DAAN-DAANG libong mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo ang dumalo sa kanyang mga people’s rally sa Laguna, Cavite, at Batangas nitong mga nakaraang araw patunay na napakalakas ng kanyang kampanya pagka-Pangulo ilang araw bago ang May 9 national elections.
Ang lahat ng mga tao – kasama ang mga naglalakihang artista ay nanindigan na hindi sila bayad para dumalo sa mga rally. Sa katunayan, ang kanilang mga kongresista at iba pang local leaders ay nanguna rin sa pag-endorso kay Robredo bilang susunod na Pangulo ng bansa.
Ayon mismo sa Commission on Elections (Comelec), ang Region 4-A Calabarzon – Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon – ay ang rehiyon na may pinakamaraming nakarehistrong botante. Sa datos ng Comelec, mayroon 9,193,096 na botante sa Calabarzon.
Si Congresswoman Sol Aragones ng ikatlong distrito ng Laguna, inanunsyo ang kanyang suporta para kay Robredo noong grand rally sa Sta. Rosa noong April 29.
Higit sa 225,000 katao ang dumalo sa “Tanglaw Laguna Rally”, isa sa mga pinakamalaking people’s rally ni Robredo.
Si Congressman Dan Fernandez ng unang distrito ng Laguna ay umakyat din ng entablado para iendorso si Robredo sa harap ng daan-daan niyang mga kababayan.
Dumalo rin sa people’s rally sina dating Laguna governor Joey Lina, dating San Pedro Mayor Calix Cataquiz, kumakandidato pagka-San Pablo City mayor na si Amante, at dating former Rizal Mayor Rolen Urriquia.
Sa Cavite kung saan higit sa 100,000 katao ang pumuno ng New City of Dasmariñas Football Field noong Linggo, kasama ni Robredo sa entablado sina Cavite 3rd District Congressman Alex Advincula, Cavite 4th District Congressman Pidi Barzaga, Jr., at ang kanyang misis na si Dasmariñas City Mayor Jenny Austria-Barzaga.
Mga barako naman sa Batangas ang nag-endorso kay Robredo kung saan higit sa 280,000 ang dumalo sa “Barako para kay Leni-Kiko” grand people’s rally na ginanap sa Bauan, Batangas noong April 30.Dito ay inendorso ni Batangas 2nd District Congressman Raneo “Ranie” Abu si Robredo.
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Filipino-Muslim community na hindi lamang maging modelo ng Islamic faith, kundi maging ng “goodwill and compassion for all of humanity”.
AABOT sa halagang P21 bilyong ilegal na droga ang itinurn over ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
TILA nag-retire na raw sa paggawa ng pelikula si Direk Carlitos Siguion-Reyna.
Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit na libong karagadagan slots para sa transport network vehicle service (TNVS).
ANG mga hari at reyna pa rin talaga ng Kapuso network ang unang nagpapabalik ng face-to-face presscon ng GMA Networks.
NAGING madamdamin nga at speech ni Megastar Sharon Cuneta sa naganap na peoples rally nina Sen. Kiko Pangilinan, at Vice-President Leni Robredo sa Sta. Rosa, Laguna.
OPISYAL na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.
TULUYAN nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang E-sabong kasunod ng reKOmendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año.