Tinutulungan ng mga CX representative ang mga manlalaro sa DigiPlus Merville studio sa pamamagitan ng pagsagot ng kanilang mga katanungan sa iba’t ibang plataporma: BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone.

Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Pinag-aaralan ng Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) na magsampa ng “class suit” laban sa mga sangkot sa maanomalyang mga flood control projects sa bansa lalo na sa Metro Manila.
Ito ayon sa LCSP ay upang mabigyan ng hustisya ang kahirapan, abala, at perwisyo sa mga motorista at pasahero ng mga pagbaha dahil sa umano’y malawakang korapsyon sa mga flood control projects na nagresulta sa bilyong pisong “ghosts projects”.
“Kapag may matinding baha ay damang-dama ng mga motorista at commuters ang epekto nito. Kapag baha lalong tumitindi ang trapik. Maraming sasakyan na inabutan ng baha sa kalsada, ito ay nasisira kaya’t gastos na katakut-takot sa mga motorista at kapag nawala ang baha ay sira-sira naman ang mga kalsada at ga-palangganang mga butas naman ang dadaanan kahit wala ng baha,” ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP.
Aniya, kalbaryo rin sa mga commuters ang sobrang hirap nang pagsakay at ma-stranded sa mga kalsada at maari pang magkasakit ng leptospirosis kapag minalas malas pa. ( Daris Jose)
SA kabila ng high tide na umabot sa 1.9 metro, nanataling passable ang mga kalsada sa buong Lungsod ng Navotas matapos maayos na ang Tangos-Tanza Navigational Gate, kaya hindi muna ito pinapadaanan ng DPWH sa mga bangka para mahukay at matanggal muna ang mga burak at duming naipon sa ibaba nito. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, inaasahan maibaba ang gate sa August 30, 2025 at maaari na aniya itong madaanan ng mga sasakyang pandagat. (Richard Mesa)

PILIT na hinaharang ng Tsina ang pagpapalabas sa dokumentaryong “Food Delivery: Fresh from West Philippine Sea” dahil salamin ito ng pakikibaka ng mga Pilipino at paglalantad na ayaw makita sa buong mundo.
INILAGAY ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, sa alarm status ang 19 motorsiklo na sangkot sa ilegal na karera sa isang bypass road sa San Rafael, Bulacan.