Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAIS ng isang mambabatas na palawigin pa ang pribelehiyong ibinibigay sa mga senior citizens sa pamamagitan n pagbibigay ng 20% diskuwento sa pagbabayad sa toll fees na sinisinggil sa expressway at skyway.
Sa House Bill 5277, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mabibiyayaan ng 20% na diskuwento ang mga senior citizens sa pagbabayad ng toll fess sa pamamagitan ng radio frequency identification (RFID) o kahalintulad na device.
Para makakuha nito, dapat na iparehistro ang sasakyan na nakapangalan sa senior citizen, kung saanmagsusumite ito ng kopya ng kayang ID card sa expressway o skyway operator sa pag-apply ng RFID installation.
“Our measure seeks to give more meaning to the mandate of the 1987 Constitution for the State to prioritize the rights and welfare of the elderly,” ani Rillo.
Ang Toll Regulatory Board ng Department of Transportation at iba pang ahensiya ang siyang magpapatupad sa pagbibigay ng diskuwento.
Aamyendahan ng panukala ang Expanded Senior Citizens Law para sa karagdagang benepisyo sa mga pinoy na 60 anyos pataas.
Sa kasalukuyan, ang mga senior citizens ay binibigyan ng 20% discount at value-added tax exemption sa pasahe sa eroplano at barko maging sa tren at mga public utility vehicles, kabilang na ang shuttle at ride-hailing services.
Dagdag pa ang exemptions sa pagbabayad ng airport at seaport passenger terminal fees. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
ISINULONG sa Senado ang panukalang bigyan ng 13th month pay ang mga contractual workers ng gobyerno.
Sa Senate Bill 1621 na inihain ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sinabi nito na nararapat ding makatanggap ng 13th month pay kahit mga contractuals at job orders sa gobyerno.
“Nalalapit na ang Pasko pero marami tayong masisipag na empleyado na hindi makakatanggap ng 13th month pay. ‘Yung mga kasamahan nating contractuals at job orders sa gobyerno, walang matatanggap, eh kapwa rin naman silang mga lingkod-bayan,” ani Revilla.
Ang ‘13th month pay’ ay isang monetary benefit na katumbas ng monthly basic compensation na natanggap ng isang empleyado, computed pro-rata na ibinigay sa lahat ng regular na empleyado alinsunod sa Presidential Decree No. 851, S. 1975 at ang Labor Code of the Philippines.
Kung magiging ganap na batas, makakatanggap ng 13th month pay ang mga naglilingkod sa gobyerno sa ilalim ng contract-of-service scheme o job order arrangement na hindi karaniwang tumatanggap ng iba pang benepisyo at allowance na ibinibigay sa mga regular na empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni Revilla, na ang mga kontraktwal na manggagawa ng gobyerno ay may mahalagang papel sa paghahatid ng serbisyo publiko sa mga tao.
“Ang trabaho nila ay kasing bigat ng trabaho ng mga regular. Walang duda, sila rin ay kasing sipag ng ibang kawani ng gobyerno. Kaya nararapat lamang na bigyan natin sila ng natatanggap ng mga regular na empleyado,” dagdag ni Revilla.
Ayon sa Inventory of Government Human Resources noong Hunyo 30, 2022, mayroong kabuuang 2,462,534 na manggagawa sa gobyerno, at 642,077 o humigit-kumulang 26% ng kabuuang workforce ng gobyerno ay binubuo ng Job Order and Contract of Service (JOCOS) personnel. (Daris Jose)
MAY Ilang probisyon na nakapaloob sa susunod na taong budget ang ibineto (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa Pangulo ay bahagi na ng revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite sa Kongreso.
Sinabi ng Chief Executive, hindi awtorisado ang National Labor Relations Commission (NLRC) na gamitin ang income nito batay sa umiiral na batas.
Ang isa pang nai- Veto ng Pangulo ay ang DepEd -Office of the Secretary Special Provision No. 4, “Revolving Fund of DepEd TV,” na ayon sa Pangulo ay hindi rin awtorisado ang ahensiya na magkaroon ng revolving fund para rito.
Hindi rin nakalusot ang Special Provision No. 4, para sa “Branding Campaign Program,” ng Department of Tourism (DoT) na nagtatakdang limitahan ang functions ng Executive Branch para ipatupad ang RA No. 9593 o ang Tourism Act of 2009.
Ang paliwanag ng Punong Ehekutibo, base sa isinasaad ng RA No. 9593, bahagi ng mandato ng DOT ay magplano, maglatag ng programa at magsilbing “implementing and regulatory government agency” sa promotion ng tourism industry,
Ang mga nai -vetong probisyon ay ginawa bago pa lagdaan ng Pangulo ang 2023 national budget nitong nakaraang Biyernes , Disyembre 16. (Daris Jose)
UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na mapananatili ng bagong pamunuan ng Hukbong Panghimpapawid ang “excellence” at dangal sa Philippine Air Force.
Bahagi ito ng mensahe ng Chief Executive sa ginanap na change of command ceremony sa Philippine Air Force.
Umaasa naman ang Pangulo na sa ilalim ng bagong liderato nito sa katauhan ni Major Gen Stephen Parreno, sisikapin nitong mapanatili ang dangal sa Hukbo upang matupad ang mandato sa bansa at sa sambayanan.
Sinabi ng Pangulo na tiwala siya kay Gen. Parreno na itutuloy nito ang mga nasimulan ng inisyatibo sa PAF habang pagsisikapang maabot pa ang mas mataas na mithiin para sa pagsisilbi sa tao at bayan.
Si General Parreno ang hinirang ni Pangulong Marcos na maging ika- 39 na commanding general ng Hukbong Panghimpapawid. (Daris Jose)
PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lifestyle TV host at entrepreneur na si Daphne Oseña-Paez bilang bagong “press briefer”.
Pormal na pinangalanan ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS) si Oseña-Paez sa mga mamamahayag sa Palace press briefing, araw ng Martes.
“Simula ngayong araw ay may bago tayong makakasama sa bawat briefing na gagawin dito sa press working area. Siya ang magiging tagapaghatid ng balita at impormasyon tungkol sa mga gawain at proyekto ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,”ayon kay Garafil.
“Ipinakikilala namin sa inyo ang bagong Malacañang Press Briefer, si Binibining Daphne Oseña-Paez,” dagdag na pahayag ni Garafil.
Si Oseña-Paez ay mas kilala bilang lifestyle TV host, subalit nag-cover din ito sa Palasyo ng Malakanyang noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Taong 2019, pinangalanan siya bilang UNICEF National Goodwill Ambassador para sa pagsuporta at pag-promote nito sa karapatan ng mga kabataan.
“Isang karangalan na makasama namin sa Office of the Press Secretary ang isa sa mga lumalaban para sa mga karapatan ng mga kababaihan, kabataan at ng kalikasan,” ayon kay Garafil.
Sinabi naman ni Oseña-Paez na magsasagawa siya ng palace press briefings tuwing araw ng Martes matapos na pangunahan ni Pangulong Marcos ang Cabinet meetings.
Nilinaw naman ni .Oseña-Paez na iba ang kanyang tungkulin at gampanin sa mga dating presidential spokesperson.
“The President will speak for himself. I’m just here to support the Office of the Press Secretary for now and I look forward to learning a lot about the programs,” anito.
“My role here is to amplify and to communicate the message of President Marcos and the Cabinet and the government and you are my partners in this,” aniya pa rin.
Ani Oseña-Paez, noong siya ay nasa lifestyle hosting stint, ang public service ay malapit sa kanyang puso.
“Since I will be the one who will be regularly your source for updates from the Palace, I look forward to working with all of you of course in a harmonious and collegial manner kasi I am also one of you,” aniya pa rin.
Aniya, isang making karangalan at hamon ang magtrabaho sa administrasyong Marcos.
“I am very honored to be communicating the message and programs of this administration of course in an accurate and effective way and I will do my best,” wika ni Oseña-Paez. (Daris Jose)
UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).
Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic Act 10931 o “Universal Access to Quality Tertiary Education Act.” Kaso, hindi nito saklaw ang mga nag-aaral para maging abogado dahil sa nakakuha na sila ng undergraduate degree.
“Isa sa mga dahilan ng kawalan ng katarungan para sa marami sa Pilipinas ang kakulangan ng practicing lawyers,” wika ng senador sa kanyang explanatory note sa Inggles. Noong Miyerkules ito pormal na inihain ngunit nabanggit sa isang press release ngayong Martes.
Aniya, layon ng panukalang maging abot-kamay ang hustisiya lalo na sa marginalized sectors. Sa ngayon daw kasi, tinatayang nagsisilbi ang isang abogado sa mahigit 2,500 katao — malayo sa ideyal na ratio na isang lawyer kada 250 katao.
MAGLAKBAY sa Bangkok, Thailand kasama si Bataan District 1 Representative Geraldine Roman habang ibinabahagi niya ang mga highlight ng kanyang paglahok bilang Pinuno ng Delegasyon ng Kapulungan sa 30th Asia Pacific Parliamentarians Forum.
Dumalo siya sa Women Parliamentary Sessions upang pag-usapan ang mga hakbang sa pag-asenso ng kababaihan matapos ang COVID-19.
Ang 5-araw na paglalakbay sa pagtatrabaho ay binubuo ng 16 na oras na araw ng trabaho na lumipas nang maayos tulad ng simoy sa sikat sa mundong Chao Phrya River sa naturang lungsod.
Ayon kay Rep. Roman, “Nitong Oktubre 29 ay tinalakay at inaprubahan ng Working Group Meeting ng APPF Women Parliamentarians ang dalawang kumpletong tungo sa pag-unlad ng kababaihan sa post-COVID19:
“Pagbibigay-kapangyarihan sa Kababaihan na Makayanan ang mga Hinaharap na Krisis.”
“Pagpapalakas sa Pakikilahok ng Kababaihan sa Post-COVID19 Economic Recovery.”
“Pagyamanin ang kaalaman, at paigtingin ang partisipasyon sa usapang ekonomiya.”
‘Yan ang sagot sa sabay-sabay na pag-unlad.
Gamit ang mga hashtags na: #RomantikForAll
#WomenEmpowerment #PambansangCongresswoman
Samantala, panoorin ang pinakabagong edisyon ng kanyang You Tube vlog, GERALDINE ROMANTIK, ngayong Miyerkules, Disyembre 21, sa ganap na ika-pito ng gabi.
(ROHN ROMULO)
SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon at pagbibigay ng prangkisa sa mga premium taxis sa buong bansa dahil sa alegasyon na may illegal sa kanilang operasyon.
Noong Dec. 13 ay naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2022-080 na nagsusupinde sa pagbibigay ng prangkisa sa mga premium taxis. Ang memorandum circular ay nilagdaan ng dating officer-in-charge Riza Marie Paches at board member Mercy Jane Leynes.
“We received reports that premium taxi operators are engaged in schemes that did not comply with their franchise to operate and inconvenienced passengers,” wika ng LTFRB.
Ang premium taxi ay inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng “taxi modernization program” ng pamahalaan na nakaloob sa Department Order 2019-007.
May meter-based rate ang charge sa premium taxi katulad ng sa regular taxis. Ang premium taxis ay mga multi-purpose vans, utility vans o di kaya ay sports utility vehicles samantalang ang taxis ay sedans.
Ayon sa LTFRB na ang mga operators at drivers ng premium taxi ay gumagamit ng “ulo-ulo” scheme kung saan ang pasahero ay hinihingan ng bayad kada taon na dapat sana ay ang pinayagan na meter-based rate ng LTFRB. Ang ganitong paraan ay bawal sa provisions ng kanilang prangkisa.
Habang ang ibang operators at drivers ay gumawa ng terminals sa mga lansangan kung saan ang mga ito ay kumukuha ng mga pasahero na dapat sana ay tumatakbo ng paikot-ikot ang mga premium taxis sa mga lansangan upang kumuha ng mga pasahero.
“The technical division proposed to suspend the acceptance of application of new certificate of public convenience (CPC) to operate premium taxi service due to reports that premium taxis are operating a terminal or an ulo-ulo scheme,” dagdag ng LTFRB.
May mga nahuli na ang LTFRB na premium taxis na lumabag sa regulasyon at na-impound ang mga sasakyan.
Dahil dito ang ibang denominations ng transport group tulad ng UV Express ay nag-apela sa LTFRB na suspendihin muna ang pagbibigay ng prangki sa sa mga premium taxis dahil sa mga violations na ginagawa ng mga ito na siyang nagreresulta sa pagkakaroon ng unfair competition.
“The acceptance of applications for the issuance of new CPCs for premium taxi services shall be suspended pending the amendment of the Department of Transportation order that prescribes guidelines for the denomination,” saad ng LTFRB. LASACMAR
SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison ay tanda ng “end of an era” na inaasahan niya na “end of insurgencies in the Philippines.”
Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si Duterte sa pamilya Sison, ipinagdarasal niya ang kapayapaan sa bansa.
Inilarawan ni Duterte si Sison bilang “someone known for his radical ideas that affected the course of the country’s history.”
“While Mr. Sison and I have had many disagreements—especially in the ways in which he chose to pursue and effect change in the country—I would like to believe that, at the end of the day, we shared the same dream of creating a better future for every Filipino,” ani Duterte.
“His death certainly marks the end of an era, and it is my hope that, with it, the end of insurgencies in the Philippines and the revolutionary movement that he has founded as well,” dagdag na wika nito.
Nanawagan din si Duterte para sa pagtatayo ng “more harmonious and united country for future generations.”
SA ulat, pumanaw na ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison, na nasa self-exile sa Netherlands, sa edad 83.
Ito ang inanunsyo ng CPP chief information officer na si Marco Valbuena.
“Prof. Jose Ma. Sison, founding chair of the Communist Party of the Philippines, passed away at around 8:40 p.m. (Philippine time) after two weeks of confinement in the hospital,” sabi ni Valbuena.
“The Filipino proletariat and toiling people grieve the death of their teacher and guiding light,” dagdag niya.
Itinatag ni Sison, isang aktibista, ang makakaliwang rebolusyonaryong organisasyon na CPP noong Disyembre 1968.
Limang dekada nang inilulunsad ng CPP ang pagrerebelde laban sa gobyerno, kasama ang armadong grupo nitong New People’s Army (NPA) and political arm National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” sabi ni Valbuena.
“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” dagdag pa niya. (Daris Jose)