
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay nag-alok ng job opportunities, support small businesses, at nagbigay ng essential relief sa mga apektado ng kalamidad.
Itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit 6,000 job opportunities sa iba’t ibang industriya.
Mahigit 300 Navoteños ang nag-aplay para sa mga trabaho kung saan 212 individuals ang hired on the spot.
Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang one-stop-shop para sa mga nangangailangan ng serbisyo mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistics Authority, Pag-IBIG, Social Security System, at PhilHealth.
Samantala, nasa 250 families ang nakatanggap ng tulong pinansyal para matulungan silang makabangon at muling makatayo matapos ang insidente ng sunog sa Brgys. San Roque, Navotas West, Bagumbayan North, at North Bay Boulevard North.
Habang 120 Livelihood Package at 122 Tulong Puhunan grantees ang nakakuha ng suportang pinansyal para mapalago ang kanilang maliliit na negosyo.
Muling pinagtibay ni Mayor John Rey Taingco ang dedikasyon ng lungsod sa patuloy na suporta para sa employment and livelihood assistance programs.
“We are committed to creating opportunities for employment and livelihood for every Navoteño,” aniya.
“We also offer programs to enhance the knowledge and skills of our residents, ensuring they are well-equipped to thrive in their chosen fields and achieve their full potential,” dagdag niya.
Ang Navotas, sa pamamagitan ng NavotaAs Hanapbuhay Center and PESO, ay regular na nagsasagawa ng NegoSeminars para sa Navoteños na gustong magsimula ng kanilang sariling negosyo at in-house job interviews, gayundin ang pre-employment seminars for jobseekers. (Richard Mesa)

PINASINAYAAN at pinabasbasan nina Mayor John Rey Tiangco, at Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opsiyal ng pamahalaang lungsod ang bagong bukas na TAKINO pumping station na makakatulong sa mabilis na paghupa ng baha tuwing high tide o kung may bagyo, bilang bahagi pa rin ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas. (Richard Mesa)
BINISITA ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives sa mga nagtapos ngayon taon sa mga pampublikong paaralan, bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary. Nasa 5,008 Grade 6 at 2,276 Grade 12 ang kumpletong nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants noong June 26-27, 2024. Nakatanggap din ang mga graduates sa Navotas Polytechnic College ng P1,500 matapos ang kanilang graduation ceremony. (Richard Mesa)