NAGSIMULA na ngang mag-shooting na may working title na ‘Socmed Ghosts’, na isang horror, tragedy and drama movie na ipo-produce ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. na kung saan ang founder ay si Dr. Michael Raymond Aragon.
Si Chase Romero nga ang napiling bida ng pelikula na kung saan gagampanan niya ang role bilang Desiree, na isang nerd at inililihim ang taglay na third eye.
Makakasama niya ang apat pang kaibigan na sina Alice, ang vlogger tungkol sa foods at may pagka-street wise; Mazy, na maarte mag-vlog at mahilig sa mga make-up content, Jason, content creator na may pagka-coño, at Ding, ang internet sensation na gwapo at may malaking following.
Dahil sa isang project sa Social Media at nagkaisa sila na kumuha ng isang bahay/condo para dun sila magtrabaho. May condo na ‘di ginagamit ang uncle ni Jason at pinahiram na lang muna sa kanila.
Sa kanilang pagpasok sa building, naramdaman agad ni Desiree ang mga kakaibang mga spirits sa building pero hindi nya ito sinabi sa grupo dahil takot sya na ma-bully.
Pagdating nila sa unit na pinahiram sa kanila, nagustuhan ito ng grupo pwera kay Desiree. Pinangalanan nila itong ‘Socmed House’.
Sa unang gabi ng kanilang pagtira sa SH, may mga bagay sila na pinagtataka. Una na ay kung bakit kokonti ang nakatira sa building.
Nagtaka sila kung bakit laging namamatay ang AC. Napansin ni Mazy na gumalaw ang baso sa mini bar, yun pala tinakot lang siya ni Ding. Si Alice naman ay pumunta sa banyo at namatay ang ilaw habang siya ay nakaupo sa bowl. Akala niya ay pinaglalaruan lang siya ng mga kasama. Pero paglabas niya, nakita nya na puro tulog na ang mga ito.
Kinabukasan, habang nag-aalmusal ang grupo, pinag-usapan nila ang mga kababalaghan na nangyayari sa SH. Napilitan si Desiree na aminin na may kakayahan sya na makakita ng multo at ito ay kanyang ipinaliwanag.
May paraan upang makita nila ito. Ayon sa ibang mga ghost hunters, may pagkakataon na sa CCTV ay nakikita ang mga multo.
Napagkasunduan nila na ito ay gawin at nag-install ng app si Jason para makita ang CCTV footage sa kanyang cellphone.
Sa kanilang pagkagulat, nakita nila na kung saan sila nandun, may mga nakapaligid sa kanila na apat na multo! Nagtakbuhan sila lahat palabas ng condo at pati na rin sa building.
Nagtalo ang grupo kung aalis na ba sila sa unit o mananatili pa. ang sinabi ni Desiree, may mga multo na kaya lang sila nananatili sa mundo ay dahil may injustice pa na hindi nasasagot.
Sa maayos na usapan, ito ang napili nila na maging project nila. May sinasabi sa mga ghost hunting Vlogs na kung ilalagay sa reverse exposure o infrared ang cellphone camera, maaari itong makakita ng multo. Nagkasundo sila na kakausapin na nila ang mga multo sa pamamagitan ni Desiree.
Pagsapit ng gabi, naghanda sila para makausap ang mga multo at narinig ang kanilang mga hinaing:
Si Paul (EJK ghost) na biktima ng EJK ay na-frame up lang kaya hinuli ng tokhang. Ito ay dahil sa Brgy. Captain na hindi niya nakasundo at pinag-initan lang siya.
Si Cassandra (prosti ghost) na dahil naging biktima ng panggagahasa ng sariling ama at ibinenta sa casa ay naging prostitute. Namatay sya dahil sa sadistang customer.
Si Pedro (poverty ghost) na dahil sa kahirapan ay natutong kumain ng mga pagpag o mga tira ng mga restaurant. Nalason sya at namatay.
Si Joey (climate change ghost) na namatay sa baha sa Tacloban. Isa siyang environmentalist na lumaban sa illegal logging. Sa kanyang pag-inspection ay inabot ng bagyo at baha kaya siya binawian ng buhay.
Bawat kaluluwa sa SH ay inaasahang mabibigyan ng hustisya sa tulong magkakaibigan at makatawid na sa kabilang buhay. At makatulong pa sa ibang nangangailangan.
Ayon kay Dr. Aragon, apat na direktor ang napili nilang magsanib-puwersa sa advocacy indie movie na ito, na inaasahang matatapos ngayong Oktubre at maipapadala sa mga international film festivals sa buong mundo.
(ROHN ROMULO)
TINATAYANG abot P272,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang drug suspects, kabilang ang isang mag-asawa matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
AKSIDENTENG nagkaroon ng butt exposure si Diego Loyzaga sa ‘Pabuya’, na dinirek ni Phil Giordano for Vivamax pero hindi naman ito big deal sa anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.
ILAN sa mga hirit sa bagong mommy na si Angelica Panganiban ng mga kaibigan niya, sinalo raw nito ang lahat ng blessings.
AFTER 44 years, the most acclaimed, revered horror franchise in film history reaches its epic, terrifying conclusion in “Halloween Ends” – an Ayala Malls Cinemas exclusive starting October 12.
SINIMULAN na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.
UMABOT na sa P29.5 bilyong halaga ng tulong ang naipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) para sa iba’t ibang benepisaryo sa loob ng ‘100 days’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.’ sa tanggapan.
PUMALO na sa P6.5 milyon ang nakalaang pabuya sa pag-aresto sa pumatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.
INAASAHANG makakatanggap ang mga empleyado ng Quezon City Hall ng tig-P10,000 bonus bilang pagpapaabot ng pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa “sound financial management” recognition na natanggap ng pamahalaang lungsod sa ikalawang sunod na taon.