• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 8th, 2022

Ads September 8, 2022

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Tanong ng netizen, ‘Bahay nyo ni Belle?’: DONNY, nagpapatayo na ng ‘dream house’ sa edad na 24

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Donny Pangilinan, flinex niya ang pinatatayong dream house na may caption na, “Almost there!! 🙏🏼🏠 #casadonato.”

 

 

Nakatutuwa at sobrang nakaka-inspire na sa edad niyang 24 at nagpapatayo na siya ng sariling bahay.

 

 

Bakit nga ba hindi, maituturing nga na si Donny at ka-loveteam na Belle Mariano na ‘pandemic superstars’ dahil sa successful na series na ‘He’s Into Her’?

 

 

Una namang nagbida ang DonBelle sa rom-com na ‘Love Is Color Blind’ at soon mapapanood na sila sa big screen sa pagbabalik ng Star Cinema (first film nila for 2022), ang ‘An Inconvenient Love’.

 

 

Bukod pa kabi-kabila na rin ang endorsements at tvc’s ng magka-loveteam, dahil sa kasikatan nila ngayon, kaya pinagkakatiwalaan lalo ng mga big companies. Kaya afford talaga niya magpatayo ng bahay, sa rami ng kanyang kinikita ngayon.

 

 

Comment naman ng mag-amang Gary at Gab Valenciano sa post, “Happy for you Donny” at “Proud of you cuz.”

 

 

Say naman ni Bianca Gonzales, “Amazing, congratulations!!”

 

 

“Niceee broooo invite me ah,” comment ni Daniel Matsunaga.

 

 

“Congrats mannnn!!!” sabi ni Richard Juan.

 

 

Marami pang celebrities ang nag-comment at natuwa sa achievement na ito ni Donny.

 

 

May netizen naman ang hindi nakatiis na magtanong ng, “Bahay nyo ni belle? 😍” at may sumagot na, ‘oo raw’.

 

 

At hirit naman ng isa, “Asawa na lang kulang dons.”

 

 

May nag-comment din na overrated actor daw si Donny na ipinagtanggol naman ng mga followers niya…

 

 

“Aside from being an actor, he’s also a business man. Di lang niya fineflex.”

 

 

“I hope you take time to watch his recent projects. He has improved a lot sa acting. Donny can sing and dance, too. After all he is a Pangilinan and music is in their genes.”

 

 

“As for looks, are you really sure na hindi sya kagwapuhan? Sorry I have to disagree. He is a good looking guy.”

 

 

“Malakas dating nya for me at may ibubuga nman sa acting tsaka ang dami dami dami nilang fans natural lang malaki bayad. Ganon talaga.”

 

 

“Bata pa kasi at medyo skinny pa at his age. But he is starting to fill out and getting buffed, ganda pa ng height. He is going to be one good looking guy.”

 

 

Say naman ng bashers, “Almost there kahit wala pang bubong. Ka turn off naman pa-humble brag nito.”

 

 

“True dzai! Yan pala ang almost there nya hahah baka titira na sya dyan next week haha.”

 

 

Kaya sagot ng mga netizens na hangang-hanga sa pinost ni Donny…

 

 

“Ay hala inggit yarn hahaha.”

 

 

“Almost there could mean a lot of things. Almost there matutupad na nya pangarap nya, almost there pinalalakas nya loob nya. Kayo kaya, kelan kaya kayo almost there sa kabaitan at bawas sa pagpintas sa kapwa? Sana almost there na din. Lol.”

 

 

“He is far from humble bragging kagaya ng sinasabi nila. Sana before we judge others alam natin ang background story.”

 

 

“This is actually a beach house. His dream personal project. He has other properties but bought them na built na.”

 

 

“Not to brag but to inspire. Work smarter & invest wisely. Nakaka-happy seeing fulfillment of your dream house. May your dream house come true, ka-Maritess! The goal is to be rich not to be a bardagulera, eme.. yun ang chaka.”

 

 

Dagdag paghanga pa nila sa binata…

 

 

“What an achievement at 24! Kudos!”

 

 

“I like this guy. Marunong humawak ng pera.”

 

 

“Congratulations Donny!”

 

 

“Go Dons! You’re so blessed because you’re a good person!”

 

 

“At his age wise ang ginagawa niyang investment which is real estate.”

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Fernando, nag-inspeksyon sa iligal na quarry operation sa bayan ng Santa Maria

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ng biglaang inspeksyon si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Bulacan Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Atty. Julius Victor Degala at Police Major June Tabigo-on ng Philippine National Police sa illegal quarrying operation sa Sitio Alimasag, Brgy.Camangyanan, Santa Maria, Bulacan kaninang umaga.

 

 

Sa isang operasyon na pinangunahan ng BENRO at CIDG noong nakaraang Biyernes ng hapon, agad na nahuli ang limang illegal miners na residente rin ng Sitio Alimasag at kasalukuyang humaharap sa tatlong kaso kabilang na ang mineral Theft sa ilalim ng Republic Act 7942, Section 103; Section 71-A ng Provincial Ordinance C-005 o ang Environmental Code ng Lalawigan ng Bulacan at ang bago lamang na Executive Order No. 21 Series of 2022 na pansamantalang nagsususpindi ng quarrying activities.

 

 

Ipinaliwanag rin Fernando na ang nasabing lugar ng quarry, na ilan taon nang nagsasagawa ng operasyon, ay dating sakahan kung saan nadiskubre ng mga residente na ang ilalim nito ay volcanic tuff na kilala bilang escombro o “bulik” na isang magandang uri ng mineral na kadalasang ginagamit sa landscape gardening na nagkakahalaga ng P150-P600 bawat bloke.

 

 

Bukod pa rito, nadiskubre rin ng roving team ang isang exhausted quarry area na puno nan g tubig-ulan na may lalim na higit pa sa sampung talampakan na maaaring magdulot ng panganib sa mga residenteng nakatira malapit doon.

 

 

Sinabi rin ni Fernando na makikipag-ugnayan sila sa lokal na pamahalaan tungkol sa naturang quarrying activity.

 

 

“Ito pong inspeksyon ay bunga ng patuloy nating laban kontra illegal quarrying. Ayon po sa ating BENRO, mayroon nang tatlo o apat na iligal na nahukay na sa lugar na ito at ‘yung isang butas ay iniwan na lang nila at may tubig na. So hindi po tama ang nangyayari; sisiguraduhin po natin kung ito ay alam ng local government and I think, kinakailangan mag-usap kami tungkol dito,” ani Fernando.

 

 

Nakiusap rin siya sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nasa industriya ng pagmimina na sumunod sa mga regulasyon at magsagawa ng opersyong ligal na may permit.

 

 

“Sa totoo lang po, maraming kababayan natin ang naghihirap at nangangailangan ng tulong. Hindi lang dapat ito pangsariling kapakanan at dapat ilagay sa tamang proseso; hindi sa iligal na bagay. Sapagkat ang kalikasan po ay dapat nating pangalagaan dahil balang araw ay tayo rin ang sisingilin dito. Patuloy po nating lalabanan ang mga illegal quarry dahil ito ay para sa kapakanan din ng ating kapwa Bulakenyo,” dagdag pa ng gobernador.

 

 

Sinabi rin ni Fernando sa isinagawang panayam na ang mga iligal na nagmimina ay gumagamit ng manual tools sa pagkuha ng mga mineral upang mabawasan ang ingay sa operasyon.

 

 

Sa direktiba ng gobernador, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng BENRO ng imbestigasyon tungkol sa mga iligal na aktibidad na may kinalaman sa nabanggit na kaso. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, pinag-iisipan na gayahin ang state-run mall ng Indonesia para sa Pinas

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IISIPAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na magtayo ng state-run malls sa PIlipinas.

 

 

Layunin nito na i-promote ang micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs) at lokal na produkto.

 

 

Sumagi sa isipan ni Pangulong Marcos ang nasabing ideya matapos na bigyan siya ni Indonesian President Joko Widodo ng tour sa isang mall na pinatatakbo ng Indonesian government.

 

 

Hindi naman binanggit ng Punong Ehekutibo ang pangalan ng nasabing mall.

 

 

“Last night, suddenly he invited us to see – to go to a mall…‘Yun pala, ‘yung mall na pinakita sa amin, gobyerno ang may-ari at saka ang produktong pinagbibili doon sa loob ng mall, lahat local, lahat MSMEs, lahat maliliit ,” ang wika ni Pangulong Marcos sa press briefing sa Fairmont Hotel saJakarta bago pa lumipad patungong Singapore.

 

 

Ani Pangulong Marcos, nais niyang gayahin ang state-owned mall na magko-complement sa One Town, One Product (OTOP) program ng Pilipinas para sa MSMEs na naglalayong isulong ang inclusive local economic growth.

 

 

“Sabi ko, baka pwede natin gawin sa Pilipinas …We had a very good exchange of ideas. Sabi ko naman sa Pilipinas, ganito ginagawa namin . I was describing ‘yung OTOP, ‘yung One Town, One Product. Sabi ko, pero maliliit. So kailangan turuan,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ani Pangulong Marcos, welcome kay Widodo ang nasabing panukala lalo pa’t ang dalawang bansa ay maraming pagkakahalintulad sa karanasan sa  MSMEs.

 

 

“Nag-agree na naman kami. Sabi niya, oo, kailangan natin turuan ‘yung packaging, ‘yung market, kung ano ‘yung hinahanap sa merkado , how do you business plan, ‘yung mga ganung klaseng bagay ,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, tinatayang may kabuuang 957,620 business enterprises ang nago-operate sa bansa. Sa nasabing  bilang, 952,969 o 99.51% ang MSMEs at 4,651 o 0.49% naman ang large enterprises, ayon sa data mula sa Department of Trade and Industry.

 

 

Samantala, masigasig naman ang mga Indonesian investors na magsimula ng kanilang negosyo sa Pilipinas.

 

 

“All of them are very enthusiastic. Sabi nila hindi – we haven’t been able to come into the Philippines properly, because nung pinaplano nila, nag-pandemic, kung ano na nangyari ,” aniya pa rin.

 

 

Nangako rin aniya ang mga ito na palalawigin ang kanilang “involvement” sa mga pamumuhunan sa bansa.

 

 

“They all committed naman to… Many of them are already actually involved in the Philippines. So sabi nila palalakihin nila ‘yung kanilang involvement. Gusto nila mag-expand,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ayon sa Punong Ehekutbo, ang talakayan na may kinalaman sa public-private partnerships (PPPs) agreements ay itinuturing na “most extensive.”

 

 

“I think the most extensive subject matter was in fact, PPP. Because nandito talaga tayo para i-encourage ‘yung PPPs with the Philippine government. But not only the Philippine government. Bukod sa PPP, pinag-usapan namin ‘yung mga joint venture ng mga negosyante dito. Pupunta sila sa Pilipinas, ang negosyanteng Pilipino pupunta rito sa Indonesia para makapag-joint venture , but also with the government, the PPPs with the government,” anito.

 

 

Samantala, nagsimulang sumipa ang “productive” inaugural state visit sa Indonesia, araw ng Linggo sa pamamagitan ng pagbisita sa Filipino community sa Jakarta.

 

 

Si Pangulong Marcos at ang kanyang delegasyon ay nagdaos  naman ng bilateral meeting kasama ang mga Indonesian officials at isang roundtable discussion kasama ang Indonesian business leaders at  investors. (Daris Jose)

‘Outstanding Asian Star Prize’ sa 17th SDA: BELLE, tinalo si DONNY at mga kapwa-ABS-CBN artists

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WE don’t say no to our mentors, lalo na kung ang mentor is someone like Chito S. Rono.

 

Kaya sure kami na yes agad ang naging sagot ng award-winning actor na si Christian Bables kay direk Chito nang alukin siya to play a role sa ABS-CBN remake ng classic Pinoy superhero character na si ‘Darna.’

 

Christian holds Direk Chito in high esteem. Siya lang naman ang naging director niya sa award-winning movie na ‘Signal Rock’ noong 2018.

 

Ito ang follow-up ni Christian sa award-winning performance niya sa ‘Die Beautiful’ for which he won Best Supporting Actor trophies mula sa Metro Manila Film Festival, Gawad Urian at Luna Awards.

 

Besides, it is an honor na maging bahagi ng remake ng ‘Darna’ na, kahit na matagal ang ipinaghintay, ay worth the long wait dahil maganda ang serye at mataas ang production values.

 

Sa ‘Darna’ ay ipinakita na ang karakter ni Christian na lumulusot siya sa dingding at may hawak siyang syringe nang pumasok siya sa isang ospital.

 

Siya ang bagong “extra” na makakalaban ni Darna.

 

For sure, ikininatuwa ni Christian na nagkaroon ng role sa ‘Darna.’

 

 

***

 

 

TIYAK na masaya ang followers ni Belle Mariano dahil kapapanalo lang ng dalaga ng Outstanding Asian Star Prize sa 2022 Seoul International Drama Awards (SDA).

 

 

Tinalo ng bida ng ‘He’s Into Her’ ang 175 na male and female stars na nag-compete for the award, ayon sa Star Magic, ang kanyang talent agency. Mariano is among the five honorees from the region.

 

 

Kabilang sa mga tinalo ni Bella ay kapwa niya ABS-CBN artists na sina Donny Pangilinan (ang kanyang screen partner), Charlie Dizon, Dimples Romana, Jake Cuenca, Maris Racal, Karla Estrada at Zanjoe Marudo.

 

 

Bagong career milestone kay Belle ang panalo bilang Outstanding Asian Star. Bukod sa ‘He’s Into Her’, lumabas din siya sa ‘Love Is Color Blind’ at naglabas ng debut album titled ‘Daylight’ at nagkaroon ng solo concert.

 

 

Kabilang sa dating winners ng Asian Star prize sa SDA ang mga Kapuso actors na sina Alden Richards noong 2019 at Dingdong Dantes noong 2020.

 

 

Ang mga 2022 honorees ay gagawaran ng parangal sa 17th Seoul Drama Awards ceremony sa South Korean capital sa September 22.

 

 

Founded in 2006, ang SDA ay sinasabing bukod tanging international drama festival sa South Korea that puts the spotlight on drama trends across the globe.

 

 

(RICKY CALDERON)

Expired na booster, itinanggi ng DOH

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ng Department of Health (DOH) na mayroon ng mga nag-expire na mga booster shots  na ginagamit sa kasalukuyang ‘vaccination campaign’ ng pamahalaan.

 

 

“There is no truth that what we are distributing as booster shots are expired,” giit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

 

 

Ipinaliwanag ni Vergeire na may ‘extended shelf life’ ang mga booster shot na ipinapaliwanag nila sa mga babakunahan bago iturok sa kanila.

 

 

Kapag malapit na umanong mag-expire ang bakuna ay nakikipag-ugnayan sila sa Food and Drug Administration para makipag-coordinate naman sila sa mga manufacturers para mabatid ang ‘extended shelf life’ nito.

 

 

Sumasailalim din umano sa ‘stability study’ ang mga ‘expired’ nang bakuna. Ito ay para mabatid ang ‘long term quality’ ng produkto.

 

 

Ang mga ‘vials’ na may ‘extended life’ ay hindi lamang umano nalagyan ng tamang ‘label’ na mayroon pa ring nakalagay na ‘expiration date’.

 

 

Hindi naman umano maisauli ng DOH ang mga vaccine vials sa mga manufacturers dahil ilan sa mga ito ay tumigil na sa pag-manufacture ng bakuna.

 

 

Sa pinakahuling datos, halos 76 milyong Filipino na ang nabakunahan ng ‘primary series’, habang higit 18 milyon ang nakatanggap ng unang booster shot.

PBBM, pinasalamatan ang mga Pinoy sa Singapore

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino sa Singapore sa kanilang nag-uumapaw na suporta sa nakalipas na May 9 national elections. 

 

Nakuha ni Pangulong Marcos ang mahigit sa 36,000 boto ng mga Filipino workers sa Singapore o tatlong beses na kalamangan sa kanyang katunggaling si dating Vice President Leni Robredo.

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 1,500 Filipino sa  Ho Bee Auditorium ng National University of Singapore, sinabi ni Pangulong Marcos  na ang mga filipino sa Singapore ang pinagmulan ng “second highest voter turnout” para sa  overseas automated voting sa  Asia Pacific at  “third highest” sa buong mundo.

 

“Yung performance ng eleksyon ang pinakamataas na nakita ng embassy na recorded since overseas voting began in 2004. Muli, maraming salamat po,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang tallumpati.

 

 

“Kahit na gusto namin kayong puntahan ay hindi pa kami pinapayagan. Pero ngayon, ito na ang ating pagkakataon. Kaya nga sabi ko dito sa halalan na ito, nabaliktad ang proseso. Nauna ang boto sa kampanya, nahuli yung kampanya. Pero since kampanya ito wag nyong kalimutan iboto ninyo Bongbong at Sara, ha,” ayon sa Pangulo.

 

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga Filipino dahil sa ginagawang magandang impresyon sa Singaporeans dahil sa kanilang “skills at hard work.”

 

“Kayo lahat ay ambassador ng Pilipinas at talaga sa pagka ambassador ninyo ng Pilipinas ay ginagawa ninyo at binibigyan ninyo ng dangal ang Pilipinas ,” aniya pa rin.

 

Nangako naman ito na ipaprayoridad ang kapakanan at proteksyon ng mga Filipino sa Singapore at kanilang pamilya sa pamamagitan ng  pagbibigay ng tulong, scholarships, at healthcare sa tulong ng embahada doon at ahensiya ng gobyerno ng  Department of Migrant Workers.

 

Batid naman ng Chief Exeuctive na mahirap sa mga  Filipino na mawalay sa kanilang mga pamilya. Pinuri naman niya ang mga ito dahil napapanatili ang “positive attitude” sa kabila ng mga  paghihirap.

 

“Being in another country far away from your loved ones is not easy pero matibay ang Filipino . You can withstand hardships by wearing the most beautiful of smiles,” ayon sa Pangulo.

 

Bilang bahagi ng kanyang pangako na bigyan ng maayos na buhay ang mga  Filipino, nangako ang Punong Ehekutibo na magbibigay siya ng mas maraming oportunidad sa Pilipinas.

 

“Hanggang dumating ang araw na kumpleto na ang trabaho sa Pilipinas ay meron pa tayong pagkakataon na ipakita ang galing, husay, sipag at bait ng ating mga overseas workers,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, tinatayang may 200,000 Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Singapore.

 

Sa nasabing pigura, 58% ang registered  bilang professionals at skilled workers, habang 42% naman ang  household service workers. (Daris Jose)

Resulta ng pagbisita sa Indonesia, lagpas pa sa inaasahan – PBBM

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING mas produktibo kumpara sa inasahan ni Pangulong Ferdinad Marcos Jr., ang kanyang kauna – unahang State Visit sa Indonesia.

 

 

Sa ginawang ulat pangulo bago tumulak patungong Singapore, sinabi nito na mayroong mga diskusyon ang natalakay na wala sa plano, at mayroong mga aktibidad ang nagawa kahit wala sa schedule.

 

 

Una dito iniulat ng presidente ang pagbubukas ni Indonesian President Joko Widodo sa usapin kaugnay sa Myanmar, pinag-usapan aniya nila kung ano ang dapat gawin ng ASEAN, kaugnay sa sitwasyon sa naturang bansa.

 

 

Binuksan din ng pangulo ang isyu sa kalakalan, partikular iyong suporta ng Indonesia sa enerhiya ng bansa.

 

 

Sabi kasi ng pangulo mayroong trade imbalance sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia, kayat kailangan aniya na humanap ng paraan upang manbago ito.

 

 

Bandang ala-1:00 ng hapon nang dumating ang pangulong Marcos, kasama ang kaniyang deligasyon sa Singapore.

 

 

Ganap na alas-2:00 ng hapon nang buksan ang UCC Ho Bee Auditorium para sa mga Pinoy na dadalo sa meeting with the president.

 

 

Pasado alas-6:00 ng gabi nang dumating ang presidente para sa kanyang talumpati. (Daris Jose)

Christian Bale Is Wrongfully Accused Of Murder In ‘Amsterdam’ Trailer / ‘Winnie The Pooh: Blood and Honey’ Trailer Unveils Icons on a Killing Spree

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A new trailer for David O. Russell’s highly anticipated comedy mystery film, Amsterdam, has arrived.

 

 

Written and directed by Russell (The Fighter, American Hustle), the film tells the story of three friends, a doctor named Burt (Christian Bale), a nurse named Valerie (Margot Robbie) and an attorney named Harold (John David Washington), who each become prime suspects in a 1930s murder investigation.

 

Announced back in January 2020, work was delayed due to the COVID-19 pandemic and the re-casting of Harold after Michael B. Jordan was forced to step down due to scheduling conflicts.

 

Providing a better idea of the mystery to come, 20th Century Studios has released the latest Amsterdam trailer.
“We need to clear our names,” states Bale’s character Burt after he and his friends find themselves placed at the scene of a murder of someone killed over “something that he had seen.”

 

Check out the trailer: https://www.youtube.com/watch?v=sUE7mUK2LVc

 

As well as giving a taste of its humor, the Amsterdam trailer does well to introducing the characters played by the star-studded cast, some of whom include of De Niro, Mike Myers, Taylor Swift, Michael Shannon, Chris Rock, Anya Taylor-Joy, Rami Malek, Timothy Olyphant and Zoe Saldana. De Niro and Bale have a long history with Russell going back to The Fighter.

 

Debuting its first trailer in July, the largely secretive film revealed that much of its plot “actually happened” while injecting some exciting fictional twists, which audiences can look forward to discovering when Amsterdam hits theaters on October 7.

 

***

 

THE abandoned Pooh and Piglet go on a murder spree in this upcoming film.

 

Just months after the original Winnie the Pooh and its accompanying characters were moved to the public domain, a movie announcement was made revealing that a slasher based on its characters is already in production.

 

Winnie The Pooh: Blood and Honey turns the iconic yellow bear and its pal, Piglet, into bloodthirsty murderers on a killing spree. The first trailer has been recently released, and it already gives us a first glance at the gore it has in store for slasher fans out there.

 

Watch the trailer for Winnie The Pooh: Blood and Honey: https://www.youtube.com/watch?v=W3E74j_xFtg
The film takes a group of teens to a twisted version of the 100 Acre Wood. What awaits them are two deranged creatures– Pooh and Piglet– who are out for blood after their best friend, Christopher Robin, abandoned them.
Written and directed by Rhys Frake-Waterfield, the film stars Craig David Dowsett, Nikolai Leon, Amber Doig-Thorne, Danielle Scott, and Maria Taylor.

 

The film’s release date has yet to be announced.

(ROHN ROMULO)

P66.2M cash benefit para sa centenarians, walang pondo sa ilalim ng 2023 proposed budget — Tulfo

Posted on: September 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pondo na mahuhugot para sa P66.2 million budget para sa cash benefit ng 662 milyong  Filipinong centenarians sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.

 

 

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa isinagawang  House appropriations panel hearing ukol sa panukalang P194 billion budget ng DSWD para sa 2023, hindi pinagbigyan ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang request  para sa pondo ng Centenarians Act na magbibigay sana ng  P100,000 cash sa mga Filipino na nakaabot sa edad na 100 pataas.

 

 

Ang iba pang unfunded items sa ilalim ng DSWD ay  ang P25 billion budget para sa implementasyon ng P500 social pension hike para sa indigent senior citizens at maging ang P2.5 billion para sa supplementary feeding program para sa hot meals ng 1.7 milyong kabataan at gatas naman para sa  157,968 kabataan.

 

 

Hinikayat naman ni Albay Representative Edcel Lagman, may-akda ng Filipino Centenarians law, ang DSWD na gumawa ng agarang aksyon lalo pa’t ang mga benepisaryo ay nasa “twilight” o takipsilim na ng kanilang buhay.

 

 

“Why are they waitlisted? They should not be waitlisted because by the time the benefits they are looking for are available, they may not be here with us anymore,” ani Lagman.

 

 

“You should not wait for the enactment of the 2023 budget in order to fund the required P66.2 million. You should check with a contingent fund,” ayon sa Kongresista.

 

 

Sa ilalim ng panukalang P5.2 trillion budget for 2023, “the contingent fund is valued at P13 billion. It covers the funding requirements of new or urgent activities or projects of national government agencies, local government units and government owned and controlled corporations that need to be implemented or paid during the year.”

 

 

Sinang-ayunan naman ni Tulfo ang pahayag ni Lagman na “urgent” ang pagpopondo sa Centenarians law, at maging ang itaas ang social pension, umapela naman ito sa Kongreso na maglaan ng pondo para sa mga ito.

 

 

“When I came in two months ago, a grandmother aged 103 years old came to my office to get the benefit. Mabuti nga buhay pa si Lola, naibigay namin agad iyong P100,000 at baka hindi na niya mabalikan,” ayon kay Tulfo.

 

 

“We submitted a request to the DBM which they did not grant. They are informed that there are 662 Filipino centenarians waiting. Kaya iyong social pension saka iyong sa centenarians, sana po mapondohan [ninyo] kasi baka hindi na nila abutin. Kaya sana maibigay po natin ito at mapagbigyan ninyo, Madam Chair,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Maliban sa unfunded programs para sa mga lolo’t lola at mga kabataan, umapela pa rin si Tulfo sa Kongreso na itaas ang budget ng DSWD para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations na  P19 billion o P20 billion mababa sa naging request ng departamento.

 

 

Gayundin, nananawagan si Tulfo ng suporta para sa karagdagang pondo para itaas ang bilang ng mga regular workers na pumapalo lamang sa 3,000  mula sa 16,000 staff.

 

 

“We are really the first agency to see the picture when the smoke cleared after the pandemic. We really saw how our people have been,” dagdag na pahayag ni Tulfo. (Daris Jose)