KINUMPIRMA ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kustodiya nila ang isa pang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bantay-sarado na nila ito.
Ayon kay BJMP chief Director Allan Iral, naka-isolate na sa isang jail facility sa Metro Manila ang middleman na may drug charges para na rin sa seguridad nito. Tiniyak ni Iral na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon ng PNP at sisiguraduhin na ligtas ang middleman.
“Yes nasa atin yong isa, kaya pinapabantayan ni SILG,” ani Iral sa isang text message.
Una nang sinabi ni Southern Police District Director Brig. Gen. Kirby John Kraft na si Christopher Bacoto o Jerry Sandoval ay nasa BJMP.
Tulad ni Bacoto, si Crisanto Villamor ang middleman na kumontak kay Escorial upang patayin si Lapid noong Oktubre 3 sa Las Piñas.
Samantala, inatasan ni Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang PNP sa pag-secure kay Escorial gayundin sa BJMP kay Bacoto.
Ayon kay Abalos, ang pagkamatay ni Villamor ay indikasyon na mas dapat pang tutukan at busisiin ng PNP ang mga ebidensiya upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lapid at matukoy ang mastermind.
Hindi rin naitago ni Abalos ang kanyang galit at panghihinayang nang malamang namatay ang middleman na si Villamor. Aniya, may ginagawang autopsy kay Villamor kaya sakaling may foul play, kailangang may managot.
Oktubre 18 nang sumuko at umamin si Escorial ng pagpatay kay Lapid. Subalit makalipas ang ilang oras ay namatay umano si Villamor sa loob ng New Bilibid Prison.
Ang misteryosong pagkamatay naman ni Villamor ang naging basehan ni Justice Secretary Crispin Remulla upang patawan ng suspensiyon si Bureau of Corrections (BuCor) head Director General Gerald Quitaleg Bantag. (Daris Jose)
NAGBABALIK na nga ang face-to-face event kaya gusto ng event organizer/producer na si Marc Cubales na unang mag-set ng trend upang makabuo ng exciting at memorable event para sa mga wannabe models at beauty pageant contestant.
NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of immigration sa lahat ng dayuhan na huwag makipagtransaksyon sa serbisyo ng mga “fixers” sa pagpro-proseso ng kanilang mga dokumento.
EXCITED na ang mga netizens na mapanood ang “Mano Po Legacy, The Flower Sisters” na magiging tampok sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at si Angel Guardian as the Chua sisters.
The Black Phone
TATANGGAPIN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang printed digital version ng PhilSys ID o mas kilala sa tawag na national ID, bilang valid identification card para sa mga aplikante ng pasaporte.
Sinabi pa ni Herlene na magta-Tagalog daw siya sa mga gagawing interviews sa kanya sa naturang pageant.
SINABI ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na “strongly committed” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na proteksyonan at iligtas ang mga miyembro ng mga mamahayag sa bansa.
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council (PSAC), araw ng Biyernes para talakayin ang rekomendasyon na naglalayong itaas ang local food production at suplay.