/s, and the final work in MP4 format, with violator/watermark (for screening purposes only) and properly labeled with title, production company, address and contact numbers, production date, director’s name, and running time (which should not exceed 20 minutes including credits).

For OFFLINE submission, send entries to the Film, Broadcast, and New Media Division office, located at the Cultural Center of the Philippines Annex Building, Vicente Sotto St. corner Magdalena Jalandoni St., Pasay City.

For OFFLINE submission, film entry must be submitted on a thumb drive (USB), with the entry form, synopsis, and filmmaker’s profile. All must be submitted in a long brown envelope properly labeled with the proponent’s name, title of the film, and contact details.

The Cinemalaya Selection Committee will shortlist 10 film finalists which will be screened at the 2026 Cinemalaya Film Festival on August 6 to 18, and will have the chance to compete for the coveted Balanghai trophies.

Since 2005, Cinemalaya has been committed to the development and promotion of Philippine independent film. At its core, it provides an avenue for the production of cinematic works of Filipino independent filmmakers that boldly articulate and freely interpret the Filipino experience with fresh insight and artistic integrity. With its call for submissions for the 2026 short film competition, Cinemalaya continues to invigorate the Philippine film industry by developing a new breed of Filipino filmmakers.

(ROHN ROMULO)

SARIWANG GATAS (YORMILK) IPINAMAHAGI SA MGA BATA SA BALUT, TONDO

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang Ceremonial at pamamahagi ng Yormilk sa mga batang Maynila sa Younger Street sa Barangay 137 sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng umaga.

Sa pagpapakilala ni Manila Vice Mayor Chi Atienza sa alkalde sinabi nito na isang malaking pasasalamat ng magulang dahil may isang gobyerno na sa Maynila na nakasalalay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

“Bilang mga magulang alam niyo na dapat nutritious ang iniinom at kinakain ng inyong mga anak” , anang bise alkalde na binanggit din ang hirap ng magulang lalo sa mga solo parents.

Sinabi naman ni Mayor Isko , na nabatid nitong lumalaki ang numero ng pagkabansot dahil sa kakulangan ng tamang nutrisyon .

“Ngayon masaya ako dahil mayroon na akong gatas para sa lolo’t lola ko na spoiled sa akin nasimulan ko na ‘yon ay tuloy-tuloy pa rin ‘yun. Ngayon may sisimulan tayong panghabambuhay din–mga gatas sa bawat mag-aaral sa Daycare ng lungsod ng Maynila, ” sabi ng alkalde.

Ito aniya ay tatlong beses sa isang linggo ang ipamamahaging gatas .

“Yan ay pera ng gobyerno , ng lungsod ng Maynila galing sa taxpayer”, anang alkalde.

Sinabi ni Mayor Isko na ang ipamamahagi na gatas para sa mga bata ay sariwa, ligtas, malinis at maayos na gatas na produkto mismo ng ating magbabaka sa Pilipinas para lumusog lamang ang mga batang Maynila.

Sa pamamagitan aniya ito sa tulong ng City Council , Manila Health Department (MHD) at Manila Social Welfare Department (MSWD) , 1st District Congressman Ernie Dionisio at Department of Health at VM Atienza na parte sa kooperatiba.

Ang pamamahagi ng gatas sa mga Daycare ay upang maging malusog at makita ang progreso ng mga bata. (Gene Adsuara)

GM TAI, NAG SITE VISITS AT INSPECTIONS SA ILANG PROYEKTO NG NHA SA PAMPANGA

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai ang pagbubukas ng bagong taon sa pamamagitan ng mga site visits at inspections sa iba’t ibang proyektong pabahay sa lalawigan ng Pampanga.

Binisita ni NHA GM Tai, kasama si NHA Region 3 Regional Manager Ar. Ma. Fatima T. dela Cruz, ang estado ng konstruksyon sa San Fernando View Residences (SFVR) Phase 1 sa Brgy. Panipuan, Mexico. Ang proyekto ay pinondohan ng Department of Transportation (DoTr) at nakalaan para sa mga pamilyang maaapektuhan ng pagsasagawa at pagtatayo ng Philippine National Railway’s (PNR) North-South Commuter Railway project. Sa kasalukuyan, nasa 70% ang natapos na sa Low-Rise Building project na ito.

Pumunta rin si GM Tai sa iba pang lote na pagtatayuan ng iba pang DoTr-funded na proyekto. Kabilang dito ang San Fernando View Residences (SFVR) Phase 4 na matatagpuan sa Mexico at ang minumungkahing lote para sa pagtatayuan ng Casa de Angeles sa Angeles City.

Kasunod nito, binisita rin ni GM Tai ang lote ng NHA sa Mabalacat Pampanga na siya naman minumungkahi ng NHA Region 3 para sa pagtatayuan ng Mabalacat Enclaves. Ang proyekto ay nakalaan para sa mga pamilyang nakatira malapit sa daluyan ng tubig at mapanganib na lugar. Katabi ng proyektong ito ang isa pang resettlement site ng NHA, ang Mabalacat Northville 16.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni GM Tai na ang NHA ay nagsasagawa ng aktibidad na ito upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga gusaling itatayo, gayundin upang masuri ang estado ng konstruksyon at lokasyon ng pabahay. Nilalayon din nito na personal niyang malaman at matukoy ang mga urgent concerns ng rehiyon, upang masuportahan at matulungan sila sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno at ng lokal na pamahalaan.

“Alinsunod po sa bisyon ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Housing Program, patuloy po ang pagsasagawa namin ng mga kahalintulad na site visits, inspections at project monitoring upang masuri namin ang kasalukuyang kalagayan ng relocation site at matukoy ang mga loteng aming pagtatayuan ay naayon at ligtas para sa programang pabahay ng gobyerno na nakalaan para sa ating mga kababayan,” ani ni GM Tai.

“Sa kasalukuyan po ay may mga naka-linya na kaming mga inspection activities, maging ang construction ng mga housing units sa iba’t ibang sites sa bansa para makumpleto na namin ang imbentaryo ng pabahay at para maihanda na namin ang agarang disposisyon ng mga ito para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng ahensya,” dagdag ni GM Tai.

Ang NHA ay isa sa mga Key Shelter Agencies na pinapatnubayan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na pinamumunuan ni Secretary Jose Ramon P. Aliling.
(PAUL JOHN REYES)

Pagbabago sa Traslacion 2027 asahan – NCRPO, Quiapo

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

APAT na araw matapos ang Traslacion 2026, asahan na ang ilang mga pagbabago sa Traslacion 2027 matapos na apat na deboto ang namatay at abutin ng halos 31 oras ang tinagal ng Traslacion bago naibalik ang Poong Nazareno sa Quiapo church nitong Sabado.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Anthony Aberin, ngayon pa lamang ay aaralin na nila ang sitwasyon upang maplan­tsa ng maaga ang mga kailangang pagbabago sa sistema lalo’t parami ng parami ang nakikilahok sa nasabing kapistahan. Kabilang sa kanilang nakikitang pagbabago ay ang deployment ng mga tactical units kasama ang mga volunteers upang masiguro na walang haharang sa dadaanan ng Andas bagama’t sinasampahan ng mga deboto.

“Ang adjustment na gagawin natin is the deployment of tactical units na lang along the route. Mas maganda if gawin na lang na tutulong para ma-facilitate yung movement,” ani Aberin.

Aniya, nakakalungkot na may apat na deboto ang nasawi at inaabot ng higit 30 oras ang Traslacion ng Nazareno. Kabilang sa namatay ay ang photojournalist na si Ito Son ng pahayagang Saksi.
Samantala, ayon naman kay Nazareno 2026 spokesperson Fr. Robert Arellano, plano nilang muling baguhin ang Andas na pilit na inaabot at sinasampahan ng mga deboto. Aniya, nagkaroon ng matinding moisture ang glass enclosure ng imahe at nasira rin ang ibabang bahagi nito. Magkakaroon ng pagpupulong sa magiging bagong anyo ng Andas.
Ikinokonsidera rin ang pagpapaikli ng ruta ng Traslacion upang maibalik ang imahe ng Nazareno sa tamang oras.

Matatandaang una nang sinabi ng mga awtoridad na target nilang maipasok ang Nazareno sa loob ng 10 hanggang 15 oras na hindi nangyari nitong Biyernes.

Marami ring deboto, na karamihan ay mga agresibong kabataan, ang humaharang sa harapan ng Andas kaya’t bumagal ang pag-usad nito.

Gayunman, maituturing naman aniya, na generally peaceful dahil sa walang major crimes o incidents na naganap dahil sa sapat na seguridad sa idineploy na 18,000 kapulisan, at pagtutulungan ng iba pang ahensya ng gobyerno, pamunuan ng Quiapo Church, volunteers at lokal na pamahalaan
Tinatayang nasa 9.8 milyon ang lumahok sa Traslacion 2026.

Ads January 13, 2026

Posted on: January 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments