Nanghinayang ang netizens sa maikling role: LARKIN, biglang nagkaroon ng fans dahil sa paglabas sa ‘Sang’gre’
- Published on August 26, 2025
- by @peoplesbalita
BIGLANG nagkaroon ng fans ang Sparkle actor na si Larkin Castor dahil sa paglabas nito sa GMA Primetime series na ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’Gumanap bilang ang engkantadong si Hedrick si Larkin na pinagtanggol si Sang’gre Adamus (Kelvin Miranda). Dahil dito ay pinarusahan siya ng kamatayan ng huwad na reyna na si Mitena (Rhian Ramos) kasama ang ina nitong si Mayca (Cheska Iñigo).
Maraming netizens ang nanghinayang sa maikling role ni Larkin. Sayang at ang guwapo raw nito. May mga humiling na bigyan ito agad ng teleserye dahil pang-leading man siya.
Nakilala ng netizens si Larkin dahil siya ang ex-boyfriend ni AZ Martinez na ayaw siyang pumasok sa PBB house.
Hindi naman daw kawalan kay Larkin si AZ dahil marami raw babae at accla na pinapantasya siya ngayon.
Na-interview namin noong 2022 si Larkin via Zoom noong i-launch ang Sparkada, ang first batch ng Sparkle artists ng GMA.
Full name niya ay Larkin Patrick Castor Bayarang. 23 years old at nakatapos ng Computer Science and Network Information course sa De La Salle University-Manila.
Bukod sa sports na basketball at golf, hilig din ni Larkin ang music. Makikita sa social media accounts niya ang pagkanta, pagtugtog ng gitara, at pati na rin ang mga musical influences niya.
Sina Heart Evangelista at Bea Alonzo ang dream leading ladies ni Larkin.
Before Sang’gre, lumabas na si Larkin sa mga shows na ‘Mano Po Legacy: The Flower Sister’ at ‘Luv Is: Love At First Read’ na parehong mapapanood sa Kapuso Stream.
***
INIHAYAG ni Shuvee Estrata ang kanyang posisyon laban sa premarital sex.
Ayon sa Sparkle actress, non-negotiable sa kanya ang sex bago ang marriage.
“It’s hard for me to trust, ‘di ba? Pero at the same time, gusto ko din namang magmahal. Kasi non-negotiable ko, ang sex. I don’t support premarital sex.”
Tinanggihan nga raw ng dating PBB housemate ang ideya nang pakikipagtalik para lamang sa kasiyahan, pagsubok, at paghahanap kung ano ang gusto ng isang tao sa isang kapareha.
“I don’t believe in that kasi bakit ka manggagamit ng ibang tao, ibibigay mo ‘yon, tapos you’re gonna make it easy for them to get you, and then hindi mo naman talaga ‘yun bina-value?” diin pa ni Shuvee na kasama sa cast teleserye na ‘The Master Cutter’ kunsaan bida si Dingdong Dantes.
***
TAHIMIK at masaya ang buhay ngayon ni Ellen DeGeneres at ng asawa niyang si Portia de Rossi sa United Kingdom.
In an Instagram pinost ng former talk show host ang buhay nila sa English countryside.
Caption ni Ellen: “Portia’s living her dream riding her horse through the English countryside and into the village. Gosh I hope she comes home soon“
In the clip, pinakita ng 67-year old comedian ang magandang paligid sa kanilang Cotswold estate na binebenta na nila for $30 million.
Bibili raw kasi ng mas malaking property sa England si Ellen dahil dumarami na raw ang inaalagaan nilang mga farm animals tulad ng sheeps, chickens and horses.
“When we decided to live here full time, we knew that Portia couldn’t live without her horses. We needed a home that had a horse facility and pastures for them.”
November 2024 noong lumipat sa UK from the US sina Ellen at Portia after manalo sa 2024 presidential election si Donald Trump.
(RUEL J. MENDOZA)