SA pagsalang ni Elijah Alejo sa fast money round ng Family Feud Philippines, kabilang sa mga tanong ay magkano ang ibibigay niya sa inaanak ngayong Pasko. Ang naging sagot ng aktres ay “P20” na kinaaliwan ng maraming netizens.Nakalaban ng bida sa upcoming GMA teleserye na Underage at ng kanyang pamilya sa naturang episode ay ang kapwa niya Kapuso star na si Althea Ablan at ang pamilya nito.
Pero ang pamilya ni Elijah ang nagwagi sa elimination round at nanalo ng P100,000. Sila rin ang sumabak sa fast money round, para madagdagan ang kanilang premyo.
Kasama ni Elijah na sumagot at unang sumalang sa fast money round ang pinsan niya na si Erika, na nakakuha ng 87 points.
Dahil dito, kailangan ni Alijah na makakuha ng 113 points para maabot ang kailangang 200 points para sa karagdagang premyo.
Ang isa sa limang tanong, ‘Ngayong Pasko, magkano ang ibibigay mo sa iyong inaanak?” Ang naging sagot ni Elijah, “P20.”
May mga netizen na ginawang meme ang naturang sagot ni Elijah para sa kanilang mga inaanak.
Ang host ng show na si Dingdong Dantes ay binati ang mga inaanak ni Elijah na hinrayin nila ang bente pesos na ibibihay nito bilang aguinaldo sa Pasko. Ang top answer sa tanong ay “P100”.
Hirit pa ni Elijah: Halatang hindi ako nakakakuha ng P100!”
***
BIGO ulit ang Pilipinas na magkaroon ng nomination sa International Feature category ng 95th Academy Awards.
Hindi nga nakasama sa shortlist ng naturang category (na dati ay Foreign Language Film) ang Philippine entry na On The Job: he Missing 8.
Since 1953 ay nagpapadala ng entry ang Pilipinas sa Academy Awards, pero hanggang ngayon wala pa ring suwerte na makasungkit ng nomination.
According to a Variety, ang mga foreign films na nakapasok sa short list ng International Feature category ay ang mga sumusunod: “All Quiet on the Western Front” (Germany), “Argentina, 1985” (Argentina), “Bardo, False Chronicle of a Handful of Truths” (Mexico), “Cairo Conspiracy” (Sweden), “The Blue Caftan” (Morocco), “Close” (Belgium), “Corsage” (Austria), “Decision to Leave” (South Korea), “EO” (Poland), “Holy Spider” (Denmark), “Joyland” (Pakistan), “Last Film Show” (India), “The Quiet Girl” (Ireland), “Return to Seoul” (Cambodia), and “Saint Omer” (France).
Ang naturang crime thriller na dinirek ni Erik Matti ay nag-premiere sa 78th Venice International Film Festival noong September 2021 kunsaan nanalo si John Arcilla ng Volpi Cup for best actor.
BUMABA ng may 13.1 percent ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong Disyembre 20.
NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng regalo at tulong sa mga bata, pamilya at indigenous peoples sa Rizal Park, Manila bilang maagang pamasko.
IIMBESTIGAHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang di umano’y “restrictive” bidding process ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa fire trucks nito.
DALAWANG containers ng mga puslit na sibuyas, na idineklarang tinapay at mga pastries, ang na-impound ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.
NAGBIGAY nang malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023.
BINUKSAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ang Malacañang na anya’y hindi niya bahay kundi ng mga mamamayan.
UPANG mabawasan ang pinsala na dulot ng paputok, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government units (LGUs) na maglagay ng common area para sa fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon.
PARAMOUNT Pictures has released an extended behind-the-scenes look for Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One in which Tom Cruise is attempting the biggest stunt in cinema history.