• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 26th, 2025

Nag-tie sa Best Actor sina Vice Ganda at Arjo: MARIAN, labis ang pasasalamat nang tanghaling FAMAS Best Actress

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARE-PAREHONG first time winner sina Marian Rivera, Vice Ganda at Cong. Arjo Atayde sa ginanap na 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.
Si Marian ang tinanghal na Best Actress para sa mahusay niyang pagganap sa ‘Balota’ bilang Teacher Emmy.
Nag-tie naman bilang Best Actor sina Vice Ganda  (para sa ‘And the Breadwinner Is…’) at Arjo Atayde (para ‘Topakk’).  Kinabog nila si Dennis Trillo, na malakas din ang laban dahil sa ‘Green Bones’, na isa sa napiling maging entry ng Pilipinas para sa Foreign Language Film Category ng 98th Academy Awards.
Samantala, nasungkit ni Nadine Lustre ang pangatlo niyang FAMAS trophy, pero first award niya bilang Best Supporting Actress para naman sa ‘Uninvited’.
First time din ni Jeric Raval na magwagi sa FAMAS na kung saan siya ang nakapag-uwi ng Best Supporting Actor para sa ‘Mamay’.
Sa Instagram ng Kapuso Primetime Queen ibinahagi niya ang snippets ng kanyang memorable night sa FAMAS Awards.
“Last night was epic! Grateful for the recognition and all the amazing people who made it happen,” caption ni Marian.
Umani nga ng mga papuri at pagbati mula sa kanyang asawa na și Dingdong Dantes, celebrities tulad nina Alden Richards, Aga Muhlach, Mariel Padilla, Josh Ford, Faith da Silva, Kim Molina, Zeinab Harake, Direk Mae Cruz Alviar, Nadine Samonte, at mga netizen.
Post naman ni Dingdong, “Sitting across a FAMAS Best Actress tonight.”
Sagot naman ni Marian, “Thanks for the treat dada #bundat.
Last July 20 lang, si Marian din ang nanalong Best Actress sa ‘8th EDDYS ng SPEEd.
Narito ang complete list of winners:
Best Picture: Alipato at Muog
Best Actor: Vice Ganda (And the Breadwinner Is…) at Arjo Atayde
(Topakk).
Best Actress: Marian Rivera (Balota)
Best Supporting Actress – Nadine Lustre (Uninvited)
Best Supporting Actor – Jeric Raval (Mamay)
Best Director – JL Burgos (Alipato at Muog)
Best Cinematography – Mamay
Best Production Design – Mamay
Best Screenplay – Green Bones
Best Musical Score – Mamay
Best Sound – Topakk
Best Editing – The Hearing
Bida sa Takilya Award – Kathryn Bernardo
FAMAS Circle of Excellence Award – Vilma Santos
FAMAS Child Icon of Philippine Cinema – Judy Ann Santos, Gladys Reyes,
IanVeneracion, Ice Seguerra, Niño Muhlach, and Matet de Leon
German Moreno Youth Achievement Award – Andres and Atasha Muhlach
Susan Roces Celebrity Award – Lorna Tolentino
Nora Aunor Superstar Award – Judy Ann Santos
FPJ Memorial Bida Award – Manny Pacquiao
FPJ Memorial Kontrabida Award – Dindo Arroyo
Dr. Jose Perez Memorial Award for Journalism – PEP.ph
FAMAS Presidential Award – Marcos Mamay
FAMAS Loyalty Award – Brian Lu
(ROHN ROMULO)

Sometimes you have to look back to find your way forward. Margot Robbie and Colin Farrell are off on an adventure in the new trailer of “A Big Bold Beautiful Journey”

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MYSTERIOUS doorways, journeys to the past, and A Big Bold Beautiful Journey await as Margot Robbie and Collin Farrell star in the romantic fantasy film directed by Kogonada. Robbie and Farrell are Sarah and David, two strangers who meet at a friend’s wedding, and in a whimsical twist of fate, find themselves on an adventure across time together.
Watch the new trailer: https://youtu.be/sR4HeG6dzRU
Get ready as A Big Bold Beautiful Journey is out in Philippine cinemas on September 17.
About A Big Bold Beautiful Journey:
Some doors bring you to your past. Some doors lead you to your future. And some doors change everything. Sarah (Margot Robbie) and David (Colin Farrell) are single strangers who meet at a mutual friend’s wedding and soon, through a surprising twist of fate, find themselves on A Big Bold Beautiful Journey – a funny, fantastical, sweeping adventure together where they get to re-live important moments from their respective pasts, illuminating how they got to where they are in the present…and possibly getting a chance to alter their futures.
Directed by Kogonada and written by Seth Reiss
Cast: Margot Robbie, Colin Farrell with Kevin Kline and Phoebe Waller-Bridge
A Big Bold Beautiful Journey is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #KarateKidMovie @columbiapicph (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)
(ROHN ROMULO)

Nanghinayang ang netizens sa maikling role: LARKIN, biglang nagkaroon ng fans dahil sa paglabas sa ‘Sang’gre’ 

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BIGLANG nagkaroon ng fans ang Sparkle actor na si Larkin Castor dahil sa paglabas nito sa GMA Primetime series na ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’
Gumanap bilang ang engkantadong si Hedrick si Larkin na pinagtanggol si Sang’gre Adamus (Kelvin Miranda). Dahil dito ay pinarusahan siya ng kamatayan ng huwad na reyna na si  Mitena (Rhian Ramos) kasama ang ina nitong si Mayca (Cheska Iñigo).
Maraming netizens ang nanghinayang sa maikling role ni Larkin. Sayang at ang guwapo raw nito. May mga humiling na bigyan ito agad ng teleserye dahil pang-leading man siya.
Nakilala ng netizens si Larkin dahil siya ang ex-boyfriend ni AZ Martinez na ayaw siyang pumasok sa PBB house.
Hindi naman daw kawalan kay Larkin si AZ dahil marami raw babae at accla na pinapantasya siya ngayon.
Na-interview namin noong 2022 si Larkin via Zoom noong i-launch ang Sparkada, ang first batch ng Sparkle artists ng GMA.
Full name niya ay Larkin Patrick Castor Bayarang. 23 years old at nakatapos ng Computer Science and Network Information  course sa De La Salle University-Manila.
Bukod sa sports na basketball at golf, hilig din ni Larkin ang music. Makikita sa social media accounts niya ang pagkanta, pagtugtog ng gitara, at pati na rin ang mga musical influences niya.
Sina Heart Evangelista at Bea Alonzo ang dream leading ladies ni Larkin.
Before Sang’gre, lumabas na si Larkin sa mga shows na ‘Mano Po Legacy: The Flower Sister’ at ‘Luv Is: Love At First Read’ na parehong mapapanood sa Kapuso Stream.
***
INIHAYAG ni Shuvee Estrata ang kanyang  posisyon laban sa premarital sex.
Ayon sa Sparkle actress, non-negotiable sa kanya ang sex bago ang marriage.
“It’s hard for me to trust, ‘di ba? Pero at the same time, gusto ko din namang magmahal. Kasi non-negotiable ko, ang sex. I don’t support premarital sex.”
Tinanggihan nga raw ng dating PBB housemate ang ideya nang pakikipagtalik para lamang sa kasiyahan, pagsubok, at paghahanap kung ano ang gusto ng isang tao sa isang kapareha.
“I don’t believe in that kasi bakit ka manggagamit ng ibang tao, ibibigay mo ‘yon, tapos you’re gonna make it easy for them to get you, and then hindi mo naman talaga ‘yun bina-value?” diin pa ni Shuvee na kasama sa cast teleserye na ‘The Master Cutter’ kunsaan bida si Dingdong Dantes.
***
TAHIMIK at masaya ang buhay ngayon ni Ellen DeGeneres at ng asawa niyang si Portia de Rossi sa United Kingdom.
In an Instagram pinost ng former talk show host ang buhay nila sa English countryside.
Caption ni Ellen: “Portia’s living her dream riding her horse through the English countryside and into the village. Gosh I hope she comes home soon
In the clip, pinakita ng 67-year old comedian ang magandang paligid sa kanilang Cotswold estate na binebenta na nila for $30 million.
Bibili raw kasi ng mas malaking property sa England si Ellen dahil dumarami na raw ang inaalagaan nilang mga farm animals tulad ng sheeps, chickens and horses.
“When we decided to live here full time, we knew that Portia couldn’t live without her horses. We needed a home that had a horse facility and pastures for them.”
November 2024 noong lumipat sa UK from the US sina Ellen at Portia after manalo sa 2024 presidential election si Donald Trump.
(RUEL J. MENDOZA)

Kesa patulan ang kontrobersyang hinaharap: KORINA, nag-joke tungkol sa P10M nang pumunta sa Hong Kong Disneyland 

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MUKHANG dinaan na lang sa biro ni Korina Sanchez-Roxas kesa patulan ang kontrobersya dahil sa social media post ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Sa kanyang IG post sa unang araw niya sa Hong Kong Disneyland nagpakuha siya sa likod ng Castle of Magical Dreams.
Panimula ni Korina sa kanyang post kasama ang series of photos at video, “My P10 Million Palace, Joke.”
Dugtong pa niya, “The happiest place on earth they say is Disneyland. Actually, the happiest place is peace of mind. In the midst of ignorant hate comes blessed calm knowing that GOOD is in control if you allow it.”
Sa naging post nga ni Mayor Vico, sinabi nito na ang ilang veteran journalist ay diumano’y pumapayag tanggapin ang alok ang malaking halaga para mag-interview ng controversial figures at mai-feature sa kanilang lifestyle shows.
Anyway, sa pagpapatuloy ni Ate Koring, “First day in HKG among Pinoys who saved up enough for a family trip. Work. And breaking bread with supporters who continue to believe despite the noise.
“Carlo Magdaluyo and TV5! And the Rated Korina team! Thanks.”
Nagtungo nga ang grupo ni Korina sa Hong Kong para i-meet ang mga OFW at i-feature sa kanyang show na ‘Face to Face’ sa TV5. (ROHN ROMULO) 

NBA card na pirmado nina Jordan at Bryant naibenta ng mahigit $12-M

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAIBENTA sa halagang $12.932 milyon ang NBA card na pirmado nina Michael Jordan at Kobe Bryant.
Isang uri ito ng 2007-08 Upper Deck Exquisite Collection Dual Logoman Autographs Jordan and Bryant Card.
Nahigitan nito ang 1952 Topps Mickey Mantle card na naibenta sa halagang $12.6-M noong Agosto 2022.
Ito na ang pangalawang pinakamahal na sports collectible na ang una ay ang 1932 World Series “Called Shot” Jersey n baseball legend Babe Ruth na nabili sa halagang $24.12-M noong 2024.

Alex Eala wagi sa first round ng US Open laban kay Tauson

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGWAGI sa unang round ng US Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Tinalo nito si World Number 15 na si Clara Tauson ng Denmark sa score na 6-3, 2-6, 7-6(11).
Sa unang set ay nadomina ni Eala ang laro subalit nakabawi si Tauson pagdating ng ikalawang set.
Pagpasok ng ikatlong set ay muntik ng matalo ang Pinay tennis sensation subalit nanaig ang galing nito laban kay Tauson.
Hihintayin pa nito kung sino ang makakaharap niya sa ikalawang round ng US Open.

August 25, 2025 Navotas, inilunsad ang “Walang Plastikan 2025,”

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang mga residente, youth groups, at environmental advocates ang “Walang Plastikan 2025,” na naglalayong bawasan ang paggamit ng single-use plastics na ginanap sa Navotas Convention Center, sa pakikipagtulungan sa EcoWaste Coalition and Smöl Productions. (Richard Mesa)

DigiPlus, nanguna sa 24/7 CX operational powerhouse

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAPAGPATULOY ng DigiPlus Interactive Corporation, ang puwersa sa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at Gamezone, ang pagpapaunlad ng karanasan ng kanilang mga customer, o customer experience (CX), sa pamamagitan ng paghahandog ng 24/7 na suporta sa mga manlalaro, na panibagong mataas na pamantayan sa industriya. Dahil 40 milyon na ang nakarehistrong user sa DigiPlus, patunay lamang ito ng pagpapalawig ng kompaniya ng kaniyang operasyon sa larangan ng serbisyo sa mga customer, at paniniguradong naibibigay ang tulong sa pangangasiwa ng account, suporta sa mga transaksyon, troubleshooting sa mga teknikal na aspekto, at pagpigil ng panloloko o fraud.
Simula noong lumipat sa digital na operasyon sa panahon ng pandemya, mas pinatingkad at lumalago ang komunidad na online ng DigiPlus, dahil sa e-games at iba pang handog sa entertainment. Dahil dinala ang kasabikan at saya ng paglalaro sa mga tahanan, ginawang mas madali, masaya, at aksesibo ng DigiPlus ang paglalaro–kahit kailan, kahit saan.
Habang mas lumalaki pa ang DigiPlus, lumago na sa higit-300 ang miyembro ng customer support team nito, at planong umabot sa 450 sa dulo ng taon. Pinapatunayan ng paglaki na ito ang pangako ng DigiPlus na maghandog ng mataas na kalidad na tulong sa mga manlalaro sa bawat interaksyon. Sa pamamagitan ng implementasyon ng maayos na sistema ng suporta sa mga primary at premium tier, nakabuo na ang DigiPlus ng customer experience framework na hindi lamang nireresolba ang mga isyu kung hindi naghihikayat ng pagkakontento ng mga manlalaro sa iba’t ibang aspeto.
“Malaki ang gampanin ng pagpapalakas ng serbisyo sa mga customer sa pagsiguro na bawat hinaing ng manlalaro ay matutugunan nang mabilis at tama. Ang layunin ay itaas ang antas ng serbisyo at ipangako ang maagap na resolusyon sa mga isyu ng mga manlalaro, na patunay ng aming pangako na mapanatili ang kanilang kasiyahan sa paglalaro,” ani Customer Service Director Carlos Pio Feliciano.
Dumaraan ang mga kinatawan sa masusing pagsasanay sa komunikasyon na sumasaklaw sa mahahalagang larangan gaya ng kaalaman sa produkto, mga teknik sa komunikasyon, pagresolba ng alitan, at teknikal na troubleshooting. Pangunahing prayoridad nila ang pagpapanatili ng transparency sa mga manlalaro at ang pagbibigay-alam sa kanila sa bawat hakbang ng proseso ng paglutas ng kanilang problema.”Hindi natatapos ang aming pagtutok sa kahusayan pagkatapos lamang ng paunang pagsasanay,” dagdag ni Feliciano. “Nagbibigay kami ng tuloy-tuloy na mga materyal sa pagkatuto upang matiyak na ang aming mga CX representative ay nananatiling maalam sa pinakabagong mga update sa plataporma, mga kagamitan, at mga uso sa industriya. Tinitiyak nito na handa silang tugunan ang mga bagong hamon.”Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa makabagong teknolohiya, patuloy na pagsasanay, at makabago at digital na solusyon, aktibong pinalalago ng DigiPlus ang isang customer-first culture na nakaugat sa tiwala, kasiyahan, at katapatan sa brand. Sinasalamin ng 24/7 CX operational powerhouse ang pangako ng kompanya na natatanging serbisyo at ang pangunguna nito nito sa larangan ng digital entertainment.Para sa mga manlalarong nangangailangan ng suporta at tulong, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na linya 24/7:BingoPlus – bingoplus.ph | cs@bingoplus.vip | (02) 8539 0282ArenaPlus – arenaplus.ph | cs@arenaplus.vip | (02) 8539 0285GameZone – gzone.ph | cs@gamefun.pro | (02) 8539 0286

LIBRENG 2 LITRO NG GASOLINA SA MGA TRICYCLE DRIVER SA NATIONAL HEROES DAY

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NABIYAYAAN ng libreng 2 litro ng gasolina ang  may 100 tricycle driver na itinuring ng mga bayani sa mismong araw ng paggunita ng National Heroes Day sa bansa sa Agosto 25, 2025.
Kaya naman bilang gantimpala at  pagsaludo sa bagong bayani ng lansangan, hindi lamang sa maayos na pagseserbisyo sa kanilang mga pasahero at maihatid na ligtas sa kanilang patutunguhan kundi may mga kuwentyo rin ng katapatan tulad ng pagsasauli nila ng gamit na pitaka, pera, dokumento at cellphone  kaya pinagkalooban sila ng Kapatirang Tau Gamma Phi, Rosario Municipal Grand Council ng libreng 2 litro ng gasolina. .
“Ramdam namin ang bawat pagod at pawis na nararanasan ng isang tricycle driver sa pang-araw-araw nilang pamamasada para sa kanilang pamilya. Maraming salamat po sa inyong lahat, mensahe ni Vryce Velasquez, Chairman ng Tau Gamma Phi.
Bilang tugon ni Silangan TODA President Christiaan Buhain, nagpaabot naman ito ng pasasalamat dahil malaking ginhawa ito sa kanila na magagamit nila ito sa maghapong pamamasaha. (Gene Adsuara)

Bebot, huli sa akto ng ex-partner na pulis na sumisinghot ng shabu

Posted on: August 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA kulungan ang bagsak ng isang babae matapos mahuli sa akto ng kanyang dating live-in partner na pulis na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng huli sa Valenzuela City.
Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Joseph Talento, nagtungo ang suspek na si alyas “Mary”, kasama ang kanilang mga anak sa bahay ng kanyang dating kinakasama na pulis na isang Police Master Sargent na nakalaga sa Patrol Base-9 ng Valenzuela CPS.
Dahil dito, niyaya sila ng complainant na kumain sa labas subalit, hindi umano sumama ang suspek kaya ang kanilang mga anak na lamang ang sinama nito at naiwan sa kanyang bahay sa Brgy., Malanday si ‘Mary’.
Gayunman, pagsapit nila sa stoplight sa Malanday ay naalala ng complainant na naiwan ang kanyang wallet kaya nagpasaya itong bumalik sa bahay niya.
Pagdating ng complainant sa kanyang bahay dakong alas-7:15 ng gabi, naaktuhan niya ang suspek na sumisinghot umano ng droga na naging dahilan upang arestuhin niya ito.
Nakumpiska ng complainant sa suspek ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu, anim na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,924, coin purse, cellphone, ID at drug paraphernalias.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Pamela Joy Catalla, kasong paglabag sa Sections 11, 12 at 15 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)