SA ginawang annoucement of nominees, kinalumo ng maraming Pinoy na hindi nabanggit ang pangalan ni Dolly sa final five nominees sa supporting actress category. Ang mga pasok ay sina Angela Bassett (“Black Panther: Wakanda Forever”); Hong Chau (“The Whale”); Kerry Condon (“The Banshees of Inisherin”); Jamie Lee Curtis (“Everything Everywhere All at Once”) at Stephanie Hsu (“Everything Everywhere All at Once”).
Naging kunsuwelo na lang ng mga Pinoy ay ang nakuhang nominasyon ni Dolly sa BAFTA (British Academy Film and Television Award) para sa pelikulang “Triangle of Sadness.”
Kailan lang ay nagwagi bilang best supporting actress si Dolly sa 58th Guldbagge Awards, the Swedish equivalent of the Academy Awards. Kinabog ni Dolly ang mga kalaban niyang sina Marika Lindström from “Burn All my Letters,” Liv Mjönes from “Tack for the Last Time,” and Carla Seh from “Stammisar”.
Anyway, ang surreal sci-fi na “Everything Everywhere All At Once” ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon sa Oscars. 11 ang nakuha nito including Best Picture, Besy Director, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress at Best Actres for Michelle Yeaoh na kauna-unahang Asian actress na ma-nominate sa naturang category.
Ang iba pang nominated as Best Picture ay “All Quiet on the Western Front,” “Avatar: The Way of Water”, “The Banshees of Inisherin”, “Elvis”, “The Fabelmans”, “Tár”, “Top Gun: Maverick”, “Triangle of Sadness” and “Women Talking.”
Makakalaban naman ni Yeoh for Best Actress ay sina Cate Blanchett (“Tár”), Ana de Armas (“Blonde”), Andrea Riseborough (“To Leslie”) at Michelle Williams (“The Fabelmans”)
Magtutunggali naman for Best Actor ay sina Austin Butler (“Elvis”), Colin Farrell (“The Banshees of Inisherin”), Brendan Fraser (“The Whale”), Paul Mescal (“Aftersun”) at Bill Nighy (“Living”)
Sa best supporting actor, maglalaban sina Brendan Gleeson (“The Banshees of Inisherin”), Brian Tyree Henry (“Causeway”), Judd Hirsch (“The Fabelmans”), Barry Keoghan (“The Banshees of Inisherin”) at Ke Huy Quan (“Everything Everywhere All at Once”).
***
MARAMI ang nagulat sa na-share na note ni Pokwang sa Instagram. Nakalagay kasi ay “keep that whore away from my daughter”.
Ito ay tungkol siguro sa bagong girlfrend ng ex-partner niyang si Lee O’Brien. Binuking kasi ni Pokwang sa social media na may bago ng girlfriend si Lee.
“Wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay,” comment pa ni Pokwang sa isang post ni Lee.
Pinaalahanan din ng Kapuso comedian-host na ang joint business venture nila ni Lee ay nagtapos na rin. Ang kanilang Poklee Food Products ay wala na raw at kung ay magbenta nito online, scammers daw ang mga iyon.
“One year na wala ang Poklee Food products sarado na po ito at wag na po kayo mag message or umorder ng aming produkto sa messenger, sa shoppee at Lazada dahil ibang brand po idedeliver sa inyo PLEASE! magbasa kayo tapos magagalit kayo kapag na scam kayo! matagal na wala yan po,” pagdidiin ni Pokwang.
Solo na raw si Pokwang sa food business niya at ang bagong pangalan nito ay Mamang Pokwang na.
(RUEL J. MENDOZA)
PINANGANGATAWAN pa rin ni Manila Luzon, ang host ng “Drag Den Philippines” host aka Drag Lord, na walang makapapantay sa Pinoy Drag Queens.
HANDA na raw magkaroon ng baby ang aktres na si Jenny Miller kahit wala siyang partner sa buhay ngayon.
UMABOT na sa 1.1 milyon ang mga bagong botante na nagparehistro, siyam na araw bago ang pagtatapos ng voter’s registration ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
OPISYAL na ngang ipinakilala ng country’s leading pharmaceutical brand na RiteMed ang kanilang newest brand ambassador sa pamamagitan ng latest TV commercial (TVC) na kung saan featuring ang well-loved and highly respected actor-director na si Coco Martin.
AFTER ng first wedding ni Kapuso Drama Royalty na si Glaiza de Castro sa husband niyang si David Rainey, a businessman from Northern Ireland last October 12, 2021, muli silang ikinasal this time dito naman sa Pilipinas.
SINAMPAHAN na ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 opisyal ng isang sabungan sa Quezon City dahil sa paggamit ng digital system sa pagpapataya sa kanilang mga kustomer makaraang salakayin ito noong nakaraang Biyernes.
ISINELDA ang limang katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.
TEN years after “Magic Mike” surprised audiences, star Channing Tatum and the original filmmaking team have reunited—this time in Miami and London—to catch up with Mike Lane in “Magic Mike’s Last Dance.”