Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
bar
(ROHN ROMULO)
WALA ngang humpay ang pamilya Atayde sa pag-aabot ng tulong sa mga nasasakupan ni Quezon City 1st District Cong. Arjo Atayde sumugod sa kasagsagan ng matinding ulan at bahang dulot ng habagat noong Lunes na tumagal hanggang Huwebes ang masamang panahon.
Naglabas nga ng sariling pera ng mga Atayde para sa ginawang relief operation, kung saan namigay sila ng unan, kumot at banig.
Makikita rin ang pagmamasalakit ng premyadong aktres at ina ni Cong. Arjo na si Sylvia Sanchez na namigay ng mainit na lugaw, sopas, Milo, tinapay at biskwit sa mga residente ng Barangay Paraiso.
Maliban sa mga ipinamigay ng Atayde family, nakipag-ugnayan at nagpahatid din ng tulong ang DSWD na namigay ng relief packs na may laman ng bigas, de lata at kape sa iba’t-ibang lugar tulad ng Brgy. Del Monte, Brgy. Katipunan at iba pang nasasakupan.
Para kay Cong. Arjo, ang pagtugon sa pangangailangan ng distrito ay hindi natatapos sa iisang operasyon lamang.
Kaya nanawagan ang aktor-politiko para sa isang komprehensibo at NCR-wide flood management strategy.
“The flooding we’ve seen in recent days makes one thing very clear: This is not just a QC District 1 problem, this is not just a Quezon City problem — it’s a Metro Manila problem,” pahayag niya.
“We cannot solve this piecemeal. Kailangan talaga ng buong-lungsod na solusyon. Hindi puwedeng kanya-kanyang diskarte lang ang mga LGU, dahil konektado ang mga kalye, kanal, estero at ilog natin,” paliwanag pa ni Arjo.
Dagdag pa ng premyadong aktor, “My grandparents faced this problem. Now we’re facing this problem. I don’t want my grandchildren to live through this problem as well. That’s why we need to take bold, unified action now.
“Sa QC may plano na, but If we want to solve this once and for all, we need a master plan for the whole of Metro Manila. That means more investment in infrastructure, stricter enforcement of environmental laws, and a unified approach to land use and drainage systems.
Ayon pa two-term congressman, “People are tired of the same cycle — umuulan, bumabaha, tapos pag-naarawan na, nakakalimutan. We need to break that cycle. We need to start looking for a serious solution now.”
Samantala, puring-puri ng mga taga-District 1 si Sylvia dahil sa tagos sa pusong pagmamahal at pagmamalasakit sa kanila. Sino ba raw ang mag-aakala na magbabangka at susugod sa ulan at baha para magdala ng pagkain at gamot sa mga hindi makaalis ng bahay.
Kaya napaka-swerte nila dahil buong pamilya Atayde ang handang tumulong at umaksyon agad, kasama nga rito ang pinsan ni Cong. Arjo na si Gab Atayde, na hindi man pinalad na maging konsehal ay ramdam din ang pagmamahal.
***
Achieve mo, TODO MAX: Globe AT HOME GFiber Prepaid para sa makabagong pamilya
SA makabagong panahon ngayon, bago na rin ang kayod at kilos ng pamilyang Pilipino.
Si tatay, nagsisipag bilang isang delivery rider sa umaga, pero naka UNLI FB sa gabi. Si nanay, may online raket naman habang inaalagaan ang buong pamilya. Ang magkakapatid ay sabay-sabay nagsusumikap, nag-aral online gamit ang modules. Sa kabila ng pagiging abala, may oras pa rin para mag-bonding sa gabi bilang reward. Kasama na rito ang family streaming, gaming, at video calls sa mga mahal sa buhay.
Sa lahat ng ito, kailangan ng maaasahang partner na kasing bilis at sipag tulad ng GFiber Prepaid.
TODO MAX ang pag-achieve ng makabagong pamilya dahil sa GFiber Prepaid. For only P599 galing sa P999 na install fee, ma-eenjoy nila ang bilis ng up to 100Mbps at free 7 Days UNLI, no lock-up at install agad in 24 hours.
Ayon kay Abby Cardino, Globe VP for Broadband Business: “Hindi lang koneksyon ang hatid ng GFiber Prepaid, kundi kumpiyansa para harapin ang bawat araw. Gusto naming bigyan ng pagkakataon ang bawat Makabagong Pamilya—para kahit sa trabaho, pag-aaral, negosyo, o simpleng bonding, may internet silang maaasahan.”
GFiber Prepaid Highlights:
TODO MAX na! Magpa-install sa gfiberprepaid.globe.com.ph.
(ROHN ROMULO)
NILAGDAAN na ng Games and Amusements Board (GAB) ang Resolution No. 2025-08 upang tiyakin ang kaligtasan at integridad ng planong labanang boksing sa pagitan nina PNP Chief Nicolas Torre III at Acting Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.
Ang resolusyong ito ay ginawa bilang tugon sa kahilingan ng dalawang opisyal na magsagawa ng isang boxing match.
Nakalagda dito sina Atty. Francisco Rivera, bilang chairman at mga miyembro ng board.
Inirerekomenda ng GAB ang pagtalaga ng isang kwalipikado at accredited professional referee para mamuno sa naturang laban.
Inutusan din ng GAB ang kanilang medical team na magbantay sa laban para agad na makapagbigay ng tulong-medikal kung kinakailangan.
Layunin ng resolusyon na matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng laban alinsunod sa mga pamantayan ng propesyonal na isports.
Ipinapakita ng GAB ang kahalagahan ng regulasyon sa mga pampublikong kaganapang may kinalaman sa palakasan.
Hindi pa nagbibigay ng petsa ang GAB sa naturang laban, ngunit aktibo na ang paghahanda upang ito’y maging ligtas at makatarungan para sa lahat ng kalahok.
INANUNSIYO ng Philippine Sports Commission (PSC) na simula sa susunod na buwan ay matatanggap na ng lahat ng national athletes ang dagdag na P5,000 sa kanilang buwanang sahod.
Sinabi ni PSC chairman Patrick Gregorio, na ito ang naaprubahan ng PSC board na ipatupad na ang across-the-board na pagtaas sa sahod.
Dagdag pa nito na napapanahon na mabigyan ang mga atleta at coaches ng dagdag na allowances dahil ang P10,000 na allowance ay daig pa ang minimum wage na sahod sa bansa.
Naglabas na rin ng advisory si Atty. Guillermo Iroy , ang OIC executive director for government sports agency, na matatanggap na ang dagdag na allowance sa susunod na buwan.
SA pamamagitan ng executive order, ipinag-utos ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang agarang pansamantalang pagpapasara sa MAXIMA Steel Mills Corp. dahil sa oil spill mula dito na nagdudulot ng dumi sa mga daluyan ng tubig at banta sa kalusugan ng publiko.
Nag-ugat ang insidente sa ulat na natanggap ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) hinggil sa mabahong amoy na nagmumula sa isang sapa na nag-uugnay sa Barangay Lingunan at Barangay Veinte Reales kaya nagpadala ng conglomerate inspection team ang CENRO, kasama ang City Sanitation Office, mga kawani mula sa barangay, at Bureau of Fire Protection (BFP) upang i-verify ang natrurang ulat.
Sa kanilang pagsusuri, natunton nila ang mabahong amoy mula sa sapa hanggang sa pagtagas ng langis na nagmula sa MAXIMA Steel Mills Corp. na nagdudulot ng panganib sa mga daluyan ng tubig at kalusugan ng publiko.
Dahil sa posibilidad ng mas matinding epekto ng oil spill sa komunidad, inirekomenda ng CENRO sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) na isara ang nasabing establisyimento, kaya agad naglabas ang City Mayor ng Executive Order na nakasaad ang agarang pagsasara at mga paglabag na maaaring kaharapin ng pasilidad.
Mahaharap ang nasabing establisyimento sa mga paglabag sa PD 856 (Code of Sanitation of the Philippines), Chapter XIX, Sections 3.1.1 and 3.1.5: Creation of public nuisance through noxious odors and harmful effluent; RA 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004), Section 27 (a), 27 (b), 27 (d): Unauthorized discharge of pollutants, release of untreated effluents, and use of concealment methods; at RA 9483 (Oil Pollution Compensation Act of 2007).
Sa pag-uusap naman ni Mayor Wes at management team ng MAXIMA Steels, napagkasunduan na pansamantalang isara ang pasilidad hanggang sa makasunod sila sa mga kinakailangan ng pamahalaang lungsod at maresolba ang epekto sa kalusugan at tubig na dulot ng pagtagas ng langis.
Kaugnay nito, agad namahagi ang City Health Office sa mga residente ng dalawang barangay ng mga facemask, mga kinakailangang gamot, at nagbigay din ng edukasyon sa kalusugan. (Richard Mesa)
NAGBABALA ang Philippine Reclamation Authority (PRA) sa mga real estate entities laban sa paglulunsad ng black propaganda campaigns target ang mga government-approved reclamation projects.
Sa isang public warning, sinabi ng ahensiya na ang aksyon na magpaparupok sa lehitimong government programs, at masisigurong mapatutunayang responsable ay malalantad at uusigin.
“The PRA, under the current leadership and the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr., upholds its mandate to serve the national interest through lawful and strategic land development,” ayon sa PRA.
Samantala, sinabi ng PRA na ang lahat ng aprubadong reclamation projects ay sumailalim sa mahigpit na multi-agency evaluation at sinasabing ‘subject to a requirement’ na kahit papaano ay 51% ng halaga ng proyekto o land area ay ma-remit sa gobyerno, tiniyak ang mahalaga at malaking benepisyo para sa publiko.
(Daris Jose)