• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAYNILA, NAKAHANDA SA PAGSASARA NG NAVOTAS SANITARY LANDFILL

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno Domasoso na makahanda ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa paghahakot ng basura sa kabila ng permanenteng pagsasara ng Navotas Sanitary Landfill at ililipat ito sa San Mateo Sanitary Landffill sa Rizal.

Ito ay makaraang nakatanggap  ng abiso mula   kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes na ang lahat ng basura ng lungsod  ay ididiretso na sa New San Mateo Sanitary Landfill sa Rizal simula bukas, Agosto 27.

Sa kanyang Facebook live, sinabi ng alkalde na magkakaroon ngayon ng malaking hamon sa paghahakot ng basura sa Maynila dahil mas malayo ang San Mateo kumpara sa dating Navotas site.

"Hindi pa natin alam ang mangyayari kapag sabay-sabay bumiyahe ang mga truck sa Commonwealth. That's the first challenge. The second challenge, kapag nasa San Mateo na ang queing, sabay-sabay dumadating ang truck, it will take time, babagal ang balikan,"

Sabi ni Mayor Isko, asahan ang pagbagal o delay ng biyahe ng mga truck at dagdag na gastusin para sa lungsod.

"It will cost us money, sad to say, but let me handle that. Alam ko malaki problema natin sa pera. What is important now is :yung basura at yung kapakanan ng taumbayan,"sabi ng alkalde.

Gayunman, tiniyak niyang handa na ang contingency plan ng Department of Public Services (DPS) upang maiwasan ang krisis sa basura.

Umapela rin ang alkalde sa mga barangay at residente na huwag munang ilabas ang basura hangga't hindi dumarating ang garbage truck upang hindi maipon sa kalsada.(Gene Adsuara)