
ISANG enchanting night of love ang matutunghayan at ihahatid ng RMA Studio Academy sa taunang konsiyerto na nagtatampok sa mga mahuhusay na estudyante at mga kilalang celebrity sa ikatlong pagkakataon.
Pinamagatan itong “That’s Amore, A Night At The Movies”, ang kaganapang ito ay naglalayong ipakita ang cinematic celebration of love sa mga musical performance. Magaganap ito sa Nobyembre 9, 2025, sa Aliw Theater sa Pasay City.
Itatampok ang concert repertoire ng 25 mapang-akit na pagtatanghal na may kahanga-hangang mga production numbers, solos, at medleys na maingat na ginawa upang pukawin ang damdamin, ipagdiwang ang pagkukuwento, at bigyang-buhay ang tema ng pag-ibig sa entablado.
Asahan ang isang live orchestra na nagtatanghal ng mga timeless romantic hit kabilang ang “That’s Amore, A Night At The Movies” ni Dean Martin. Ang mga mag-aaral ng RMA ay magkakaroon ng kanilang solo, duet, trio, at maramihang pagtatanghal na sinasabayan ng orkestra.
Hindi rin palalampasin ang espesyal na pagtatanghal ng RMA’s founder at Asia’s Jewel na si Jade Riccio, isa ang solo at duet kasama ang music icon at legendary singer na si Jose Marie Chan. Kakantahin nila ang “Let Love Be the Gift” na kinompos mismo ni JMC at kasama sa second Christmas album niya na ‘Going Home to Christmas’.
Ang iba pang highlight ng concert ay ang inaabangang special performances ng RMA Celebrity Students na kinabibilangan nina Michelle Dee, Maymay Entrata, Rhian Ramos, Ina Raymundo, Pepe Herrera, Rain Celmar, Vivoree Esclito, John Arcenas, Renzo Jaworski, Jema Galanza, Imogen, Tali Sotto, Amari Sotto, Scarlet Snow Belo at Zia Dantes.
And speaking of Zia, natanong si Ms. Jade, kung paano niya napapayag ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sumama sa concert at mag-perform ng solo, sa ikalawang pagkakataon.
“After one year of doing sessions, here came the concert last year. So, I asked Ms. Marian if she is okay included Zia at the concert,” kuwento ng magandang mang-aawit.
“But Marian is so so nice, and she asked Zia what she wanted and she never tell what to do.
“Doon pa lang, sabi ko grabe nakapagaling niyang magpalaki ng anak.
“And when I heard Zia’s voice sabi ko kay Marian, your daughter will really go places.
“So, last year, I gave her a solo part which I think became viral, because it was everywhere. And you know, it inspired so many kids and parents as well.
“Everyone was surprised na ang ganda ganda pala ng boses ni Zia. She’s a very hardworking student.”
Samantala, bago ang konsiyerto, magkakaroon ng “Amore Wall” kung saan maaaring isulat ng mga dadalo ang kanilang mga paboritong love quotes o mag-dedicate ng mga kanta na gusto nilang marinig.
Sa patuloy na adbokasiya ng RMA na baguhin ang buhay sa pamamagitan ng musika, bahagi ng kikitain ng konsiyerto ay ido-donate sa Autism Society of the Philippines (ASP).
Inaanyayahan ni Ms. Riccio ang lahat na magpakita ng pagmamahal at suporta sa paparating na konsiyerto na ito.
“I appreciate your support to our last year’s concert and I hope you will do the same this year,” pahayag ni Ms. Riccio.
Para sa iba pang detalye tungkol sa musical extravaganza na ito, mangyaring makipag-ugnayan kay Ms. Veronica Ramos-Baun sa 0918-8133333 o magpadala sa kanya ng email sa
vrbaun@jnbrandingconsultancy.com.