• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 27th, 2025

Oplan Biyaheng Ayos! Undas 2025, ikinasa ng LTO

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nagsasagawa na ng roadworthiness inspections ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga pampasaherong sasakyan sa ibat ibang mga pangunahing terminal particular sa Metro Manila.

Ito ay makaraang iutos ni LTO Chief Markus Lacanilao sa lahat ng regional office ng ahensiya na magpatupad ng full deployment ng enforcement teams sa iba’t ibang rehiyon para matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng biyahe ng mga pasahero na lalabas at papasok ng Metro Manila ngayong panahon ng Undas.

“As we anticipate the increase of passengers this Undas season, the LTO is committed to making sure that all public transport vehicles are safe and roadworthy,” ayon kay Lacanilao.

Giniit din ni Lacanilao sa mga operator at driver na unahin ang kaligtasan ng bawat Pilipinong bibiyahe ngayong okasyon. Hinimok din nito ang mga motorista na magsagawa muna ng kaukulang vehicle maintenance bago bumiyahe at sundin ang kasalukuyang transport at traffic regulations para iwas sa huli at penalty.

Pinayuhan din ni Lacanilao ang mga commuters na huwag sasakay sa mga colorum vehicles dahil baka makompormiso ang kanilang kaligtasan.
(Daris Jose)

Dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, bagong NCSC chair — Malakanyang

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang na si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na ang bagong chairperson ng National Commission of Senior Citizens.
Bago pa ang posisyong ito, nagsilbi si Gutierrez bilang miyembro ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS).
Si Gutierrez, kauna-unahang babae sa Ombudsman, naupo sa Ombudsman sa loob ng limang taon bago nagbitiw noong April 2011.
Nagbitiw si Gutierrez bago pa magsimula ang kanyang impeachment trial sa Senado sa gitna ng alegasyon ng mababang conviction rate at kawalan ng aksyon sa ilang graft cases, kabilang na iyong mga nagsasangkot kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na itinalaga siya sa Ombudsman noong December 2005.
Sa kabilang dako, mainit na tinanggap naman ng NCSC ang pagkakatalaga kay Gutierrez.
“Throughout her distinguished career, Atty. Gutierrez has championed causes related to human rights, women’s and children’s protection, indigenous peoples, and anti-trafficking. She has also represented the country in numerous local and international forums focused on justice and human rights,” ayon sa NCSC.
“With a deep commitment to public service and a strong track record in governance, Atty. Gutierrez is poised to lead the Commission with integrity, grace, and competence,” anito pa rin.
Ayon sa NCSC, si Gutierrez ang pangatlong chairperson ng komisyon at inaasahan na maglilingkod hanggang 2031. (Daris Jose)

Income na nakukuha ng pamahalaan sa pagmimina, nais makita ni PBBM na napupunta sa mga infrastructure projects

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GUSTONG makita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may pinatutunguhan ang revenue na nakukuha ng pamahalaan mula sa mining.
Partikular na nais ng Punong Ehekutibo na mapunta ang mining income sa pagpapatayo ng mga paaralan, ospital at iba pang proyektong imprastraktura gaya ng mga kalsada.
Ang pahayag ay ginawa ng Chief Exexutive sa harap ng mas pinalalakas na transparency at accountability sa sektor ng pagmimina.
Punto ng Pangulo, dapat malaman ng mga Pilipino na napangangasiwaan ang resources ng bansa at mapanatili ang sustainability.
Ang sukatan aniya ng sustainability ay kung gaano karaming buhay ang naiaangat at kung gaano napangangalagaan ang mga biyayang nakukuha sa mga lupain para sa mga susunod na henerasyon. ( Daris Jose)

5,700 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) tumanggap ng certificates sa Stakeholders’ Forum

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 5,700 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa Northern Mindanao ang tumanggap ng Emancipation Patents (EPs), Certificates of Land Ownership Award (CLOAs), electronic titles (E-titles), at Certificates of Condonation and Release of Mortgage (CoCRoMs) sa isang seremonya na pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III sa Stakeholders’ Forum sa Limketkai Center, Cagayan de Oro City. (BOY MORALES SR.)

LTFRB, NAGPAALALA SA MGA TRANSPORT FIRMS NA SUNDIN ANG MGA GUIDELINES PARA SA KAPAKANAN NG MGA PASAHERO

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Z. Lopez, ang mga kumpanya ng transportasyon na mahigpit na sundin ang umiiral na panuntunan ukol sa kalinisan at kaginhawahan ng mga bus station at transport terminal para sa kapakanan ng mga pasahero.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan na niya ang lahat ng Regional Director na tiyaking maipatupad ang nasabing panuntunan sa kani-kanilang nasasakupan, lalo na’t inaasahan ang dagsa ng milyun-milyong pasahero sa paggunita ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.

“May umiiral na tayong panuntunan. Ang kailangan ay tiyaking ito ay mahigpit na ipinatutupad at sinusunod ng mga transport terminal sa lahat ng oras upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga pasahero,” ani Chairman Mendoza.

Babala ni Chairman Mendoza, “Ang anumang paglabag sa panuntunang ito ay ituturing na paglabag sa prangkisa.” Ang parusa sa bawat paglabag sa Circular ay maaaring umabot sa ₱5,000 kada araw at kada paglabag.

Patuloy ang isinasagawang nationwide inspection ni Chairman Mendoza sa mga bus station at transport terminal bilang bahagi ng kanyang direktiba sa mga Regional Director ng LTFRB na paigtingin ang inspeksyon.

“Tatalakayin namin sa operator ng terminal ang kalinisan ng mga portalet, bentilasyon ng hangin, at kung paano maaalis ang bayad sa paggamit ng palikuran,” aniya.

Aniya, dapat agad tugunan ng mga tagapamahala ng istasyon at terminal ang mga karaniwang reklamo ng mga pasahero ukol sa marurumi at sira-sirang pasilidad, partikular na ang mga waiting area at comfort room.

Bukod sa mga pasilidad, tiniyak din ni Chairman Mendoza na ligtas ang lahat ng bus at iba pang pampublikong sasakyan mula sa mga unit hanggang sa mga drayber at konduktor upang masiguro ang ligtas at komportableng biyahe ng mga pasahero patungo sa kanilang mga destinasyon. (PAUL JOHN REYES)

Dahi parami nang parami ang nabubuking: REGINE, nanawagan na ‘wag pumayag na walang mangyari sa korapsyon

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA X account ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, muli ngang nagpahayag kanyang saloobin tungkol sa korapsyon na sangkot ang ilang ahensiya ng gobyerno.
Banat pa ni Regine, “In fairness padami ng padami nabubuking ang tanong baka naman hangang bukingan lang to ha.
“Sana wag tayo pumayag na walang mangyari please!!!!!!!!”
Sumangayon naman ang mga netizen sa naging obserbasyon ni Regine at marami na talaga ang naiinip kung magkakaroon nga ba ng resulta ang ginagawang imbestigasyon sa nabuking na pangloloko sa mga Pilipino.
Ilan sa mga naging komento ng netizen:
“Agree. But I hope @bongbongmarcos will be re-elected again (fairly) to ensure all this will be finish.”
“Agree! Enough with just exposing—it’s time for real action. #AccountabilityNow.”
“Korek. Dapat may aksyon, dapat may managot.”
“Laban lang at bantayan naman ang korte, may kaso ngang sinampa don naman papatagalin.”
“Bukingan alone won’t solve anything. We demand results, not noise! #DoSomething.”
“Hanggang Ngayon walang ginawa. Walang mangyayaring kulong to.”
“Wala naman talaga nangyari, wala pa rin nakukulong.”
“Kong walang kulong eh di political noise lang talaga. Another day, another batuhan ng powtik lang haha.”
“Andaming evidence pero wala paring nakukulong?”
“Pag walang makulong wag na magbayad ng tax lalo na malalaki kita gaya ng artista jan lang naman kumukuha mga yan.”
“Patuloy na magbabantay at mangangalampag sa abot ng ating makakaya. Thanks Ms. Reg for using your platform nakakabilib po ang mga tulad nyo na di nakakalimot tumindig at mag-alay ng lakas at tapang para sa bayan.”
“Miss Reg request naman po. Paki kanta naman sa ASAP, Tuwing Umuulan para ma-manifest na may makulong na sa flood control.”
Matatandaan na naglabas ng sama ng loob si Regine sa kanyang pagkadismaya sa gobyerno, na sa kabila ng napakalaking tax na binabayaran niya ay parang napupunta lang ito sa wala.
Pahayag nga ng singer/actress, “Ang aking income tax ay nasa 32% plus meron po akong vat na 12%. 32+12=44% po ng pinaghirapan ko napupunta sa gobyerno pero wala akong nakukuha kahit anong benipisyo.”
Wish talaga nang nakararami na magkaroon naman ng resulta, managot ang dapat managot, may masampolan at may makulong.

(ROHN ROMULO)

Pinag-aaralan na ng abogado ang gagawing aksyon: SUNSHINE, naghihimutok sa ‘fake news’ at idinamay pa ang tatlong anak

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng kanyang Facebook page ay naghihimutok ang aktres na si Sunshine Cruz.
Kung anu-ano kasi ang mga naglalabasan na mga walang katotohanang isyu and the worst idinamay pa ang kanyang mga magagandang anak na sina Angeline, Samantha at Franchesca.
Siyempre nagwo-worry si Shine sa tatlong dalaga niya.
Ayon pa sa premyadong aktres na hindi makatarungan ang mga ibinalita ng mga tinatawag niyang mga “fake news”.
“My children and I have been subjected to years of ridiculous rumors. My children and I have been supposedly pregnant, murdered, beaten, arrested and even secretly own a mansion in a posh village.
“It’s a testament to how easily people are misled that even the smartest individuals sometimes fall for them.
“No to #fakenews!” saad pa ni Sunshine sa kanyang post.
Kasalukuyang pinag-aaralan na raw ng kanyang abogado ang anumang aksyon na gagawin niya.
“fyi guys, my lawyer Atty. Bonito Alentajan has been looking into these sites. It isn’t easy kasi psuedo names ang gamit nila. For now I am posting these fake news for awareness,” dagdag pa ng kaibigang aktres.
***
WALANG katotohanan ang balitang magbibitiw sa puwesto si Finance Secretary Ralph Recto.
Ito ay ayon mismo sa opisyal na pahayag ng Malakanyang sa pamamagitan ni Atty. Claire Casto, ang tagapagsalita ng PBBM.
Ayon pa sa kanya ay walang katotohanan ang mga kumakalat na isyung ito na pinapalaganap ng ilang grupong galit sa pagpapatupad ng mga buwis.
Sa totoo lang naman kung susuriin, mas nakakalungkot na ang mga nagpapakalat ng ganitong isyu na kadalasang tahimik naman pagdating sa mga Senador at Kongresistang nasasangkot sa mga kontrobersyal na proyekto gaya ng flood control na malinaw na korapsyon.
Ano ba ang pinupunto nitong mga nagmamagaling?
Tanong ng marami, bakit kailangang mag-resign ang asawa ni Star for All Seasons Vilma Santos?
May kaso ba siya ng korapsyon? May rekord ba ng katiwalian o pag-abuso sa kapangyarihan? O galit lang talaga ang ilan sa kasalukuyang Sec. of Finance dahil sa mga buwis na ipinapatupad nito?
O sadyang gusto lang ng mga nag-iingay na mga ito na i-divert ang usapan sa maanumalyang flood control at si Sec. Ralph na naman ang gusto nilang gagamitin?

(JIMI ESCALA)

Josh Boone Cast Fil-Am Talent Sam Morelos as Lexie in “Regretting You,”

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Filipino-American talent Sam Morelos brings charisma, comedy, and heart to the big screen as Lexie in Regretting You, the emotionally charged adaptation of Colleen Hoover’s bestselling novel.

Directed by Josh Boone, known for the YA classic The Fault in Our Stars, this new film is poised to captivate both loyal Hoover fans and newcomers alike.

And when it came to casting Lexie—the witty, no-nonsense best friend of Clara Grant—Boone knew exactly who he wanted from the start.

“About 900 people submitted tapes for Lexie,” says Boone. “Sam Morelos was our first and only choice. They’re one of the most popular characters in any screening. They always get the most laughs.”

At the heart of Regretting You is the story of a mother and daughter navigating the painful aftermath of loss. Allison Williams stars as Morgan Grant, a woman grappling with betrayal and heartbreak, while Mckenna Grace plays Clara, her teenage daughter discovering hidden truths about love and family.

Rounding out the cast are Dave Franco, Mason Thames, Scott Eastwood, Willa Fitzgerald, and Clancy Brown, making this ensemble drama one of the season’s most anticipated releases.

Morelos’s character, Lexie, is Clara’s best friend since childhood—and the emotional support system she leans on when things fall apart.

“Lexie is just a fun, light presence,” says Morelos, a proud first-generation Filipino-American. “In a movie where there’s a lot of tension, Lexie is the knife that cuts it. I was laughing whenever I was on set – mostly at my own jokes.”

Interestingly, Morelos wasn’t a Hoover reader before being cast—but filming Regretting You changed that fast.

“I have been familiar with Colleen Hoover’s work for a very long time but to be completely honest, I haven’t considered myself an avid reader since middle school,” they share.

“My attention span has dwindled as I get older, so to get this job was such a gift because it gave me the opportunity to rediscover my love for reading. Since then, I became a very quick fan of Colleen and her storytelling. Lexie immediately piqued my interest because of how fun and magnetic she was in the audition scenes – it felt as though she was jumping off the page. I was so drawn to her and the story she had to tell that I knew I wanted this job.”

For Morelos, Regretting You is more than a tearjerker—it’s a conversation starter.

“Everyone should watch Regretting You in theaters with their moms, their best friends, and their partners,” they say. “Watching this film in a cinema filled with that much love will make you want to hold your people closer, it’s that infectious. I want audiences to walk into the lobby talking about their own relationships – remembering the moments that you and your best friend got drunk after a big fight with your boyfriend, that night you had your first kiss and called your mom about it, and all the little moments that shaped your relationships in the long run. It’s a story of love that everyone can relate to in their own little way, which is what will make Regretting You so special to so many people.”

Regretting You, from Paramount Pictures, is now showing in Philippine cinemas.

(ROHN ROMULO)

Kahit aminadong certified Noranian: ANGEL, na-starstruck at labis din na humanga kina VILMA at SHARON

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA latest Vlog ni Direk Ronald Carballo na “DIREKwentuhan” ay si Angel Aquino ang kanyang guest.
Tinanong ni Ronald si Angel kung sino ang aktres na hinangaan nito noong hindi pa siya artista.
Mabilis na sagot nito ay si Superstar and National Artist Nora Aunor.
Pinanood nga raw niya ang “Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?” at nagandahan siya sa liit ng mukha ni Ate Guy at power ng mata nito pagdating sa acting.
But noong makatrabaho raw ni Angel si Gov. Vilma Santos sa “Bata Bata Paano Ka Ginawa?” ay bigla raw siyang na-starstruck kay Ate Vi at in-admire na rin niya ito.
At tanda pa raw niya ay noong mga panahong ito, ay parang naglie-low sa career ni Ate Guy.
At pinuri rin ng morenang aktres ang pag-arte ni Ate Vi at magaling raw talaga ito. At sobrang generous rin na bantayan ang kanyang voice, na importante sa isang actor, na agad naman niyang sinunod.
Isa pang aktres na namangha si Angel ay kay Sharon Cuneta na nakatrabaho nila ni Hilda Koronel sa “Crying Ladies.”
At sa question kung paano siya na-discover ni Direk Jeffrey Jeturian.
Chika pa ni Angel na 18 years old siya noon, kumakain sila ng kanyang nanay sa Shakey’s Pizza Parlor sa Sta. Lucia Mall.
Paglabas nila ng kanyang mother ay may sumusunod sa kanila at si Direk Jeturian nga ito. Inalok siyang mag-artista na first movie niya ay noong 1996 na “Mumbaki” with Raymart Santiago.
Aksidente lang daw ang pagkakasali niya sa movie, and the rest is history.
Now, matagal ng manager ni Angel si Ricky Gallardo at parte siya ng ‘FPJ’s Batang Quiapo.’
***
Rozz Daniels, masaya sa magagandang feedbacks Christmas single

HAPPY and thankful, ang “Pop Rock Diva” na si Rozz Daniels sa magagandang feedbacks na kanyang natatanggap para sa Christmas single titled “My One Love On Christmas Day” na composed ni iconic composer Doc Mon del Rosario.
Special guest ni Rozz, si Mon sa kanyang “A Night With Rozz Daniels” solo Concert sa Viva Cafe ngayong Nov 25, 2025 at 9 PM sa Viva Cafe sa Araneta City, Cubao.
At bongga si Ms. Rozz at pine-play ng director niya sa kanyang concert na si Benny Andaya sa ‘Talk to Me’ show nito sa EuroTV ang kanyang christmas song.
Pinapatugtog ko rin ito, sa aking Showbiz Live Vlog sa PPA Entertainment Network.
Available na pala at pwede na ninyong ma-download at stream ang My One Love On Christmas Day, sa maraming popular na Digital Music Platforms like Spotify, iTunes, Apple Music, Etc. Samantala, sa parating na concert ay 19 songs, ang kakantahin ni Rozz at may duet sila rito ni Mon Del Rosario ng Tina Paner’s hit na “Tamis Ng Unang Halik”.
Ang “Get The Party Started” ang opening number ni Rozz, together with her male group back-up dancers na sina: Jiyeong, Christian, David, and Reynan. Infairness mga gwapo sila lahat at fresh. Iparirinig din ni Rozz sa kanyang audience ang version niya ng “Bulong Ng Damdamin” na hit song ni Marissa Tubig noong 80’s. Nakatakdang i-revive ni Rozz ang magandang old composition na ito ni Mon Del Rosario. At siyempre dahil Christmas is in the air na, akantahin niya sa show ang kanyang “My One Love On Christmas Day” na treat niya sa kanyang fans and supporters bilang pasasalamat niya, sa suporta ng mga ito sa kanya.
At tiyak happy, ang lahat at free entrance ang said Concert ni Rozz Daniels.
May pa-tribute pala ang singer sa namayapang si Ms. Blessie Cirera, na hindi lang niya naging manager kundi besfriend niya at itinuring pang kapatid.
Kasama si Blessie sa bumuo ng Christmas single ni Rozz at concert sa Viva Cafe.

(PETER S. LEDESMA)

Ka-level na sina Manny, Pia, Catriona at Lea: KATHRYN, kumpirmadong magkaka-wax figure na sa Madame Tussauds HK

Posted on: October 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIRMADONG magkakaroon na ng wax figure ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa Madame Tussauds Hong Kong.
Ini-reveal na ito ng museum sa pagwi-welcome nila sa “Phenomenal Box Office Queen” ng
Pilipinas.

Sa kanilang Instagram post, “The countdown is over—Madame Tussauds Hong Kong is welcoming Kathryn Bernardo! Known as the “Phenomenal Box-Office Queen,” she

starred in the FIRST Filipino film to hit 1B pesos globally!

“Her wax figure drops in 2026.
“Did you guess right? Share with us your excitement below!”
Makakasama ng wax figure ni Kathryn sa Madame Tussauds Hong Kong ang iba pang wax replicas ng mga Filipino na sina Manny Pacquiao, Pia Wurtzbach at Catriona Gray. Ang wax figure ni Lea Salonga ay makikita sa Singapore branch sa Sentosa island.
Ang pagkakaroon ng wax figure sa Hong Kong ay malapit sa puso ni Kathryn dahil ang kanyang 2019 blockbuster na “Hello, Love, Goodbye” kasama si Alden Richards ay kinunan doon habang ang 2024 na sequel nito na “Hello, Love, Again”, ay nanatiling highest-grossing Filipino film of all time.
Sa reel na pinost ng ABS-CBN’s Star Magic, sinabi ni Kathryn na, “It’s truly an honor and I’m just very, very grateful… And nakakatuwa kasi parang it’s going to bring pride again sa ating mga Filipino, to bring our Filipino flag doon sa Madame Tussauds na attraction.”
Dagdag pa ng aktres, “Siguro kapag makita ko na ‘yung wax figure in person, doon pa lang siya magsi-sink in sa akin. Na, ‘wow! I have a wax figure.”
Samantala, napansin din ng bumubuo ng Madam Tussauds ang pagsikat ni Kathryn na nagsimula bilang child actress, na lumalabas siya sa mga matagumpay na serye at pelikula na “Mara Clara”, “Got to Believe”, “Pangako Sa ‘Yo”, “The Hows of Us” at “A Very Good Girl”
Kinilala rin Kathryn ng Forbes Asia bilang isa sa most influencial celebrities sa social media sa Asia-Pacific region noong 2020, kasama ang kanyang fan base na umabot sa Vietnam, Thailand at South Korea.
Sa isang statement, ibinahagi ni Kathryn na ang pagkakaroon ng sariling wax figure isang dream come true.
“I’m excited for my fans worldwide to visit and interact with my twin, especially in Hong Kong since it’s such a meaningful milestone for me,” say ni Kathryn.
Napansin ni Wade Chang, ang General Manager ng Merlin Entertainments Hong Kong, ang halaga ng Filipino market at pinuri si Kathryn bilang “an inspiring artist who has worked tirelessly to achieve her success.”
Kasalukuyang nilililok ang rebulto ni Kathryn at nakatakdang ia-unveil sa pagpasok ng 2026.

(ROHN ROMULO)