• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 1:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

PBBM, gustong makita ng mga investors ang Pinas bilang ‘nation of promise’

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GUSTO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makita ng mga investors at mga Filipino ang Pilipinas bilang “nation of promise”.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 150th anniversary gala ng Hongkong and Shanghai Banking Corporation (HSBC) sa Taguig City, isinulong ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagtutulungan sa pagitan ng public at private sectors para ipuwesto ang Pilipinas bilang ‘nation of promise.’
“Together, let’s build a more progressive Philippine economy where people can access reliable financial services, obtain meaningful opportunities, and live more dignified, comfortable lives,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Let us continue creating an environment where investors, stakeholders, and most importantly, our citizens see the Philippines as a nation of promise,” aniya pa rin.
Pinuri rin ng Punong Ehekutibo ang financial firm para sa naging kontribusyon nito sa ekonomiya.
“And today, as HSBC adapts to a rapidly changing economy, we are confident that the bank will remain true to its commitment to making its services more inclusive, more secure, and accessible to all Filipinos,” ani Pangulong Marcos.
Ang kahalintulad na prinsipyo ang gumabay sa kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno at HSBC sa kamakailan lamang na financial initiatives.
“Your participation in recent bond issuances, including the SEC-registered 3.3 billion US dollars equivalent dual-currency global bond offering, has ensured that vital government programs can proceed amidst challenging times,” anito.
“These programs—whether on infrastructure, education, or social protection—directly benefit our people, especially those who rely on stable public services,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Binigyang diin pa rin ng Pangulo ang pagsisikap ng HSBC na “to benchmark borrowing costs” at ang suporta nito sa Philippine Economic Briefings.
Pinuri rin ng Pangulo ang pakikipagtulungan ng kumpanya sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na tumulong sa Pilipinas na maging ‘viable’ sa mga investors.
“Through your collaboration with agencies like the Board of Investments and the Philippine Economic Zone Authority, more global investors are introduced to the potential [and] capabilities of the Filipino workforce—bringing in more employment opportunities, better training programs, and greater possibilities for their families,” ayon kay Pangulong Marcos.
Winika pa ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ay “continues to fortify the financial system that supports (HSBC’s) aspirations.” ( Daris Jose)

LeBron James wala ng interest na maglaro pa sa Olympics

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Wala ng interest pa si NBA superstar LeBron James na makapaglaro sa Olympics.

Sinabi pa nito na sapat na ang apat na Olympic gold medals.

Dagdag pa ng 40-anyos na Los Angeles Lakers star na papanoorin na lamang niya USA basketball team sa Los Angeles 2028 Olympics.

Magugunitang kabilang si James ng makakuha ng bronze medals sa 2004 Olympics ang USA basketball at gold medals naman ang 2008, 2012 at 2024 Olympics.

PBBM, nais na isama ang sports sa ‘daily schedule’ ng mga estudyante

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisama sa pang-araw na ‘school activities’ ng mga estudyante ang sports, binigyang diin ang leksyon o aral na makukuha sa pamamagitan ng sport na maaaring i-apply sa ibang aspeto ng buhay.
Sa pagsasalita sa reopening ceremony ng PhilSports Complex sa Pasig City, araw ng Miyerkules, inalala ni Pangulong Marcos ang kanyang ‘personal memories’ nang isali siya ng kanyang ama na si dati at namayapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa lahat ng uri ng isport o palakasan.
“There is no other activity that builds character better than sports. There is no other activity, especially for young people. Because whether you win or lose, it helps you become a better person,” ayon sa Pangulo.
“All of the things you learn when you compete in sports, even at a low level, even if you are still very young, those intramurals, so long as you join in sports, all of these will teach you how to be a better person,” ang sinabi ng Pangulo sa audience.
“And that’s why, just for me, it has become so, so important. And that’s why I think that it’s important to bring it back to schools,” aniya pa rin.
Muli namang nangako ang Pangulo na susuportahan ng gobyerno ang mga atleta sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng lahat ng tulong na kailangan nila.
“We will continue to inspire young people and we will continue to support that inspiration by saying, ‘We are here. The government is here,’ ang sinabi ng Pangulo sa mga atleta.
“We are working to make sure that you have all that you need so that things become wonderful, so that you will be triumphant in your competitions wherever you go,” aniya pa rin.
Samantala, tampok sa newly reopened PhilSports Complex ang ‘reconstructed at refurbished facilities’ gaya ng dormitoryo ng mga atleta, sports museum, at dining hall at sports offices ng mga atleta.
Tutuluyan ito ng mayorya ng national training pool ng bansa at mananatiling ‘a sought-after venue’ para sa national sports events at cultural engagements para sa iba’t ibang organisasyon.

Mamoru Hosoda’s epic time-traveling tale “Scarlet,” arrives exclusively at SM Cinemas

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

A sword-wielding princess. A medic with a heart. Academy Award®-nominated filmmaker Mamoru Hosoda tells a story across time and space with Scarlet, which finds a home exclusively in SM Cinemas.

Watch the trailer: https://youtu.be/8D4-ZihpaC4

In Scarlet, a battle-trained princess from the medieval era fails to avenge her father’s death, and awakens in a mysterious afterlife. She meets a young man who lived hundreds of years from her future, and his compassion challenges her desire for vengeance. Scarlet and her new companion are faced with a journey that makes her discover a life beyond violence.

Hosoda started his career in animation in legendary studio, Toei Animation, formerly known as Toei Doga in 1991. He had his directorial debut in 1999 with the first film in the beloved Digimon franchise, Digimon Adventure. From then his focus is set on freelance work, directing box-office hits such as The Girl Who Leapt Through Time (2006) and Summer Wars (2009). He gained worldwide recognition with his 2018 film Mirai, which was nominated for Best Animated Feature Film at the 91st Academy Awards.

Scarlet takes audiences on an adventure exclusively at SM Cinemas on December 10.

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Pinaghandaan talaga ang role sa musical play: JEFFREY, magre-represent ng OFWs kaya marami ang makaka-relate

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHANDAAN ni Jeffrey Hidalgo ang papel niya bilang si Willie sa “Jeproks, The Musical”.
“Ako, after reading the material, I’m excited to create a new character for this production.
“Yung character ko kasi, kumbaga representative siya of OFWs all around the world. So, doon sa story ko, doon sila makaka-relate.
“I guess, hindi lang OFWs, mga Pinoy, yung toxic… ano bang tawag dun? Toxic family culture, doon ita-tackle sa thread ng character.
“Yun nga, sinabi na din yun ni direk [Frannie Zamora] na para bang iba yung kilos ng mga tao noong 70s. Medyo mas mabagal, but at the same time, mas may care.
“Ngayon kasi medyo wapakels yung generation ngayon. Ha! Ha! Ha! So iyon. Iyon yung paghahanda na pinag-uusapan namin ni direk, kung anong klaseng character yung gagawin ko for my character, which is Willie.
“Nakakatawa kung mapapansin ninyo yung names namin. Siya si Mico, ako si Willie, si Nino si Paolo, so parang loosely based kay Mike, Wally, and Pepe.”
Pioneer ng rock music sa Pilipinas noong 70s sina Mike Hanopol, Wally Gonzales at Pepe Smith.
Pagpapatuloy pa ni Jeffrey, “Pero loosely based talaga, walang connection, letter lang. But yun nga, ang maganda dun sa mga characters namin, parang ano siya, representative siya of us, as Filipinos.
“So, I’m sure may at least one character na makaka-relate.”
Ang “Jeproks, The Musical” ay kuwento ng magkakaibigang Mico (David Ezra), Willie (Jeffrey) at Paulo (Nino Alejandro).
Inspired ito ng mga awitin ng Pinoy rock icon na si Hanopol at mapapanood sa GSIS Theater sa Roxas Boulevard mula November 20 to 30, 2025.
Ilan sa hits ni Hanopol kasama ang The Juan dela Cruz Band ay ang Laki Sa Layaw, Himig Natin, Titser’s Enemi # 1, Balong Malalim, Buhay Amerika, Beep Beep at marami pang iba.
Produced ng Tanghalang Una Obra (ni Frannie Zamora na siyang direktor ng musical play) at ng The Hammock Productions, Inc., available ang tickets para sa Jeproks, The Musical sa Ticketworld at sa www.ticket2me.net.
***
GUMAGANAP naman bilang aktibistang si Paz ang theater actress na si Sheila Ferrer sa “Jeproks, The Musical”.
Dahil dito, minsan ba ay sumagi sa isip ni Sheila na parang umuulit lamang ang kasaysayan?
“Yes,” bulalas ni Sheila.
“Kaya nga ano eh, ang gandang i-present niya ngayon, dahil ano e, ganun pa rin yung nangyayari, e.”
Sa panahon ngayon na maraming magagandang palabas sa sinehan, maraming pagkakalibangan online, paano niya kukumbinsihin ang mga kabataan, ang mga Gen Z at millennials, na manood ng isang musical play na tulad ng “Jeproks, The Musical”
“Tingin ko itong musical na ‘to, it’s also educational, in a way, sa mga youth ngayon.
“Kasi makikita nila kung paano yung mga Filipinos during the 70’s.
“Makikita nila kung paano ginamit yung music as a tool to express, as a tool para express na kailangan natin ng freedom, ipakita yung identity natin.”
Mainit rin ang usapin tungkol sa pulitika; sa tingin ba ni Sheila ay dapat ihalo politics at art?
“Ako kasi naniniwala ako na art is political, kasi… well, even before naman talaga, art is used as a tool din po. “Yun nga, kung meron tayong pinaglalaban, marami ngang mga protest songs, ganyan. Pero ang importante lang naman at the end of the day, kung ano talaga yung tool and yung makakabuti sa lahat.”

(ROMMEL GONZALES)

Dahil malinaw na fake news ang pinakakalat ng vloggers: PIA, tinawanan lang at ayaw patulan ang pagli-link kay Sen. TITO

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GRABE talaga magpakalat ng mga imbento o fake news itong non-legit vloggers. Imagine, porke’t pinararatangan ni Anjo Yllana itong si Sen. Tito Sotto na may kabit diumano?
Sumawsaw agad sa issue itong pekeng vloggers at kung sino-sinung babaeng celebrity na ang iniuugnay nila kay Tito Sen. At ang nakalolokah, ay mga bastos ang mga ito at wala silang respeto at sinasanto.
Palabasin ba naman nilang si Tito Sen raw ang ama ng anak ni Pia Guanio sa una nitong guy na nakarelasyon, bago magpakasal sa businessman husband na si Steve Mago. Na tatay ng two daughters na sina Scarlet Jenine at Soleil Brooklyn.
Ang tanong, may anak ba talaga si Pia sa ibang lalaki? At never naman itong naibalita. Saka ang super tanga ng peg ng mga mapanirang vloggers. Eh di ba, si Bossing Vic Sotto ang matagal na nakarelasyon ni Pia during her ‘Eat Bulaga’ stint?
Well, nakarating na pala kay Pia ang balita. At sabi ay tinawanan lang ito ng ‘Kada Umaga’ host ng Net 25.
Ayaw raw itong patulan ni Pia ang pantasya at napaka-imposibleng isyung ito sa kanila ni Tito Sen, dahil malinaw na ito fake news!

***

Kuya Boy, inspired and happy sa stage play na ‘Ateng’

SUCCESSFUL ang first run ng gay themed stage play na “Ateng” sa Rampa Drag Club na parehong prinoduce nina Boy Abunda at RS Francisco.
Nanood talaga ng personal si Kuya Boy mula umpisa hanggang ending ng play. At pag-akyat ni Kuya Boy ng stage ay agad na cinongratulate at binati nito ang casts sa pangunguna nina Thou Reyes bilang si Kiwi at Kokoy De Santos as Onyx. At si Jason Barcial who played Juicy.
At para malaman ninyo kung sino ba talaga itong character ni Ateng? Marami pa kayong chance to watch and witness this obra of Vincent De Jesus.
At talagang inspired at happy ang Asi’s King of Talk sa play nilang ito, na since pandemic ay nakaplano na raw.
Narito ang natitirang pang show dates ng “Ateng”: Nov 21-23, Nov 28-30 and Dec 5 to 7. Tickets available at https:/ticket2me.net/event/22697 or you may call Kevin at 0966-9977425 and 827-7651.

Ang Rampa Drag Club ay located sa #40 Scout Albano Ave., Diliman Quezon City near ABS-CBN.

(PETER LEDESMA)

Tuluyan nang pinasok ang showbiz industry: EMAN, Sparkle artist na at inaming crush niya si JILLIAN

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN na palang pinasok ni Eman Bacosa Pacquiao ang showbiz industry.

Isa na ngang Sparkle artist ang 21-year-old boxer dahil pumirma na siya ng exclusive contract sa Sparkle GMA Artist Centre kahapon, November 19.

Present sa contract signing sina GMA Network CFO Felipe S. Yalong, GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle First Vice President Joy Marcelo, Sparkle Assistant Vice President for Talent Recruitment and Development Ms. Jenny Donato at kanyang mom na si Joanna Bacosa.

Ayon sa naging pahayag ni Eman, “I just want to thank everyone for welcoming me here. Gusto ko din magpasalamat sa Panginoon Diyos for his plan.

“Hindi ko talaga to plinano, actually gusto ko lang talagang maglaro. I’m so blessed po na nakarating po ako dito ngayon.”

Anak siya ni People’s Champ Manny Pacquiao at Joanna Rose Bacosa, na hindi naman itinanggi na ready na siyang mag-artista.

Matatandaan na nangibabaw ang galing niya sa boxing sa ‘Thrilla in Manila 2’, na in-organize ng kanyang ama, na kung saan napanatili niya ang impressive record with seven wins, zero losses, one draw, and four knockouts.

Marami ring netizens ang nakapansin ng pagkakahawig niya kay Piolo Pascual, na na-meet niya nang mag-guest siya sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Sa guesting naman niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, tinanong si Eman kung sino ang Filipina celebrity crush niya. At walang hesitation na sinabi niyang si Jillian Ward.

May mensahe naman siya sa Kapuso actress, “Hi po, sana magkita po tayo.”

Well, abangan na lang natin ang kanilang pagtatagpo and who knows bago magkaroon pa sila ng project together.

***

MTRCB, binigyan ng PG rating ang pelikulang “Wicked: For Good”

BINIGYAN ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) Rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “Wicked: For Good.”
Kapag PG, maaaring naglalaman ang pelikula ng mga tema, lengguwahe o eksenang nangangailangan ng gabay ng magulang o nakatatanda para sa mga batang manonood.
“Bagamat ang pelikula ay karaniwang angkop para sa lahat ng manonood, hinihikayat namin ang mga magulang at nakatatanda na gabayan ang mga bata na maunawaan nang tama ang nilalaman ng pelikula,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.
Ang “Wicked: For Good” ay pinagbibidahan nina Ariana Grande bilang Glinda at Cynthia Erivo bilang Elphaba.
Tungkol ito sa pinagmulan ng magiging “Wicked Witch of the West” at ang kanyang ugnayan sa “Good Witch of the North.”
Ito ang ikalawang bahagi ng dalawang-parteng movie adaptation ng Broadway musical.
PG din ang naging rating ng Philippine-Korean produced film na “Finding Santos,” na pinagbibidahan ni Jang Theo, na unang nakilala sa Netflix’s South Korean dating show na “Single’s Inferno,” kasama ang ilang miyembro ng P-pop girl group na YGIG.
Samantala, ang action-thriller na “Wildcat,” na pinagbibidahan ni Kate Beckinsale, ay nakakuha ng R-13 rating.
Dalawa namang klasikong pelikulang Pilipino, ang “Karnal” (1983), isang drama-horror, at “Sa Aking Mga Kamay” (1996), isang psychological thriller, na sinulat pareho ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Nirestor sa digital ang dalawang pelikula ng ABS-CBN Film Restoration at ginawaran ng R-18 rating dahil sa mga tema at eksena na hindi angkop sa batang manonood.

(ROHN ROMULO)

Ads November 20, 2025

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Passion project ang adaptation ng Alice In Wonderland’: SABRINA CARPENTER, papasukin na rin ang pag-arte at pag-produce ng pelikula

Posted on: November 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHIWALAY pala noong June sina Sef Cadayona at kanyang fianceé na si Nelan Vivero.Pinili raw ni Sef na maging tahimik sa nangyari dahil ayaw niyang may masabi ang ibang tao sa ina ng kanyang anak.Umabot nang halos isang buwan ang kanilang hiwalayan bago sila muling nag-usap at napagkasunduan nila kung gaano kadalas madadalaw ng Kapuso comedian ang kanyang anak.“And then doon namin na-realize na marami kaming hindi nasabi sa isa’t isa, hindi namin na-tackle ‘yung mga problemang ganito sa isa’t isa kasi hindi ko alam kung dahil para lang ba maging maayos kami? There were so many problems na hindi namin nata-tackle, tapos nagulat ako na nu’ng nakita ko ‘yun.”Nilinaw din ni Sef na walang third party na involved at sinabing ang hiwalayan ay dahil lamang sa miscommunication. Kaya nagkabalikan din sila.“Nagkabalikan kami. Parang sabi ko nga, maraming challenges na nangyayari sa buhay ko, but gusto ko na unti-unti siyang maayos. Sa partner, sa magulang, sa trabaho, gusto ko maayos lahat para makapag forward lahat,” sey ni Sef.***PAPASUKIN na rin ni Sabrina Carpenter ang pag-arte at pag-produce ng pelikula.Binalita ng The Hollywood Reporter na ang Grammy-nominated singer will star in and produce a film adaptation of ‘Alice In Wonderland’ under Universal Pictures. The movie will be written and directed by Lorene Scafaria.Passion project daw ito ng Espresso singer at noong isang taon pa raw niya ito dinala sa Universal Pictures kasama ang kanyang notes on the project at mga photos ng magiging look ng kanyang Alice character. (RUEL J. MENDOZA)

Dahil sa kontrobersyal na Monterrazas de Cebu Paninita ni ALBIE kay SLATER sa epekto ng matinding pagbaha, nag-viral

Posted on: November 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL ang paninita ni Albie Casiño kay Slater Young na siyang engineer ng kontrobersyal na Monterrazas de Cebu project.Isa ang proyekto sa mga itinuturo ng netizens na dahilan ng matinding pagbaha sa ilang lugar sa lalawigan. “Nung nagsisimula yung project, sinasabi niya na hindi raw mangyayari. Yung sinasabi nilang hindi mangyayari ay nangyari. So, I just wanna know,” lahad ni Albie.Hindi pa raw sumasagot sa kanya si Slater.“I don’t know if you guys remember, but in the pandemic, I was kind of a trend for calling out the former president.“And after that, I promised my parents na hindi na. I promised na hindi na ako magsasalita about anything about politics.“I have a son, so I guess I’m more political now because, dati naman, wala naman akong paki kung anong nangyayari sa iba, di ba?”Ngayon raw na may anak na si Albie ay nais nitong makapamuhay at lumaki ang anak niya s aisang maayos na kapaligiran at magkaroon ng magandang kinabukasan.Ikinalulungkot ng aktor ang malawakang korapsyon sa Pilipinas.“It’s just sad about the state of what’s going on now. I guess when I had a son, I became more empathetic to other people. Like, yung mga videos lang na lumalabas, like the video of them on the roof, yung bata na sabi, ‘Mommy, we lost everything.’ It breaks my heart.“Like, we’ve already had our revolution. We’ve had two, di ba? And then, it’s still the same. So, hindi ko na alam kung anong mangyayari.”May karagdagang mensahe siya para kay Slater…“As a man, maybe speak up. Say something. ‘Condolences to the families, to the people who lost loved ones.’ Kahit iyon man lang.”Isa si Albie sa mga artista sa nalalapit na pelikula “ANDOY,” na isang psychological torture horror film kung saan mga bida rin sina Cedrick Juan, Jennica Garcia, Angelica Lao, Victor Relosa, Aya Fernandez at Paolo Gumabao.Mula ito sa Wonderlust Films, at feature length directorial debut ni Mark Putian na dating humahawak ng mga short films at music videos.(ROMMEL L. GONZALES)