NAGHAIN na ng kaso si Batangas Rep. Leandro Leviste laban kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo.
Kasong Direct Bribery, Corruption of Public Officials, Anti-Graft and Corrupt Practices, at violations of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, sa tanggapan ng Office of the Batangas Provincial Prosecutor, August 26.
“This goes beyond a P3.1 million bribe, but rather up to over P300 million annually of SOPs or kickbacks from DPWH projects reserved for a Congressman of the First District of Batangas,” ani Leviste.
Ayon sa mambabatas, sinabi umano ni Calalo na handa ang mga contractors na bigyan siya ng 5% – 10% ng P3.6 billion sa projects ng distrito, katumbas ng P180M hanggang P360M bilang “support” sa kanyang educational programs.
Sinabi ni Leviste, inihayag sa kanya ng DE kung papaano ibinibigay ang projects ng walang tunay na bidding sa First District ng Batangas, kung saan ang contractors ay pinipili umano ng nakaupong Congressman kapalit ng kickbacks.
Kinilala rin umano ng DE ang major contractors at mga nag impluwensiya sa project bidding at implementation ng proyekto.
Hinikayat naman nito si DE Calalo at iba pang kasalukuyan at dating DPWH employees o contractors na magsilbing state witnesses para mapanagot ang mga sangkot sa korupsyon.
(Vina de Guzman)