• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2022

Kaso ng COVID-19, sisipa ngayong taglamig – WHO

Posted on: October 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN  na ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng mga bagong kaso sa iba’t ibang panig ng mundo sa mas malamig na panahon na magiging dahilan ng indoor activities habang nasa ilalim ng pinaluwag na health protocols.

 

 

Sa lingguhang briefing, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ilang bansa na sa Europa ang nag-uulat ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na humantong din sa mas maraming naoospital at pagkamatay.

 

 

Sinabi ni Ghebreyesus na ang Omicron pa rin ang karamihan sa impeksyon, bagamat may sinusubaybayan pa rin na 300 subvariants ang mga scientists.

 

 

“So, we continue to call on all countries to increase surveillance, testing and sequencing, and to ensure the most at-risk groups are vaccinated,”panawagan ni Ghebreyesus.

 

 

Hinimok naman ni Infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante ang publiko na magpa-booster na dahil karamihan sa mga pasyente na naospital ay walang booster shots.

 

 

Sa Pilipinas, nasa 93.81 % ng 73.3 milyong Pinoy ang fully vaccinated nitong Oktubre 6, subalit nasa 25.62 % ng general population ang nabigyan ng first booster o 20 milyong Pinoy.

 

 

Bumababa na aniya ang immunity ng mga naturukan lalo na sa may anim na buwan nang nakalipas bakunahan kaya dapat na maging maingat at magsuot ng face mask, ani Solante.

 

 

Samantala, hinikayat din ni Ghebreyesus ang publiko na magpasaksak ng flu vaccine dahil nagsisimula na ang panahon ng Northern hemisphere influenza.

Pinoy boxer Jerwin Ancajas, bigong mabawi ang IBF crown matapos muling natalo kay Argentinan undefeated boxer

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI ng undefeated boxer Fernando Martinez ang kanyang International Boxing Federation junior bantamweight title matapos muling payukuin ang dating champion na si Jerwin Ancajas.

 

Naidepensa ni Martinez ang koronang kanyang naagawa kay Ancajas noong Pebrero sa pamamagitan ng scores na 119-109, 118-110 at 118-110 sa championship rematch sa Carson, California.

 

Dahil dito, napaganda pa ni Martinez ang kanyang record na 15-0 habang ang Filipino southpaw ay naitala ang 33-3 kasama na ang 22 knockouts.

LTFRB, nagbabala sa mga PUV driver na naniningil ng sobra sa sapat na pamasahe

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito.

 

 

Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong siya ay nagbakasyon dito sa Pilipinas noong nakaraang buwan.

 

 

Sa isang statement ay binigyang diin ng LTFRB na hindi nila kukunsitihin ang mga PUV driver na nanloloko sa kanilang mga pasahero mapa-dayuhan man o Pilipino.

 

 

Ayon pa sa ahensya, ang sinumang driver na mapapatunayang naniningil ng sobra sa tamang halaga ng pamasahe ay maaaring pagmultahin o kanselahin ang kanilang certificate of public convenience.

Valenzuela TODAs nakatanggap ng P3.7M tulong fuel subsidy program

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian sa pakikipagtulungan ng City Council ng one-time fuel subsidy vouchers na nagkakahalaga ng P500 sa lehitimong mga tricycle driver at operators na mga miyembro ng TODA sa Valenzuela City.

 

 

Ang pamamahagi ng fuel subsidy voucher program ay ipinapatupad sa pamamagitan ng City External Service Office – Public Order Safety Group’s Transportation Office sa pamumuno ni Mr. Jay Valenzuela.

 

 

Ang fuel subsidy programa ay parte ng Mayor WES Gatchalian’s agenda sa kanyang unang 100 days bilang bagong city mayor. “Ginawa po nating priority ang transport sector ng ating lungsod dahil isa po ito sa pinaka naapektuhan ng pandemya at kayo po ang dahilan kung paano tayo nagsusurvive sa pandemyang ito, kung wala po ang mga tricycle drivers ay malamang na mas malaki po ang problema natin dito sa lungsod. Hindi naman po kalakihan ang subsidiyang ibibigay natin, pero sana po ay makatulong ito sa inyo. Ang pamahalaang lokal po natin ay tuloy-tuloy na magiisip ng mga progaramg makakatulong sa inyong mga TODA drivers” pahayag niya.

 

 

Inaprubahan ng Valenzuela City Council ang Ordinance No. 1043, Series of 2022 on September 5, 2022 na pinamagatan “An Ordinance Providing for a One Time Fuel Subsidy to All Valenzuela City Franchised For-Hire Tricycles on Account of the Recent Unprecedented Increase of Fuel Prices, Providing for Funds Thereof and for Other Purposes, Subject to Existing Auditing and Accounting Rules and Regulation” na pinahihintulutan ang pagpapalabas ng Php 3,712,000 mula sa badyet ng lungsod upang maibsan ang krisis sa presyo ng gasolina sa bansa at naglalayong bigyan ng fuel subsidy voucher na nagkakahalaga ng Php 500 sa kabuuang 41 Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na binubuo ng 7,424 na tricycle for-hire sa lungsod, para tulungan sila sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa hindi inaasahang dahilan.

 

 

Dumalo rin sa event sina Congressman REX Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilors Mickey Pineda, Marlon Alejandrino, Gerald Galang, Chiqui Carreon, Niña Lopez, Louie Nolasco, Bimbo Dela Cruz, Ricarr Enriquez, Cris Feliciano, Ghogo Deato Lee, Liga ng mga Barangay President Councilor Jonjon Bartolome, and SK Federation President Councilor Goyong Serrano.

 

 

Pinangunahan din Mayor WES ang oath taking ng bagong Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) federation officers. (Richard Mesa)

VIP tickets ng EHeads concert, almost sold-out na: ALDEN, nire-request na ipag-produce din ang iba pang banda

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUNAY na tinututukan ang historical portal fantasy teleserye ng GMA na ‘Maria Clara At Ibarra’ dahil ultimo mga Grade 3 students ng isang paaralan sa Tarlac City ay kinagigiliwan ito.

 

 

Kung tutuusin ay hindi pa pinag-aaralan ng mga batang ito ang libro ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere, pero dahil sa teleserye na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo ay nagkakainteres sila sa istorya nito.

 

 

Kuwento nga nang nag-upload ng video na si Teacher Charlaine Sese ng Tibag Elementary School, imbes daw na maglaro ang mga students niya sa kanilang recess time, nanood ang mga ito ng Maria Clara At Ibarra sa classroom via YouTube.

 

 

“Narinig ko po kasi na may pinapanood sila sa TV then in-ask ko kung ‘Maria Clara at Ibarra’ ba? Then pinagbigyan ko po silang manood kasi may mga batang walang TV sa bahay.

 

 

“Although wala pa silang Noli Me Tangere, kahit papano nagkaka-idea na sila sa Noli. Ang dami nila tanong about sa past. Nakakatuwa lang po kasi seryoso silang nanonood talagang interested sila kaya vinideo ko po.”

 

 

Malaking tulong daw ang naturang series para mabuhay ang interes ng mga bata na mag-aral ng kasaysayan.

 

 

***

 

 

MUKHANG humirit pa ng Baby Number 5 si Iya Villania!

 

 

Sa naganap na Zoom mediacon para sa 4th season ng cooking show ‘Eat Well, Live Well, Stay Well’ natanong si Iya kung tapos na siya sa pagbubuntis at huli na ang pang-apat na baby nila ni Drew Arellano na si Astro.

 

 

Medyo nag-isip pa si Iya at natawa nang sabihing gusto pa niyang dagdagan ng isa ang apat nilang anak.

 

 

“Nandito na nga ulit ako sa stage na alam mo ‘yung parang ang cute nila masyado, ano, dagdagan pa natin? Nandiyan na naman ako, eh. Kasi si Astro, oh my goodness, he’s laughing now, he really smiles. Like kaninang umaga, 4 a.m., nagi­sing ako kasi ang daldal niya.

 

 

“So, ang saya lang. Ang saya lang dito sa bahay, especially si Drew kasi, nawala siya ng isang buwan. So, now that he’s back, feel na feel mo ‘yung how they missed Drew, and si Drew naman, sobra siyang naaaliw with in the one month that he’s away, how much Astro has grown and you know, how he can smile and how he can interact with you now. Ang saya lang.

 

 

“I know na ang dami na nila sa bahay. Kung makikita n’yo lang ang mga nangyayari dito sa bahay kapag sabay-sabay silang naglalaro. But I love watching them play, eat and sleep. Ang cute nilang apat kaya sinabi ko kay Drew, ‘Parang gusto ko pang dagdagan ng isa pa!’ tawa pa niya.

 

 

Thankful si Iya sa bagong season ang cooking show nila ni Chef Jose Sarasola dahil malapit na ang Pasko.

 

 

“I can’t believe na we are on our fourth year and even through the pandemic, hindi tumigil ang Ajinomoto to bring healthy dishes to every Filipino home. This season, it’s extra special kasi magpa-Pasko na at Bagong Taon, parating may kainan during this season, ‘di ba? Kaya me and Chef Jose will prepare healthy Noche Buena and Medya Noche meals for everybody. Magugulat kayo sa ihahanda namin kasi kahit kami ni Chef Jose, nagulat na puwede palang gawin ito and still be a healthy meal for the family.”

 

 

Bukod sa cooking show, mapapanood din si Iya sa Chika Minute segment ng ’24 Oras.’

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang isa sa naging controversial personality ng Oscar Awards na si Sacheen Littlefeather sa edad na 75 sa Marin County, California dahil sa sakit na cancer.

 

 

Si Sacheen ang Native American acitivist na pinakiusapan ng aktor na si Marlon Brando na magbasa ng kanyang statement on live TV dahil tinatanggihan niyang tanggapin ang Best Actor award para sa pelikula niyang ‘The Godfather’ in 1973.

 

 

Ang naturang statement ni Brando ay tungkol sa hindi magandang pagtrato ng Hollywood sa mga Native Americans sa US.

 

 

Bagama’t na-boo si Sacheen noong taong iyon, after 50 years ay nagpaabot ng apology ang Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa kanya last June. Sana raw ay may ginawa ang organization noon na maprotektahan at mapakinggan ang sasabihin niya.

 

 

Binigyan lang ng 60 seconds si Sacheen na basahin ang statement ni Brando. Heto ang kabuuan ng sinabi ni Sacheen: “He very regretfully cannot accept this very generous award. And the reasons for this being are the treatment of American Indians today by the film industry… and on television in movie re-runs, and also with recent happenings at Wounded Knee.”

 

 

Pinanganak si Sacheen bilang Marie Louise Cruz sa Salinas, California. In-adopt niya ang name na Sacheen Littlefeather pagkatapos siyang magkaroon ng interes sa issues ng Native Americans noong 1970.

 

 

Nakilala niya si Brando noong maging member si Sacheen ng Screen Actors Guild. Dalawang pelikula lang ang nagawa niya: The Trial of Billy Jack (1974) and Winterhawk (1975).

 

 

May isang documentary tungkol sa kanyang life and activism titled “Sacheen Breaking the Silence,” na ni-release noong 2021.

(RUEL J. MENDOZA)

“Person of interest’ sa pagpatay kay Percy Lapid slay, nakita sa CCTV footage — Abalos

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA  si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. sa publiko na magbigay ng impormasyon nang pagkakakilanlan ng  ‘person of interest’ sa pagpaslang sa broadcaster  na si Percival Mabasa,  o mas kilala bilang Percy Lapid.

 

 

Nahagip kasi ng closed-circuit television (CCTV) footage ang imahe ng nasabing mga  suspek.

 

 

Sa kasalukuyang pabuya na  P1.5 million cash reward, nakiusap si  Abalos sa publiko na kagyat na makipag-ugnayan sa  Philippine National Police (PNP) kung mayroon silang nalalaman sa pagkakakilanlan at  kung saan matatagpuan ang ‘killers’ ni Lapid.

 

 

Nauna rito, nag-presenta naman si Abalos ng blown-up photo  ng naturang ‘person of interest’ sa Percy Lapid slay na makikita sa CCTV footage nang magsagawa ng public appeal ang Kalihim.

 

 

“Napakaimportante nito. Importanteng maidentify natin ang taong ito. Ito po siya, pinalaki natin ito. Kitang kita ang larawn niya, ang itsura niya at alam naman ninyo na tayo ay nagbigay ng reward P500,000, galing sa akin at P1 million galing kay Alex Lopez (anak ni dating  Manila mayor Mel Lopez) at marami pang gustong tumulong,’’ ani Abalos.

 

 

Sinabihan naman ni Abalos  ang ‘person of interest’ sa CCTV footage na sumuko na sa mga awtoridad o ilagay sa panganib ang kanyang kaligtasan dahil may opsyon ang mastermind na kumuha sa kanya para patahimikin siya lalo pa’t lantad na sa publiko ang kanyang imahe.

 

 

“Ang pinakamagandang gawin mo, sumuko ka at pabayaan mo magtake over na ang kapulisan dito at dahil dito inuulit ko, any information on this napakaimportante sa ngayon,” wika ng Kalihim.

 

 

Samantala,  sinabi pa ni Abalos na wala ng mapupuntahan ang ‘person of interest’ dahil sa modern technology samahan pa ng pagsisikap ng mga police officers na matugis siya hindi lamang dito sa Kalakhang Maynila kundi maging sa kalapit na rehiyon.

 

 

“What I am talking about right now, it’s all regions in the Philippines. Kung saan man magtago ang taong ito nakakalat ito in social media. With the technology, lahat, every record. Hindi pa ‘yun, may NBI (National Bureau of Investigation) ka pa. Even, NBI itself is already investigating,” aniya pa rin.

 

 

Bukod sa  puwersa ng kapulisan at modern technology, malaki rin aniya ang magagawa at tulong ng suporta mula sa publiko. (Daris Jose)

Panawagang pagkuha ng drug tests sa showbiz industry, public servants, pinapurihan

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPURIHAN  ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Senador Robinhood Padilla sa panawagan nito sa lahat ng government officials at employees, maging mga kasamahan sa showbiz industry na sumailalim sa drug tests, bilang magandang halimbawa sa publiko.

 

 

“Atin pong pinupuri si Sen. Padilla sa kanyang position na dapat maprotektahan ang mga Filipino, mga opisyal at kawani ng pamahalaan, kasama na ang kanyang mga fellow workers sa showbiz industry, sa mga masasamang epekto ng illegal na droga,” anang mambabatas.

 

 

Sa kanyang kampanya kontra droga, naghain ng resolusyon si Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, para sa pagsasailalim sa mga miyembro ng Kamara sa mandatory drug test bago ito maupo sa puwesto at gagawin kada taon.

 

 

Ang kabiguan na sumunod dito ay magsisilbing batayan para huwag ibigay o i-withhold ang sahod at benepisyo at karagdagang parusa sa ilalim ng civil service laws and rules.

 

 

Sinabi ng mambabatas na ang pagkaka-aresto ng isang actor sa ginanap na drug-buy bust operation ang dahilan kung bakit nanawagan ito sa lahat ng Filipino movie production outfits, director at talent agents na isailalim ang mga artistang nasa kanilang pangangalaga sa drug testing bago agbigya ng kanilang professional services.

 

 

“Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga,” pahayag nito.

 

 

“Kaya hinihiling at hinihikayat ko ang hanay ng ating showbiz industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police ng kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng project,” dagdag ni Barbers. (Ara Romero)

2 Comelec commissioners, pinangalanan na ni PBBM

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang komisyonado ng  Commission on Elections (Comelec)  sa katauhan nina Atty. Ernesto Maceda Jr. at reappointed engineer Nelson Celis.

 

 

Tinintahan ni Pangulong Marcos ang apppointment papers nina Maceda at Celis noong Oktubre  3.

 

 

Si Celis  ay reappointed matapos na ma-bypassed ng   Commission on Appointments (CA) ang kanyang   ad interim appointment noong Setyembre 28  dahil sa kakulangan ng oras.

 

 

Pinalitan ni Celis si Aimee Torrefranca-Neri na nabigo namang masungkit ang matamis na “Oo” ng CA noong Hunyo.

 

 

Sa kabilang dako, pinalitan naman ni Maceda si George Erwin Garcia, kasalukuyan namang nagsisilbi bilang chairperson ng poll body.

 

 

Nakatakda namang mag-expire ang termino nina Celis at Maceda sa Pebrero 2, 2029, base sa kanilang appointment papers.

 

 

Welcome naman sa Comelec ang pagkakatalaga nina Celis at Maceda at maging bahagi ng seven-member en banc ng komisyon.

 

 

“They’ll have their Oath before Chairman (George) Garcia on Monday, with their formal assumption to office to follow,” ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

 

 

Maliban kay Garcia, ang en banc ay binubuo nina  Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.

 

 

“We sincerely believe that his expertise and long experience in Information Technology will immensely benefit the Comelec and further enhance the automation of the electoral processes. With his reappointment, we look forward to continuing the great relations in the Commission that he had already established following his previous appointment,” ayon kay Laudiangco.

 

 

Labis namang ikinatuwa ni Maceda ang pagkakatalaga niya sa  Comelec.

 

 

“I am humbled to be entrusted with the crucial duties and responsibilities of the Office of the Commissioner. The first principle of democracy is that sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them. As guardian of the sovereign will, the Commission on Elections fulfills this task by ensuring that the electoral process is free, fair, credible and honest, orderly and peaceful, informed and meaningful,” ani Maceda. (Daris Jose)

Apela ni Fernando sa mga kontratista: “Ibahin hindi lang isa kundi lahat ng anim na rubber gates ng Bustos Dam”

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Sa kanyang pulong kamakailan kasama ang National Irrigation Administration, muling sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang hiling sa mga kontratista ng Bustos Dam na huwag lamang kumpunihin ang nasirang rubber gates sa Bay 5 kundi palitan ito ng anim na bago at may mataas na kalidad ng materyales.

 

 

“Dapat lamang palitan ang lahat ng rubber gate sapagkat hindi nasunod ang specification ayon sa nagpakasunduang materyales tulad ng nakasaad sa kontrata ng NIA. Bakit naman po mababang kalidad ng mga materyales ang ginamit sa rehabilitasyon ng Bustos Dam sa kabila ng malaking pondong inilaan dito?” ani Fernando.

 

 

Inihayag pa niya na noong bumagsak ang mga rubber bladder sa kwalipikasyon ng third-party testing ng isang kumpanyang Australyano, lalo nitong pinatunayan na mababa at kulang ang kalidad ng mga materyales na ginamit.

 

 

Tinawag ni Fernando ang sitwasyon bilang “an accident waiting to happen” bilang pagsasaalang-alang sa mga pag-aaral at ulat na nagpapakita na libong buhay at bilyong piso ang nakataya dito.

 

 

Idineklara ng gobernador ang kasalukuyang kondisyon ng Bustos Dam na kahalintulad sa sanhi ng kamatayan ng limang tauhan ng Bulacan Rescue sa San Miguel na ayon sa police report ay “nalunod sila nang bumigay ang pader na nagpakawala ng rumaragasang tubig”.

 

 

“Hindi po ako titigil hangga’t hindi natitiyak ang mga maliwanag at konkretong hakbang upang mabilisan at permanenteng masolusyunan ang problema na ito. Gusto kong makatiyak na ang Bustos Dam, at ang lahat na ating dam sa lalawigan ay nakatutugon sa mahigpit na pamantayan ng kaligtasan,” dagdag pa niya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, tinipon ang ‘functional’ gov’t sa kanyang first 100 days

Posted on: October 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na matagumpay niyang napagsama-sama ang “functional government” na kinabibilangan ng “best and the brightest Cabinet members” sa kanyang first 100 days sa tanggapan.

 

 

“I think what we have managed to do in the first 100 days is put together a government that is functional and which has a very, very good idea of what we are targeting in terms of strict economic targets for example, in terms of the numbers of growth, the numbers of our different measures, the different metrics that we are using for the economy,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang press conference  sa idinaos na  President’s Night na inorganisa ng Manila Overseas Press Club sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City, araw ng Miyerkules.

 

 

Labis namang nagpapasalamat si Pangulong Marcos  sa mga miyembro ng kanyang gabinete partikular na sa kanyang economic managers, para sa kanilang pagsisikap na isaayos  ang mga plano  na  “transform” ang  post-pandemic economy.

 

 

Bilang Pangulo, inamin nito na “concerned” siya hinggil sa  “only doing the bare minimum, but instead managed to “galvanize” the government by reminding them of the urgency of working for the betterment of the nation and country.”

 

 

“I think all of those at least in the higher positions in government and even slowly it’s filtering down to the rank and file are beginning to feel that there is a point to government, there is something that we need to be doing,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos, ang kanyang unang 50 hanggang  100 araw sa gobyerno nay nakatuon sa “putting out fires”.

 

 

Tinukoy ang iba’t ibang problema sa agriculture sector  gaya ng asukal at  fertilizer supply.

 

 

Sa ngayon, prayoridad ng administrasyong Marcos na  siguraduhin ang food sufficiency at post-pandemic growth.

 

 

Sa kamakailan lamang na state visit ng Pangulo sa Indonesia at Singapore, pinromote ng administrasyong Marcos ang  agricultural cooperation at hinikayat ang trade investment sa key sectors.

 

 

Aniya, patuloy naman siyang nagbibigay ng production inputs sa mga magsasaka at mangingisda gaya ng high-quality seeds at fertilizers, at maging ang post-harvest machinery and facilities, kabilang na ang trucks, dryers, at mills, na makatutulong sa kanilang productivity.

 

 

Hinggil naman sa usapin ng engagements, sinabi ni Pangulong Marcos ang “renewing and forging contracts” sa mga bansang nabisita na niya sa kanyang first  100 days ng kanyang pagiging Pangulo.

 

 

“The nice thing is the Philippines has many friends around the world and these contracts and friendships we have been able to renew,” aniya pa rin.

 

 

Ipinagmalaki  naman ng Pangulo na ipinakita niya sa buong mundo na ang Pilipinas ay “standing on its own two feet” sa kanyang debut sa international stage — ang kanyang naging pagdalo sa  77th session  ng  United Nations General Assembly (UNGA) in New York.

 

 

“We have been able to show that the Philippines is standing on its feet, the Philippines continues to have its aspirations and its dreams, and we are willing to do our part in making those dreams come true…Partnerships once again are going to be important and we invite you to join us,”  aniya.

 

 

Inilarawan niya ang kamakailan lamang niyang engagements sa ibang bansa bilang “coming out party” para sa Pilipinas.

 

 

“This is the coming out party for the Philippines and we are able to explain what the Philippines is now, this is what the Philippines looks after two and a half years of crisis, this is what the Philippines is doing, and this is how we can help each other because not any one country is going to manage this transformation by themselves and we would need each other’s help,” wika pa nito.

 

 

Nakatakda namang opisyal na magmarka ang first 100 days ng administrasyong Marcos kahapon Oktubre 9. (Daris Jose)