• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 17th, 2024

DOH: Siling labuyo, hindi gamot sa dengue

Posted on: June 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi gamot sa dengue ang siling labuyo.

 

 

 

Inihayag ito ng DOH matapos mag-viral ang isang social media post na nagsasabing ang siling labuyo ay mahusay na panlunas sa naturang karamdaman, na nakukuha sa kagat ng lamok.

 

 

 

Sa isang abiso, sinabi ng DOH na wala pang anumang ispesipikong lunas para sa dengue.

 

 

Binigyang-diin pa ng DOH na ang pinakamabisa pa ring paraan upang makaiwas sa dengue ay umiwas sa kagat ng lamok.

 

 

 

Hinikayat rin nito ang publiko na magsuot ng long sleeves at pantalon upang takpan ang balat, at ipagpatuloy ang paggamit ng mosquito repellent lotions at sprays.

 

 

Makatutulong din ang pagpapanatiling malinis sa paligid at pagpuksa sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok.

 

 

 

Kabilang sa mga sintomas ng dengue ay lagnat, pananakit ng ulo, kalamnan at kasu-kasuan, pagduduwal at rashes sa balat.

Arrest order ng China simula na ngayon

Posted on: June 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang  tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea.

 

 

 

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy lang sila sa kanilang maritime patrol sa lugar na sakop ng Pilipinas.

 

 

 

Mananatiling matatag ang kanilang puwersa sa pagtatanggol at pagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng bansa gayundin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan sa WPS.

 

 

Sinabi ni Trinidad na ang anti-trespassing policy ng China na magsisimula ngayon ay pagbalewala sa international maritime rules and regulations.

 

 

Ani Trinidad, hindi magpapaapekto at matatakot ang Pilipinas sa mga banta at harassment ng China.

 

 

“The presence and actions of its vessels in our waters are illegal, coercive, aggressive and deceptive. We will not be deterred or intimidated,” ani Trinidad sa ABS-CBN News.

 

 

 

Sa ilalim ng regulasyon ng China, aarestuhin ang sinumang indibidwal na iligal na papasok sa kanilang katubigan at ikukulong ng 60 araw o sa loob ng dalawang buwan ng walang paglilitis.

 

 

 

Una nang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi nila papayagang arestuhin ng China ang sinumang Pilipino na papasok sa WPS.

 

 

 

Sa katunayan, dinagdagan na rin nila ang mga magpapatrolya sa WPS. Maging ang ibang bansa ay handang tumugon sa Pilipinas. (Daris Jose)

Public hearing sa NCR minimum wage hike, itinakda sa Hunyo 20

Posted on: June 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINAKDA na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region (RTWPB-NCR) ang pagdaraos ng public hearing sa minimum wage adjustment sa Hunyo 20.

 

 

 

Sa abiso ng RTWPB-NCR, nabatid na idaraos ang naturang public hearing dakong alas-9:00 ng umaga sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City.

 

 

 

Nabatid na ang RTWPB-NCR ay nakatanggap ng petisyon para sa minimum wage increase na inihain ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) noong Mayo 24, 2024.

 

 

 

Itinakda na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region (RTWPB-NCR) ang pagdaraos ng public hearing sa minimum wage adjustment sa Hunyo 20.

 

 

 

Sa abiso ng RTWPB-NCR, nabatid na idaraos ang naturang public hearing dakong alas-9:00 ng umaga sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City.

 

 

Nabatid na ang RTWPB-NCR ay nakatanggap ng petisyon para sa minimum wage increase na inihain ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) noong Mayo 24, 2024.

 

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ng RTWPB-NCR ang mga employer, mang­gagawa, employer associations, at labor organizations na lumahok sa naturang public hearing. Maaari rin umano silang magsumite ng kanilang position papers sa RTWPB-NCR office sa 2nd Floor, DY International Building, San Marcelino cor. General Malvar Sts., Malate Manila o sa pamamagitan ng e-mail na wage_ncr@yahoo.com.ph, bago sumapit ang Hunyo 18, 2024.

 

 

 

Matatandaang sa 2024 Labor Day cele­bration sa Malacañang, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga RTWPBs na rebyuhin ang minimum wage rates sa kani-kanilang rehiyon. (Daris Jose)  

SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan

Posted on: June 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumang­gap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024.

 

 

 

Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS members sa Taiwan hanggang Agosto 20, 2024.

 

 

 

Ayon kay SSS president at CEO Rolando Macasaet ang loan applications ay maaaring isumite sa My.SSS account.

 

 

“However, members must first visit the SSS Taiwan Foreign Office in Neihu District, Taipei City, to secure a Cala­mity Loan Reference Number (CLRN) needed in their loan applications. The CLRN is a unique 12-alphanumeric identifier provided to SSS members and is among the requirements for the calamity loan,” sabi ni Macasaet.

 

 

Sa ilalim ng programa, ang mga miyembro ay maaaring makakuha ng loan equivalent sa isang buwang salary credit o hanggang P20,000.

 

 

Ang mga requirements ng calamity loan ay dapat nakaregister sa My.SSS account sa www.sss.gov.ph at may halos 36 monthly contributions, OFW SSS member at  nakatira sa Taiwan nang maganap ang lindol at walang past due na loan sa SSS.

PBBM, patuloy na pinupunan ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno

Posted on: June 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno.

 

 

Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng iba’t ibang personalidad bilang mga bagong opisyal na bubuo sa Department of Foreign Affairs, Department of Health, Department of Information and Communications Technology, Department of Justice, Department of Labor and Employment, Department of Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Department of Transportation, Office of the President at Department of Finance.

 

 

Sa Department of Foreign Affairs, itinalaga ng Pangulo sina Raymond R. Balatbat, Chief of Mission, Class II bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Kingdom of Saudi Arabia na may concurrent jurisdiction sa Republic of Yemen; Cathe Ryne Denice S. Aguilar, Foreign Service Officer, Class III; Nonito S. Cabrera Jr., Foreign Service Officer, Class III at Chryzl T. Sicat, Foreign Service Officer, Class III.

 

 

Sa Department of Health ay itinalaga naman ng Pangulo sina Paolo S. Teston bilang Assistant Secretary, Ferdinand M. Benbenen, Director IV at David A. Aventura Jr., bilang Executive Director.

 

 

Pinangalanan din ng Punong Ehekutibo si Maria Delia S. Presquito bilang Director IV ng Department of Information and Communications Technology (National Privacy Commission); Hilda F. Ibuyan, bilang miyembro ng Board of Pardons and Parole ng Department of Justice; Aldwin F. Alegre bilang Deputy Commissioner III ng Bureau of Immigration; at Raymond Anthony C. Dilag bilang Commissioner ng Presidential Commission on Good Government.

 

 

Sa Department of Labor and Employment (National Labor Relations Commission), itinalaga ng Chief Executive si Agnes Alexis L. De Grano bilang Presiding Commissioner, Sixth Division at Gavino R. Menses Jr., bilang Commissioner, tatayong kinatawan ng Employer Sector, Sixth Division.

 

 

Sa National Wages and Productivity Commission ay itinalaga ni Pangulong Marcos si Edgar B. Lim, bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Employees Sector, Regional Tripartite Wages and Productivity Board, Region IX; Roberto G. Valerio bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Employees Sector, Regional Tripartite Wages and Productivity Board, Region IX at Princess Nellaine S. Yting bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Workers Sector, Regional Tripartite Wages and Productivity Board, Region IX.

 

 

Sa kabilang dako, sa Department of the Interior and Local Government (Philippine Commission on Women) ay itinalaga ng Pangulo si Catalina L. Pizarro bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Senior Citizens Sector at Myrna T. Yao bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Business and Industry Sector.

 

 

Sa Department of Trade and Industry ay itinalaga ng Pangulo si Cleotilde M. Duran bilang Provincial Trade and Industry Officer habang sa Philippine Creative Industries Development Council ay itinalaga naman nito si Conrado T. Onglao bilang miyembro, Public Sector Representative ng Cultural Sites Domain.

 

 

Sa Department of Transportation (Civil Aeronautics Board) ay itinalaga ng Pangulo si Maria Elbam S. Moro bilang Deputy Executive Director III; National Intelligence Coordinating Agency (National Maritime Aerial Reconnaissance and Surveillance Center) Jesus Leonardo M. Auxilio bilang Executive Director habang sa Office of the President (Games and Amusement Board) ay itinalaga si Francisco J. Rivera bilang chairman.

 

 

Samantala, sa Presidential Commission on Good Government (Bataan Shipyard and Engineering Company Inc., ay itinalaga ni Pangulong Marcos si Anthony C. Castelo bilang vice-chairman/ Chief Operating Officer at miyembro ng Board of Directors.

 

 

Sa Department of Finance (Securities and Exchange Commission) ay itinalaga ng Pangulo si Rogelio V. Quevedo bilang Commissioner.