• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 26th, 2025

Ads July 26, 2025

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

26 – 4-merged

foo

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

bar

Here’s four fantastic reasons to see “Materialists,” and it might all include Pedro Pascal as rich bachelor Harry

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
OUT to find “The One”? Lucy’s here to help, but she’s got a dilemma of her own as she’s torn between a perfect match and her imperfect ex in the new Celine Song romance, Materialists. Playing the role of the perfect match is Pedro Pascal, who plays the handsome, charming, and extremely rich Harry.
Watch the clip: https://youtu.be/t7mM6K8Pmtk
Materialists is the story of Lucy (Dakota Johnson), a successful matchmaker responsible for multiple success stories ending in marriages. The tables turn when she meets Harry (Pedro Pascal), a man who ticks all her boxes in terms of a perfect catch. Things get even more complicated with an unexpected encounter with her ex, John (Chris Evans), who is broke, but shared a deep history with Lucy.
Director Celine Song was in an unrelated conversation with Pedro Pascal, when she realised she was standing in front of the perfect Harry. “Pedro I’ve known and loved for a while, but one day we were having a conversation that went very deep about the holiness of love — and the insane difficulty of love, love as a challenge — and I just realized then and there that I was talking to Harry.”
Pascal recalls his inspiration for playing the charming character, drawing from classic romcoms. “I thought a lot about Harrison Ford in Working Girl, the George Clooney of the last 30 years, even as far back as Carey Grant,” Pascall recalls.
For Song, it was vital that Harry is likeable, with the audience wanting to fall in love with him, too. “It was really important for Harry to not be a villain, or for him to not be a joke,” she says.
“So I needed somebody who is completely lovable. Because with somebody who is Mr. Perfect, the truth is that we’re going to hate that guy. But the fact that Pedro is playing this character so vulnerably, we can’t help but be charmed by and love. He’s like an open wound.”
Fall in love as Materialists opens in Philippine cinemas on August 6. (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)
(ROHN ROMULO)

Trabaho lang at kailangan na paghandaan: JC, sanay na sa matitinding bedscene at kissing scene

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI baguhan si JC Santos pagdating sa mga matinding bedscene at kissing scene sa pelikula.
In fact, nabinyagan siya sa ganitong love scene sa isang pelikula kung saan lalaking artista ang kaeksena niya; ito ay sa 2014 indie film na ‘Esprit de Corps’ sa CinemaOne Originals.
“Lalake ang ka-kissing scene ko, sila Lharby Policarpio and Sandino Martin.
“Torrid yun. If there’s anything na pinakamalala kong kissing scene, that would be it,” saad ni JC.
Para kay JC, trabaho lang, walang personalan ang mga delikadong eksenang ginagawa niya sa harap ng kamera.
“Siguro ako lang, ayokong mawawala ka na lang sa eksena.
“Ako naman, walang acting yun pag nadala ka na. Di na yun work. It should be choreographed para magmukhang totoo.
“Yun ang challenge dun kasi we want to sell it to the audience na mukha siyang totoo.
Bukod sa rehearsal, may permiso iyon ng bawat magkaeksena.
“Of course, pero, siyempre isa lang actually yung rehearsal, ‘di pa naman yun yung actual.
“Maybe even yung mga na-i-in love sa mga co-actors, it’s not my process kasi wala yung acting dun.
“Kasi nandun ako sa acting, ayoko nang nadadala.
At dapat raw na pinaghahandaan ang mga intimate scenes.
“Aside from hygiene, gusto ko sana maging presentable man lang ako sa co-actor ko.
“Mas technical ako, I need to know kung paano ko hahawakan or kung paano magiging comfortable sa akin yung co-actor ko. Is it okay if I have to kiss her here, okay lang ba?
“May consent muna, pinag-uusapan.
“Kasi gusto ko hanggang dun lang yung parameters din kung saan kumportable siya at may consent din. Ayoko nang mabibigla din siya.
Sa pelikulang ‘Meg & Ryan’ ay si Rhian Ramos ang kapareha ni JC, at happy ang misis niyang si Shyleena Herrera.
“Kay Rhian nung time na yun, alam niya na maganda yung kuwento, nagustuhan niya.”
Ipapalabas ito sa mga sinehan sa August 6, 2025 at sa mga bansang Australia at New Zealand sa August 14, 2025.
Mula sa direksyon ni Catherine O. Camarillo at panulat ni Gina Marissa Tagasa, nasa pelikula rin sina Cedrick Juan, Ces Quesada, Cris Villanueva, Jef Gaitan at introducing naman sina J-mee Katanyag, Steven Bansil, Poca Osinaga & Alison Black.
***
BILANG rock icon, naranasan na ni Mike Hanopol na mag-perform sa isang concert may tao man o wala.
Tulad sa isang concert noon sa Amerika kung saan kasama niya si Freddie Aguilar noong nabubuhay pa ito.
“Puno! Marami pang tao sa labas, punong-puno talaga. Sising-sisi kami, si Freddie nagsisi dahil 300 lang ang dala niyang CD, kulang na kulang.
“Ubos na, ang dami pang nakapila.
“Ang haba ng pila. 46,000. Ang laki ng venue, grabe!
“Pero ito ang maganda, sa akin naman, in my case, ako lang mag-isa, sa tanang buhay ko, tanang buhay ko, ewan ko kung sino na dito sa ating Pilipino artist or singer or whatever na nakatugtog na sa buong Pilipino, 1 million.
“Iyon ang puwede kong ipagmalaki sa inyo. Dahil ako lang yata ang nakatugtog dito ng 1 million katao, ako lang mag-isa.
“Pero tinanong ko… ano nun, Labor Day e, sa Luneta ginawa, Grandstand, ako lang, Mike Hanopol lang, sabi ko, ‘Sir ilan ang tao?’, ‘Sir 1 million na, e.’ ‘1 million? Wow! Ang tindi! Totoo yan?’
“Pag napuno yang Luneta 1 million yan, e. Labor Day, government ang nag-hire sa akin kaya napuno talaga, grabe!
“Pero maniwala kayo sa hindi, nakatugtog na rin ako na walang tao, walang tao! Tumutugtog ako sa Miami, Florida, ang may-ari ng club…ang pangalan ng club, Zanzibar, ang may-ari mga celebrity sa Amerika.
“You name it, Michael Jackson, Eric Clapton, Bee Gees, lahat ng celebrity, may-ari nung condo. “Madalas wala sila dahil may mga shooting, may mga tugtog, may concert, whatever, so madalas wala sila.
“So kami throughout the way na tumutugtog dun, walang tao. As in, walang tao, singer lang at saka may mga cook, pumupunta dun, nanonood, sila nagpapakain sa amin.
“Iyan ang experience ko sa tugtugan.  Walang tao, puwede akong tumugtog walang tao, oo, puwede akong tumugtog, isa lang.
“Puwede dalawa lang.”
Samantala ang ‘Jeproks: The Musical’ ay halaw sa mga kanta ni Mike.
Mula ito sa The Hammock Production, Inc. (ni Johnny Blue) at Tanghalang Una Obra ni Frannie Zamora na siya ring direktor ng musical na pagbibidahan ng theater actor na si David Ezra na anak ng music icon na si Dulce.
Mapapanood ang Jeproks The Musical ngayong  Nobyembre 21-23 at 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.
Sa panulat ito ni Nicolas Pichay at magtatampok ng labinlimang awitin ni Mike.
 
(ROMMEL GONZALES)

Dapat silang suportahan at ‘wag ng tawad-tawaran: POKWANG, awang-awa sa mga vendors na kumakayod kahit bumabagyo

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARAMING binaha sa buong Metro Manila dulot ng bagyong Emong.
Isa sa talagang apektado ay ang mga naghahanap buhay sa bangketa particularly ang mga vendors.
Kaya sa isang interbyu sa komedyanang si Pokwang ay awang-awa siya sa mga tindero’t tindera. Kahit binabagyo na ay patuloy ba kumakayod ang mga ito para sa kanilang pamilya.
Kaya sa naging pahayag ni Pokwang, “Namalengke si Manang Gina. Sabi ko ‘wag ka na tumawad, hayaan mo na kumita kahit papano mga binabahang nagtitinda sa palengke.”
Sobrang naawa si Ms. P sa mga nagtitinda sa talipapa na kahit nanlalamig ay tuloy pa rin ang paghahanap-buhay nila.
“Kawawa din naman sila ang hirap ng kalagayan din nila kahit baha naghahanap-buhay pa rin. Ingat po kayo,” mensahe pa ng premyadong aktres.
Samantala, may ilang lugar pa rin na lubog sa baha sa Metro Manila matapos ang ilang araw na walang tigil na buhos ng ulan dulot ng pinalakas na habagat ng dalawang bagyo.
***
SA probinsiya naman ng Batangas na talagang binayo rin ng malakas na hangin at ulan ay hindi naman inalintana ng 71 year-old Governor na si Vilma Santos-Recto ang pag-iikot sa buong nasasakupan niya.
Isa-isang inaalam ni Gov. Vi ang kalagayan ng mga constituents niya lalong-lalo na ang mga lugar na apektado ng pagsalanta ng sunod-sunod na bagyo.
Naghatid din ng tulong si Ate Vi kasama ang anak na si Luis Manzano sa mga higit na nangangailangan na taga-Batangas.
Tuwang-tuwa naman ang mga pinasyalang mga Batangueño sa sinserong pagdalaw ng kanilang gobernadora.
May mga yumakap at may mga nagpapirma pa rin ng autographs kina Ate Vi at Luis.
“Eto ang totoong gobyerno, may malasakit, may kalinga, may talino at puso para sa matatag na Batangas.”
Sa lahat ng pagkakataon, H.E.A.R.T.S program ang dala ng tunay na ina at tunay na nag-aalala, yan si Gob. Vilma.
***
GUSTO naming pasalamatan and in behalf sa pamilya ng aming co-PMPC member na si Ador Saluta ang lahat na nagpaabot ng tulong. Siya po ay patuloy na nakikipaglaban ng colon cancer stage 4.
Si Ador po ay naka-confine sa Region One Medical Center sa Dagupan, Pangasinan.
(JIMI ESCALA)

Cong. Arjo, may panawagan tungkol sa malawakang pagbaha: SYLVIA, sumakay sa bangka para mamigay ng tulong sa mga nasalanta

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALA ngang humpay ang pamilya Atayde sa pag-aabot ng tulong sa mga nasasakupan ni Quezon City 1st District Cong. Arjo Atayde sumugod sa kasagsagan ng matinding ulan at bahang dulot ng habagat noong Lunes na tumagal hanggang Huwebes ang masamang panahon.

Naglabas nga ng sariling pera ng mga Atayde para sa ginawang relief operation, kung saan namigay sila ng unan, kumot at banig.

Makikita rin ang pagmamasalakit ng premyadong aktres at ina ni Cong. Arjo na si Sylvia Sanchez na namigay ng mainit na lugaw, sopas, Milo, tinapay at biskwit sa mga residente ng Barangay Paraiso.

Maliban sa mga ipinamigay ng Atayde family, nakipag-ugnayan at nagpahatid din ng tulong ang DSWD na namigay ng relief packs na may laman ng bigas, de lata at kape sa iba’t-ibang lugar tulad ng Brgy. Del Monte, Brgy. Katipunan at iba pang nasasakupan.

Para kay Cong. Arjo, ang pagtugon sa pangangailangan ng distrito ay hindi natatapos sa iisang operasyon lamang.

Kaya nanawagan ang aktor-politiko para sa isang komprehensibo at NCR-wide flood management strategy.

“The flooding we’ve seen in recent days makes one thing very clear: This is not just a QC District 1 problem, this is not just a Quezon City problem — it’s a Metro Manila problem,” pahayag niya.

“We cannot solve this piecemeal. Kailangan talaga ng buong-lungsod na solusyon. Hindi puwedeng kanya-kanyang diskarte lang ang mga LGU, dahil konektado ang mga kalye, kanal, estero at ilog natin,” paliwanag pa ni Arjo.

Dagdag pa ng premyadong aktor, “My grandparents faced this problem. Now we’re facing this problem. I don’t want my grandchildren to live through this problem as well. That’s why we need to take bold, unified action now.

“Sa QC may plano na, but If we want to solve this once and for all, we need a master plan for the whole of Metro Manila. That means more investment in infrastructure, stricter enforcement of environmental laws, and a unified approach to land use and drainage systems.

Ayon pa two-term congressman, “People are tired of the same cycle — umuulan, bumabaha, tapos pag-naarawan na, nakakalimutan. We need to break that cycle. We need to start looking for a serious solution now.”

Samantala, puring-puri ng mga taga-District 1 si Sylvia dahil sa tagos sa pusong pagmamahal at pagmamalasakit sa kanila.  Sino ba raw ang mag-aakala na magbabangka at susugod sa ulan at baha para magdala ng pagkain at gamot sa mga hindi makaalis ng bahay.

Kaya napaka-swerte nila dahil buong pamilya Atayde ang handang tumulong at umaksyon agad, kasama nga rito ang pinsan ni Cong. Arjo na si Gab Atayde, na hindi man pinalad na maging konsehal ay ramdam din ang pagmamahal.

***

Achieve mo, TODO MAX: Globe AT HOME GFiber Prepaid para sa makabagong pamilya

SA makabagong panahon ngayon, bago na rin ang kayod at kilos ng pamilyang Pilipino.

Si tatay, nagsisipag bilang isang delivery rider sa umaga, pero naka UNLI FB sa gabi. Si nanay, may online raket naman habang inaalagaan ang buong pamilya. Ang magkakapatid ay sabay-sabay nagsusumikap, nag-aral online gamit ang modules. Sa kabila ng pagiging abala, may oras pa rin para mag-bonding sa gabi bilang reward. Kasama na rito ang family streaming, gaming, at video calls sa mga mahal sa buhay.

Sa lahat ng ito, kailangan ng maaasahang partner na kasing bilis at sipag tulad ng GFiber Prepaid.

TODO MAX ang pag-achieve ng makabagong pamilya dahil sa GFiber Prepaid. For only P599 galing sa P999 na install fee, ma-eenjoy nila ang bilis ng up to 100Mbps at free 7 Days UNLI, no lock-up at install agad in 24 hours.

Ayon kay Abby Cardino, Globe VP for Broadband Business: “Hindi lang koneksyon ang hatid ng GFiber Prepaid, kundi kumpiyansa para harapin ang bawat araw. Gusto naming bigyan ng pagkakataon ang bawat Makabagong Pamilya—para kahit sa trabaho, pag-aaral, negosyo, o simpleng bonding, may internet silang maaasahan.”

GFiber Prepaid Highlights:

  • Bilis na up to 100 Mbps at kabit agad in 24 hours
  • Install fee na P599 na dating P999 + FREE 7 Days UNLI
  • Walang lock-up, walang kontrata, walang docs

TODO MAX na! Magpa-install sa gfiberprepaid.globe.com.ph.

(ROHN ROMULO)

GAB, naglatag ng patakaran para sa safety at integrity ng Torre vs Duterte match

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN na ng Games and Amusements Board (GAB) ang Resolution No. 2025-08 upang tiyakin ang kaligtasan at integridad ng planong labanang boksing sa pagitan nina PNP Chief Nicolas Torre III at Acting Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Ang resolusyong ito ay ginawa bilang tugon sa kahilingan ng dalawang opisyal na magsagawa ng isang boxing match.

Nakalagda dito sina Atty. Francisco Rivera, bilang chairman at mga miyembro ng board.

Inirerekomenda ng GAB ang pagtalaga ng isang kwalipikado at accredited professional referee para mamuno sa naturang laban.

Inutusan din ng GAB ang kanilang medical team na magbantay sa laban para agad na makapagbigay ng tulong-medikal kung kinakailangan.

Layunin ng resolusyon na matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng laban alinsunod sa mga pamantayan ng propesyonal na isports.

Ipinapakita ng GAB ang kahalagahan ng regulasyon sa mga pampublikong kaganapang may kinalaman sa palakasan.

Hindi pa nagbibigay ng petsa ang GAB sa naturang laban, ngunit aktibo na ang paghahanda upang ito’y maging ligtas at makatarungan para sa lahat ng kalahok.

P5-K na dagdag allowance ng mga national athletes matatanggap na sa Agosto – PSC

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Philippine Sports Commission (PSC) na simula sa susunod na buwan ay matatanggap na ng lahat ng national athletes ang dagdag na P5,000 sa kanilang buwanang sahod.

Sinabi ni PSC chairman Patrick Gregorio, na ito ang naaprubahan ng PSC board na ipatupad na ang across-the-board na pagtaas sa sahod.

Dagdag pa nito na napapanahon na mabigyan ang mga atleta at coaches ng dagdag na allowances dahil ang P10,000 na allowance ay daig pa ang minimum wage na sahod sa bansa.

Naglabas na rin ng advisory si Atty. Guillermo Iroy , ang OIC executive director for government sports agency, na matatanggap na ang dagdag na allowance sa susunod na buwan.

Dahil sa oil spill… MAXIMA steel mills corp., ipinasara ng Valenzuela LGU

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng executive order, ipinag-utos ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang agarang pansamantalang pagpapasara sa MAXIMA Steel Mills Corp. dahil sa oil spill mula dito na nagdudulot ng dumi sa mga daluyan ng tubig at banta sa kalusugan ng publiko.

Nag-ugat ang insidente sa ulat na natanggap ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) hinggil sa mabahong amoy na nagmumula sa isang sapa na nag-uugnay sa Barangay Lingunan at Barangay Veinte Reales kaya nagpadala ng conglomerate inspection team ang CENRO, kasama ang City Sanitation Office, mga kawani mula sa barangay, at Bureau of Fire Protection (BFP) upang i-verify ang natrurang ulat.

Sa kanilang pagsusuri, natunton nila ang mabahong amoy mula sa sapa hanggang sa pagtagas ng langis na nagmula sa MAXIMA Steel Mills Corp. na nagdudulot ng panganib sa mga daluyan ng tubig at kalusugan ng publiko.

Dahil sa posibilidad ng mas matinding epekto ng oil spill sa komunidad, inirekomenda ng CENRO sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) na isara ang nasabing establisyimento, kaya agad naglabas ang City Mayor ng Executive Order na nakasaad ang agarang pagsasara at mga paglabag na maaaring kaharapin ng pasilidad.

Mahaharap ang nasabing establisyimento sa mga paglabag sa PD 856 (Code of Sanitation of the Philippines), Chapter XIX, Sections 3.1.1 and 3.1.5: Creation of public nuisance through noxious odors and harmful effluent; RA 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004), Section 27 (a), 27 (b), 27 (d): Unauthorized discharge of pollutants, release of untreated effluents, and use of concealment methods; at RA 9483 (Oil Pollution Compensation Act of 2007).

Sa pag-uusap naman ni Mayor Wes at management team ng MAXIMA Steels, napagkasunduan na pansamantalang isara ang pasilidad hanggang sa makasunod sila sa mga kinakailangan ng pamahalaang lungsod at maresolba ang epekto sa kalusugan at tubig na dulot ng pagtagas ng langis.

Kaugnay nito, agad namahagi ang City Health Office sa mga residente ng dalawang barangay ng mga facemask, mga kinakailangang gamot, at nagbigay din ng edukasyon sa kalusugan. (Richard Mesa)

PRA nagbabala laban sa mga kompanya kontra smear campaign sa reclamation projects

Posted on: July 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Philippine Reclamation Authority (PRA) sa mga real estate entities laban sa paglulunsad ng black propaganda campaigns target ang mga government-approved reclamation projects.

Sa isang public warning, sinabi ng ahensiya na ang aksyon na magpaparupok sa lehitimong government programs, at masisigurong mapatutunayang responsable ay malalantad at uusigin.

“The PRA, under the current leadership and the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr., upholds its mandate to serve the national interest through lawful and strategic land development,” ayon sa PRA.

Samantala, sinabi ng PRA na ang lahat ng aprubadong reclamation projects ay sumailalim sa mahigpit na multi-agency evaluation at sinasabing ‘subject to a requirement’ na kahit papaano ay 51% ng halaga ng proyekto o land area ay ma-remit sa gobyerno, tiniyak ang mahalaga at malaking benepisyo para sa publiko.

(Daris Jose)