• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 9th, 2026

Hoping na matuloy silang makapag-dine out ALDEN, humabol na batiin si SHARON na nag-celebrate ng 60th birthday

Posted on: January 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng short video, nakahabol si Alden Richards na kararating lang mula Amerika, na batiin ang kanyang Mama Sharon Cuneta na nag-celebrate ng 60th birthday last January 6.Agad naman itong pinost ni Sharon sa kanyang Instagram.Caption ni Megastar sa video greeting ng kanyang, anak-anakan, “No – my other handsome, astig and sikat son, my beloved @aldenrichards02 did not forget his Mama on her birthday!“Love you and am sooo proud of you, anak!“Thank you for loving me always. Mama Ten thank you too! I miss you both so much! Happy birthday also my son though I greeted you na!”Mama nga ang tawag ni Alden kay Sharon sa naturang video greeting, nagsimula ito nang magsama sila sa family drama movie na ‘Family of Two’. “Hi, Mama! Happy, happy birthday! Thank you for your message during my time in need, Ma. Salamat.“I hope you’re doing well. I miss you so much. Syempre, si Mama Ten.“I just arrived from the US, last night, Ma. So, when we got the chance sana makakain tayo sa labas para matuloy na.“We miss you. I love you, Mama. Happy birthday,” pahayah pa ni Alden.Tuwang-tuwa naman ang mga netizen, dahil hanggang ngayon ay ramdam nila ang pagiging ‘sweet son’ ni Alden kay Sharon. Wish namin na magkaroon uli sila ng chance na magsama sa isang project. Belated Happy Birthday Mega! ***NAKAPAGRIBYU ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa ilalim ng pamumuno ni Chairperson at CEO Lala Sotto, ng kabuuang 171,972 na materyal nitong 2025, patunay ng dedikasyon ng Ahensiya na isulong ang responsableng panonood sa gitna ng mabilis na paglago ng digital media landscape.Kabilang sa mga nabigyan ng angkop na klasipikasyon ang 127,704 television programs, 40,505 TV plugs at trailers, 1,695 publicity materials, 10 optical media materials, 1,380 movie trailers at 671 films.Kabilang dito ay 311 lokal na pelikula at 360 banyaga.Nasa 359 ang rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang)—angkop sa mga batang 12 at pababa basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.May 48 na rated G (General Audience) para sa lahat ng edad; 142 rated MR-13 (Restricted-13); 98 R-16 (Restricted-16); at 28 R-18 (Restricted-18).Tatlo lamang sa 671 ang na-X, o hindi puwedeng ipalabas sa sinehan.Noong 2025, iniulat ng Ahensiya ang 13.34 porsiyentong pagtaas sa bilang ng mga pelikulang naklasipika, mula 592 noong 2024.Tumaas din sa 151.37 porsiyento ang bilang ng mga movie trailer sa sinehan, telebisyon at iba pang lugar, mula 54 noong 2024 din.“Ang mga bilang na ito ay nagpapahiwatig ng positibong senyales ng muling pagsigla at pag-usad ng industriya ng pelikula,” sabi ni Sotto.Ayon pa kay Sotto, binibigyang-diin ng mga datos ang mahalagang papel na ginagampanan ng MTRCB para maproteksyunan ang mga manonood, laluna ang mga batang Pilipino, habang nananatiling sumusuporta sa industriya ng pelikula at telebisyon.Ipinahayag din ni Sotto ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa 31 Board Members “sa kanilang dedikasyon at walang sawang pagtitiyak na ang lahat ng materyal ay nabibigyan ng angkop na klasipikasyon bago ipalabas sa publiko.”Binigyang-diin din ni Sotto ang importansiya ng MTRCB ratings na nagiging gabay ng mga magulang pagdating sa pagpili ng angkop na papanoorin, habang iginagalang ang malayang paglikha.Sa buong taon, patuloy na pinagtitibay ng MTRCB ang proseso nito at pinalalakas ang koordinasyon sa mga stakeholder.Patuloy din ang mga inisyatiba nito pagdating sa pagpapalaganap sa publiko tungkol sa “Responsableng Panonood,” pangunahing kampanya ng MTRCB tungkol sa media literacy.(ROHN ROMULO)

Napaka-ingay ng blind item tungkol sa power couple MARIAN, inaming aware sila ni DINGDONG pero solid pa rin ang samahan for 11 years

Posted on: January 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAPAKA-INGAY ng blind item tungkol sa power couple raw na diumano’y perfect ang imahe sa publiko, pero ang totoo, behind closed door, blindsided raw si wife ng kanyang hubby.Na kesyo si hubby, may double life. Na sa likod ng clean at wholesome image na pino-project nito, kaliwa’t-kanan ang mga babae.Kesyo sa yon, maganda pa ang pino-project nila, pero konti na lang, daw at sasabog na rin.Nag-message kami kay Marian. Dahil nga halos viral na, we asked her kung kumusta na sila.Usually, hindi namin tinatanong ang dalawa kung mga chika-chika lang or blind item. Sinagot naman kami ni Marian, nag-video call pa at kasalukuyan silang magkasama ni Dingdong!Nasaan sila? Nasa football practice lang naman ni Sixto. At yun masaya at sweet-sweetan. Aware sila sa blind item at aware rin sila na pangalan nila ang hula ng karamihan, pero kailangan ba nilang sagutin e, blind item nga. Obviously, magkasama at mas solid pa ang pagsasama nila sa loob ng 11 taon. Parang every new year na lang yata, may ganitong isyung lumalabas. Kung sila nga ang tinutukoy ng blind-item, madaling sabihin na imbento ito at gustong siraan ang dalawa, partikular na si Dingdong.***VINDICATED si BINI Jhoanna Robles sa isyu sa diumano’y dating sila ni Skusta Clee. Nananahimik ito at ‘di pumapatol sa isyu na sila na ng ex ni Sheinab Harake. Pero ngayon, lumalabas ang mas malinaw na version ng blurred photo.Kitang-kita na ibang babae at hindi si Jhoanna ang diumano’y katabi ni Skusta.Kaya komento, lalo na ng mga fan ng BINI, “Saw this sa fb at hindi naman si Jhoanna ang na sa photo. Mga bobo ang nagpakalat ng rumors at naniwala. Karmahin sana kayo!”Puro malulutong na mura o bad words naman ang komento ng isang fan na bahagi ng comment n’ya rin, “Nagpapakalat ng katangahan! Akala n’yo talaga mahihila n’yo siya pababa. Hindi n’ya ibaba ang standard n’ya sa kung kani-kaninong lalaki lang.”Siyempre, medyo nakakahinga ang mga fan na walang katotohanan ang isyu. (ROSE GARCIA)

Pang-Magpakailanman ang buhay noong wala pa sa showbiz LEO, may hawig kay PIOLO at dream na maka-partner si JUDY ANN

Posted on: January 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KAMUKHA ni Piolo Pascual actor/singer/host na si Leo Consul at marami na raw ang nagsabi nito sa kanya.“I get that a lot po,” ang nahihiya pero natatawang reaksyon ni Leo.“It’s a huge compliment but I’ll pale in comparison, kumbaga, well baka may nakita silang resemblance, I guess?“But coming from me, parang it’s out of this world, but yeah, I get that a lot.”Positive o plus factor ito para kay Leo.“It’s definitely positive,” that’s Piolo Pascual! Like what I said I’ll fail in comparison, pero to be compared and masabi na we have a resemblance, it’s a huge compliment, like whoa!“Like if twenty years ago you would tell me I look like Piolo Pascual I would have slapped you, are you like dreaming? Ha! Ha! Ha!”Noong 2013 ay nakuha si Leo bilang only Pinoy host ng ‘Eat Bulaga Indonesia’ edition.Tumagal ng dalawang taon ang show.Noon namang 2019 naman ay naging host si Leo ng Indonesian franchise ng ‘It’s Showtime.’Nakagawa na rin siya ng romantic comedy film, ang Bukan Jodoh Biasa (Not Your Ordinary Love Story) at isang horror film sa Indonesia ang “Kamu Harus Mati” (You Must Die), na ipapalabas this year 2026.Habang nasa Indonesia ay napanood rin siya sa tatlong teleserye; Cinta yang Tertukar (2016), Love Story the Series (2021-2022), at Terpaksa Menikahi Tuan Muda (2022-2023).Noong 2018 ay may ni-release na single si Leo, ang Indonesian translation ng “Ikaw” na kanta ni Yeng Constantino na pinamagatang “Kamu” na nag-top sa Indonesian radio charts.Isang series rin ang pinagbidahan ni Leo noong 2024 ang “Kisses From Death” sa Singapore.Taong 2023 ay naging parte si Leo ng eight-episode Prime Video series na “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen” (2023) kung saan bida sina Kim Chiu, Jake Ejercito, Angel Aquino at ang idolo ni Leo na si Christopher de Leon, among others.Incidentally, kung hawig ni Piolo si Leo, ang dream leading lady niya ay si… “I know this is far-fetched but I’ve always wanted to work with Judy Ann Santos!”Bakit niya nasabing far-fetched?“Well, I mean kasi po that’s Judy Ann Santos!”May mga nakalinya ng proyekto ngayong 2026 para sa kanya ang ALV Talent Circuit.“Biro” naman ang bago niyang single bilang isang singer, at bilang isa ring balladeer ay iniidolo niya sina Gary Valenciano, Erik Santos at Martin Nievera.Tubong Bolinao, Pangasinan, lumaki sa hirap si Leo. Pang-‘Magpakailanman’ ang buhay ni Leo noong wala pa siya sa showbiz; naranasan niyang magtrabaho bilang tagalinis ng bus at matulog sa karton.Kuwento pa niya, unang beses siyang nakakain ng Jollibee ay nang may natirang Jollibee meal siyang natagpuan sa loob ng bus na nililinis niya.Nakapagtapos si Leo sa UP Baguio ng kursong Journalism, Minor in Broadcasting.At dahil walang mahanap na trabaho dito sa Pilipinas, sa rekomendasyon ng isang kaibigan ay nag-apply siya para sa isang teaching job sa Indonesia kung saan natanggap siyang magturo ng Math sa Singapore International School.(ROMMEL L. GONZALES)

Ads January 9, 2026

Posted on: January 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments