Mula sa pinaka-personal na album na ‘Being Ice’: ICE, may pa-back-to-back hugot sa dalawang bagong kanta
- Published on July 17, 2025
- by @peoplesbalita
Ilalabas na ang dalawa niyang bagong kanta: “Wag Na Lang Pala” at “Nandiyan Ka”, na mula sa all-original album na Being Ice.
For the first time in his career, Ice is releasing a full-length album composed of songs na galing talaga sa puso niya—no covers, no remake, just his own truth.
“I was so afraid to release new songs—lalo na ‘yung ako mismo ang nagsulat,” Ice shares.
“What if people didn’t like it? I am a breadwinner, so parang kailangan yung ginagawa ko, siguradong hit. But now, it feels freeing. I love doing acoustic songs pero sa Being Ice, mas nagkafreedom ako to try bew genre. Finally, kaya ko nang gawin ‘to. And for the first time, maririnig ng tao kung ano talaga ‘yung kwento ko.”
Ang “Wag Na Lang Pala” ay co-written with his wife, Liza Diño-Seguerra, and was born from a personal poem.
Para ito sa mga taong hindi kayang ilabas ang feelings nila dahil natatakot silang masira ang pagkakaibigan. (Friendship over feelings? Oof.)
“Para to sa mga Friendzoned. Hehe!” Pahayag ni Ice.
Samantala, ang “Nandiyan Ka” ay collab nila ni Jonathan Manalo, ang most-streamed Filipino songwriter and producer na may higit 7.9 billion streams at ranked as the 141st top global music producer.
Sabi ng listeners, para raw itong modern version ng “Pagdating ng Panahon.” Pero this time, tungkol sa pag-ibig na andiyan lang pala… ‘di lang natin nakita.
Isang pag-ibig na di masabi. Isang hindi napansin.
Ang ‘Being Ice’ ay produced ng Fire and Ice Music, at distributed ng ABS-CBN Star Music. Ang full album release ay lalabas sa August 8, 2025.
(ROHN ROMULO)
