TINAWAG ni suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na “kathang isip” ang umano’y P8 milyong alok sa bawat suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo para bawiin ang nauna nilang akusasyon laban sa mambabatas.
Sa video sa kanyang Facebook page nitong Sabado, sinabi ni Teves na hindi niya maunawaan kung saan nakuha ni Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla ang figure na P8 million.
“Hindi ko alam saan nakuha ‘yung 8 million na number eh. Bakit hindi 7, hindi 9, hindi 10 million? Baka pumasok sa isip niya na gamitin ‘yung number 8 dahil swerte? Doon mo makikita na mga kathang isip,” ani Teves.
Naunang sinabi ni Remulla na, batay sa intel report, inalok ng P8 million ang mga gunmen na dahilan ng kanilang pagbaliktad, na nagsimula umano nang mahuli noong Marso ang itinuturing co-mastermind ni Teves na si Marvin Miranda.
Giit ni Teves, nagsisinungaling ang Justice secretary.
“Kung ano-anong lumalabas sa utak mo, hindi naman totoo. At nasabi mo pa sa publiko. Anong istura mo ngayon? ‘Di sinungaling, ‘di ba? So, wala: king of sablay, fake news, sinungaling,” saad ni Teves.
Para sa biyuda ni Gov. Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo, may batayan ang pahayag ni Remulla kaugnay ng paggamit ng pera ng mga Teves para suportahan ang mga akusado.
Hinala rin ni Degamo, may gumagastos para mabigyan ng magagaling na abogado ang mga gunmen.
“Money talaga ‘yung gagamitin nila to get what they want, just like how it was back here in Negros Oriental — they were able to silence everyone because of money and fear,” dagdag niya.
Sa kabila ng pagbaliktad ng testimonya ng mga gunmen, naniniwala si Degamo na nananatiling malakas ang kaso laban kay Teves dahil may mga matibay umanong ebidensya para mapanagot ang mambabatas.
“There are other evidence, pieces of [evidence] na nagre-rely kami doon kaya hindi po kami natitinag.” (Daris Jose)
PINAG-IINGAT ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa mga fixers at scammers na nag-aalok ng tulong kapalit ng pera.
NAKIPAGSUNDO ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Quezon City government para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang ‘Pabahay sa Bagong Bayani na Manggagawa (PBBM)’ program ng pamahalaan.
PINAKA-BUSY na Kapuso actor ngayon si Kelvin Miranda dahil tatlong pelikula ang natapos niyang gawin at isa roon ay ang romance film with Miles Ocampo and Chie Filomeno titled ‘Missed Connections’ na available na for streaming on Netflix.
NAGHAHANAP ng consultant ang Department of Transportation (DOTr) na gagawa ng kauna-unahang integrated city-wide bus service na itatayo sa Davao City.
WALANG mga Filipino ang kabilang sa nasawi o nasugatan sa nangyaring deadly triple-train collission malapit sa Balasore silangang estado ng Odisha.
NAPANSIN ng netizens, ang pagsama nina Jose Manalo, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza sa pagpapaalam nina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga.”
ABOT-ABOT ang pamba-bash na inaabot ng mga bagong host ng Eat Bulaga.
NILINAW ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na hindi kontrolado ng GMA Network ang mga nangyari sa “Eat Bulaga,” na nauwi sa pag-resign nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, at iba pang hosts sa TAPE Inc.
UMIYAK ang baguhang Sparkle actress na si Angel Leighton sa media conference ng upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.