KINASTIGO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon na sila ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.
Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa kanilang mga commuters .
Hinanap din ng LTFRB board sa pangunguna ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa mga opisyal ng Grab ang dokumento na nagpapaliwanag kung magkano at paano ang ginagawang pagsingil ng surge fee sa kanilang mga commuters.
Sa hearing, sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dapat ay nagbitbit na ang Grab ng mga kailangang dokumento hinggil sa alegasyong naniningil ito ng surge fee sa mga pasahero na hindi aprubado ng LTFRB.
Sinabi ni Chairman Guadiz na dapat maipaliwanag ng maayos ng Grab ang isyu sa surge fee dahil marami ang nagrereklamo hinggil dito.
“Ipaliwanag nyo ng maayos ang surge fee na sinasabing nagkaroon ng overpricing” sabi ni Guadiz sa Grab.
Ayon kay Inton, kinumpirma ng Grab na sila ay nasingil ng P85 surge fee pero dapat anya ay P45 pesos lamang ito.
Muling itinakda ng LTFRB board ang hearing bukas, araw ng Huwebes (January 12) upang makapaglabas na sila ng desisyon para dito.
Ayon sa Grab, isusumite nila ang lahat ng kailangan ng LTFRB tungkol dito. (Daris Jose)
MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa.
KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats.
TINALBUGAN ni Kim Domingo ang lahat.
Filo-Rohas loves you so much Dongminie enjoy and eat well.”
HINIMOK ng World Health Organization na dapat isaalang-alang ng mga bansa ang pagrekomenda na magsuot ng facemask ang mga pasahero sa mga long-haul na flight, dahil sa mabilis na pagkalat ng pinakabagong Omicron subvariant ng COVID-19 sa United States.
MAKATUTULONG na muling buhayin ang steel industry ng bansa ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.
CONGRATULATIONS to “Maria Clara at Ibarra!
TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Senior Usec. Jose Faustino Jr.
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Cheloy Garafil bilang Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).