• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SARIWANG GATAS (YORMILK) IPINAMAHAGI SA MGA BATA SA BALUT, TONDO

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang Ceremonial at pamamahagi ng Yormilk sa mga batang Maynila sa Younger Street sa Barangay 137 sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng umaga.

Sa pagpapakilala ni Manila Vice Mayor Chi Atienza sa alkalde sinabi nito na isang malaking pasasalamat ng magulang dahil may isang gobyerno na sa Maynila na nakasalalay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

“Bilang mga magulang alam niyo na dapat nutritious ang iniinom at kinakain ng inyong mga anak” , anang bise alkalde na binanggit din ang hirap ng magulang lalo sa mga solo parents.

Sinabi naman ni Mayor Isko , na nabatid nitong lumalaki ang numero ng pagkabansot dahil sa kakulangan ng tamang nutrisyon .

“Ngayon masaya ako dahil mayroon na akong gatas para sa lolo’t lola ko na spoiled sa akin nasimulan ko na ‘yon ay tuloy-tuloy pa rin ‘yun. Ngayon may sisimulan tayong panghabambuhay din–mga gatas sa bawat mag-aaral sa Daycare ng lungsod ng Maynila, ” sabi ng alkalde.

Ito aniya ay tatlong beses sa isang linggo ang ipamamahaging gatas .

“Yan ay pera ng gobyerno , ng lungsod ng Maynila galing sa taxpayer”, anang alkalde.

Sinabi ni Mayor Isko na ang ipamamahagi na gatas para sa mga bata ay sariwa, ligtas, malinis at maayos na gatas na produkto mismo ng ating magbabaka sa Pilipinas para lumusog lamang ang mga batang Maynila.

Sa pamamagitan aniya ito sa tulong ng City Council , Manila Health Department (MHD) at Manila Social Welfare Department (MSWD) , 1st District Congressman Ernie Dionisio at Department of Health at VM Atienza na parte sa kooperatiba.

Ang pamamahagi ng gatas sa mga Daycare ay upang maging malusog at makita ang progreso ng mga bata. (Gene Adsuara)