SINIMULAN na ng National Privacy Commission (NPC) ang imbestigasyon sa lumalalang text scams na naglalaman na ngayon ng pangalan ng subscriber.
Sa isang kalatas, sinabi ni NPC Commissioner John Henry Naga na mahigpit na minomonitor ng kanilang ahensiya ang “the proliferation of unsolicited text messages,” tiniyak sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang NPC sa mga key stakeholders para labanan ang nasabing fraudulent activity.
Bukod pa rito, nakipagpulong na aniya sila sa telco players kung saan nangako aniya ang mga ito na paiigtingin ang kakayahan kabilang na ang technological at security safeguards, kontra scammers.
“We are also in coordination with the National Telecommunications Commission (NTC) to share information and conduct concerted actions to the full extent of our respective mandates,” ani Naga.
Bilang bahagi pa rin aniya ng ‘awareness initiatives’ ng ahensiya, magkakaroon aniya ng public webinar sa susunod na linggo, Setyembre 7 kung saan tatalakayin ang panganib at pinsala kapag natanggap ang text messages, at maging ang “best practices” para protektahan ang users.
Nauna rito, dahil sa mas nagiging creative ang mga text scammer ngayon ay kaagad na inatasan ng NTC ang mga telecommunications company sa bansa na magsagawa ng text blast para balaan ang publiko.
Ilan sa mga ito ay mga text message patungkol sa pekeng trabaho, lucky winner, at iba pang money scams.
At ang pinakabago ay ang personalized na mga text scam kung saan nakalagay mismo ang pangalan ng recipient.
Kaya naman si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan ang telcos kabilang ang DITO Telecom, Globe at Smart na simula August 31 hanggang September 6 dapat magpadala ng text blast ang mga ito sa kanilang subscribers.
Partikular na nakalagay rito ang mensahe na “Huwag pong maniwala sa text na naglalaman ng inyong pangalan at nang-aalok ng trabaho, pabuya o pera, ito po ay scam”.
Nakasaad pa sa kautusan ni Cordoba ang pag-block sa SIM cards na ginagamit sa mga scam.
Inatasan din ang lahat ng regional directors at mga officer-in-charge ng NTC na palawakin ang information campaign laban sa mga bagong variant ng scam gaya ng pekeng trabaho at iba pa.
IBINAHAGI ng bagong talagang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Noli Eala ang mga programa niya para sa nasabing ahensiya.
ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).
NAGBANTA ang farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng mula P3 hanggang P4 sa susunod na buwan ng Oktubre.
KINANSELA ng Badminton World Federation (BWF) ang kanilang nalalapit na Hong Kong Open tournament dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
FRANCIS Ford Coppola’s new movie, Megalopolis, adds Shia LaBeouf to its star-studded cast amidst several controversies surrounding the actor. Coppola, the legendary writer/director behind The Godfather trilogy and Apocalypse Now, is widely regarded as one of the greatest filmmakers of all time.
AWTOMATIKONG suspendido na agad ang klase sa lahat ng antas sa basic education, online at in-person sa lahat ng mga lugar na mayroong deklarasyon ng “typhoon, flood o rainfall warning” na ipinalabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal.
ANG ganda naman ng balita na ang movie ni Superstar Nora Aunor titled ‘Kontrabida’ ay in competition this November sa isang prestigious film festival.
NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkakaroon ng pantay na sahod ang mga nurse sa pampubliko at pribadong ospital.