
PINANOOD namin ang interview kay Megastar Sharon Cuneta ng “Beyond The Exchange” hosted by Rico Hizon na ipinapalabas sa ANC.
Inamin ni Sharon sa naturang interbyu na sa ngayon daw ay maayos ang relasyon nila ng panganay niyang si KC Concepcion.
Banggit pa ni Ate Shawie ay bising-bisi raw ang anak niya sa itinayong jewelry business.
“KC’s okay. She’s now quietly focusing on her jewelry business. She studied at the Gemological Institute of America to really learn the craft—on top of her business degree.
“She still wants to do projects in entertainment, but it’s not her top priority anymore,” banggit pa ng megastar.
Aminado pa rin naman si Sharon na hindi pa raw ganun ka-solido ang relasyon nila ng anak niyang si KC.
May mga misunderstanding pa rin naman daw sila.
“I don’t think it’s ever been less than solid. There have just been misunderstandings and disagreements along the way. You’re raising a human being, not a carbon copy of yourself. You can’t expect her to have your exact thoughts or choices.
“But she’s a good kid. We’ve had clashes, yes, but KC always tells me, ‘Mom, just trust in the way you raised me.’ And that always gives me peace,” pag-amin pa ng premyadong aktres.
***
ISA sa mga artistang hindi pinalad na manalo nung katatapos na eleksiyon ay ang sexy star na si Mocha Uson.
Tumakbong kunsehal sa ikatlong distrito ng Maynila si Mocha under sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno.
Pero nabigo mang maging kunsehala ay magsisilbi pa rin sa Maynjla si Mocha. Ibinalita mismo ni Mayor Isko ang pagtatalaga niya sa TV at social media personality na bilang tagapaghatid ng balita sa pinamumunuan niyang lungsod.
Pormal na itong inaanunsyo ni Yorme sa Facebook post niya last Friday, July 11.
“Makakasama na natin si Mocha Uson sa ‘Yorme’s Hour’ tuwing Biyernes upang maghatid ng mga kaganapan at balita tungkol sa minamahal nating Lungsod ng Maynila,” sey pa ng nagbabalik na mayor sa Maynila.
Banggit pa ni Yorme na ang programa niyang ito ay ang magsisilbing tulay para maihatid nang maayos sa lahat ng taga-Maynila ang mga programang gusto niyang ma-implement.
“Ito ay isang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Manila Public Information Office (MPIO), alinsunod sa pinirmahan nating Executive Order No. 7: ‘An Order Mandating the Adoption of an Open Governance Policy.’ ” lahad pa ng Mayor Isko.
Samantala, hindi umubra ang sipag ng panganganpanya ni Mocha sa mga taga-District 3 at kahit kabilang siya sa Yormes Choice ay kinulang ang boto niya para mapabilang sa anim na nanalong kunsehal.
Hindi rin naman matatawag na baguhan sa pulitika, dati nang nagsilbi bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha, huh!
***
SPEAKING of politics, ito ang tema ngayon kubg kaya lalon tinutukan at gumaganda ang “Batang Quiapo” ni Coco Martin.
Kung kaya walang dudang ang serye pa ring ito ang most watched among the primetime shows sa Pilipinas.
Dito lang sa amin sa Tondo, lahat halos ng mga kapitbahay namin ay tutok na tutok sa mga kaganapan sa buhay ni Tanggol, huh!
Sa totoo lang din naman kahit anong programa ang itatapat mo sa BQ ay tiklop.
Ang latest ay itong ” Sang’re” ay balitang nag-last taping na raw at hindi pa alam kung mag-resume pa ito.
Balita pa sa amin ng isang kaibigang GMA insider na ang pinaplanong programa na “Hari ng Tondo” ang itatapat daw sa “Batang Quiapo”.
So, Quiapo vs. Tondo na parehong nasa Maynila na pinamunuan ni Yorme Isko.
Balitang si Ruru Madrid daw ang magiging bida ng “Hari ng Tondo.”
Minsan na ring tinalo ni Coco ang “Lolong” noon ni Ruru, huh!
Pero ngayon daw ay paghahandaan at mas pagagandahin nang husto ang itatapat nila sa BQ.
Ayon pa sa source namin ay isa si Dingdong Dantes sa makakasama ni Ruru.
Sa totoo lang mas bagay talaga kay Ruru na gamay na gamay na ang aksyon maging Tondo Boy.
Fina-finalize na raw ngayon ang casting na makakasama pa rin daw ang isang sikat na senior star.
(JIMI C. ESCALA)