KAHIT pumayag na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon ng fare hike sa Light Transit Lines 1 & 2 ay wala pa rin mangyayaring pagtataas ng pamasahe.
Ang nasabing desisyon ng LTFRB ay hindi pa final dahil wala pang approval mula sa board ng Light Rail Transit Authority (LRTA). Ito ang klaripikasyon na sinabi ng LRTA noong nakaraang linggo.
Sa ngayon ay mananatiling P1 kada kilometro at P11 ang boarding fare sa LRT 1 & 2. Habang ang boarding fee ng single-journey sa LRT 1 & 2 ay mananatiling P15. Ang stored-value tickets ay mananatiling P11 ang base fare.Magkakaroon naman ng increase na mula P20 hanggang P30 ang single journey ticket depende sa haba ng distansya kapag naipatupad na ang fare hike.
Ang mungkahi ng LTFRB ay magkaroon ng adjustment sa boarding rate na P2.29 at P0.21 kada kilometro o may kabuuang P13.29 sa pamasahe ng nasabing dalawang rail lines.
“The proposal to increase fares would go through the usual procedure of conducting public hearings and getting the board’s approval. The LTFRB approved the fare hike petition in its capacity as a member of the board. Its not final as it would go to the proper process. The approval of LTFRB on the subject of fare increase is in the nature of agency being a member of LRTA board, and not in the nature of a regulatory body. The LTFRB is just one of the nine members of the LRTA board of directors,” wika ng LRTA.
Ang LRTA board ay binubuo ng miyembro mula sa kalihim ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at National Economic Development Authority (NEDA). Kasama rin ang LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Mayron din 2 appointed directors mula LRTA at pribadong sektor.
Taong 2015 pa pinatupad ang boarding fare na P11 at distance fare na P1 para sa LRT 1 & 2.
Ayon sa LRTA na kanilang sinusulong ang pagtataas ng pamasahe upang mabigyan ng karagdagang pondo ang operasyon at maintenance ng LRT 1 & 2.
Noong nakaraang taon, ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala sa operasyon ng LRT 1 sa ilalim ng regulasyon ng LRTA, ay naghain ng arbitration case laban sa pamahalaan.
“The Pangilinan-led firm wants to get at least P2.67 billion in compensation, resulting from the delays in fare adjustments it sought in 2016, 2018 and 2020,” dagdag ng LRTA.
Ayon sa LRMC ay kanilang ipatutupad ang fare hike na papayagan ng mga government regulators.
Binatikos naman ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang desisyon ng LTFRB. Ayon sa kanila ay walang nangyaring pagdinig at kunsultasyon sa pagitan ng publiko at pamahalaan bago aprubahan ng LTFRB ang fare increase. LASACMAR
DREAM come true pala ni Kapuso actress Bea Alonzo na makatambal muli ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
NAKATAKDANG pag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa panukalang sovereign wealth fund ng bansa sa harap ng mga kapwa lider ng mundo sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sa susunod na linggo.
UMAABOT na umano sa mahigit 17 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa bansa.
KAKAIBANG family bonding ang handog ni Senadora Imee Marcos at kanyang panganay na si Borgy Manotoc, sa isang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel, in-upload na ito kahapon, Biyernes, Enero 13.
KUNG sa totoong buhay, probinsyano talaga si Allen Ansay at aminadong hindi siya magaling magsalita ng english, sa kanyang kauna-unahang pagbibida sa GMA Primetime series, ang “Luv is Caught in His Arms,” isang rich/conyo kid ang character na ginagampanan niya.
INAASAHAN na ng Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng sibuyas sa halagang ₱100 kada kilo sa oras na dumating na sa bansa ang inangkat na kalakal.
Posibleng maibenta sa auction ng hanggang $7 millyon ang basketball jersey ng NBA star na si Kobe Bryant.