• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 26th, 2025

DPWH, SUPORTADO ANG IMBESTIGASYON SA KATIWALIAAN 

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI kinukunsinti ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang anumang uri ng katiwalian sa kanilang hanay.
Ayon sa DPWH, buo ang kanilang suporta sa imbestigasyon ng mga kinauukulang awtoridad.
Ang pahayag ng ahensya ay hinggil sa isyu ng suhulan kung saan sangkot ang isang district engineer sa Batangas.
Pagtitiyak pa ng DPWH na seryosong tinutugunan ang mga alegasyon laban sa isang district engineer sa Batangas.
Agad ding ire-relieve sa kanyang pwesto ang nasabing opisyal at ipapataw ang preventive suspension.
Giit ng ahensya, sinumang mapatunayang nagkasala ay dapat managot at harapin ang buong bigat ng batas.
Matatandaang lumutang ang alegasyon na ang isang district engineer na nag ngangalang Abelardo Calalo na naka assign sa batangas ay na entrap at nakatakdang sampahan ng kaso bukas ni Cong Leandro Leviste matapos tangkaing suhulan ng P360M ang mambabatas.(Gene Adsuara)

1,500 BENEPISYARYO NG NHA DUMALO SA PEOPLE’S CARAVAN SA LAS PIÑAS

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HALOS 1,500 benepisyaryo ng National Housing Authority (NHA) mula sa Lungsod ng Las Piñas ang dumagsa sa CAA Elementary School at nakinabang sa serbisyo ng 27 katuwang na ahensya sa idinaos na People’s Caravan, kamakailan lang.
Ang caravan, isang inisyatiba ni NHA General Manager Joeben A. Tai, ay naglalayong dalhin nang mas malapit sa mga benepisyaryo at kanilang pamilya mula sa mga karatig-komunidad ang iba’t ibang programa at serbisyo ng pamahalaan.
Sa gabay ni NHA GM Tai, pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano ang programa, kasama si NCR South Sector Regional Manager Cromwell C. Teves. Dumalo rin sina Las Piñas Lone District Representative Mark Anthony Santos at Las Piñas Mayor April Aguilar.
Buong suportang pinakita ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang kanilang lakas sa pamamagitan ng mga pagsali ng City Health Office,  City Social Welfare and Development Office, at  Office for Senior Citizens Affairs sa ginanap na People’s Caravan. Sila ay nagbigay ng libreng medical tests,  pagbabakuna, at tulong sa aplikasyon ng mga benepisyo para sa mga single  parents at nakatatanda. Upang magbigay ng manpower at logistics support, dumalo rin ang Urban Poor Affairs Office (UPAO) and the City Engineering Office.
Nakilahok ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang serbisyong inihandog ng mga katuwang na ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor. Nagkaroon sila ng pagkakataong mag-apply para sa National ID at iba pang serbisyo ng civil registry gaya ng pagproseso ng Birth Certificate, Death Certificate, Certificate of No Marriage Record (CENOMAR), Marriage Certificate at PSA Serbilis Application mula sa Philippine Statistics Authority (PSA); membership registration at Loyalty Card issuance ng Pag-IBIG Fund; membership at issuance ng PhilHealth ID; at membership registration at pension concerns ng Social Security System (SSS).
Tinanggap din ang mga naghahanap ng trabaho sa job fair na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO)-Department of Labor and Employment (DOLE). Samantala, nagsagawa naman ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng oryentasyon/seminar ukol sa mga programa at serbisyo para sa mga OFW, financial awareness, at pagsasanay sa small business management.
Dinala rin ng caravan ang iba’t ibang livelihood programs, food safety, skills enhancement at entrepreneurship trainings, business at capital consultancy, at mga scholarship program mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Nagbenta rin ng abot-kayang farm-to-market products at bigas sa pamamagitan ng KADIWA Program ng Department of Agriculture (DA). Namahagi rin sila ng libreng vegetable seeds, seedlings, fertilizers, at IEC materials.
Nagbigay naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng libreng onsite wifi internet at oryentasyon ukol sa eGov Super App. Samantala, nagsagawa rin ang Public Attorney’s Office (PAO) ng libreng legal consultation at notarial services.
Samantala, namahagi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 1,000 relief goods na nakapaloob sa plastic na mga timba na tinawag nilang “Charitimba.”
“Inilunsad noong Setyembre 2023, nakatanggap ang NHA People’s Caravan ng malaking positibong pagtanggap sa buong bansa at nakapagbigay ng benepisyo sa libu-libong benepisyaryo mula sa mga housing site ng NHA
Sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan sa publiko at pribadong sektor, nakapagtala ang caravan ng malaking progreso tungo sa pagbubuo ng mas matatag na mga komunidad para sa Bagong Pilipinas. (PAUL JOHN REYES)

29 Patay sa leptospirosis sa Maynila

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMAABOT na sa kabuuang 310 kaso ng leptospirosis ang naitala sa mga hospital sa anim na distrito ng lungsod ng Maynila na kumitil ng buhay ng 29 katao, ayon sa ulat nitong Sabado.
Sa report ng Manila Health Department ang nasabing kaso ng leptospirosis at dengue ay nairekord mula Hulyo 1, hanggang Agosto 22, 2025. Pinaalalahanan naman ng mga health expert ang publiko na mag-ingat sa panahon ng tag-ulan.
Ang pagtaas ng bilang ng mga nagkasakit ng leptospirosis at dengue ay sa gitna na rin ng matitinding mga pag-ulan sa lungsod ng Maynila lalo na sa nakalipas na tatlong makakasunod na bagyo at habagat. Ayon sa opisyal na data, 29 sa mga nasawi ay dulot ng leptospirosis habang dalawa naman ay sa impeksiyon sa dengue.
Nabatid na ang Ospital ng Maynila Medical Center ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng leptospirosis na nasa 114 kung saan 14 ang namatay at apat pa ang naka-confine.
Sinundan ito ng Sta. Ana Hospital na nasa 49 kaso, 10 ang nasawi habang anim pang mga pasyente ang patuloy na ginagamot. Ang Ospital ng Tondo ay may 38 kumpirmadong kaso, lima ang nasawi at isa pang pasyente ang patuloy na nagpapagaling .
Ang iba pang tinamaan ng naturang mga karamdaman ay naitala naman mula sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; Ospital ng Sampaloc at iba pa.
Samantala nasa 247 kaso naman ng dengue ang naitala sa parehong period kung saan pinakamataas ang na kasong naitala sa Ospital ng Maynila na nasa 98 kataong nagkasakit na sinundan ng iba pang mga pagamutan sa lungsod.

Ads August 26, 2025

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments