TINATAYANG mahigit sa P200K halaga ng marijuana ang nasamsam at pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Sta. Ana Manila Martes ng madaling araw.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
TINATAYANG mahigit sa P200K halaga ng marijuana ang nasamsam at pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Sta. Ana Manila Martes ng madaling araw.
INANUNSIYO ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na mayroong pabuyang P10 milyon sa sinumang makakapagturo para tuluyang maaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.
Dagdag pa ng kalihim na mayroon ding tig P1-milyon na pabuya sa tatlong kasamahan ni Quiboloy sa kaso na sina Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, Jackielyn Roy at Sylvia Cemañes.
Ang nasabing mga indibidwal ay nahaharap sa kasong child abuse, exploitation at qualified trafficking without bail.
Giit ni Abalos na dapat harapin na lamang ni Quiboloy ang kaniyang kaso at huwag na itong magtago sa kamay ng batas. (Daris Jose)
SUMIPA sa 2.11 milyong Pinoy ang walang trabaho noong buwan ng Mayo.
SA layuning makapagbigay ng accessible at abot-kayang mga event space para sa Pamilyang Valenzuelano, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang isa pang WES Events Space sa Brgy., Canumay West.
Ang pasilidad ay nagsisilbing ikatlong WES Events Space sa lungsod, kasunod ng matagumpay na pagbubukas sa Barangay Dalandanan at Lawang Bato.
Ang makabagong pasilidad, na nagkakahalaga ng PhP 68,509,504.80, ay isang tatlong palapag na gusali. Kabilang sa mga pangunahing tampok nito ang isang Events Hall na may Bridal Room at Kusina, isang Basketball Court na may mga Shower Room at Toilet, isang Administrative Office, at maluwag na Parking Area.
Layunin ng WES Events Space na magbigay ng karagdagang venue para sa iba’t ibang okasyon para sa Pamilyang Valenzuelano. Dinisenyo ito upang matugunan ang malawak na hanay ng mga aktibidad sa komunidad at inaasahang magiging sentrong hub para sa mga pagtitipon, mga kaganapang pampalakasan, at mga espesyal na pagdiriwang sa Barangay Canumay West.
Ang rates para sa pag-upa ng event space ay nakaayos upang ma-access para sa komunidad. May reservation fee na PhP 1,000, na mababawas sa kabuuang bayad. Ang gastos sa unang tatlong oras, kabilang ang pagpasok at paglabas, ay PhP 6,000, na may karagdagang singil na PhP 1,500 para sa bawat susunod na oras.
Binigyang-diin ni Mayor WES Gatchalian, sa kanyang mensahe sa inagurasyon, ang kahalagahan ng bagong pasilidad.
“Gusto po nating gawing mas maayos na lugar ang Valenzuela para sa lahat, isang lugar na may ospital, isang lugar na may unibersidad, lugar na hindi tayo takot na umuwi nang gabi dahil ligtas na at marami pang iba, kaya sana ay tulungan ninyo ako gawing mas liveable city ang ating lungsod.” aniya. (Richard Mesa)
NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) ng Memorandum Circular No. VDM-2024-2721 para sa guidelines ng paggamit ng improvised at temporary plates.
Tinataya ni House Secretary General Reginald Velasco, sa isinagawang press briefing nitong Martes, na ang attendance sa State of the Nation Address (SONA) ngayon taon ay pinakamalaki base sa ginawang kumpirmasyon na natanggap ng kanyang tanggapan mula sa ma imbitadong bisita.
IGINIIT ni Finance Secretary Ralph Recto na ang bagong polisiya ng gobyerno sa pagbabawas sa taripa sa imported rice ay maaaring makapagpababa sa retail price ng bigas ng P5 kada kilo.
“This, in turn, could ease inflation further,” ayon kay Recto.
Sa pagsasalita sa Economic Forum na inorganisa ng Economic Journalists Association of the Philippines at San Miguel Corp, sinabi ni Recto na layon ng Executive Order sa pagbabawas sa taripa imported rice ay tugunan ang kasalukuyang rice-driven inflation dahil sa tumataas na presyo sa global market.
“By slashing the tariff on imported rice from 35 percent to 15 percent, we anticipate an average of 10 percent reduction in retail prices for the rest of the year. This could lower the price of rice by at least P5 per kilo from an average of P54.40 per kilo last June, prices could go down to below P50 as early as August,” ang sinabi ni Recto.
Iniulat din nito na nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo, “the rice accounted for 53.5 percent of the overall inflation for average consumers, while it is 79.6 percent for those in the bottom 30 percent of households.”
Gumaan naman ang Inflation noong Hunyo sa 3.7% sa loob ng 2 hanggang 4 na porsyentong target ng gobyerno.
Samantala, sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona na ang presyo ng bigas ang dahilan ng inflation simula pa noong Agosto 2023.
Sinabi ni Remolona na noong 2022, ang pinakamalaking dahilan ng inflation ay enerhiya kabilang na ang ‘utilities and transport’ at matapos ang ilang buwan, ito naman ay dahil sa ‘food and non-alcoholic beverages hindi pa kasama ang bigas. Nang tumuntong na aniya ang buwan ng Agosto ng nakaraang taon, ang bigas na ang nag-take over’ sa dahilan ng inflation at sa kasalukuyan ay nananatiling nangunguna na dahilan ng inflation.
“The roles of the different components changed over time. That’s the nature of supply-driven inflation. This is why we think the non-monetary measures that the government has put in place are so helpful,” ayon kay Remolona.
Sa kabilang dako, Idinagdag naman ni Recto na ang bagong polisiya ay tugon ng pamahalaan sa tumataas na presyo ng bigas, naniniwala siya na walang TRO o temporary restraining order laban sa EO gaya ng nais ng ilang grupo.
“The EO will lead to revenue losses for the government amounting to P9.2 billion pesos for the rest of the year, but that the welfare of households is important,” ayon kay Recto.
“They have more to spend on other things. It’s like a wage increase, but not inflationary,” dagdag na wika ang Kalihim sa posibleng pagbabawas sa presyo ng bigas. (Daris Jose)
PORMAL nang naghain ng reklamo si Sen. Nancy Binay laban kay Sen. Alan Peter Cayetano nitong Lunes sa Senate Committee on Ethics and Privilege.
Partikular na inireklamo ni Binay ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng ‘marites’, isang popular na tawag ng mga Filipino sa mga tsismosa.
Binanggit din ni Binay ang akusasyon sa kanya ni Cayetano na nanggugulo sa pagdinig ng Senate committee on accounts tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa New Senate Building.
Inilagay din ni Binay sa kanyang reklamo ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng “buang.”
“Paulit-ulit na tayo kanina pa na P21.7 billion. Nabuang ka na ‘day,” sinabi ni Cayetano kay Binay sa pagdinig.
Sinabi ni Binay na maliwanag sa Senate Rules na ituturing na “unparliamentary” ang paggamit ng mga nakakasakit na mga pananalita laban sa kapwa senador o anumang public institution.
Nilabag umano ni Cayetano ang Section 93 at 94 ng Rule 34 na nagbabawal sa paggamit ng unparliamentary act at languages sa pamamagitan ng kanyang mga statements sa public hearing noong Hulyo 3, 2024 at Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women.
Nauna rito, sinimulan ni Cayetano ang pag-iimbestiga sa New Senate Building matapos ipag-utos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pagrepaso sa halaga ng konstruksyon nito, na sinasabing aabot sa mahigit na P23 bilyon.
Sa panayam, sinabi ni Binay na hindi na niya papalampasin ang mga banat sa kanya ni Cayetano.
“Hindi lang ito tungkol sa akin. Nanay ako. May mga anak ako at alam ko ang mga pinagdaanan ng mga bata noong tinitira niya ‘yung pamilya ko noong 2015 and parang during this time, I cannot let it pass anymore,” ani Binay. (Daris Jose)
NAKATAKDANG mag-deploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 70,000 enumerators sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangolekta ng impormasyon kaugnay sa populasyon ng bansa at listahan ng mga benepisaryo ng ‘social protection initiatives.’
NAGSAMA-SAMA ang mga kongresista na tinaguriang Young Guns ng Kamara sa pagtatanggol kay PBA Partylist Rep. Migs Nograles, na pinaratangan ng pamumulitika sa pamamahagi tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ni Davao City Rep. Paolo Duterte.