Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NATAGPUAN na ang dalawang iniulat na nawawalang mangingisda sa karagatan ng Sibunag sa Iloilo City matapos ang dalawang araw na search and retrieval operations.
Unang narekober ng search and rescue team ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Guimaras ang katawan ni Vincent Paul Valles, 30, sa pagitan ng Inampulungan at Natunga Islands pasado alas -7:00 ng umaga at sumunod namang narekober ang katawan ni Ryan Galfo, 32 ,malapit sa parehong lugar dakong alas -11:00 ng umaga, ayon sa ulat ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon sa ulat, umalis ang dalawa kasama ang dalawa pang mangingisda sakay ng fishing boat “Jen-Jen and Rowen” noong Lunes.
Dahil maalon at sa sama ng panahon, natangay ng malakas na agos ang dalawa habang sinusubukang kunin ang fishing boat.
Inilunsad ang rescue operation gabi ng nasabing araw sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) sub-station Sibunag at Sibunag Municipal Police Station. (Gene Adsuara )
KASUNOD na rin ng malawakang pagbaha at pagkasira sa ari-arian dala ng bagyong Crising at malakas na pagbuhos ng ulan dala na rin ng habagat, nanawagan ang Akbayan Partylist sa dalawang kapulungan ng kongreso at kay Presidente Bongbong Marcos na huwag gawing magarbo o ‘magtipid’ sa pagsagawa ng State of the Nation Address (SONA).
Iginiit ng grupo na dapat isaalang-alang sa gagawing SONA ngayon taon ang dinaras ng libong komunidad na naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot na rin ng bagyo at habagat.
Para kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, ang magarbo o marangyang preparasyon sa taunang sona ng pangulo ay maihahambing sa paghindi pagdinig sa problema ng mga naapektuhang pamilya.
“This is not the time for pomp. This is the time for empathy, humility, and decisive action. Ang panawagan ko sa mga kapwa ko mambabatas na kusa na nating gawing payak ang pagdaos ng SONA. It is the height of insensitivity if we will roll out the red carpet for SONA when our constituents and their families don’t even have roofs over their heads,” ani Cendaña.
Aniya, trabaho ng Kamara na makinig at himayin ang report ng pangulo at hindi fashion gala.
“Malaki ang inaasahan ng mamamayan sa SONA ng Pangulo. Marami silang tanong na nangangailangan ng agarang sagot sa Pangulo. Isa na riyan kung nasaan ang agarang tulong sa mga nasalanta at kung bakit tila lumalala ang problema ng pagbaha sa kabila ng bilyun-bilyong piso na ginugugol natin taon-taon sa mga flood control projects,” pagtatapos ni Cendaña.
(Vina de Guzman)
NANAWAGAN ang Department of Transportation sa kontraktor ng ginagawang Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) dahil sa alegasyon na ito ang naging sanhi ng mga baha sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Tinawag din ng DOTr ang pamunuan ng Skyway dahil sa umanoy isa rin ito sa
naging sanhi ng mga pagbaha sa kalakhang Maynila.
“I spoke to all the MRT 7 contractors and told them that they need to clear
everything that blocks the drainage along Commonwealth Avenue. The San Miguel Corporation has committed to addressing the concerns in the MRT 7 project,” wika ni DOTr Secretary Vince Dizon.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang ginagawang MRT 7 Commonwealth na estasyon ay partially nakakaharang sa daloy ng ulan na siyang
dahilan kung bakit nagkakaroon ng malalang pagbaha sa lugar. Sinabi rin ng MMDA na ang kontraktor ay naglagay ng isang manholde na derecho sa ibabaw ng dating drainage pipe culverts.
“A constructed footing wall of the ongoing MRT 7 construction was also observed, which may have partially obstructed the flow of water,” sabi naman ng MMDA.
Sa Skyway naman ay inutusan din ni Dizon ang San Miguel Corp. na ayusin ang Skyway’s downspouts na hindi derechong konektado sa drainage na ayon naman sa SMC ay kanila ng nabigay ang trabaho sa Department of Public Ways and Highways
(DPWH).
Dahil dito ay sinabihan din ni Dizon ang SMC na makipagusap sa DPWH-NCR at
huwag ng magturuan at ayusin na lamang ang problema tungkol sa pagbagsak ng tubig mula sa itaas ng Skyway.
“I told the NCR regional director of the DPWH and San Miguel to talk and stop
pointing fingers at each other and to fix the water falling from above,” saad ni Dizon.
Samantala, tinanggi at kinalro naman ng pamunuan ng SMC at sinabi ng MRT 7
Project Management Office na ang mga pasilidad na malapit sa istasyon ng Batasan sa Commonwealth ay hindi siya ang sanhi ng pagbabaha sa nasabing lugar.
“All MRT 7 structures in the area, including columns and footings, were built outside existing drainage lines and do not obstruct the natural flow of water. Those were constructed with full consideration of the drainage layout and in compliance with approved
engineering plans,” dagdag ng SMC.
Tungkol naman sa manhole na nilagay sa kahabaan ng drainage line, ito ay
nirepaso rin at tiningnan ng SMC at based sa design, simulation at on-site inspection, ang nasabing manhole ay hindi naman nakakasagabal sa daloy ng tubig sa loob ng pipe culverts.
At kahit naapektuhan ng konstruksyon ang drainage sa unang bahagi, ito naman
ay fully coordinated sa DPWH.
“The affected segment was restored upon completion, and on March 3, 2025, the DPWH Quezon City 1st District Engineering Office certified that the drainage was 100 percent completely restored in accordance with standard plans and specifications,” saad
ng SMC.
Dagdag ng SMC na ang pagbabaha sa kalakhang Maynila ay matagal ng
problema at isang mabigat na issue na ang sanhi talaga ay poor waste disposal at inadequate maintenance ng mga drainage systems.
Kamakailan lamang ay nagkaron ng inspeksyon ang mga MRT 7 engineers sa
nasabing lugar at kanilang nakita matapos ang nakalipas na mga pagbaha ay may madaming plastic waste at basura sa mga drainage.
“This significantly reduced the system’s capacity to carry rainwater, which likely
contributed to surface flooding,” ayon sa SMC. LASACMAR
TIMBOG ang isang lalaki na tumangay sa motorsiklo ng 47-anyos na security guard nang masabat ng mga pulis sa Oplan Sita dahil sa pagpasok sa one-way road at hindi pagsuot ng helmet sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas, mahaharap ang suspek na si alyas “Ariel”, 42, residente ng Zaragoza, Nueva Ecija sa kasong paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.
Ayon kay Col. Bisayas, dakong alas-11:30 ng gabi nang iparada ng security guard na alyas “Romeo”, 47, ang kanyang sa motorsiklo sa kanyang binabantayang lugar sa Ever Memorial Garden sa East Service Road, Barangay Lawang Bato.
Pagbalik ng sekyu mula sa kanyang pagpapatrulya, nadiskubre niya na wala na ang kanyang motorsiklo at sa tulong ng mga bystander na nakasaksi sa insidente, nasundan ng biktima ang lugar na tinahak ng suspek hanggang makahingi ng tulong sa pulisya na agad inalarma sa mga kasama ang pangyayari.
Nagkataon naman na nagsasagawa ng “Oplan Sita” malapit sa naturang lugar ang mga tauhan ng Valenzuela Police Patrol Base 1, nang maispatan nila ang pagpasok ng isang rider sa one-way road at walang suot na helmet kaya sinita nila ito.
Nang hanapan ng ownership documents ay wala siyang naipakita hanggang sa dumating ang biktima sa lugar at positibong kinilala kanyang motorsiklo na tinangay ng suspek dahilan upang arestuhin siya nina PMSg Ivan James Gillegao at PMSg Rodel Villar.
Pinuri naman ni NPD District Director P/BGen. Jerry Protacio ang arresting team sa kanilang pagbabantay at koordinasyon.
“This arrest demonstrates our unrelenting commitment to justice and public safety. Our operatives, together with our partner agencies, continue to work tirelessly to locate and apprehend individuals who attempt to evade the law,” pahayag niya. (Richard Mesa)