• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 10th, 2022

MOU para i-to develop ang New Clark City kabilang sa tinintahan ng Pinas, Singapore

Posted on: September 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAPWA pinirmahan ng Pilipinas at Singapore ang iba’t ibang  memoranda of understanding (MOU) at agreements sa isinagawang state visit  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore.

 

 

Maliban sa MOU sa digital cooperation, data protection at recruitment ng mga  Filipino healthcare workers, ang iba pang kasunduan na nilagdaan ay ang kolaborasyon ng  “business opportunities” para sa development ng New Clark City  at maging ang water collaboration.

 

 

Kabilang sa kasunduan ay ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT)  ng Pilipinas at  Ministry of Communications and  Information ng Singapore sa larangan ng  digital cooperation; at

 

 

– Joint Communiqué sa pagitan ng  Department of Migrant Workers ng Pilipinas  at Ministry of Health ng  Singapore hinggil sa recruitment ng  Filipino healthcare workers.

 

 

May apat na MOU din ang tinintahan gaya ng Memorandum of Understanding on Cooperation in Personal Data Protection sa pagitan ng  National Privacy Commission ng PIlipinas at Personal Data Protection Commission ng Singapore; Memorandum of Understanding sa pagitan ng  Bases Conversion and Development Authority ng Pilipinas at  at Enterprise Singapore para sa Singapore at ang Pilipinas na makipag-collaborate  sa  business opportunities sa development ng New Clark City;

 

 

– Memorandum of Understanding sa pagitan ng   Metropolitan Waterworks and Sewerage System ng PIlipinas at  Public Utilities Board ng Singapore pagdating sa water collaboration; at – Arrangements o pagsasa-ayos  sa pagitan ng  Singapore Armed Forces at Armed Forces of the Philippines na may kinalaman naman sa asignasyon o pagtotoka  ng team sa Regional Counterterrorism Information Facility sa Singapore. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Sindikato sa text scam, tatalupan ng PNP

Posted on: September 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi magtatagal at matatalupan na nila ang grupo o sindikato na nasa likod ng naglipanang text scam sa bansa.

 

 

Ang paniniyak ay ginawa ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo bilang tugon sa dumara­ming reklamo ng mga text messages mula sa hindi pa natutukoy na grupo.

 

 

Sinabi ni Fajardo na kumikilos na ang Anti-Cybercrime Group ng PNP para matukoy ang utak ng text blast.

 

 

Bukod sa pagpapa­lakas ng kanilang cyber patrolling, nag-apply na rin aniya ang ACG ng cyber warrant sa korte para pahintulutan itong buksan ang mga numero sa naglipanang text scam.

 

 

Aminado ang PNP na nakaka-alarma ang nangyayaring text blast dahil personalized na o tukoy ng sender ang pangalan ng mga pagdadalhan nito ng isang link.

 

 

Hinala ni Fajardo, posibleng organized group ang utak ng text scam na layuning manloko at manamantala.

 

 

Samantala, dismayado si Sen. Grace Poe, sa National Telecommunications Commission (NTC) sa harap ng talamak na mga text spams at text scams na bumibiktima sa milyun-milyong gumagamit ng mobile phones.

 

 

Sa pagdinig ng Se­nate Committee on Public Services sa subscriber identity module (SIM) card registration, sinabi ni Poe na lumilitaw na ang tanging ginagawa lang ng NTC ay sabihan ang mga telcos na maglabas ng mga babala laban sa mga scam.

 

 

“Anong ginagawa mo, wala ka bang complaint hot­lines? May nahuli ka ba?” tanong ni Poe kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

 

 

Tumugon si Cordoba, sinabing ang hotline ay nasa website ng NTC.

 

 

“Hindi mo kabisado ang hotline number n’yo? Kung hindi mo alam ang hotline number n’yo, kami pa kaya. I’m very disappointed. If you were really serious about this issue, this would be at the top of your head at talagang sasabihin mo sa publiko na ito ang numero na maaari mong tawagan at i-text,” ani Poe.

 

 

Ang hotline na ito ay 896 67722 (OSPAC); 892- 04464 at 891-3251

 

 

Nadismaya rin si Poe nang sabihin ng NTC na para sa taong 2022, nasa 800 mensahe lamang ang hinarang ng ahensya.

 

 

“We blocked the 800. We were not able to trace the numbers. We blocked them through the telcos,” ani Cordoba.

 

 

“Ilan ba ang may cellphone, around 100 million; 800 lang ang na-block. This is so tragic,” sagot ng senador.

 

 

Bukod sa scamming, sinabi ni Poe na ang mga telepono ay ginagamit din sa mga aktibidad ng terorista, pagpapakalat ng fake news, trolls, cyberbullying at iba pang uri ng pandaraya tulad ng phising kaya kailangan na ang pagpaparehistro ng mga SIM card. (Daris Jose)