• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 17th, 2025

Bebot na high value drug suspect, tiklo sa Malabon buy bust

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TIMBOG ang isang babeng tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, OIC chief ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang naarestong suspek na si alyas “Reign”, 25, ng Caloocan City na mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Jerry Protacio, sinabi ni Capt. Pobadora na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng DDEU, agad nilang ikinasa ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.
Matapos matanggap ang signal mula sa kanilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na positibo na ang kanilang transaksyon, agad lumapit ang mga tauhan ni Capt. Pobadora at dinakip ang suspek dakong alas-6:33 ng umaga sa Brgy. Tugatog, ng lungsod.
Nasamsam sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may estimated standard drug price value na P340,000.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni Gen. Protacio ang mga operatiba ng DDEU sa kanilang mabilis at  decisive action na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa umanong pinaka-most notoryus drug personality.
“This arrest sends a clear message that there is no safe haven for those involved in illegal drug activities. The Northern Police District remains relentless in its campaign against illegal drugs and in ensuring the safety of our communities,” aniya. (Richard Mesa)

Patuloy na harassment sa mga progresibong lider kinondena ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARIING kinondena ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang patuloy na harassment sa mga progresibong lider sa pamamagitan nang paghahain ng walang basehan umanong legal cases, tulad halimbawa ng motion for reconsideration sa acquittal case ni dating Senator Leila de Lima at sa wrongful conviction nina dating ACT Teachers Rep. France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa Talaingod 13 case.
“These cases expose the systematic weaponization of our justice system against those who dare to challenge the status quo. Senator De Lima, Congresswoman France Castro, and Ka Satur Ocampo are being persecuted not for any crime, but for their unwavering commitment to human rights and social justice,” ani Tinio.
Kinondena rin nina Castro at Ocampo ang mosyon ng Department of Justice laban kay de Lima na isa umanong halimbawa ng systematic weaponization ng justice system laban sa mga progresibong lider.
“Ang ginagawa nila kay Congresswoman De Lima ay eksaktong katulad ng ginawa nila sa amin sa Talaingod 13 case. Gawa-gawang kaso, trial by publicity, at walang katapusang pag-uusig—lahat ito ay bahagi ng isang malaking kampanya para patahimikin ang mga tumutuligsa sa kanilang mga maling patakaran,” anang mambabatas.
(Vina de Guzman)

Sofronio Velasquez, aawit ng National Anthem sa SONA

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KULANG sa dalawang linggo bago ang State of the Nations Address (SONA) ni Pangulong Marcos, nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyal ng Office of the President, House of Representatives at Senate of the Philippines.
Sa pagpupulong ng tatlo na ginanap sa Palasyo, tinalakay nila ang mga usapin sa seguridad, traffic rerouting, contingency measures at iba pang paghahanda tulad ng kung sino ang kakanta ng national anthem. Ngayon taon, ang kakanta nito ay ang The Voice Season 26 winner na si Mr. Sofronio Velasquez.
Tulad ng mga nakalipas na paghahanda, magkakaroon ng zipper lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, mula Quezon Memorial Circle hanggang HRep Complex sa Hulyo 28, simula alas-9 ng umaga.
Nakatakda namang magsagawa ng ocular inspection sa Kamara sa Hulyo 21. (Vina de Guzman)

TAUHAN NG MMDA, PATAY SA SAKSAK

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASAWI ang isang  55- anyos na tauhan ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang pagsasaksakin habang bumibili ng siomai sa Tondo, Maynila .
Kinilala ang biktima na si Rosauro Suba, miyembro ng MMDA demolition team na bumibili lamang ng siomai nang makipagtalo sa suspek na nakilala sa alyas na  Levi.
Sa impormasyon mula sa Barangay 48, nakulitan umano ang suspek sa biktima matapos pagsabihan ng siomai vendor na hilaw pa ang kinukuhang siomai.
Doon na nagkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawa hnggang sa bumunot ng balisong ang suspek.
Napag-alaman na ang dalawa ay matagal nang magkaaway.
Umabot sa 19 saksak ang tinamo ng biktima at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Naaresto naman ang suspek at isinuko sa mga awtoridad.
Ayon sa Barangay, ang suspek ay dati nang naaresto sa illegal drugs at kalalabas lamang sa kulungan may ilang buwan na ang nakalilipas.(Gene Adsuara)

Wanted sa frustrated murder, nakorner sa Caloocan City Jail

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA loob na ng kulungan nakorner ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa kasong frustrated murder matapos makulong sa hindi nabanggit na kaso sa Caloocan City.
          Sa ulat, nakanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Northern Police District (NPD) na kasalukuyang nakakulong sa loob ng Caloocan City Jail (CCJ) sa Talimusak Street, Kaunlaran Village ang akusado na si alyas “Harold”, 36, residente ng Tala, ng lungsod at kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person sa Caloocan police.
Hindi nabanggit kung anung kaso ang kinasangkutan ni ‘Harold’ na dahilan ng kanyang pagkakulong.
          Kaagad nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng DACU sa BJMP CCJ bago isinilbi kay ‘Harold’ ang dala nilang arrest warrant na inilabas ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 123, noong June 26, 2018 para sa kasong Frustrated Murder dakong alas-3:50 ng hapon sa loob ng naturang kulungan.
Ang operasyon ay naidokumento gamit ang Alternative Recording Device (ARD) habang may inirekomenda namang piyansa ang hukuman na P200K halaga para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Pinapurihan naman ng bagong NPD Acting District Director na si P/BGen. Jerry Protacio ang mga operating team sa kanilang mabilis at mapagpasyang aksyon, na naresulta sa pagkakaaresto sa isa sa mga most wanted indibidwal sa lugar. (Richard Mesa)

Tsina, pinakakasuhan sa ICJ

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINIKAYAT ng isang dating mambabatas ang kaukulang opisyal ng Pilipinas na kasuhan ang Tsina sa International Court of Justice (ICJ) dahil sa pagkasira ng 464 sqm coral reefs sa Pag-Asa Island.
Tinataya na aabot sa P11.1 milyong halaga ng ecosystem ang nasira dahil sa sasakyang pandagat na ipinadala sa naturang lugar. Nakayod umano ng mabigat na nylon anchor ang nasa 464 square meters na coral reefs sa may Pag-Asa Island noong nakalipas na buwan.
Ipinanukala rin ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa posibilidad na makakuha ng monetary claims sa paghahain ng kaso laban sa Tsina na ipapamahagi sa mangingisdang Pinoy na naapektuhan ang pangkabuhayan matapos ma-bully, i-water cannon at tabuyin sa sariling territorial fishing grounds sa West Philippine Sea.
“I think we should not let other countries responsible for the destruction of our ecosystems get away from their misdeeds, deliberately or accidentally. Sa aking palagay, hindi tama na palalagpasin na lang o magkikibit balikat na lang tayo sa bagay na ito,” ani Barbers, dating chairman ng House Committee on Dangerous Drugs at Quad Committee.
“At kung sakali man na manalo ang ating bansa sa demanda at makakuha ng compensation mula sa China dahil sa paninira ng ating karagatan, dapat lang na lahat ng biyayang ito ay ipamigay sa ating mga inapi at nawalan ng kita o hanapbuhay na mga mangingisdang Pinoy,” dagdag nito.
Ang Chinese militia vessel na may hull number 16838, na na-stuck ng halos tatlong oras noong June 7 sa panubigan na may tatlong kilometro mula sa Pag-Asa Island, ang gumamit ng mabigat na nylon parachute anchor na nakasira sa 30 percent ng palibot na lugar. (Vina de Guzman)

Lalaki na ilang beses nahuli sa droga, balik-selda

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BALIK-SELDA ang 37-anyos na lalaki na ilang beses nang nahuli dahil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga makaraang muli siyang matiklo ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.
          Mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na si alyas “Onin”, 37, ng Brgy. Veinte Reales.
          Sa ulat ni P/Capt. Joan Dorado, OIC chief ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Gerson Bisayas, positibo aniya ang nakatanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Onin”.
          Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga tauhan ni Capt. Dorado, agad ikinasa ng SDEU ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil, sa koordinasyon sa PDEA.
          Matapos umanong tanggapin ng suspek ang markadong pera mula sa pulis na nagpanggap na buyer, ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong ala-1 ng madaling araw sa harap ng Veruz Plastic Scrap Trading, sa T. Santiago St., Raminel Subd. Brgy. Veinte Reales.
          Nakumpiska sa suspek ang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at pitong P1,000 boodle money at P200 recovered money.
          Sa record ng pulisya, dalawang beses nang nahuli ang suspek dahil rin umano sa pagbebenta ng ilegal na droga. (Richard Mesa)

Kudeta, droga, money laundering sasakupin ng Anti-Wiretapping Act

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISINULONG ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Anti-Wiretapping Act upang magkaroon ng dagdag na ngipin ang mga awtoridad laban sa mga krimen tulad ng coup d’etat, robbery in band, highway robbery, droga at money laundering.
Ani Lacson, bagama’t epektibo ang wiretapping laban sa mga pambihirang krimen na may banta sa pambansang seguridad, hindi ito sakop ng kasalukuyang batas.
Kung magiging batas, isasama rito ang coup d’etat; conspiracy and proposal to commit coup d’etat; robbery in band; brigandage or highway robbery; paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 9160 (Anti-Money Laundering Act of 2001).
Lilimitahan sa limited source bidding o direct contracting ang pagkuha ng gamit para sa wiretapping ng PNP, PDEA, NBI at AFP.
Ang lalabag dito ay makukulong ng anim hanggang 12 taon, at haharap sa multang P1-5 milyon.
Samantala, ang mga gagawa, mag-assemble, bebenta, o mag-import ng wiretapping equipment na labag sa batas ay makukulong ng tatlo hanggang anim na taon, at multang P500,000-P2 milyon. Kung ang lalabag ay taga-gobyerno, habang buhay din siyang hindi na makakabalik sa pamahalaan.

The gang is ready for another adventure! Check out the character posters of the good guys, well for the most part, of “The Bad Guys 2.”

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
THE now-reformed team of misfits is back for another misadventure as stakes are higher than ever in The Bad Guys 2.
Based on the New York Times bestselling book series by Aaron Blabey, the former outlaw gang try to get back on the right side of the law, but find themselves tricked into a high-stakes, globe-trotting heist. A new team of villains emerge from the shadows as they race against time to save the world.
Watch the trailer: https://youtu.be/bqmUdzSIHFg
Check out the character posters:
Academy Award® winner Sam Rockwell is Mr. Wolf,  the smooth-talking ringleader of The Bad Guys, whose cool exterior hides a deeper moral struggle. The biggest challenge of his career is proving to the world that The Bad Guys are now truly good.
SAG award nominee Marc Maron is safecracker Mr. Snake, a pessimistic skeptic with a knack for sabotage. In The Bad Guys 2, audiences will see him shedding some of his prickly exterior, finding happiness in love.
SAG award nominee Craig Robinson is master-of disguise Mr. Shark. He’s always ready to steal the show, and in The Bad Guys 2, he’ll give his most dramatic performance yet.
Grammy winner Anthony Ramos is Mr. Piranha, the loudest and most impulsive of the gang. His temper make every adventure as unpredictable as he is, and his tendency to leap without looking makes for hilarious and dangerous situations.
Emmy winner Awkwafina is hacker Ms. Tarantula, a.k.a. “Webs.” Her razor-sharp skills and calm demeanor is often the tipping point between disaster and success. Her web-sleuthing talents are tested to its limits in The Bad Guys 2.
Emmy nominee Zazie Beetz is Governor Diane Foxington, the trusted public official with a secret past.  Formerly the elusive master thief known as The Crimson Paw, Diane has spent years building a new life. Will she be able to keep appearances us as her worlds collide in The Bad Guys 2?
Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates. The Bad Guys 2 arrives in Philippine cinemas on July 30.

(ROHN ROMULO)

Webs_BadGuys2.jpegSnake_BadGuys2.jpegDiane_BadGuys2.jpegPiranha_BadGuys2.jpegShark_BadGuys2.jpegWolf_BadGuys2.jpegTBG2_grouppic.jpeg

Ads July 17, 2025

Posted on: July 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

17 – page 4-merged